Paghahanda: Pebrero 06, 2010
Panggitnang Pagsusulit
FILIPINO 211 – Malikhaing Pagsulat Ricafrente, Leo B.
1. Ano-ano ang mga layunin at kahalagahan ng pagsusulat?
Alam natin na ang pagsusulat ay isa sa apat na makrong kasanayan sa komunikasiyon. Ito ay may mga layuning angkop sa iba’t ibang disiplina; kung kaya, ito ay nagsisilbing mabisang kasangkapan at kasanayan tungo sa mabisa at malawak na pagkatuto ng isang tao o maging sa pag-unlad ng isang lahi. Sa ibang sabi, ang pagsusulat ay maihahalintulad natin sa panitikan---sa dahilan na ang anumang bagay na nasusulat tulad ng nababasa mo ngayon ay isang halimbawang hubog ng panitikan. Sa gayon, isa sa mga layunin ng panitikan ay ang pagsulat at ito ay mahalaga upang mahubog ang anumang panitikan.
Samantala, ayon sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik nina Carmelita Alejo at mga katulad, ang anumang bagay na isinusulat ay may tiyak na layunin; kaya nga lamang, iba-iba ang mga layunin sa pagsulat ng bawat manunulat. Sinasabi na may dalawang uri ng layunin sa pagsulat, ang tinatawag na Ekspresiv at Transaksiyunal.
Upang makita ang pagkakaiba ng dalawang uri, ang sumusunod na talahanayan ay makatutulong sa pag-unawa sa mga katangian ng dalawang uring nabanggit:
Mga Layunin sa Pagsulat
E K S P R E S I V
T R A N S A K S I Y U N A L
Isa itorng impormal na paraan ng pagsulat.
Gumagamit ito ng unang panauhan na ako, ko, akin, at iba pa, sa pagsasalaysay.
Sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa.
Naglalarawan ito ng personal na damdamin, saloobin, idea at paniniwala.
Nakapaloob din dito ang sariling karanasan ng manunulat at pala-palagay sa mga bagay-bagya na nangyayari sa paligid.
Malaya ang paraan ng pagsulat dito at walang sensura. Hindi gaanong mahalaga rito ang gramatika at pagbaybay ng mga salita bagkus mahalaga rito na mailabas kung ano ang talagang naiisip at nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay diyornal, talaarawan at iba pa.
Layunin nito na maipahayag ang sariling pananaw, kaisipan at damdamin sa pangyayari.
Ito ay isang pormal na paraan ng pagsulat na may tiyak na target na mambabasa, tiyak na layunin at tiyak na paksa
Karaniwang ginagamit dito ang ikatlong panauhan na siya, sila, niya, nila, at iba pa sa paglalahad ng teksto.
Ibang tao ang target nitong mambabasa
Hindi ito masining o malikhaing pagsulat bagkus ito’y naglalahad ng katotohanan na sumusuporta sa pangunahing idea.
Nagbibigay ito ng interpretasiyon sa panitikan, nagsusuri at nagbibigay-impormasiyon, nanghihikayat at nangangatwiran, nagtuturo o kaya’y nagbibigay-mensahe sa iba.
Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may pormat o estilo ng pagsulat na kailangang sundin.
Halimbawa nito ay balita, artikulo, liham-pangalakal at iba pa.
Sa mga layuning nabanggit, masasabing ang pagsulat ay mahalaga sa lahat ng anggulo. Nakatutulong ito upang magkaroon ng pakinabang ang ibang makrong kasanayan. Ito ay mahalaga para maipahayag ng isang tao ang kanyang mga naiisip at nadarama. Isa pa, mahalaga ito sa pakikipag-ugnayang-sosyal.
2. Bilang isang guro, ano-ano ang mga ginagamit mong mga pamamaraan sa pagpapalabas ng idea upang ang iyong mga mag-aaral ay makabuo ng malikhaing komposisyon/akda? Ipaliwanag.
Marami ng mga pamamaraan ang akin nang nagamit sa pagtuturo ng anumang malikhaing komposisyon. Nagamit ko na minsan ang mga sumusunod, ayon sa kung ano-anong mga layunin ang naitakda sa araw:
a. PAGGAMIT NG TEACHING-MODULE
Paksa: Paano magsulat ng isang tula mula sa pagkakatulala?
