KABANATA I
Ang Suliranin at ang Pinagsimulan Nito
Panimula
Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing
pagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas sa ating mga kwentong
bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan
at sinaunang dula. Ayon sa mga mananakop na dayuhan, ang ating mga
ninuno ay mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng kasiyahan at
nagtatampok sa kalinangan at kultura ng ating lahi. Ang mga ito ay
gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punungkahoy
bilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulis
na kahoy, bato o bakal.
Ibat' iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa
panitikan. Ayon kay Arrogante (1983), ito ay talaan ng buhay sapagkat
dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.
Samantala, ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang
lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay
bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga
ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang
kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y
magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina
ng porma at istruktura. Sa isang banda, maituturing ang panitikan na
isang kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang
panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang
ating mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at
pandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-iisip at maging
sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating
nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa
pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating
katawan, diwa at damdamin (Villafuerte, 2000). Ang panitikan ay buhay
na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat
nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa
sangkatauhan.
Kaugnay ng pag-aaral ng panitikan ay ang pagsusuri ng mga akdang
bahagi ng panitikan tulad ng tula, dula, katha, maikling kwento at mga
nobela. Ang nobela at katha ang nais bigyang diin ng tesis na ito,
sapagkat ang nobela ay kakaiba sa ibang mga uring naisulat na, dahil
ito ay higit na mahaba, kawing-kawing ang mga pangyayari at higit na
marami ang mga tauhan, gayundin naman ang mga katha dahil sa ito ay
kalibang-libang dahil maikli lamang ito.
Sa tesis na ito ay makikita ang maigting pagsusuri ng ilang piling
nobela at katha ni Edgardo M. Reyes, isang manunulat ng maikling
kuwento at nobela na may sariling tatak sa pagsusulat. Bukod pa dito
ipaparating ng tesis na ito sa ibang mag-aaral na may asignaturang
Filipino, ang mga aral, mensahe at implikasyon ng mga nobela ni E.M
Reyes.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na matuto ang mga
mag-aaral na gumamit ng proseso sa masusing pagsusuri sa ilang piling
nobela at katha.
Ang tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay upang makalikom ng mga
kasagutan sa mga sumusunod na suliranin.
1. Anu-ano ang mga kahalagahang moral at panlipunan na makukuha sa mga
nobela at katha ni Edgardo M. Reyes?
2. Anu-ano ang mga katangian ng mga piling nobela at katha sa pag-aaral
na ito ayon sa mga sumusunod:
2.1 Mensaheng hatid ng mga nobela at katha sa mga mambabasa at
implikasyon ng mga mensahe sa pamumuhay ng mga Pilipino;
2.2 Naging pape! ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ng mensahe ng
nobela,at
2.3 Bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa?
Inaasahang Katugunan sa mga Suliranin
Ang mga inaasahang katugunan para sa mga nabanggit na suliranin ay
pinagsikapang saliksikin upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito.
Nawa'y ang mga nobe!a at kathang pinag-aralan dito ay magiging
malaking tulong sa mga mag-aaral at maging sa mga guro upang makamit
ang mga katugunan na isinasaad sa paradim o batayang teoriya at maging
gabay nila sa kasalukuyang pamumuhay. Bunga ng layang ibinigay ng mga
Amerikano sa mga Pilipino, isinilang ang pahayagan. Sa mga pahayagang
ito inilimbag ang maraming nobela at mga katha na, naging bahagi na ng
ating lipunan. Ito ay may layuning lumibang, magturo o magbigay kaya ng
isang aral. Gayundin ang mapagyaman ang ating karanasan sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga pangyayaring tumutugon sa karanasan ng tao,
gumigising sa diwa at damdamin at nanawagan sa talino at guni-guni.
Mula sa mga nasulat natinag ang panlipunan at kasaysayang kahalagahan.
Mga Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang panitikan ay may malaking kaugnayan sa kasaysayan. Kung sa
kasaysayan ay nasasabi ang tiyak na panahon at pangyayari, ang
panitikan naman ay naglalarawan ng buhay, kultura, tradisyon,
kaugalian, at karanasan. Nagpapahayag ang panitikan ng damdamin ng
bawat indibidwal, gaya ng pag-ibig, kabiguan, tagumpay, lungkot, tuwa,
at marami pang mukha ng buhay na inilalarawan ng bawat panitik.
Pinapaksa ng panitikan ang ating pinagmulan kung kaya't ito ay
tinaguriang salamin ng buhay. Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang
lahi, ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa sa bawat panahong
kanyang dinaanan at pagdadaanan pa. Ang kahalagahan ng tesis na ito ay
ang pag-unawa sa uri ng panitikan sa bawat lahi o lalawigan matapos
maibalangkas ang pinanggagalingan at malaman kung ano ang naging buhay
at kung paano sila namuhay. Gayundin ang pag-unawa sa dalang
impluwensiya sa lipunan, relihiyon, edukasyon at kultura na maaaring
isinasabuhay pa natin hanggang sa kasalukuyan.
Isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri ng
kasaysayang pampanitikan ng isang lahi o mga lahi, ang matunghayan ang
mga makahulugang pangyayari sa tiyak na panahong sinusuri o nabasa
upang mapag-ugnay sa isipan ang mga pampanitikan at pangkasaysayan na
tunay sa ganitong lohika ay magiging malinaw sa mga mag-aaral o mga
mambabasa ang bawat pinag-ugat ng hilig, takbo, at uri ng mga nobela o
akdang pampanitikang tinatalakay.
Saklaw ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri at pagbibigay haiaga sa
ilang piling nobela at katha ni Edgardo M. Reyes. Ang mga nobelang
pinili sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:
A. Mga Nobela
Laro sa Baga
Sa Kagubatan ng Lunsod
Sa mga Kuko ng Liwanag
B. Mga Katha
Ang Gilingang Bato
Di-Maabot ng Kawalang Malay
Emmanuel
Lugmok na ang Nayon
Ang mga nobelang ito ay galing sa Koleksyon ni Edgardo M. Reyes na
nalathala sa aklat na may pamagat na "Pagsusuri at Pagbubuod ng mga
Nobela, (Villafuerte, 2000). Ang mga katha naman ay nalathala sa aklat
na "Mga Agos Sa Disyerto", Ikatlong Edisyon (Abueg, et.al 1993).
Gayunman, hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang paggamit ng istatistika
sapagka't ang layunin ng pag-aaral ay suriin ang mga nobela at katha
ayon sa kahalagahang moral at panlipunan, mensahe at implikasyon sa
pamumuhay ng mga Pilipino, papel ng mga tauhan sa paghahatid ng
mensahe, at bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Mga Kinalabasan ng Proseso
A. Mga Nobela
· Laro sa Baga
· Sa Kagubatan ng Lunsod
· Sa mga Kuko ng Liwanag
B. Mga Katha
· Ang Gilingang Bato
· Di-Maabot ng Kawalang malay
· Emmanuel
· Lugmok na ang Nayon
Mga Nobela at Katha
Proseso
BATAYANG TEORIYA
· Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
· Mensahe at Implikasyon Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Pilipino
· Papel ng mga Tauhan sa paghahatid ng mensahe
· Bisa sa Isip at damdamin ng mga mambabasa
Pasuri at
Palarawang
Pagsusuri
Ang Batayang Teoriya ng Pagsusuri sa mga Piling Nobela at Katha ni
Edgardo M. Reyes
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pasuri at palarawang pagsusuri upang
higit na maipaliwanag ang mga kahalagahang pangmoral at panlipunan ng
mga nobela at kathang ginamit. Ang mga mensahe at implikasyon nito sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ay binigyang diin sa pagsusuring
ginawa upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang kahalagahan ng
nobela at katha. Ang mga mensaheng hatid ng bawat nobela at katha ay
may mga bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Sa bawa't kuwento o nobela ay may malaking papel na ginagampanan ang
mga tauhan sa paghahatid ng mga mensahe o kaisipan. Sa mga nobela at
kathang ito ni Edgardo M. Reyes ay tinalakay din ang mga naging papel o
"role" lalo na nang mga pangunahing tauhan, sapagkat sa kanila
nakasalalay ang buhay ng nobela at katha . Hindi rin kinaligtaan ang
estilo ng manunulat sa paghahabi o pagsulat ng bawat kabanata sa
kanyang mga nobela at katha. Sa pamamagitan ng pag-analisa sa estilo ay
malalaman natin ang lalim ng ambag nito sa ating Panitikang Pilipino.
Katuturan ng mga Katawagan
Epiko May kahabaang salaysay na patula sa mga kabayanihang
nagawa na kadalasan ay may uring angat sa kalikasan.
Kabanata Bawat isa sa mga yugto o bahagi ng nilalaman ng alinmang
aklat, ayon sa pagkakabukud-bukod ng mga isipan o mga pangyayaring
isinalaysay.
Kaisipan Ideya; kuru-kuro; palagay; pag-iisip
Katha Maikling kathang pampanitikan na may isang tema
lamang; payak ang paksa at kakaunti lamang ang mga tauhan na gumagalaw
sa katha. May layunin itong libangin ang mga mambabasa.
Manunulat Sinumang sanay at dalubbhasa sa pagsulat ng mga artikulo,
kuwento, nobela, tula at iba pa.
Mensahe Aral na gustong ipaabot ng manunulat sa mambabasa.
Nobela Mahabang kathang pampanitikan naglalahad ng isang
kawil ng mga pangyayaring pinaghabi-habi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalaban ng
hangarin ng bayani sa isang dako at ang hangarin naman ng kanyang mga
katunggali sa kabila.
Pagsusuri Opisyal na pagsisiyasat at pagpapatunay sa mga tala.
Teorya Makatuwirang pagpapaliwanag sa anumang palagay.
Yugto Dibisyon o bahagi ng isang nobela, bahagi ng isang
serye. Saglit na pagtigil o paghinto.
KABANATA II
Mga Akdang may Kaugnayan sa Kasalukuyang Pag-aaral
Ang mga sumusunod na mga artikulo at mga sulatin ay pawang may
kaugnayan sa pag-aaral na ito, na lahat ay nauukol sa mga nobelang
isinulat ni Edgardo M. Reyes.
Deskripsyon ng Nobela
Kung ibig mong makabasa ng isang akdang maituturing mong masalimuot
dahil sa tuwirang tumatalakay sa buhay ng tao, sa mga
pakikipagsapalaran, sa mga nakakatawang pangyayari, sa paghubog ng
pagkatao, sa mga nakakabagabag na pangyayari sa isang bansa at iba pang
mga bagay na may nakatutuwang paksa, ay bumasa ka ng nobela. (Devesa,
1982)
Tinatawag na isang kathang pampanitikan na binubuo ng maraming
pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay-ugnay. Ang pangyayari rito ay
may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan upang mabuo ang isang matibay
at kawili-wiling mga pangyayari ng isang nobela.
Tinatawag ding kathang buhay, ang nobela sapagkat ito ay naglalahad ng
maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing
tauhan at iba pang mga katulong na tauhan at ang buong pangyayari ay
sumasaklaw nang higit na mahabang panahon.
Ayon kay Rufino Alejandro (Perez, 1991),
" Ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling
pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas,na
ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalaban ng hangarinng bayani
sa isang dako at ng hangarin ng kanyang katunggali sa kabila. Ang mga
katunggali niya ay maaaring mga tao ring katulad niya o kaya ay mga
kasalungat na pangyayari, kabilang diyan ang sarili niyang pag-uugali
at pagkatao. Tumutugon ito sa karanasan ng tao at matapat na
nanghahawak sa buhay, gumagamit ng guniguni datapwat hindi napatatangay
dito, gumigising sa diwa at damdamin, at nananawagan sa ating talino
gayundin sa ating imahinasyon. Katangian ng tao ang pinagkukunan ng
paksa ng isang nobela. Ito ay naglalarawan din ng pagkatao bukod pa sa
paglinang ng isang balangkas na mga pangyayari."
Ayon naman kay Tiangco et.al, (1976 & 1981), ang nobela ay naglalahad
ng isang kawil ng kawili-wiling pangyayari na pinaghabi-habi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas. Ang binibigyang diin ay ang pagtutunggali
ng hangarin ng bayani sa isang dako at sa hangarin ng kanyang mga
kalaban sa kabilang dako. Ang katunggali ng pagunahing tauhan ay
maaaring ibang tao o kaya'y mga salungat na pangyayari o ang sarili
niyang pag-uugali at pagkatao.
Ang isa pang deskripsyon ng nobela ay mula naman sa panulat ni Casanova
(1984). Ayon sa kanya ang nobela ay isang mahabang pagkukuwento na may
kabanata, laging itutuloy at may karugtong. Hango ito sa talagang
pangyayari sa buhay ng tao. Tumatalakay din ito ng mahabang panahon at
maraming tauhan ang nagsisiganap.
Sa isang aklat na isinulat ni Mag-atas et.al, (1994) ang nobela ay
tinatawag ding mahabang kasaysayang tuluyan sa panahon ng kastila. Ang
sabi naman ni Roman Reyes (1908), ang nobela ay naglalarawan ng
sariling pag-uugali, mga kilos, at damdaming katutubo ng bayang
pinaghanguan ng matiyagang sumulat. At hindi lamang ganyan, kundi
gumagamot din naman sa maraming sakit sa pag-uugali, rnaling paniniwala
at masasagwang kilos na nagpapapusyaw sa dapat na magningning ng
kapurihan ng tao kung kaya nabubuhay.
Ayon kay Faustino Aguilar (Mag-atas et.al, 1994), ang salitang
"nobela", na hiram natin sa kastila ay hiram sa Italyanong "novella" na
ang ibig sabihin ay isang katha na nagsasalaysay ng anumang bagay na sa
kabila o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangyayari. Ito ay
isinulat sa isang paraang kaaliw-aliw at kakikitaan ng ugali ng mga
taong pinagagalaw ng mga pangyayari.
Kasaysayan ng Nobelang Pilipino
Pinakaugat ng nobela (Mag-atas et.al, 1994)
Marami ang nagsasabi na ang pinakaugat ng nobelang Pilipino ay ang
epiko. Ito ay mahabang salaysay na tungkol sa kabayanihan ng bida, kung
minsan ay hango sa mga karaniwang pangyayari ngunit ang bida ay may di
pangkaraniwang lakas, may engkanto. Patula ang mga epiko at sa
kasalukuyan ay mahirap nang makatagpo ng taong nakakasaulo ng kanilang
mga epiko, bagamat sa ating mga tribo ay may mangilan-ngilan pa ring
nakakatanda ng ilang bahagi nito (hindi na ang kabuuan) sapagkat ang
daloy ng kabihasnan ay sumapit na sa kanilang pook.
Kabilang sa mga epiko ang Hudhod at Alim ng Ipugaw, ang Darangan ng
Muslim, ang Ibalon ng Bikol, at iba pa. Sayang at ang epiko ng Tagalog
ay hindi napangalagaan, dahil sa pagsapit ng kabihasnan buhat sa ibang
bayan ay nawala ang katibayan ng pagkakaroon nila ng sariling epiko.
Gayunman, sinasabing Kumintang ang tawag sa epiko ng mga Tagalog.
Noong panahon na ng mga Kastila ang akda ni Antonio de Borja na Barlaan
at Josaphat (1709) ang tinuturing na "Juan Bautista" ng Nobelang
Tagalog. Tagapagbalita lamang ito ng tunay na nobelang Tagalog sapagkat
ito ay salin lamang buhat sa wikang Griyego ni Juan Damasceno. Ang
buong pamagat ay Aral na Tunay Na Totoong Pag Acay sa Tauo, Ng Manga
Cabana lang Gaua Nang Manga Maloalhating Santo Na Si Barlaan Ni
Josaphat.
Ito ay tungkol kay Josaphat na kahit na iniiwas na ng amang si Abenir
ng India sa pagiging katoliko, ang kagustuhan din ng Maykapal ang
nasunod sapagkat si Barlaan, isang pari, ang naatasan ng Panginoon
upang gawing Kristiyano si Josaphat. Sa wakas, pati na si Abenir ay
naging kristiyano.
Ang isa pang pinag-ugatan ng nobela ay ang Tandang Basiong Macunat
(1885) na tinaguriang akda sa loob ng isang akda, ni Miguel Lucio
Bustamante.Dito ay inilalahad na hindi nararapat pag-aralin ang anak sa
Maynila sapagkat nabubuyo ito sa masamang bisyo at hindi nakakatapos ng
pag-aaral.
Matatawag ding pinag-ugatan ng nobela ang Pasyon, tulad ng Martir sa
Golgota na salin ni Juan Evangelista. May salin din si Joaquin Tuazon
ng orihinal na Kastila ni Tomas Iriarte (1879-80) ng Bagong Robinson.
May ibang mga salin at halaw ngunit hindi ito gaanong kilalang
babasahin at marahil ay wala naming makikitang patunay sa kasalukuyan.
Ang mga komedya at moro-moro ay mga baytang din tungo sa pagkakaroon ng
nobelang Tagalog. Hindi rin dapat kalimutan ang palitan ng liham na
Urbana at Fetisa ni Modesto de Castro, tinaguriang "Ama ng Tuluyan", na
kinapapalooban ng pagtuturo ng kagandahang asal.
Bagamat nakasulat sa wikang Kastila ang Ninay ni Pedro Paterno,
nakatulong din ito sa pag-unlad ng nobela, at naging batayan pa marahii
ni Rizal sa kanyang nobela sa punto ng katauhan ng mga gumagalaw sa
nobela.
Ang realismo naman sa mga nobela ay matatagpuan sa mga akda ni Jose
Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na bagamat sa wikang
Kastila rin nasulat ay nagsilbing huwaran at inspirasyon ng mga
mambabasa na masasabing nagtataglay ng tatlong bisang kinakailangang
dapat taglayin ng isang nobela. Ang panahong ito ay nasa panahon na ng
tinatawag na Propaganda at Himagsikan. Si Apolinario Mabini ay may
nobela rin tulad ng El Desarollo y Caisa de la Repubiica Filipinas,
lamang ito ay tungkol sa rebolusyon at sa wikang Kastila rin.
Panahon ng Nobela
Ang masasabing tunay na panahon ng mga nobelang Pilipino ay nagsimula
noong 1900, batay nga sa mga pag-aaral at pagpapangkat-pangkat, nahati
ito sa apat na panahon (Mag-atas et. Al,1994).
Unang Panahon
1900-1920 - Klasikal na Rebolusyunaryo
Napapaloob dito ang mga nobelang may binhi ng sosyalismo na akda nina
Lope K. Santos (Banaag at Sikat, 1906) at Faustino Aguilar
(Pinaglahuan, 1907). Narito rin ang mga haiimbawa ng impluwensya ng
klasiko, malawak na aral-Kastila at mga laban sa prayle. Masigasig ang
mga manunulat na makapagsulat ng nobela nang panahong ito.
Kabilang sa mga manunulat noong panahong ito sina Valeriano H. Peña
(Nena at Neneng, 1904, nalathala sa pahayagang Muling Pagsilang);
Francisco Lacsamana {Anino ng kahapon); Roman Reyes (Bulaklak ng
Calumpang, 1970); lnigo Ed. Regalado (Kung Magmahal ng Da/aga/1913) na
siyang taga panguna ng mga nobelang romantiko sa kanyang May pusong
Walang Pag-ibig; Engracio Valmonte (Ang Mestisa); Pascual Poblete,
Patricio Mariano.
Masasabing si Lope K. Santos ang nagsimula ng paglalathala nang
yugtu-yugtong kabanata ng mga nobela sa pahayagang "Ang
Kaliwanagan", pagkatapos naman ay "Ang Kapatid ng Bayan", sa
kanyang "Salawahang Pag-ibig".
Ikalawang Panahon
1921-1944 - Romantiko-Sentimental
Sa panahong ito namayani ang mga nobelang nauukol sa pag-ibig at
sentimentalismo kaya't sa mga sinehan ay dinudumog ng mga tao ang mga
may iyakang palabas. Sa panahong ito masasabing naiiba ang landasin ni
Lazaro Francisco sapagkat may kamalayang panlipunan ang kanyang mga
akda.
Kabilang sa mga manunulat dito sina Fausto Galauran, Nieves Baens-del
Rosario, Jose Esperanza Cruz, Garvacio Santiago, (sentimental na
mistisismo), Florentine Collantes, Servanto de los Angeles, Teofilo
Sauco, atbp.
Ikatlong Panahon
1945-1960 - Realistiko-NaturaIistiko
Sa panahong ito, malawak na ang naging impluwensya ng mga dayuhan, ng
mga Amerikano, ng mga Ingles, ng mga Kastila, ng mga Pranses at iba pa.
Kabilang sa mga manunulat ng panahong ito si Agustin Fabian na siyang
kinikilalang tagapanguna ng panahong ito sapagkat naiiba ang istilo ng
kanyang nobela. Mapapatunayan ito sa kanyang Timawa at Maria Mercedes.
Isa pa si Amado V. Hernandez na naglahad ng mga realistikong ugnayan ng
matataas at maliliit sa kanyang Luha ng Buwaya at Mga Ibong Mandaragit.
Nariyan din Alejandro Abadilla na naglaiarawan ng sex sa kanilang
nobela ni Capulong na Pagkamulat ni Magdalen at si Andres
Cristobal-Cruz, Liwayway Arceo na modernong realistiko at iba pa.
Sa oryentasyon naturalismo natagpuan ang katayuang panlipunan na
mapagsamantala, maralita at marahas.
Ikaapat na Panahon
1961 - Proletaryat - Realistiko
Kabilang sa unang panahon nito ang mga manunulat na may kamalayang
panlipunang sina Edgardo Reyes, Efren Abueg, Rogelio Mangahas, Rogelio
Sikat, at iba pa.
Masasabing may pangalawang panahon ito sapagkat sa kasalukuyan, ang
realismong ipinakikita sa mga nobela ay iyong mga buhay-buhay ng mga
nasa mababang antas ng lipunan, ang kanilang pakikipagsapalaran at ang
kanilang tagumpay. Iba ang pagkarealistiko rito sapagkat ipinakikita na
ang nasa
putik ay maaaring mahango.
Sa rebolusyunaryong realismo na pagsasadula ng tunggaliang makauri,
optimista ang tono, may pananalig sa pagtatagumpay ng masa.
Ang ibang manunulat ay nagbago rin ng tema nila dahil sa pagbabago ng
lipunang kanilang ginagalawan.
Mga Uri ng Nobela
Ang nobela ay may iba't ibang uri upang hindi magsawa ang mga tao sa
pagbasa ng ganitong uri ng katha.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Mag-atas et.al, (1994) may nobelang
historikal, ito ay isang uri ng nobelang tradisyonal na binubuo ng mga
akdang hango sa mga pangyayaring naghanap sa kasaysayan. Pinapaksa ng
mga manunulat ang mga palasak na paniniwala.
Ang nobelang realistiko naman ay ukol sa mga kaisipang hango sa isang
partikular na paniniwala. Himig protesta ay nangingibabaw sa mga akdang
realistiko. Ito ay nagtutuon ng pansin sa mga umiiral na kalagayan,
pagpuna at paglaban sa mga maling aspekto ng lipunan.
Ang ibang uri ng nobela ay ang nobela ng pangyayari - Ito ay nagbibigay
diin sa mga pangyayari o kwento. Nandyan din ang nobelang tauhan - ito
ay nagbibigay pansin sa pangunahing mga layunin at pangangailangan ng
mga tauhan.
Pag-iibigan at romansa ang binibigyang dim sa nobela ng romansa. Ang
nobela ng kasaysayan ay nagkukuwento ng tungkol sa mga pangyayaring may
kaugnayan sa kasaysayan ng bayan at nagbibigay-diin ito sa mga nagwang
kabayanihan ng kinikitalang mga bayani ng ating lahi bilang tanda ng
kanilang pagtatanggol at pagmamahal sa bansa.
Mga Sangkap ng Nobela, Tradisyon, at Bisa
May tatlong sangkap ang mahusay na nobela. Ito ay ang kuwento o
kasaysayan, ang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng
sangkatauhan at ang paggamit ng malikhaing guni-guni (Perez, 1991)
Ayon pa rin kay Perez (1991), bagamat ang pangunahing layunin ng nobela
ay lumibang maaari rinitong magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa
pamumuhay o sa lipunan o magbigay-aral sa di tahasang paraan maitataas
din nito ang panlasa ng mga mambabasa. Mainam ang nobela kung naipadama
sa mambabasa na mayroon pala siyang natatagong kaisipang hindi niya
alam na mayroon pala siya.
May tatlong bisang tinataglay ang nobela ayon kay Guaman (1989). Ito ay
bisa sa isip na nangangahulugan ito na sa pagbabasa ng nobela ay
madaragdagan ang kaalaman ng mambabasa. Ang bisa sa damdamin naman ay
nakakapukaw ng damdamin o emosyon. Ang pagtuturo ng mabuti o
nakahuhubog tungo sa kabutihan ay ang bisa sa asal.
Mga Tradisyong Matatagpuan sa Nobela
May mga tradisyong matatagpuan sa mga nobela at sa masusing pagbabasa
at pagpapahalaga ng mambabasa. Ayon kay Mag-atas et.al (1994) isa sa
mga ito ang tradisyong katutubo na kasasalaminan ng katutubong
kaugaliang Pilipino. Ang mga diyoses at diyosa na tulad nina, Jupiter,
Venus, Juno ay mga tradisyong klasiko naman. Sa tradisyong
pangrelihiyon ay ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos, ang
pagmimilagro at tungkol sa kagandahang-asa! tulad ng nasa Urbana at
Felisa.
Ang tradisyong Romantisismo ay nagsimula sa Europa nang magkaroon ng
himagsikan sa Pransya. Ang lungkot at kaligayahan, tulad din ng
pantasya ay iniialarawan sa mga awit at korido. Noong ika-19 na siglo
naging industriyalisado ang mga bayan, nakapukaw ang pagpapahalaga sa
demokrasya at nasyonalismo. Mababasa ito sa mga nobela ni Dr. Jose P.
Rizal na Noli MeTangere at El Filibusterismo.