Ehersisyo para sa Panulaan : Tula La
Pinapamagatan kong "Tula La" ang Ehersisyong ito. Naglalaro ang pamagat sa dalawang konsepto o diskurso: ang konsepto ng tula o pagtula at ang diskurso ng tulala o pagtulala.
Ang tula o ang sining ng pagtula, ay hindi lamang pagpili ng mga salita (na kadalasang dapat "maganda" ayon sa pinong estetika ng high art at formalist school of poetry). Ito ay pagpili ng tema -- pagsala ng isang karanasan upang iugnay sa mas malawak na konteksto. Ang karanasan o kahit na anong bagay na pinipili natin para gawing tula ay maituturing lamang na teksto. At mismong ang tula ay isang meta-teksto, dahil kailangang isaalang-alang na ito ay may malaking kontekstong pagpupuwestuhan.
Kapag nakapili na ng tema, ang proseso ng pag-aanak ng tula ang susundin. Dito pumapasok ang tinatawag kong "Sining ng Pagtulala." Kailangan nating tumulala. Pero bago ko ituloy ang naratibong ito, lilinawin ko muna ang ibig sabihin ko sa "pagtulala" o "tulala." Naranasan n'yo na bang tumulala? Yung naka-blank stare ka lamang. Yung kahit napakaraming ingay o napakalalim ng katahimikan, kahit na yung katabi n'yo na pala ay naghuhukay na ng sarili niyang libingan ay hindi n'yo napapansin. Kasi nga tulala ka. Ibig sabihin, nakatitig sa kawalan, kahit na sa totoong buhay ay wala namang "kawalan" dahil kahit ang "kawalan" ay isang manipestasyon ng "mayroon." Naranasan n'yo na ba yun? Malamang sa malamang.
Kapag nakatulala tayo, ibig sabihin noon mayroon tayong iniisip. Kadalasan, sa idioma, "malalim ang iniisip." Kaya kahit nasasaling ka na o kaya nadudukutan na pala ng pitaka o cellphone ay di mo napapansin. Kasi nga, wala roon ang atensyon mo. Samakatwid, ang pagtulala ay isang mabisang ehersisyo ng "atensyon." Isang mabisa't epektibong konsentrasyon ng isip. Samakatuwid, kailangan n'yong tumulala para makagawa ng tula.
Ganun ang gagawin n'yo. Magbibigay ako ng ilang salita: maaaring bagay, tao o lugar. Magbibigay rin ako ng ilang mga konsepto: maaaring karanasan, penomenong panlipunan, institusyon o kaligiran. Ang tungkulin n'yo: pagsanibin ang mga ito. Ang layunin n'yo: bumuo ng meta-texto: ang tula.
Heto ang mga salita. Pumili lamang ng ISA: Heto ang mga konsepto. Pumili lamang ng ISA:
1. sintas ng sapatos 1. Hacienda Luisita Massacre
2. puwet ng baso 2. Buhay-Atenista
3. sidemirror 3. Kayabangan
4. maitim na singit 4. Galit
5. pilikmata 5. Kapayapaan
6. janitor 6. Kaguluhan
7. deodorant 7. Karahasan sa Kababaihan
8. balcony ng sinehan 8. Homophobia
9. numero "69" 9. Illegal Logging
10. letrang "Q" 10. National Minority (Indigenous People)
Gumawa ng tula sa pamamagitan ng pag-uugnay sa napili mong isang salita at isang konsepto. Ang tula ay dapat binubuo lamang ng WALONG LINYA. Ipapasa sa Lunes, Enero 24 (para sa Fil 2).
Ang pagbibigay ng modyul at pagtalakay sa anumang kaisipan o konseptong nauukol ditto ay makatutulong hindi lamang sa pagpapalawak sa mga kaalamang pampanitikan o pampanulaan bagkus sibling tulong din ito upang maging malikhain sila sa paggawang anumang komposisyong pampanitikan.
b. PAGGAMIT NG SIMPLE’T MAIIKLING SULATIN/ANYO NG PANITIKAN
TULAD NG MGA SUMUSUNOD:
1. Mga Pahayag/Jokes sa Text
Halimbawa:
Pambansang hayop
teacher: pedro, ano ang ating pambansang hayop? nagsisimula ito sa letter "K".pedro: mam.. KUTO?teacher: hindi! nagtatapos ito sa letter "W".pedro: KUTOW?teacher: hindi! may sungay ito?pedro: DEMONYONG KUTOW?teacher: GO OUT!!!