Ang mga Estiio sa Pagsulat ng Nobela
May ilang dahilan kung bakit hindi higit na sumikat ang maikling
kuwento kaysa ang nobelang tagalog. Una ay ang mabilis na takbo ng
panahon kung kayat kulang na ang oras at panahon ng mambabasa sa
pagbasa ng nobela. Nandiyan rin ang kasiyahan sa pagbabasa ng maikling
kuwento na matatapos basahin sa isang upuan na di makukuha sa pagbabasa
ng nobela. At ang mahal na halaga ng nobelang isinaaklat. (Garcia,
1989)
Ngunit nalunasan ito ng mga nobelista, lalo na ng mga nasa patnugutan
ng mga pinaglalathalaang pahayagan o magasin. Inilathala nila ang mga
nobela nang kaba-kabanata, pinuputol nila ito sa bahaging
kapana-panabik. Dahil dito ang mambabasa ay bumabasa ng limitadong
nobela na kung saan ang bawat kabanata ay kasinghaba lamang ng isang
maikling kuwento. Dahil dito nakatitiyak ang mga tagasubaybay na
maitutuloy nila ang pagbabasa sa nobela.
Dahil sa pagpapalitan ng pagsulat na ito ng mga kabanata ay nawawalan
ng kaisahan ang estilo ng pagsulat ng nobela. May mga pangyayari na
napapalitan ng pangalan ang mga tauhan sa nobela.
Naging mabagal ang pag-unlad ng nobelang Tagalog bilang akdang
pampanitikan dahil sa "barkadahan" o pagsasamahan ng patnugutan at mga
ilang kasama sa labas ng patnugutan. Pinid sa mga di-kasama sa
barkadahan ang pagkakataong makapaglathala ng isang nobela.
Ang nobela noon ay karaniwan nang mga "pantakas" na akda. Iniaalis nito
ang mga mambabasa sa pangit na katotohanan at dinadala sa maganda at
kaaya-ayang daigdig ng mga guni-guni.
Halos iisa ang paksa ng mga nobela noon at may iilang pagbabago lamang
sa isa't-isa. Naroon ang tunggalian ng mayaman at mahirap na kung saan
karaniwang sa dakong huli ay yumuyuko ang kapalaluan. Kung saan na
mumutiktik sa sentementalismo at panay ang agos ng luha. At ang mga
mambabasang di nakapagbabasa ng mga nobelang banyaga ay gumagawa ng
isang sukatan: "Maganda ang kasaysayan - nakakaiyak."
Karaniwan sa mga nobela noon ang may pangyayaring pilit na
pinapagkataon upang maiuwi ang takbo ng salaysay sa ibig mangyari ng
manunulat at ng mga mambabasa. Mabulaklak ang wika ng mga nobelista
noon, walang katipiran, walang katimpian kung kaya't dahil dito naging
mahina ang katunayan at paglalarawang tauhan.
Walang tauhan ng alinmang nobelang Tagalog ang naging kahanay ng mga
tauhan ni Rizal sa Noli at Fili o ni Balagtas sa Florante. Mga tauhang
halos paulit-ulit na natutukoy sa pagpapahayag ng mga diwa't kaisipang
kaugnay o natutulad sa mga pinapel nila bilang tauhan sa akda. Ang mga
tauhang Elias, Ibarra at Simoun, Maria Clara, Donya Victorina,
Pilosopong Tasyo, Padre Damaso, Padre Salvi at iba pa ay wari bang
tunay na tao sa kasaysayan at di likha lamang ng panitikan.
ANG MAIKLING KATHA
A. Mga Simula ng Maikling Katha
Ano ang Maikling Katha? (Paredes, 1989)
Ang maikling katha o maikling kwento, gaya ng karaniwang
tawag dito, ay sangay ng salaysay (narration) na may isang kakintalan
(single impression). Ito ay may mga sariling katangian na ikinaiiba sa
mga kasamahang sangay ng salaysay at dito'y kabilang ang mga
sumusunod: (1) isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay, (2) isang
pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at kakauntian ng iba pang
mga tauhan, (3) isang mahalagang tagpo o kakauntian nito, (4) mabilis
na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ng
wakes at (5) iisang kakintalan.
Ang maikling katha ay hindi pinaikling nobela. Hindi rin
ito buod ng isang nobela o ng isang kuwento kaya.
Mga Ugat ng Kasalukuyang Maikling Katha
Ang maikling katha sa kasalukuyan na siyang pinakamaunlad na sangay ng
panitikan ngayon dito sa atin, maging sa Tagalog o sa Ingles, ay tila
mayabong na punungkahoy na may nararami't malalalim ha ugat. Kabilang
sa mga ugat na ito ang mitolohiya, alamat, kuwentong bayan, pabula,
parabula, anekdota at karaniwang kuwento.
Ang Mitolohiya
Ang mitolohiya ay katipunan ng iba't ibang paniniwala at mga kuwento
tungkol sa .mga diyos at diyosa. Gaya ng mga Romano at Griyego, tayo ay
may katipunan ng mga ganitong paniniwala at kuwento. Marahil,
nakatulong nang malaki sa bagay na ito ang pangyayaring ang ating mga
ninuno ay pagano bago dumating ang mga Kastila. Sila'y naniwala sa
maraming Diyos, sa ispiritung mabuti o masama.
Ang Alamat
Ang alamat ay kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong
bayan, at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito ang
karaniwan nang kasagutan sa mga kababalaghan o mga pangyayaring may
kaugnayan sa kalikasan na hindi maalaman sa agham. Marami tayong mga
alamat, nguni't makabuluhang pag-aaralan ang ilang naglalarawan sa
paniniwala ng ating
Ang Kuwentong Bayan
Gaya ng mga alamat, ang mga kuwentong bayan ay mga kuwentong
pasalm-salin sa bibig ng mga taong bayan. Kabilang dito ang mga
kuwentong bayan tungkol kina Mariang Makiling, Mariang Sinukuan, Juan
Tamad, Juan Tanga, Suwan, sa Bulkang Mayon, at marami pang iba. Ang mga
kuwentong bayan tungkol sa iisang paksa ay pabagu-bago sa iba't ibang
pook sapagka't nararagdagan o nababawasan habang nagpapasalin-salin sa
mga bibig. Kung ang nagkukuwento ay malilimutin, ang kuwentong bayan ay
nababawasan. Kung mayaman naman ang guniguni ng nagsasalaysay, ang
kuwento'y nararagdagan.
Ang Pabula
Ang pabula ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitang
parang tao, at ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa.
Kilalang-kilala ang mga pabula ni Esopo, na noong pa mang una ay
nakatuklas nang ang tao'y ayaw panga-ngaralan nang tuwiran, kaya,
marahil, dinaan niya ito sa tulong ng mga pabula.
Ang Parabula
Karaniwang nanggagaling sa Banal na Kasulatan, ang parabula ay
kuwentong umaakay sa tao sa tuwid na landas ng buhay. Kabilang na
marahil sa mga kinagigiliwang parabula ang mga sumusunod: "Ang Mabuting
Samaritano", "Ang Publikano at ang Pariseo", "Ang Manghahasik", at
"Ang Lagalag na Anak". Magkatulad ang layunin ng pabula at parabula,
ang magturo ng aral sa tao, bagaman magkaiba ang pamaraan.
Ang Anekdota
Maiikling kuwento ng mga tunay na karanasan ang anekdota na kung
minsa'y katuwa-tuwa, at kung minsa'y "nag-iiwan ng aral". Kadalasan
nang kawili-wiling basahin ang mga anekdota tungkol sa mga bayani, mga
dakilang tao, o mga kilalang tao. Mga halimbawa: ang tungkol sa
pagkahulog ng tainelas ni Rizal sa ilog, ang kakuriputan at pagkaseloso
ni Valeriano Hernandez Pena, ang mapagmahal na pag-iiringan ng
magkaibigan nguni't magkaagaw na siria Jose Corazon de Jesus at
Florentino T. Collantes.
Ang Karaniwang Kuwento
Kuwento ang tawag sa mga salaysay nasinulat ng mga paring Kastila upang
magbigay ng halimbawa sa kanilang mga pangaral gaya ng "Mga Buhok na
Nangungusap", at "Sa Kagalitan". At kuwento rin ang tawag sa mga
sumusunod na salaysay na lumabas sa mga pahayagan noong mga unang taon
dito ng mga Amerikano. Kabilang dito ang mga dagli ni Lope K. Santos sa
puhayagang Muling Pagsilanr!, at ng kanyang mga kapanahon sa pahayagang
Deinocracia, Taliba. at Ang Mithi,
B. Ang Simula at Pag-unlad ng Taal na Maikling Katha
Buhat sa simu-simulang nabanggit na sa mga nakaraang dahon, ang kuwento
ay unti-unting nagkaroon ng tiyak na anyo at tungkulin, hanggang sa
tanghalin sa kasalukuyan na isang sangay ng salaysay na may sarili't
di-mapag-aalinlanganang tatak at kakanyahan.
Mga Unang Hakbang sa Pag-unlad
Ang mga dagli (sketch) at mga tinatawag na kuwento ay nagsimulang
magkahugis at magkaanyo, sa tulong ng bagong kamalayan ng banghay
(plot) na naging kapansin-pansin aa kuwentong "Bunga ng Kasalanan" ni
Cirio H. Panganiban, at tinaguriang Katha ng Taong 1920. Nauna kaysa
ritong kinilalang Katha ng taon ang kuwentong "Elias" ni Rosauro
Almario (1910). Ang Lingguhang Liwayway na sinimulan noong 1922 ay
nagpasigla sa pagsulat ng mga katha. Ang mga taga "Aklatang Bayan" at
"Ilaw at Panitik", dalawang kapisanan ng mga mananagalog at manunulat
ng panahong yaon, ay nagpalabas ng kanilang mga akda sa nasabing
lingguhan. Kabilang dito ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kathang
Tagalog", si Deogracias A. Rosario, Kung paanong naghimagsik .si Jose
Corazon de Jesus sa matandang pamaraan sa tulang Tagalog, si Deogracias
A. Rosario naman ang nagpabago'sa kinamihasnang pamaraan sa maikling
kuwento. Ang kuwentong "Walang Panginoon" ni DAR ay magpapatunay nito.
K. Mga Uri ng Maikling Katha
Mahirap ang pag-uuri-uri ng ano mang bagay, at dito'y kabilang ang
maikling katha. Karaniwan nang ang mabuting banghay, ang isang malakas
at makulay na katauhan,, ang isang makabuluhang kaisipan, at iba pa, ay
sama-sama sa pagbubuo ng isang mabuting katha. Kaya't may kahirapan ang
pag-uuri sa akda kung ito'y pangkatauhan, ynakabanghay, at iba pa.
Nguni't upang mapag-aralan ng isang baguhan ang mga sangkap ng isang
maikling katha, tila kailangan ang pag-uuri-uri ng sangay na ito.
Bilang tulong sa pag-aaral ng isang baguha'y uuriin natin ang maiikling
katha sa lima: (1) Pangkatauhan - kung ang pinakamahalagang
nangingibabaw sa katha ay ang katauhan, (2) Makabanghay - kung ang
mahalaga'y ang pagkakabuo ng mga pangyayari, (3) Pangkapaligiran -
kung ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani, (4)
Pangkatutubong kulay - kung ang pamumuhay at kalakaran sa isang pook
ang binibigyang diin, at (5) Pangkaisipan - kung ang paksa, diwa o
isipan ng isang katha ang pinakamahalaga.
Maikling Kathang Pangkatauhan
Ang kathang pangkatauhan ay isa sa pinakamahalagang uri, kung hindi man
siyang pinakamahalaga, sapagka't higit na mahalaga ang katauhang iba't
iba sa bawa't tao. Ito'y maaaring sumatugatog ng kadakilaan; mamaya'y
maaari namang bumulusok sa kababaan ng kaimbihan. Maraming paraan ang
magagamit sa pagpapalitaw ng isang katauhan, kabilang na rito ang
karaniwang paraan, ang paglalarawan ng may-akda sa kanyang katauhan sa
tulong ng pag-uugali, isipan, mithiin at damdamin nito, gayon din sa
kanyang panlabas na anyo. Maaari ring lumitaw ang katauhan sa tulong ng
pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kanya. Nguni't ang
pinakamabisang paglalarawan ng katauhan ay sa pamamagitan na rin ng
tauhan; halimba-wa, sa kanyang paraan ng pagkilos at pagsasalita, at
higit sa lahat, sa kanyang reaksyon (sa kanyang gagawin o magiging
damdamin) sa isang tiyak na pangyayari.
Isang kahinaan sa marami nating maiikling katha ang paglalarawan ng
katauhan. Kung hindi napakabuti ang isang tao (na waia kahit kaunting
kahinaan o karupukan')
ito'y napakasama.
Maikling Kathang Pangkapaligiran
Pangkapaligiran ang ginagamit nating katumbas ng salitang ingles na
"atmosphere", at ito ay hindi lamang sumasakop sa mga bagay na nadarama
kundi sa damdaming namamayani sa isang katha. Ang- paligid na ginagamit
sa isang katha ay nakatutulong nang malaki sa pagbubuo ng namamayaning
damdamin gayang kakanyahan o style ng sumusulat. Ang paligid ay
kadalasan nang' nakatutulong sa paglalarawan ng katutubong
kulay,nguni't hindi dapat ipagkamali ang isa sa isa.
Maikling Kathang Pangkatutubong Kulay
Ang paligid, kaayusang panlabas, pag-uugali, mga paniniwala, mithiin,
kakanyahang pampook (idiosyncrasies) at sariling tatak ay
nagkakatuhmg-tulong sa pagbubuo ng kathang pangkatutubong kulay.
Bagaman ang mga pamantayang pandaigdig (umversality) ay kailangan sa
pagbubuo ng isang mabuting katha, ito'y higit na sumasakop sa kalamnan,
sa mga bagay na natatagpuan sa lahat ng tao ano man ang lahi kulay,
bayan o pananampalataya. Samantala, ang mga sangkap ng katutubong kulay
ay higit na pampalamuti kaysa kalamnan, nguni't mga pampalamuting
nagtatatak ng kakanyahan.
Maikling Kathang Pangkaisipan
Sa mga akdang pangkaisipan, ang pangunahing katangiang taglay ay ang
kaisipan o ang diwang makabuluhan na binibigyang diin. Ang banghay,
katauhan, at paligid ay mga sangkap na ginagamit upang mapalutang ang
kahalagahan ng diwang binibigyang diin.
Ang kaisipan o diwang ito'y hindi dapat ipagkamali sa karaniwang aral
ng karaniwang kuwento. Ang masining na maikling katha'y nag-iiwan ng
bisa sa bumabasa, sa diwa man o sa damdamin, nang hindi nangangaral.
Sapagka't ang masining na katha, gaya ng iba pang sangay ng mining, ay
hindi dapat gamiting sermon.
Ang kalaliman o kababawan ng kaisipang tinatalakayayfa nasasalig
sa sariling pilosopya ng manunulat.
D. Mga Sangkap ng Maikling Katha
Ang maikling 'katha ay gumagamit, hangga't maaari, ng kakaunting
tauhan, at kung minsan, ng iisa lamang. Ang pangunahing tauhan ay dapat
magkaroon ng balakid ohadlang, sapagka't kung wala ay walang
pagtutunggali at kung walang pagtutunggali'y walang kuwento (sa
mahigpit na pakahulugan ng kuwento o dula man.) Karaniwan nang kakaunti
ring pook, panahon at pangyayari ang ginagamit sa katha. Kung maaari,
isang maikling panahon at isang madulang pangyayari ang dapat gamitin.
| Ang lahat nang ito'y tumutulong sa pagbubuo ng iisang kakintalan
(impression) na isang katangiang dapat taglayin ng maikling katha.
Ang karamihan ng tauhan, pook, pangyayari at ang matagal na panahon ay
nagpapaligoy at nagpapasalimuot sa isang kuwento, at kadalasan ay
sumisira rito. Gaya nang nasabi na, ang pangunahing tauhan ay
binibigyan ng may-akda ng isang mahalagang suliranin na bago niya
malutas o di-malutas ay may pagtutunggaling nagwawakas sa kasukdularig
sinusundan agad ng pagtatapos ng kuwento.
E. Mga Katangian ng Maikling Kathang Pampanitikan
Ang maikling kathang pampanitikan ay naiiba sa karaniwang kuwentong
komersyal sapagka't ang una ay higit na masining at higit na mataas ang
uri. Tungkol sa sining, tunghayan natin ang sinabi ni Agoncillo sa Ang
Maikling Kuwentong Tagalog (1886-1948):
"Ang alin mang sining, upang magkahalagaat magkabisa, ay kailangang
magtaglay ng kapangyarihang lumikom at humubog sa puta-putaking
karanasan ng isang katauhan at sa pamamagitan ng damdami't pag-iisip ng
manunulat ay yumari ng kabuuang may kaisahan, may kalamnan at may anyo.
Ang sining 'ay hindi isang palamuti lamang na walang maganda kundi ang
labas; lalong hindi isang larawan lamang. Ang sining ay buhay, at ang
bisa ng alin mang sining ay matatakal sa kung hanggang saan ito
matatagpuan at nararapat bigyan ng kahulugan ayon sa pag-iisip at
damdamin ng manunulat. Ang ikinagaganda at ikinadadakila ng buhay ay
nasa pagkakaiba-iba ng anyo at kulay at pagpapakahulugan ng mga
manunulat hindi lamang sa magkakalayong panahon kundi.sa iisang
panahong kinabibilangan nila."
F. Mga Tulong sa Pagsulat ng Maikling Katha
1. Mga Dapat Tandaan sa Simula Pa
Ang maikling katha ay maikling pagsasalaysay na may layon mag-iwan ng
iisarig bisa sa tulong ng pinakamatipid na paraan. Ang kaiklian ay
makatutulong nang malaki sa pag-iiwan ng iisang kakintalan, kung
susundin ang mga dapat malaman tungkol sa pagsulat.
Bagaman nakahihigit ang kalamnan kaysa kaanyuan ng alin mang sulatin,
ang kaalaman tungkol sa kaanyuan ay nakatutulong nang malaki sa
mabisang pagpapahayag ng kalamnan. Ang wastong kaanyuan ay natututuhan
sa pag-aaral ng pamamaraan. Ang huli ay natututuhan at naaayos sa
pamamagitan ng paulit-ulit na paggamit at sa wastong pamamatnubay.
Isang mabisang paraan ang walang sawang pagbabasa ng mabubuting katha
na katatagpuan ng mahahalagang kalamnan at ng maayos na kaanyuan. Ang
isang baguha'y dapat ding magsanay sa maingat na pagmamasid sa tao at
sa buhay. Dapat niyang sanayin ang sariling mag-isip tungkol sa mga
asal at damdamin ng mga tao, sa mga bagay na nangyayari sa kanila, at
sa kanilang mga reaksyon sa mga ito.
2. Kalamnan Laban sa Kaanyuan
Ang mahalagang kalamnan na ipinaloloob sa mahusay na kaanyuan upang
malikha ang kakintalang ninanais na maiwan sa mambabasa, ay masasabing
siyang ulirang pagsasama ng dalawang sangkap na kailangang-kailangan ng
isang mabuting maikling katha. Nguni't kung ang pagtataluna'y kung alin
sa dalawa ang higit na mahalaga, marahil ang maisasagot nati'y ito: sa
tao, kailangan ang kaluluwa at katawan upang maging tao; ang kaluluwa
na walang katawan ay hindi tao, at ang katawan na walang kaluluwa ay
hindi buhay na tao. Kailangan ang pagsasama ng dalawa upang maging
buhay na tao.
3. Pagpili ng Paksa
Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang kahalagahan. - ang
mahalagang paksa ay tumutulong sa pagbubuo ng mahalagang katha. Walang
paksang masasabing ganap na orihinal na hindi pa natatalakay ng kahit
sino. Nguni't ito'y maaaring talakayin sa naiibang paraan at
katatagpuan ng style o kakanyahan ng manunulat. Ang paksa'y dapat
magtaglay ng katangiang pangdaigdig (universality) upang maging tunay
na makabuluhan - yaong hindi lamang totoo sa isang pook at sa isang
panahon kundi yaong totoo sa alin mang pook, sa ano mang lahi o bansa,
at sa ano mang panahon.
Kung mababaw ang paksa at di-mahalaga, damitan man ito ng marikit na
kaanyuan, ang kathang malilikha'y magiging kaakit-akit, nguni't hindi
makabuluhan. Ang kahalagahan o di-kahalagahan ng paksa ay siyang
pinagsusumundan ng angkop napamamaraan, ng damdaming namamayani sa
pagkukuwento at ng isipang makikintal sa bumabasa.
4. Ang Banghay ng Katha
Ang banghay ay siyang balangkas o pagkakatagni-tagni ng Mga
pangyayaring buhat sa simula ay mabilis sa pag-akyat sa Kasukdulan, at
buhat doon ay mabilis sa pagtungo sa wakas. Noong unang panahon ng
maiikling katha, ang masasalimuot na Banghay ay ipinalagay na
kailangan. Nguni't ngayon, ang higit na payak na banghay ay
kinagigiliwan ng manunulat at ng mam-babasa rin; kung minsan pa nga,
halos wala nang banghay ang makabagong katha. Ang isang suliranin ay
sapat na, sa halip ng kawing-kawing na suliraning kailangang kalasing
isa-isa ng manunulat bago siya matapos sa kanyang kuwento.
Bago magsimula sa pagsulat kailangang buo na sa isip ng manunulat ang
kanyang balangkas. sa ganitong paraa'y halos nakikita na niya sa
kanyang isipan ang simulang mabilis na pumapaitaas hanggang sa
kasukdulan, sa halip na humaba pa nang walang kapararakan.
Sa pagbubuo ng balangkas, kailangang isaalang-alang ng
manunulat ang mga sumusunod: ang bawa't pangyayari, kilos, usapan o
tauhan, ay dapat magpasulong sa kuwento, patungo sa kalutasan ng
suliranin, na siya ring kasukdulan na sinusundan agad ng wakes; ang
pagpapasok agad sa suliranin sa simula pa; ang pagtiyak na kailangang
may mangyari sa kuwento (kung hindi man nabigyan ng naiibang pagtingin
sa pangyayari, ay natinag o nagbago ang damdamin ng bumabasa, sa
pamamagitab ng tauhan) Sa maikling panggungusap, may nangyari: ang mga
bagay-bagay ay hindi na gaya noong simulang basahin ang akda.
ANG PAGPAPAHALAGA SA KATHA
Iba-iba ang persepsyon ng tao sa isang bagay, ideya o
konsepto. Ang maganda sa iba'y maaaring hindi maganda sa iba.
Maaaring naiibigan ng iba ang nakatatawang pelikula, ang iba naman ang
nakatatakot o madramang pelikula. Kaya iba't ibaang isinasagawa ng
mga producer upang masagutan ang mga ninanais ng iba't ibang uri ng
mamamayan. Nalalaman ninyong iba't iba ang hilig ng mga tao, iba't
iba ang mga ugali, ang mga pangarap.
Mababakas ang pagkakaiba sa ganitong pagpapahalaga sa
larangan ng pakikipagtalastasan. Mapapansin ninyong kahit na iisang
bulaklak ang nakikita ng sampung tao, iba't ibang deskripsyon ang
kanilang gagawin. Iba't iba ang bibigyang-diin sa kanilang
paglalarawan batay sa kanilang pagpapahalaga sa bagay na iyon.
Ganito rin ang katha. Ang pagpapahalaga sa mga katha ay
nakadepende sa persepsyon ng bumasa o nakakita ng isang pagtatanghal.
Maaaring makita ng magpapahalaga ang simbolismo ng katha, ang
paglarawang-tauhan, ang akatotohanang tagpuan o ang paraan o istilo ng
pagkakasulat ng katha.
Ilang Bagay na Nararapat na Isaalang-alang sa Pagpapahalaga sa Katha
1. Paglalarawang-tauhan
Mahirap tiyakin kung paano nabubuo sa isip ng isang
bumabasa ang malinaw na larawan ng tauhan. Kung minsan nama'y
lipun-lipon na ang mga salitang nagagamit ng manunulat tungkol sa
tauhan ay hindi pa rin lumilitaw ang larawan nito sa isip ng bumabasa.
Sa maikling kuwento karaniwang inilahad na bigla at buo sa isang
pangungusap ang paglalarawang-tauhan. Lumilinaw na lamang sa isip ng
mambabasa ang paglalarawan sa pamamagitan ng pananalita, mga kilos at
ng isipan ng tauhan inilalarawan.
Noong unang panahon ng maikling kuwento ay laging
inilalarawan ang mga pangunahing tauhan bilang maganda, mahinhin at
mabait, gayon din ang mga lalaki na malusog, makisig at mabait din.
Likas namang masama ang ugali ng mga kontrabida. Ito ang mga
nagsasagawa ng masasamang kaparaanan upang hindi magtagumpay ang bida
sa hangaring kaligayahan.
Sa kasalukuyang mga akda, karaniwang makikita sa lansangan, sa opisina,
sa tirahan ng mahihirap, sa Tundo, sa bukid, sa bundok ang mga tauhan.
Hindi mahalaga sa ngayon kung mabuti o masama ang tauhan. Ang
pinahahalagahan ngayo'y ang sanhi ng paggawa ng tauhan ng gayong
pagkilos. Wala nang kapi-pitagang pagkilos, ang mahalaga'y ang
material na kadahilanan ng gayong pagkilos.
2. Pananalita o Lengguwahe
Lahat ng akdang- sining ay akdang buhat sa wika, tulad ng isang nililok
na maaring sabihing isang pirasong marmol na inukit. Kasama sa
pananalita ang tungkol sa usapan sa katha. Mahalaga ang pagiging
natural ng usapan kaya ang nararapat na pananalita'y malapit sa ayos
ng pagsasalita ng mga tao sa tunay na karaniwang buhay.
May sarili ring lengguwahe ang simbolismong ginagamit ng mga manunulat.
May matalik at realistikong pagkakilala ang mannunulat sa lengguwaheng
kanyang kasayang kasangkapan. Hindi napupugal ang manunulat sa himig at
hugis ng pagpapahayag ng makalumang manunulat noon na maligoy.
3. Pamamaraan, Porma at Istilo
Ang pamamaraan ang malimit na siyang kinasasaligan ng
pagiging mabisa ng pagpapahayag ng isang kaisipan, ng pagtatanghal ng
mga pangyayari, ng paglalarawan ng mga tauhan at ng pangwakas na
kabuuan at kasiyahang dapat maidulot ng isang katha.