Praying for 10 Pesos
Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".
2. Mga Bagay-bagay na Nakikita sa paligid
Halimbawa:
ONLI in da PILIPeNS Part 1 * vacant lot near makati ave.: "DON'T PARKING" * at an eatery in Cebu: "WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL! and this is the best of them all!! * on a building somewhere in the Philippines... "NOTARY PUBLIC: TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO"
ONLI in da PILIPeNS Part 2 * A graffiti inside the cubicle of a ladies' C.R. in a university: "PLEASE DON'T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN." * At a men's comfort room, above a urinal: "HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN" * at a construction site in Mandaluyong: "BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG" * somewhere along San Andres: "NO URINATING, ON THE OVER WALLS"
3. Mga larawang Puwedeng Paghanguan ng idea, Pagkukuwento, halimbawang balita atbp.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mapupuwedeng gamitin ng guro upang magamit ng mga mag-aaral sa pagbuo ng kanilang mga komposisyon.
3. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang malikhaing
manunulat? Bakit?
Ang isang malikhaing manunulat ay di kailanman mapupuwedeng tawaging malikhain kung hindi niya taglay ang lawak ng kaalaman sa mga bagay-bagay hinggil sa panitikan. Kinakailangang may kakayahan siyang gumawa ng mga sulating hubog ng kanyang malawak na imahinasyon. Dapat marunong din siyang kumilala ng kanyang target na mga mambabasa. Dapat mulat siya sa mga pangyayaring pangkapaligiran upang lahat ng kanyang mga obra’y kakitaan ng kaangkupan sa umiiral na takbo ng lipunan.
Gayunpaman, bilang karagdagan, maituturing din na malikhain ang taong may kakayahang lumikha at bumuo mula sa wala. Sila ang mga taong may ibang pagtingin sa mga bagay-bagay sa kanilang kapaligiran. Sila yung mga nag-iisip nang labas sa kahon, sa sistema, sa mga nakagawian, sa tradisyon, at iba pa. Sila yung mga mahilig gumawa ng kanilang sariling daan, at handang maligaw o kaya ay mapahamak. Ayaw nila ng rules. Mahilig sa pakikipagsapalaran ang mga malikhaing manunulat. Kaya nga kung minsan, napagkakamalan weird o may sariling mundo ang mga manunulat.
Ngunit ang pagiging malikhain ng isang tao ay di magkakaroon ng tinig at katawan kung wala ng moralidad ng pagsulat. At ang pagsulat ay di maisasakatuparan kung walang moralidad sa paggamit ng wika. Samakatuwid, pangunahing instrumento ng tao di lamang ang wika kundi ang katangiang moral nito upang maipahayag at magkahugis ang kanyang iniisip, nadarama, galit, saya, at iba pa. Kaya nga sinasabing ang mga manunulat ang pinakamatinong gumamit ng wika.
Dahil sa wika na rin ang pinag-uusapan, kinakailangang isaalang-alang ng isang malikhaing manunulat ang pasagot niya sa tanong na: Sa anong wika dapat magsulat? Wika ang pangunahing instrumento ng manunulat sa pagsulat, hindi ba? Sa sinumang baguhang manunulat, mahalagang maging malinaw sa kanya kung sa anong wika siya dapat magsulat. Mahirap magsulat sa wikang di niya ganap na naiintindihan. Kaya nga, maipapayong magsulat sa wikang nakagisnan. Sa wikang nakagisnan lamang maipapahayag nang totoo at tapat ang nais sabihin o isulat. Maiiwasan ang pagkakamali kung magsusulat sa wikang nakagisnan.