Ang pamamaraan ang kasangkapan ng manunulat sa pagtuklas at
pagpapaunlad ng kanyang paksa pagpapahatid ng mensahe at sa pagpukaw ng
pagpapahalaga ng mambabasa. May sariling kaanyuan ang mga katha, Ang
pangunahing layunin nito'y magdulot ng aliw sa pamamagitan ng isang
kapangyarihang paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ito ang pinakakaluluwa ng katha. Ang kaisahan ng
bisang kinikintal sa puso at diwa ng mambabasa ang tandang sukat
pagkakilanlan sa katha.
Nararapat ding makatawag-pansin ang panimula. Ang
pamukaw-sigla pangyayari'y nararapat na dumating nang maaga.
Kailangan ding maging mabilis ang galaw ng pangyayari hanggang sa
makarating sa kasukdutan kung maikling kuwento ang pag-uusapan. Hindi
nararapat na itayo ang wakas.
Kung istilo naman ang pag-uusapan, ang bawat manunulat
aymay kani-kaniyang istilo. Iyon ay kanilang kakanyahan, kanilang
tatak. Ang paiba-ibang istilo ng manunulat ay higit na may kaugnayan sa
kaanyuan kaysa sa nilalaman. Ang kakanyahang pampanitikan ng isang akda
ay nasa pang-isipan, nilalaman at maliliit na bahagi nitong kapag
nabuo ay nagiging lakas na lumilikha ng kalamnan.
4. Kalamnan o Paksang -diwa
Ang diwa noong mga unang panahon ng pangangatha'y nangangahulugan ng
pangangaral, subalit sa ngayo'y nangangahulugan ito ng daloy na
walang patid sa loob ng katha, gayong hindi nakikita'y nasasalat
naman ng damdamin, Sa pamamagitaan ng diwa, nalilikha ng may-akda ang
kasiyahang pandamdamin at pangkaluluwa sa mambabasa. Sa gayon ay
nalalahiran ito ng kapangyarihan ng may katha bilang manlilikha.
Mabibilang sa mga paksain sa kasalukuyan ang mga pakikibaka sa buhay.
Nagsisimula sa mga pang-aapi sa mga busabos, pamamayani ng mga
panginoong piyudal, pamamayani ng puhunan, pakikisangkot sa kilusang
pambayan, atb.
Bago talakayin ang tungkol sa pagpapahalaga sa katha ang kabuuang
pagpapahalaga muna sa romantisismong taglay ng nobela ang pupukaw sa
inyong isipan. Kabilang sa mabibigyan ng pagpapahalaga sa mga katha ay
ang tungkol sa mga tinatawag na romatisismo, klasismo, simbolismo o
realismo ng katha.
5. Ang Paggamit ng Sagisag
Nakatutulong nang malaki sa pagiging masining ng isang katha ang
paggamit ng sagisag. Ito'y umaakay sa guniguni ng bumabasa na
makibahagi sa pagiging manlilikha ng may-akda.
Narito ang ilang halimbawa ng mga sagisag saating mga katha at ang mga
bagay na kanilang sinasagisag:
1. halaman (pagmamahal na dapat diligin) sa "Ang
Halaman ni Angela" ni Diego Atienza Quisao
2. bangkang papel (karupukan ng pangarap sa kalupitan
ng katotohanan) sa "Bangkang Papel" ni Genoveva D.Edroza
3. bahay na bato (tibay ng damdaming makatao) sa
"Bahay na Bato" ni A.B.L. Rosales
4. pusa (pag-uusig ng sariling budhi) sa "Ang Pusa
sa Aking Hapag" ni Jesus A. Arceo
5. lunting halaman (diwa ng kabayanihan) sa "At
Nupling ang Isang Lunting Halaman" ni Pedro S. Dandan
6. luad (tigas ng kaloobang di pa nagdaranas ng
kasawian) sa "Luad" ni Gloria Villaraza
Ang dahilan ng pagbabago sa katauhan, at hindi dahilan sa gusto lamang
itong mangyari ng sumusulat, gaya nang madalas mangyari sa ating
kuwento, nobela at pelikula.
Ang paglutas sa suliranin ay dapat manggaling sa katauhan
ng pangunahing tauhan (tagumpay man o pagkabigo) at hindi sa bagay na
panlabas. Isang tiyak na halimbawa: ang suliranin ni Maria ay ang
pag-aaruga sa mga kapatid o pag-iiwan sa mga ito upang tumakas na
kasama ang katipang wala rin namang gaanong kaya sa buhay upang arugain
silang lahat. Ang paglutas ay dapat sa alin man sa dalawang ito: ang
pagpili ni Maria sa kanyang mga kapatid (magpapalitaw sa katauhang
mapagpakasakit ni Maria), o ang patakas na kasama ang katipan
(katauhang praktikal at makasarili). Isang masamang paglutas ang
sumusunod: sakay ng bus ang lahat ng mga kapatid ni Maria; ang bus ay
inabot ng sakuna at namatay na lahat ang mga bata; si Maria ay Malaya
na ngayong pakasalan sa katipan sapagka't wala na siyan suliranin.
6. Pagtutunggali
Sa nasabing halimbawa, ang pagtutunggali'y nasa kalooban
ni Maria. Noong mga unang panahon, ipinalagay na madula ang
pagtutunggali ng tao at ng kapalarang hinulaan na sa kanyang
pagkapanganak; pagkatapos ay ang pagtutunggali ng tao laban sa
kalikasan; ng tao, laban sa kapwa tao (karaniwang idinadaan sa lakas ng
katawan). Ang makabagong pagtutunggali ay tao laban na rin sa damdamin
likas sa lahat ng tao, at timitinag sa pagkatakot, pagkahabag,
pagkapoot, paghanga at iba pang damdaming likas din sa lahat ng tao.
7. Paglalarawang-Tauhan
Kailangang pag-ingatan dito ng manunulat ang paglikha ng
karikatura (angbida ay bidang-bida at walang ano mang kahinaan o
kasiraan; ang kontrabida'y panay kasamaan at walang ano mang bahid ng
pag-asa sa kabutihan; ang magsasaka;y masipag, matiyaga, matagal sa
hirap at iba pa.) Ang bawa't tao'y may mga katangiang tulad ng iba,
nguni't may mga katangian ding ikinaiiba sa lahat, kaya nga't siya
ay siya at hindi sila
8. Paningin
Ang paningin o point of view ay dapat ding isaalang-alang
ng sumusulat, sapagka't hindi dapat magpabagu-bago ito sa isang
maikling katha.
May apat na uring mapamimilian ang manunulat, at kung alin
man ditto ang kanyang mabutihing gamitin ay siya niyang dapat sundin
mula sa simula sa simula hanggang sa katapusan ng akda. Naririto:
1. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng may-akda
na nanonood sa mga pangyayari.
2. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng
may-akdang nakakakita sa mga pangyayari buhat sa paningin ng
pangunahing tauhan (inilalagay niya ang kanyang sarili sa lugar ng
pangunahing tauhan).
3. Ang katha ay isinasalaysay buhat sa paningin ng isang
tauhan sa isang kuwento, tauhang hindi siyang pangunahing tauhan.
4. Ang katha ay isinasalaysay sa tulong ng unang panauhan
(first person) na gumagamit ng ako, akin, ko. Ang unang panauhang ito
ay maaring siyang pangunahing tauhan, isang pantulong na tauhan sa
kuwento, o isang tagapanood sa mga pangyayari.
KABANATA III
Pamamaraang Ginamit sa Pag-aaral
Sa kabanatang ito nalalahad ang mga pamamaraang ginamit upang higit na
maunawaan ng mga mambabasa.
1. Paraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin
Ang mananaliksik na ito ay gumamit ng paraang pasuri (analytical) at
palarawan (descriptive) sa pagsusuri ng ilang piling nobela at katha ni
Edgardo M. Reyes. Ang paraan ding ito ang nakatufong sa paglutas ng mga
suliranin gaya ng pag-unawa sa kahalagahang pangmoral at panlipunan,
mensahing hatid ng nobela sa mga mambabasa at implikasyon ng mga
indibidwal sa pamumuhay ng mga Pilipino, and papel ng mga pangunahing
tauhan sa paghahatid ng mensahe at bisa sa isipd at damdamin ng mga
mambabasa
Ang ilang bahagi ng nobela ay mahirap unawain kaya't ginamit din dito
ang pamamaraang pahambing upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ng
nobela.
2. Pagpili ng Pamagat sa Napiling Paksa
Ang tesis na ito ay bunga ng pag-aaral ng mananaliksik ng aralin niya
sa Filipino. Isa sa aralin ay sa pag-aaral ng mga nobela at katha ang
pagsusuri ng mga inilalarawan ng nobela at katha at mga aral o mensahe
para sa
mga mambabasa. Ang nobela at katha ay napili dahil sa aral na naiwan
nito, at sa kahalagahan nito at kaugnayan sa kasalukuyang pamumuhay ng
mga Pilipino.
Dahil sa mga kadahilanan na nabangit pinili ng mananaliksik ang pamagat
na "Isang Masusing Pag-aaral sa Ilang Piling Nobela at Katha ni Edgardo
M. Reyes."
3. Pagtitipon ng mga Kagamitan
Nang mapagtibay na ng gurong tagapayo ang paksa para sa tesis na ito ay
gumawa na ng matiyagang pananaliksik ang sumulat nito. Ang unang
hakbang ay ang pagtitipon ng mga nobela ni Edgardo M. Reyes, mga
nobelang galing sa iba't-ibang akiat na ginamit ng mga mag-aaral sa
pangkolehiyo at pamantasan. Nakatulong din sa mananaliksik ang
pagbabasa ng may kinalaman sa panitikan at nobela.
Ang mga talang naibigay ng mga guro sa Filipino ay tinipon at isinama
din sa tesis na ito sapagkat ang mga ito ay may kaugnayang.pag-aaral.
4. Pananaliksik
Ang tagapayo at mananaliksik na ito ay nagtungo sa iba't-ibang aklatan
para sa isinagawang pananaliksik ng mga tala na may kaugnayan sa
nobela, gaya ng Colegio de Los Baños, Aklatan ng ACCI, Pambansang
Aklatan at sa Pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños, at Unibersidad ng
Pilipinas Normal
Bawat nobela at katha na pinili para sa pag-aaral na ito ay ukol sa
kasaysayan kung paano at bakit naisulat ang akda. Ayon sa talambuhay
ni Edgardo M. Reyes, halos lahat ng mga nobela niya ay may malaking
kaugnayan sa kanyang buhay at karanasan sapagkat ang mga nobelang ito
ay mas madaling suiatin dahil nakita niya at naranasan.
Ang lahat ng mga pananaliksik ay nakatulong ng malaki sa tesis na ito.
KABANATA IV
PAGSUSURI SA MGA PILING NOBELA AT KATHA NI
EDGARDO M. REYES
Maraming ibat-ibang pamamaraan ang maaring magamit upang masuri at
mapag aralan ang isang akdang pampanitikan. Isa dito ay ang pag-uugnay
ng mga anyo, istilo at mga simbolismo na ginamit ng manunulat. Ang
tawag dito ay Marksista (Naval,1990). Sa pagsusuri ng mga nobela in
Edgardo M. Reyes ay maaring magamit ang pamamaraang ito, sapagkat
ito'y nag inusisa rin sa kahalagahan ng kasaysayan na naglalarawan ng
mga pwersa, salik at pangyayari na humuhubog at bumabago sa lipunan.
PAGSUSURI
Mga Nobela:
SA KAGUBATAN NG LUNSOD
A. Mga Tauhan
Mina - ang babaeng namuhay sa kasalanan ngunit nagbago ng matutong
umibig nang tapat
Primo - ang kinakasama ni Mina
Angel - ang lalaking minahal ni Mina ngunit nagbago dahil sa pangit
na nakaraan ni Mina
Lola Denang - ang lola ni Angel na namatay
Mercy - kaibigang matalik ni Mina
B. Kahalagahang Pangmoral Panlipunan
Sa nobelang "Sa Kagubatan ng Lunsod" ay ipinakita ang epekto ng
nakaraan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyang buhay. Si Mina ay isa
babaeng naging "prostitute" o taga-bigay ng aliw sa isang lalaki
kapalit ng salapi.
Sa usaping panlipunan ay tila walang puwang ang ganitong uri ng babae,
gayundin sa pangmoral na isyu. Ang pakiwari ng mga taong malilinis ang
pagkatao ay batik sila sa lipunan. Ngunit ang taong naghihirap ay
kumakapit sa patalim upang mabuhay; sundin sa tamang oras harapin ang
buhay gaano man kababa ang kapalit nito. Mga mapapait na alaala ng
nakalipas na upang hindi kamuhian ng lalaking mamahalin ay sadyang
ililihim. Pero sa ating lipunan ay walang lihim na hindi nabubunyag.
Ang kahalagahang pangmoral at panlipunan ay madaramasa
bigat ng naging problema ni Mina noong siya ay umibig ng tapat sa isang
lalaki. Sa lipunang Pilipino ay lubhang mahalaga ang karangalan lalo
na ng mga babae.
K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng
mga Pilipino.
Ang Mensahe na nais iparating sa mga mambabasa ay dapat pag-ingatan ng
mga babae ang kanilang puri at karangalan sapagkat ang mga katangiang
ito ang magdadala sa kanilang maligayang buhay pagdating ng araw. May
kasabihan nga ang mga Pilipino na "di bale na mahirap, basta
nabubuhay nang may karangalan man lamang"
Ang Paksa ng prostitusyon ay lagi na lamang pinagtatalunan
sa lipunang Pilipino. Laban dito ang simbahan at ang mga moralistang
babae, mga manang at mga nasa mataas na lipunan. Maging ang mga
pahayagan na naglalathala ng malalaswang larawan ay sinisisi sa
paglaganap ng prostitusyon. Sa usaping panlipunan ay malaki ang epekto
sa pagbaba ng moralidad sa ating lipunan at kapaligiran.
Ang mensahe ng katha ay nauukol din sa tema ng pagbabago.
Walang imposibleng makamtan ang katiwasayan at kaligayahan sa buhay
kung taos-puso ang pagnanais na magbago alang-alang sa isang minamahal.
D. Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Si Mina ang naging sentro ng nobelang ito, sapagkat alam ni
Mina ang magiging kalagayan niya sa larangan ng pag-ibig. Lagi rin
niyang sinasabi kay Mercy and kanilang kalagayan sa buhay dahil sila ay
mga babaeng bayaran. Matindi and pagtatalo ng kalooban ni Mina ng
makilala niya si Angel dahil noong una ay plano niyang takawin,
paasahin at huthutan lamang ang lalaki. Pagtagal ng panahon ay
napatunayan niyang talagang mahal niya si Angel. Kaya hindi nagawa ni
Mina ang mga plano niya laban kay Angel.
Naging maligaya naman ang pagsasama nila ni Angel hanggang
sa makialam ang ina ni Angel. Dito naramdaman ang mensahe ng
pangunahing tauhan. Handa siyang magsakripisyo alang - alang sa
pag-ibig niya sa lalaki. Hindi niya gustong bigyan ng problema ang
mag-ina dahil lamang sa pag-ibig niya.
E. Bisa Sa Isip at Damdamin ng Mambabasa.
Ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa sa
kathang ito ay ang paghanga sa katauhan ni Mina, handa niyang
isakripisyo ang tunay niyang pag-ibig kay Angel upang hindi ito madamay
sa paglibak ng lipunan sa pagkatao niya.
Ang nanay naman ni Angel ay nag-iwan ng pagkamuhi sa mga
mambabasa dahil siya laging nagmumura kapag hindi siya nabibigyan ng
pera ni Angel.
SA MGA KUKO NG LIWANAG
A. Mga Tauhan at papel na ginampanan sa nobela
Julio Madriaga - isang mahirap na tao labis ang pagmamahal sa isang
babae lamang na humantong sa kanyang kamatayan.
Ligaya Paraiso - ang babaeng minahal ni Julio, nagka-anak ng Intsik.
Ahtek - ang salbaheng intsik na nagkulong kay Ligaya sa bahay niya
hanggang magka-anak ito
Mr. Balajadia - ang switik na amo ni Julio.
Mr. Manabat - may ari ng building na pinagtratrabahuhan ni Julio.
Imo, Atong, Omeng - mga kasamahan ni Julio sa trabaho
Misis Cruz- ang "recruiter" na nagdala kay Ligaya sa Maynila.
Perla - Ang walang swerte ng dalaga mula sa Apog-Sunog
B. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Ang nobelang ito ay tumatalakay sa kalagayang pang-agraryo sa
probinsiya at ang kaugnayan nito sa problema ng maralitang taga-lunsod
sa Maynila.
Sa nobelang ito, ang mga suliraning panlipunan ay hindi
lamang tumatalakay kundi iniugnay din sa kawalan ng hanapbuhay,
prostitusyon at problema sa iskwater sa Maynila noong dekada sisenta
(1960's).
Ipinahiwatig dito ang kapangyarihan ng mga mayaman na
may-ari ng mga lupa sa lalawigan ni Atoy, ang kaibigan ni Julio, dahil
sila ay pinalayas ng mga ito sa lupang sinasaka ng pamilya ni Atong.
Isa pang kahalagahang pagmoral at panlipunan ay ang
pagbanggit ng nobelista sa mga prostitusyon, na ipinakita sa
pamamagitan ng paggamit ng maruruming salita. Dito ay mararamdaman ng
mga mambabasa ang kasawiang palad ng mga babaeng walang natapos na
kurso; nahirapang humanap ng disenteng hanap-buhay kayat humantong sa
prostitusyon.
Ang hindi pantay-pantay na pagtingin ng lipunan sa mahihirap
at mayayaman at patutunayan ng diyalogo ng mga trabahador gaya ng
"Alam mo yang batas, yan ay para sa maliit lamang. Sa malalaki, wala
siyang batas-batas" Ang ibig sabihin nito ay mas nakakiling ang batas
sa mayayaman kaysa sa mahihirap.
C. Mensahe sa Mambabasa
Ang pinakamahalagang mensaheng nais iparating ng manunulat sa mambabasa
ay ito sana magsikap ang tao na makapag-aral upang hindi siya abusuhin
o pagsamantalahan ng mga amo nila sa trabaho.
Ipinakita sa nobela ang pagsasamantala kay Julio at sa iba pang
trabahador ang pagpapapirma ng kapatas na sila ay tumanggap ng halagang
tatlong piso, ngunit sa katunayan ay dos singkwenta lamang ang talaga
nilang tinanggap.
Isa pang mensahe dito ay ang maling palagay na ang Maynila ay isang
paraiso. Sa lalawigan daw kapag ipinanganak sa araro, e tiyak mong
doon ka rin mamatay. Ang umiiral na sistemang panlupa noon ang
nagpapahirap sa buhay ng mga manggagawa sa bukid. Para sa kanila, ang
babae ay mag-aasawa din lang ng mahirap kaya sa probinsiya mananatili.
Magiging tulad din nila ito na magkakaroon ng mga anak na palalakihin
sa paghihirap at pagtitiis.
Para sa mga taga-lalawigan, kailangang lumuwas ng Maynila
at doon hanapin ang kapalaran. Mabisang ipinakita ni G. Reyes na mali
ang mga ganitong palagay dahil ang mga tauhan niyang kinatha ay
napahamak dahil sa pagluwas sa Maynila.
Ang uri ng produksyon na tinatawag na kapitalista na siyang
basehan ng lipunang Pilipino noong 1960's ay ipinakita rin ni G.
Reyes sa mga mambabasa. Nagawa niyang ipahiwatig sa mga mambabasa at
ipaliwanag sa isang limitadong pamamaraan ang impluwesiya ng ekonomyang
metropolitan sa pambansang ekonomiya.
D. Papel ng mg Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Sa lahat ng mga tauhan na gumalaw sa nobelang "Sa Mga Kuko ng
Liwanag" ang papel na ginampanan nina Ligaya Paraiso at Julio
Madriaga ang tumatak nang matiim sa puso at damdamin ng mga mambabasa,
gusto ng mga magulang na umunlad si Ligaya ngunit napahamak lamang sa
Maynila. Si Julio Madriaga naman ang naging simbolo ng transpormasyon
na nagaganap sa bawat tao na dulot ng mga di-maiiwasang pangyayari sa
takbo ng buhay.
Mula sa isang kimi at mahiyaing probinsiyano na dumanas ng
lahat na yata ng klaseng paghihirap ay naging parang mabangis na hayop
siya. Ang pang-aabuso at pandaraya ng mga kapitalista sa mga pinasukan
niyang trabaho ay nagpatigas sa kanyang puso at damdamin. Ngunit ang
pagkasawi niya sa pag-ibig kay Ligaya Paraiso ang talagang nagpabago sa
kanya hanggang sa mapatay niya si Ah-Tek ang lalaking tumangay kay
Ligaya. Sa nobela ay si Julio ang simbolismo ng pagbabago; na hindi
lahat ng tao ay kayang magpasensiya at darating din ang araw na siya ay
mapupuno at matututong gumanti.
Si Ligaya naman ang naging simbolo ng kapalaran ng mga
taga-lalawigan na ang kapalaran ay binago ng pagsunod sa gusto ng mga
magulang. Sa halip na bumuti ang buhay ay napahamak lamang. Gayundin
ang sinapit ni Perla na naging isang biktima ng prostitusyon dahil sa
kahirapan.
Si Imo ang simbolo ng pagkagahaman sa mga biyayang dulot ng
pera na sa akala ay sa Maynila talaga matatagpuan ang mga kapitalistang
tulad ni Mr. Balajadia at Mr. Manabat; ang mga taong nagpapahirap sa
buhay ng kanilang mga kababayan. Sa lahat ng mga ito, lumitaw ang
kahalagahan ng pera o ng magandang pwesto upang mabuhay ng marangal sa
loob ng isang lungsod na kung saan ang mga tao ay walang tigil na
nakikipagsapalaran at nakikipagkompetisyon sa isat isa upang umasenso
at umunlad.
Si Ah-Tek ang kumakatawan sa mga dayuhan na dahil sa may
pera ay nagawang pagsamantalahan ang katulad ni Ligaya.
E. Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa
Ang nagiging buhay ng mga taga lalawigan na nagpunta sa Maynila at ang
kanilang pagkapamak ay ipinakikitang kaisa sa isip at damdamin ng mga
mambabasa. Hindi rin malilimutan ng mga mambabasa ang pagiging
mapagsamantala ng mga taong nasa kapangyarihan o mataas na pwesto. At
lalong mahirap malimutan ang walang katuturang pagkamatay ni Julio -
ay simbolo ng "sa Kuko ng Liwanag".
Mga Katha:
ANG GILINGANG BATO
A. Mga Tauhan
Ina(Trining) - siya ang ina pitong anak na binuhay niya sa tulong ng
gilingang bato.
Ate
Ditse
Kuya magkakapatid
Diko
Tagapagsalaysay (kapatid na bunso)
B. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Ang kahalagahang pangmoral at panlipunan ng kathang ito any ang
ipinakitang walang pasuhaling pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga
anak. Sobrang hirap sa papaikot ng gilingang bato ang ina upang may
maipag-paaral sa kanyang mga anak, lalo na nang biglang mamatay ang ama
ng mga bata.
Sa lipunang Pilipino ay isa ng tradisyon ang pagpapaaral ng mga anak,
mahirap man o mayaman ang angkan. Nagtutulong-tulong ang buong pamilya
upang may makatapos ng pag-aaral. Kung minsan ay napipilitan pang
huminto ng pag-aaral ang ibang kapatid upang makatapos muna ng
pag-aaral ang mga nakakatandang kapatid.
Isang moral na obligasyon din ng mga magulang na kausapin ang mga anak
kung may mahigpit na problema ang pamilya upang mapag usapan ang
solusyon dito. Sa pamamagitan ng prosesong ito ay magkakaroon ng
kalutasan.
K. Mensahe at Implikasyon sa kasalukuyang Pamumuhay ng
mga Pilipino
Ang mensahe ang kathang ito ay maliwanag; ang pagsalo ng ina sa lahat
ng responsibilidad na naiwan ng ama upang mapakain at mapag-aral ang
mga anak. At upang ang mga nasabing anak ay hindi mapahamak ang buhay.
Ang paghihirap ng bawat isa tulad ng paggigiling ng ina,
pagluluto ng kakainin, at paglalako ng mga bata sa iba't ibang lugar
ay simbolo ng implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.
Ngunit ang isang mensahe na mahirap mawala sa mga mambabasa ay ang
taglay na pagtitiis ng ina sa kathang ito. Dito masasalamin kung paano
niya sinikap na tulungan ang mga anak na maabot ang kani-kanilang mga
pangarap sa buhay.
D. Papel ng Pangunahing Tauhan Sa Paghahatid ng Mensahe
Ang gilingang-bato ang naging simbolo ng lakas ng ina, pansinin ang mga
linyang ito sa kwento;
"makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig na
ang kanyang kamay sa pagsusubo ng binabad na malagkit. Mabagal na ang
ikot ng pang-ibabaw na taklob ng gilingang-bato. Pasaglit-saglit ay
tumitigil siya, maghahabol ng hininga wala na ang kanyang dating lakas,
sigla at liksi"
Ang anak na nagsasalaysay sa kuwento ay may malaking papel
din sa paghahatid ng mensahe ng kwento. Sa pamamagitan niya ay nalaman
ng mga mambabasa ang nilalaman ng puso ng bawat anak.
E. Bisa Sa Isip at Damdamin
Masakit sa damdamin ang naiwang bisa ng kathang ito,
sapagkat namatay sa gitna ng hirap ang ina ng magkakapatid. At nang
paghati-hatian nila ang mga naiwang ari-arian ng ina ay wala man lamang
nagpala sa gilingang-bato na pinanggalingan ng kanilang kabuhayan.
DI MAABOT NG KAWALANG-MALAY
A. Mga Tauhan
Emy ang dalawang batang magkalaro na parehong nabibilang
Ida sa napakahirap na pamilya.
Obet - kapatid ni Ida na may sakit
Nanay ni Ida - ginagawa ang lahat upang kumita ng pera para sa
dalawang anak nila.