Isa pa, dapat ding bigyang-pansin ang tanong na: Anong genre ang susulatin? Ang panitikan ay isang malaking larang/disiplina. Napailalim dito ang iba’t ibang uri ng akda: tula, maikling kuwento, sanaysay, pabula, maikling kuwentong pambata, dula/play, script, at iba pa. Mahalagang maging malinaw muna sa isang baguhang manunulat kung anong uri ng panitikan ang kanyang gustong isulat. Bawat isa ay may kanya-kanyang katangian na dapat pag-aralan. Mahalagang maging malinaw sa manunulat ang pagkakaiba-iba ang mga sangay o uri ng panitikan.
Mahalagang timba-timbangin ng mismong manunulat ang kanyang sariling kakayahan kung saan siya higit na magiging epektibo. Kung alin sa mga uri ng akdang pampanitikan ang malapit sa kanyang interes. Kailangang magkaroon ng pokus ang isang manunulat.
Idagdag pa natin ang pagsagot sa tanong na: Saan kukunin ang paksa? Madalas na ito ang pangunahing suliranin ng mga manunulat. Saan kukunin ang paksa? Paano masusulatan ang blangkong papel sa typewriter? O kung hi-tech, ang screen ng kompyuter o laptop? Sayang ang kuryente kung ilang oras ng nakatunganga sa kompyuter o laptop nang wala namang isusulat.
Kung tutuusin, maraming maaaring pagkunan ng paksa. Una na rito sariling ang karanasan. Walang taong walang karanasan. Mula pagkabata hanggang ngayong dumarami ang ating mga alalahanin at bagahe napupuno tayo ng mga karanasan. Karanasan ang humuhubog at bumubuo sa ating pagkatao. Halimbawa, lahat tayo ay may mga tiyak na karanasan sa ating Tatay. Iba-iba ang Tatay. May tatay na nag-aanak nang marami para maging investment. May tatay na handang suungin ang lahat upang maibigay lamang ang luho ng kanyang pamilya. Pero boring ang mga ganitong tatay. Tiyak na may mga katangian ang iyong tatay na di katangian ng napakaraming tatay sa mundo. Halimbawa, higit na kapanapanabik subaybayan ng kuwento ng isang tatay na naging bisyo ang paghuhukay ng balon upang makahanap ng ginto, o ng isa pang tatay na mahilig magtanim ngunit lagi namang namamatay.
Lahat tayo ay nakaranas na umibig, pero iba-iba ang ating karanasan sa pag-ibig. May umiibig habang kumakabig, may umiibig habang nagpaparaya, may umiibig kapalit ang 300 na load, may pag-ibig sa pamilya, sa ibang tao, sa hayop, sa kapwa babae o lalaki, sa mga materyal na bagay, at may umiibig nang sobra o sinasamba ang sarili. Samakattuwid, ang ating mga tiyak na karanasan sa buhay ay napagkukunan natin ng paksa. Huwag tumingin sa labas dahil nasa ating mga sarili, sa ating loob o karanasan ang mga paksa.
Pangalawa, karanasan ng ibang tao. Maaaring kunin ang karanasan ng ibang tao upang gawing materyal ng isinusulat. Ang mga kuwento ng ibang tao—ng ating mga kasamahang guro, estudyante, kapatid, kaibigan o kakilala ay mga materyal lamang. Kailangan pa rin itong pag-isipan upang higit na maging malikhain. Walang masama rito hanggang di ikakapahamak o ikakapariwara ng taong pinanggalingan ng kuwento.
Makinig sa mga kuwentuhan ng mga pasahero sa dyip o bus. Sa pagbibiyahe, tiyak na may mga mabubuong kuwento’t salaysay. Maaaring i-note sa isang kapirasong papel ng mga paksang nakuha buhat ng mga kuwentuhan ng mga pasahero.
Pangatlo, maaaring mapagkunan ng paksa ang mga nabasa. Maaaring pagkunan ng kuwento ang mga headline o balita sa dyaryo. Mapagkukunan ng paksa ang mga dyaryo lalo na yaong mga dyaryong binibili’t binabasa ng masa. Halimbawa: Isang Ama Isinilid ang Kanyang Anak sa Maleta, Isang Ita Ipinagpalit ang Kanyang Anak sa Isang Radyo, Magkasintahan Nagpatiwakal, at iba pa.