B. Kahalagang Pangmoral at Pangsosyal
Ang kathang ito ay malaki ang impluwensya sa kahalagahang pangmoral at
pangsosyal na ipinakita ng manunulat sa pamamagitan ng usapan nina Emy
at Ida. Ang maaring paglalarawan sa kapaligiran na pinaglalaruan ng
dalawang bata ay nakakahabag, tulad ng ganitong paglalarawan;
"tumingin ang bata sa dram ng tubig sa may gripong labahan, sa yerong
nakatabing sa naglalawa at mabahong pusalian, sa tanging tiklis ng
tapunan ng mga basurang nilalangaw sa gilid ng eskinita, sa matayog na
poste ng ilaw sa labas ng bakod na alambreng tinik."
Sa pansosyal na aspeto ay ni hindi dapat sa ganitong pook maglaro ang
mga bata sapagkat makasasama sa kanilang kalusugan. Sa pangmoral naman
ay ipinakita nito ang pagpapabaya ng mga ina sa kanilang mga anak
sapagkat abala sila sa pagbabaraha.
Para sa mga mambabasa ng kathang ito, ang mga kahalagang pangmoral at
pangsosyal ang dapat tandaan, sapagkat sa ibang kapus-palad na nilalang
ay waring sapat lamang na may tirahan sila kahit gaano ito kadumi.
K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng
mga Pilipino
Ang kathang ito ay salamin ng mga nagaganap sa totoong buhay lalo na sa
mga pook ng mga dukha at iskwater. Bagamat hindi tuwirang sinabi ng
manunulat kung ano ang trabaho ng nanay ni Ida, ay mahuhulaan sa siya
ay isang prostitiyut o babaeng nagbibili ng aliw sa mga lalaki kapalit
ng salapi. Ito ay dahil sa pagbanggit ni Emy na tuwing "umaalis ang
nanay ni Ida ay ang ganda-ganda ng damit at umaga na kung umuwi". Ang
Implikasyon nito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ay matindi,
dahil sa ito ay isang katotohanan. Ang mga babaeng labis ang kahirapan
ay talagang napipilitan na pumasok sa ganitong uri ng buhay upang
masuportahan ang pamilya niya.
Ang mensahe naman dito ay ang pagbaling ng mga ina ng tahanan ng
magsugal dahil sa walang ibang magawa sa kanilang mga bahay. Isama na
rin dito ng hilig ng mga Pilipino o ng kahit anong lahi na
makipagsapalaran upang kumita ng salapi.
D. Papel ng mga Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Sa kathang ito ay lumutang ang katauhan ni Ida, sapagkat
ang kanyang ina ang may matinding problema sa pananalapi.
Si Ida ang nagkukuwento kay Emy ng mga paghihirap nila, tulad ng
pagkakasakit ng kapatid, niyang si Obet; ang pagkakapos nila sa
pagkain, sa mga gamit sa bahay at sa gamot ni Obet.
Binabanggit din niya ang tila pangungulila sa ama na maagang namatay.
Si Ida ang tagapagpaalala sa mga mambabasa ng mga realidad ng buhay,
kahit tila musmos ang istilo ng pagsasalita niya ay naroroon ang
mensahe; na mahirap mawalan ng ama ang isang tahanan. Lalong mahirap
din kung ang ina ay wala ring hanap buhay at wala ring tinapos sa
pag-aaral ay tiyak na magugutom ang pamilya.
Sa parte ni Emy, ang kalaro ni Ida ay hatid din niya ang mensahe na sa
mga taong walang tiyak na hanap buhay ay talagang sa pagsusugal,
pagkukuwentuhan at pag iistambay mauubos ang kanilang panahon.
Ang matinding lungkot sa mukha ng ina habang kumakain ng
pansit si Ida ay palatandaan ng pagkaawa niya sa anak. Ang papel ng
ginagampanan ng ina ng paghahatid ng mensahe ay epektibo, kahit hindi
siya gaanong nagsalita ay naipaparating niya sa mambabasa ang
paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa dinaranas ng mga anak, at
gayundin maaring napipilitan lamang siyang magtrabaho ng mababang
trabaho dahil sa tindi ng pangangailangan.
E. Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa
Ang mambabasa ng kathang ito ay maiiwanan ng malungkot
bilang pakikiramay sa mga tauhan sa kwento. Awa o pagkahabag kay Obet
ang maiwang bisa sa damdamin, dahil hindi naman binanggit sa kwento
kung gumaling ba siya o hindi.
Ang isa pang pangyayari sa kwento na may "impact" o
bisa sa isip at damdamin ng mambabasa ay ang pakatapon ng pansit na
ipapakain sana ni Ida kay Emy dahil katulad nga din itong gutom palagi.
Ang maiisip ay ito "sayang!nakakain sana ng masarap si Emy!"
EMMANUEL
A. Mga Tauhan
Emmanuel - ang bida sa katha; mayaman, malungkutin, at
hindi alam kung ano ang gusto sa buhay
Brad - ang tagapagsalaysay sa katha; kaibigan at laging
karamay sa bawat gawin ni Emmanuel
B. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Ang kathang ito ay may kahalagahang pangmoral dahilan sa
kabila ng kayamanan ni Emmanuel at halos lahat ng katangian ay nasa
kanya na ay hindi pa rin siya maligaya. Si Emmanuel ay maputi, mataas,
matangos ang ilong o sa madaling sabi ay magandang lalaki, mataas ang
pinag aralan siya ay doktor at napakayaman ngunit hindi siya masaya sa
kanyang buhay.
Sa pangmoral at panlipunan na pamantayan ay medyo
kataka-taka ang inuugali ni Emmanuel sapagkat nasa kanya na ang lahat,
ngunit ano pa ang dahilan ng kalungkutan niya? Sa kabilang banda, ang
kaibigan naman niya na nagsasalaysay ay katamtaman lamang ang kalagayan
sa buhay, ngunit naging matalik na magkaibigan sila. Ang kaibigang ito
ay katamtaman lamang ang kalagayan sa buhay kaya kalimitan ay si
Emmanuel ang gumagastos sa mga lakad.
Sa pangmoral na isyu ay tila hindi maganda ang ginagawa ni
Emmanuel na pagkuha ng mga bayarang babae upang makapag-aliw lamang.
K. Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mga
Pilipino
Ang mensahe ng katha ay maliwanag, ito ay ang
kawalang-kasiyahan ng tao sa buhay. Ang mahirap ay naghihimutok dahil
sa hindi niya makamtam ang mga gusto niya sa buhay. Ang ibang mayaman
naman ganoon din ang sitwasyon. Lahat halos ng mga bagay na maaring
mabili ng salapi, karangyaan, luho at karangalan ay nasa kanila na pero
hindi pa rin nasisiyahan sa buhay.
May implikasyon ito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga
Pilipino. Ang mayaman na hindi marunong masiyahan ay gumagawa ng mga
mumunting krimen sa lipunan, tulad ng panggugulo, pananakit at iba pa
para makatawag lamang ng pansin sa lipunan. Halos ganoon din ang
ginagawa ng mga mahihirap sa buhay. Ang iba ay napipilitang magnakaw
upang may maipakain sa pamilya o maipagamot ang anak o kamag-anak na
may sakit.
Ang mensahe dito ay ito, dapat magkaroon ng kasiyahan ang
mga tao anuman ang kalagayan nila sa buhay, upang magkaroon ng
katahimikan.
D. Papel ng mg Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Sa pagsulat at pagbasa ng maikling kwento, ang mga tauhang
gumagalaw sa kwento ay sadyang pinanggagalingan ng damdamin na nais
ipaabot ng awtor sa kanyang mga mambabasa. Sa kwentong "Emmanuel"
ang nanaig ay ang nadarama ni Emmanuel at ng kanyang kaibigan. Malayo
ang agwat ng kanilang kalagayan sa buhay. Ramdam ng mambabasa and
dinaranas na lungkot at pagkabagot in Emmanuel ngunit wala siyang
magawa.
Ang mga pagkakataong parang nawawala sa sarili si Emmanuel,
nakatanga at waring sakmal ng malalim na pagmumuni ay napapansin ng
kaibigan niya. At kapag napuna nito na napapansin ng kaibigan ito ay
agad na ngingiti. Mahusay magtago ng emosyon si Emmanuel kayat parang
nakakaawa siya. Kung tutuusin ay nakakaawa talaga ang tauhan dito.
Walang mangyaring maganda sa buhay niya, hanggang sa dumating ang araw
na siya ay lumayo na lamang upang pumunta sa ibang bansa.
Ang kaibigan din ay nakabagbag ng kalooban, pansinin ang
mga huling pangungusap niya "kung ako'y babae, marahil ay inayakan
ko ang paghihiwalay namin ni Emmanuel. Lumulubog na ang araw at
maipu-ipo sa paliparan. Nakangiti si Emmanuel ngunit hindi maganda ang
kanyang ngiti, at naisip ko na marahil ay gayondin ang pagkakangiti
ko."
E. Bisa Sa Isip at Damdamin ng mga Mambabasa
Ang naiiwang bisa sa isip at damdamin ay mahalaga sapagkat
dito nakasalalay ang ganda o kapangitan ng kwento. Ang mga problema ni
Emmanuel ay tila hindi tama para sa kalagayan niya sa buhay. Kailangan
natin bigyan ng pansin ang mga gawain sa araw-araw ni Emmanuel, tulad
ng pagpapasarap lamang sa buhay pero sa kabila ng lahat ay wala pa rin
siyang nakikitang kaligayahan sa buhay. Ang bisa sa isip at damdamin ng
mga mambabasa ay ito; Ano nga kaya ang sukatan at saligan ng
kaligayahan sa buhay ng isang tao?
LUGMOK NA ANG NAYON
A. Mga Tauhan
Vic/Inte - ang taga-nayon na bumalik sa kanilang sinilangan upang
manghingi ng mga pwedeng ihanda sa kasal ng kapatid niya.
Ang kaibigan ni Vic - siya ang nagsasalaysay sa kathang ito
Tata Pilo - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayon
Nana Buro - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayon
Oding - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayon
Ising - mga kamag-anak ni Vic/Inte sa nayon
B. Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Ang kathang ito ay nagpakita ng kahalagahang pangmoral at
panlipunan dahil sa pagnanais ni Vic na makahingi ng panghanda sa kasal
ng kanyang kuya, ngunit ayaw nilang ipakita o ipahalata na nais niya
talagang manghingi. Sa lipunang Pilipino ay sadyang isang kaugalian
ang paghahanda nang marami sa kasal. Kahit hindi kaya ay pilit kinakaya
kahit manghingi o mangutang pa.
Sa pangmoral na isyu naman ay talagang isa ring katangian
ng mga Pilipino ang hindi pagtanggi kahit hindi na nila kaya ang mga
pangangailangan ng kanilang kamag-anak.
K. Mensahe at Implikasyon sa kasalukuyang Pamumuhay ng mga
Pilipino
Ang buhay sa kasalukuyan ay sadyang mahirap, lalo na sa mga
nayon o baryo. Ang mga tagarito kasi ay walang tiyak na hanap-buhay at
walang sapat na salapi para sa kanilang pamilya, ngunit kapag may
kamag-anak na humingi ng tulong ay buong-puso pa rin silang magbibigay
ng tulong. Ang katotohanang ito ay malaki ang implikasyon sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino. Parte ng ating kultura ang
pagiging marangya sa mga handaan kahit halos paghirapan ang pagkuha ng
ihahanda para sa mga panauhin.
Ang mensahe nito na nais iparating sa mambabasa ay and
bukal sa kalooban na pagtutulungan ng mga magkakamag-anak kung may mga
okasyon na mahalaga tulad ng kasal. Ang isa pang mensahe ay ang likas
na ugali ng mga Pilipino na tumulong sa abot ng kanyang kakayahan kahit
sakdal-hirap din ang pamilya.
D. Papel ng mga Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Sa kathang ito ay si Vic ang may maraming ginawa upang
makakuha ng ihahanda sa kasal ng kanyang kapatid. Ngunit ang naging
instrumental sa paghahatid ng mensahe ay ang naging tagapagsalaysay ng
mga kalagayan ng nayon na pinuntahan nila ni Vic. Sa pagkukuwento niya
ay mababagbag ang puso ng mga mambabasa dahil sa hirap ng mga
taga-nayon. Maging ang itsura ng nayon ay nakakaawa din. Ang salitang
"lugmok ang nayon" ay tamang-tama dahil sa kanyang paglalarawan.
E. Bisa Sa Isip at Damdamin
Ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa ay
ang pagkaawa sa kalagayan ng mga taga-nayon. Maging ang paglalarawan sa
kalagayan ng pamilya ni Tata Pilo na ang ulam ay talong at tuyo lamang.
Ang bahay ay walang gamit o kasangkapan.
Isa pang bisa sa isip at damdamin ay ang istayl ng mga
bahay; walang sariling silid ang mga babae at maging ang mag-asawa. Ang
tanong sa isip ng mga mambabasa ay paano ang sekswal na problema ng mga
mag-asawa.
KABANATA V
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay nalalaman ng mga kabuuan ng pag-aaral, konklusyon
at rekomendasyon.
Kabuuan
Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na
makapagsagawa ng masusing pagsususri sa ilang piling nobela at katha ni
Ginoong Edgardo M. Reyes, isang mahusay at tanyag na manunulat sa loob
ng ilang dekada.
Isa pang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mahanap ang
mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin; anu-ano ang mga
kahalagahang pangmoral at panglipunan ang makukuha sa mga nobela at
katha ni Edgardo M. Reyes; anu-ano ang mga katangian ng mga nobela at
katha ayon sa mga sumusunod;
· Mensaheng hatid at mga implikasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino
· Naging papel ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ng
mensahe
· Naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagka't sa pamamagitan nito ay
malalaman ng mga mag-aaral ang pinag-ugatan ng pampanitikan ng lahing
Pilipino. Mauunawaan din nila ang takbo rin ng kasaysayan ng bawa't
nobela at kathang sinuri sa pag-aaral na ito. Ang mga saklaw ng
pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
MGA NOBELA
· Laro Sa Baga
· Sa Kagubatan ng Lunsod
· Sa mga Kuko ng Liwanag
MGA KATHA
· Di-Maabot ng Kawalang-Malay
· Emmanuel
· Ang Gilingang-Bato
· Lugmok Na Ang Nayon
Ang mga nobela ant kathang saklaw ng pag-aaral ay galing sa mga
koleksyon ng autor . gayun man, hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang
paggamit ng statistika sapgka't ang layunin ng pag-aaral na ito ay
suriin ang mga nobela para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga
mambabasa.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng pasuri at palarawang pag-susuri
upang higit na maipaliwanag ang mga kahalagahang pangmoral at
panlipunan, ang mga mensahe at implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng
mga Pilipino at iba pang mga kriterya.
Binanggit sa kaugnay na mga literatura at pag-aaral ang deskripsyon ng
nobela at katha, Kasaysayan ng nobelang Pilipino at katha, ang mga
panahon ng nobela, mga uri ng nobela at katha, mga sangkap ng nobela,
tradisyon at bisa nito sa mambabasa at mga iba pang mga literature na
may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.
Mga Kinalabasan ng Pagsusuri sa mga Nobela at Katha
Ayon sa pagsusuring isinagawa sa mga saklaw na nobela at
katha ang mga sumusunod na natuklasan sa pag-aaral ay makikita sa
talahanayang ito:
A. Mga Nobela Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Pilipino
Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa
1. Laro Sa Baga
· Ang pagkahilig ng mga lalaki sa pagpunta sa mga pook na may
babaeng nagbibili ng panandaliang aliw.
· Ang paghahabilin ng isang ina sa isang taong
pinagkakatiwalaan ng kanyang anak
· Ang halaga ng pagtitiwala sa isang tao.
· Ang marupok na pagkatao ni Ding dahil pati ninang niya ay
pinagsamantalahan niya.
· Ang labis na panghihinayang sa kinabukasan ng isang bata na
maagang namulat sa seks.
· Ang pagkasira ng buhay ni Ding.
2. Sa Kagubatan ng Lunsod
· Ang taong nag hihirap, kahit sa patalim kumakapit.
· Ang batik sa pagkatao ay hindi naililihim sa habang panahon.
· Sa lipunang Pilipino ay lubhang mahalaga ang karangalan
· Dapat pag-ingatan ng mga bababe ang kanilang karangalan
upang hindi sila ikahiya ng asawa nila at mga kamag-anak
· Ang pagbabago ng tao ay dapat hangaan.
· Ang pagsisikap ni Mina na tulungan ang pamilya na makaahon
sa kahirapan kahit ipagbili ang kanyang sarili.
· Ang pagbabago niya alang-alang sa isang minamahal
· Paghanga sa katauhan ng isang babae ang naiwang bisa sa isip
at damdamin ng mga mambabasa.
3. Sa mga Kuko ng Liwanag
· Ukol ito sa problemang pang agraryo at sa naging masamang
kapalaran ng mga taong nagpupunta sa Maynila.
· Dapat magsikap sa pag-aaral ang isang tao upang magtagumpay
siya sa buhay at upang hindi siya abusuhin ng mga nakakataas sa kanila
sa trabaho.
· Si Ligaya Paraiso at Julio Madriaga ang mga pangunahing
tauhan na naghatid ng mensahe sa mambabasa; nakapatay si Julio dahil sa
pagmamahal kay Ligaya. Si Ligaya naman ang halimbawa ng babaeng
napariwara dahil sa kahirapan ng buhay.
· Ang miserableng buhay ng mga taong walang pinag-aralan at
mahirap ang naiwang bias sa isip at damdamin ng mamababasa. Gayundin
ang pagkamuhi sa mga taong mapagsamantala sa kapwa.
B. Mga Katha
Kahalagahang Pangmoral at Panlipunan
Mensahe at Implikasyon sa Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Pilipino
Papel ng Pangunahing Tauhan sa Paghahatid ng Mensahe
Bisa sa Isip at Damdamin ng Mambabasa
1. Ang Gilingang- Bato
· Sa mga Pilipino ay isa nang banal na layunin ng mga magulang
ang magpatapos ng pag-aaral ang mga anak. Kahit magdanas ng matinding
hirap ang mga magulang ay titiisin nila para sa layuning ito.
· Ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya ang isang
magandang mensahe ng kathang ito.
· Sa pamamagitan nito ay mayroong solusyon na magagawa ang
pamilya.
· Simbulo ang gilingang- bato ang lakas ng isang ina
alang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
· Lalo na sa kathang ito na patay na ang asawa ng inang ito.
· Ang pagkamatay ng ina na wala manlamang nadamang ginhawa sa
buhay ang naiwang bisa sa isip at damdamin ng mga manbabasa.
· At nang mapaghati-hatian ang naiwan ng ina ay wala man lamang
sa magkakapatid ang nagdala sa gilingang- bato.
2. Di-Maabot ng Kawalang Malay
· Hindi dapat magpabaya nag mga ina sa mga tungkulin nila sa
kanilang mga anak.
· Hindi rin dapat itira ang mga anak sa isang napakaruming
kapaligiran.
· Salamin ng totoong buhay ang ipinakita sa kathang ito, tulad
ng matinding paghihirap ng mga magulang na nadadamay ang mga anak na
walang-malay.
· Ang tono ng pagsasalita ni Ida kay Emy na salamin ng
kawalang-malay ay matinding sundot sa puso ng mga mambabasa.
· Ang ginagawa ng ina ni Ida ay tila ng prostityut na para
mabuhay ang mga anak ay ang naiwang biss sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.
· Ang isa pa ay ang katotohanan na hindi man lamang
nakapag-aral ang ina ni Ida, Emy at Obet dahil sa kanilang kahirapan.
3. Emmanuel
· Sa pangmoral at panglipunan na pamantayan ay sadyang
kataka-taka ang inuugali ni Emmanuel. Lagi pa rin siyang malungkot at
tila walang kasiyahan sa buhay, sa kabila ng kanyang mga katangian;
mayaman magandang Lalaki at mataas ang pinag-aralan
· Kawalang-kasiyahan ng mga tao. Ang mahirap ang naghihimutok
sa buhay; pati ibang mayaman ay ganon din;
· Mensahe: dapat magkaroon ng kasiyahan ang tao upang magkaroon
ng kapayapaan ang ating lipunan.
· Si Emmanuel ang may hatid ng mensahe dahil sa tila pagkawala
niya sa wastong isipan.
· Ang pag-aalala ng kanyang kaibigan ang isa ring magandang
katangian ng tao at tunay na kaibigan.
· Dapat ay matuklasan ng tao ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng kasiyahan sa mga bagay na ibinigay ng Diyos.
4. Lugmok na ang Nayon
· Mga kaugalian ng mga Pilipino sa nayon ang tinukoy sa
kathang ito. Sa pangmoral at panlipunan na aspeto ay talagang
nanghihingi ng panghanda sa kasal o anumang okasyon sa mga kamag-anakan
sa nayon.
· Ang mga taga nayon ay hindi kaylanman marunong tumanggi sa
kahilingan ng mga kamag-anakan kahit sila man ay naghihirap din.
· Talagang bukal sa kanilang kalooban ang pagbibigay.
· Si Vic ang pangunahing may ginawa para maging marangal ang
kasal ng kaniyang kapatid.
· Ngunit ang kaniyang kainigan ang nakapansin ng paghihirap ng
kaniyang kamag-anakan ni Vic sa nayon ngunit todo bigay pa rin
· Pagkaawa sa kalagayan ng mga taga-nayon; naghihirap din pero
matulungin at madamayin.
· Ang istayl ng mga bahay sa nayon ay iisipin mo din; wala man
lamang silid para sa mga mag-aasawa o anak na dalaga.
Mga Kongklusyon
Ayon sa talahanayan ng kahalagahang pangmoral at
panlipunan, mensahe at implikasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga
Pilipino, naging papel ng mga pangunahing tauhan sa paghahatid ng
mensahe at bisa sa isip at damdamin ng mga mambabasa, ay nagawa ni
Ginoong Edgardo M. Reyes na mapukaw ang kamalayan ng mga mambabasa ukol
sa mga nangyayari sa ating lipunan.
Nailarawan niya ang mga bunga ng kakulangan ng pinag-aralan,
tulad ng walang-mabuting hanap-buhay at labis na paghihirap sa buhay.
Ang mga dahilang ito ang nagtulak sa isang babae upang magbili ng
laman, ang mga lalaki naman ay nakakagawa rin ng kasalanan sa lipunan.
Hindi rin nalimutan ng autor na isama sa mga akda niya ang mga paalaala
na dapat magkaroon ng kasiyahan ang mga tao kung ano ang bigay ng
Maykapal sa kanila.
Ang isang konklusyon ng pag-aaral na ito ay maganda ang
kontribusyon ni Ginoong Edgardo M. Reyes sa larangan ng panitikang
Pilipino. Ang mga paksa kasi niya any tumatalakay sa mga tradisyon at
kaugaliaan ng mga Pilipino. Halos lahat ng mga nobela at katha niya ay
ng bigay ng aral na pwedeng pamarisan ng mga mag-aaral.
Mga Rekomendasyon
Inirerekumenda ng mananaliksik na ito ang mga sumusunod:
1. Dapat isama sa mga paksang-aralin sa elementarya, hayskul at
kolehiyo ang mga akda ni Ginoong Reyes.
2. Magparami ng mga kopya ng mga nobela at katha ang mga paaralan
upang ilagay sa mga silid-aklatan. Sa ganitong paraan ay higit na
maraming mag-aaral ang makakabasa sa mga akda ni Ginoong Edgardo M.
Reyes.
3. Maaaring magdaos ng "seminar" o "workshop" ang mga guro
sa Filipino at anyayahan nila si Ginoong Reyes na tagapagsalita.
MGA TALASANGGUNIAN
Abueg, Efren R., Mirasol D., Ordoñez, R., Reyes, E., Sikat, R. 1993.
Mga Agos Sa Disyerto. Solar Publishing Corporation.
Arrogante, Jose A. 1983. Panitikang Pilipino: Antolohiva. Manila:
National Bookstore, Inc.
Belvez, Paz M. 1994. Wika at Panitikan. Maynila, Quezon City. Rex
Bookstore.
Casanova, Arthur P. 1984. Kasaysavan at Pag-unlad ng Dulang Filipino.
Maynila: Rex Printing Co., Inc.
Devesa, Eduardo T. 1982. Panitikang Pilipino.
Gamboa-Alcantara, Ruby V., Gonzales-Garcia, Lydia Fer. 1989. Nobela:
mga buod at pagsusuri. Rex Bookstore.
Guamen, Pructosa 1989. Tanging Gamit ng Pilipino. Manila: Rex
Publishing House.
Iranzo, Berverly C. 2005. Isang Masusing Pag-aaral sa mga Pamamaraan sa
Pagtuturo at Paggamit ng Wika ng Asignaturang Filipino ng mga Guro sa
B.N. Calara Elem School Los Baños Laguna. Los Baños Laguna. Colegio
de Los Baños.
Mag-atas, Rosario U. 1994. Panitikang Kayumanggi. Metro Manila.
Maynila: Printing Co., Inc.
Merciales, Loreta 2003. Isang Masusing Pag-aaral ng mga Piling Kwento
ni Dr. Genoveva E. Matute. Los Baños Laguna: Colegio de Los Baños.
Perez, Al Q. 1971. Mga Babasahin sa Panunuring Pampanitikan.
Mimeographed.
Ponciano, Pineda B. 1973. Ana Panitikang Pilipino. Kalookan City:
Philippine Graphics Arts Inc.
Reyes, Edgardo M. Laro sa Baga: a novel. San Juan Metro Manila: Book
for Pleasure.
Reyes, Edgardo M. Laro sa Baga: the screen play. San Juan Metro Manila:
Book for Pleasure.
Salazar, Evelyn 1995. Panitikang Pilipino. Manila: Phoenix Publishing
House.
Sta. Cruz, Lorna C. 2004. S&SCOM Internet Café. Cabanatuan City. Trace
Computer & Business College.
Tiangco, Norma de Guzman at T. Suarez, 1976 & 1981. Maikling Kasavsavan
ng Pilipino at Ilang Piling Akda. Maynila: Pamantasan ng Santo Tomas
Palimbagong Tanggapan ng UST.
Villafuerte, Patrocino V. 2000: Panitikang Panrehivon sa Pilipinas.
Valenzuela City: Mutya Publishing House.
1 komento:
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
Mag-post ng isang Komento