Iminunungkahi rin sa isang manunulat na bigyang-tuon ang pagsagot sa tanong na: Paano mapagaganda ang isang akda? Ang isang akda ay higit na magiging malikhain kung ito ay dadaan sa ilang rebisyon. Ipabasa sa iba ang akda. Kunin ang kanilang mga komentaryo o reaksyon. Tiyaking may ganap na kaalaman o kasanayan ang taong magbabasa ng akda. Maging bukas ang isip at puso sa pagtanggap ng mga kahinaan ng akda. At siyempre, kailangang upuang muli ang kuwento. Hinggil dito, gampanin ng manunulat ang paglagay ng sarili sa posisyon ng mambabasa
Ang anumang akdang pampanitikan ay nangangailangan ng mambabasa. At kung di ito mailalathala, di ito makakarating sa kanila. Kung kaya, nararapat lamang na sagutin ng manunulat ang tanong na: Saan dadalhin ang natapos na akda?
O kung sapat na ang tiwala sa sariling akda, na talagang mahusay ang pagkakasulat nito, maaaring ilahok ito sa mga timpalak. Mayroon tayong Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Talaang Ginto sa Pagsulat ng Tula ng Komisyon sa Wikang Filipino, at iba pa. Ngunit di lamang dapat patimpalak ang maging motibasyon para magsulat. Ang makita ang sariling pangalan at mabasa ng isa ay maituturing ng isang karangalan. Ngunit kailangan din nating mabuhay, kaya di masamang pagkakitaan din ang pagsusulat.
Panghuli, tulad ng mga guro, ang isang manunulat ay kailangan ding magbasa. Sa pagbabasa, nagkakaroon tayo ng kaalaman sa mga estilo o paraan ng pagsulat ng ibang manunulat. Nalalaman natin ang mga paksang naisulat na at di pa naisusulat. Kung nais ng manunulat na siya ay basahin, dapat ay basahin din niya ang akda ng iba. Kaya walang manunulat ang di nagbabasa—kaya, Magbasa, Magbasa, at Magbasa.
Ang mga hakbang na aking ibinigay ay makatutulong sa sinumang may hilig na magsulat o nais na maging malikhaing manunulat. Ang mga ito ay maaaring lapatan ng iba’t ibang estratehiya upang mahikayat ang sinuman na mag-isip na labas sa kahon, mabalikan ang kanilang mga karanasan at iba pa.
4. Ano-anong mga teknik ang iyong maimumungkahi upang malinang ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng maikling kuwento?
Ipaliwanag at gawan ng mga halimbawa.
Ang unang teknik na aking laging iminumungkahi sa aking mga mag-aaral sa matagumpay na pagsasagawa ng anumang malikhaing pagsulat gaya ng Maikling Kuwento ay ang Magbasa nang Magbasa nang Magbasa at Magbasa.
Gaya ng mga nabanggit ko na sa dakong una, tulad ng mga guro, ang isang manunulat ay kailangan din na magbasa. Sa pagbabasa, nagkakaroon tayo ng kaalaman sa mga estilo o paraan ng pagsulat ng ibang manunulat. Nalalaman natin ang mga paksang naisulat na at di pa naisusulat. Kung nais ng manunulat na siya ay basahin, dapat ay basahin din niya ang akda ng iba. Kaya walang manunulat ang di nagbabasa—kaya, Magbasa, Magbasa, at Magbasa.
Pumapangalawa na ang Pagsasagawa ng dyornal. Ang mga mag-aaral ay nahihimok na malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan sa pagsulat kung sila ay binibigayan ng Gawain makatutulong sa kanilang pansariling pag-unlad—tulad ng paglalagay ng anumang sulatin sa kanilang mga journal notebooks—tulad ng maikling kuwento.
Dagdag mo pa ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga gawaing project-based, tulad na lamang ng pagsasagawa ng kani-kaniyang BLOGSITES sa World Wide Web o Internet. Ang mga sites na ito ay dapat kalagyan ng mga piling sulating kanilang naibigang gawin—tulad ng pagsagawa ng mga pansariling maikling kuwento. Ang isang teknik na pwedeng gawing paraan ng guro upang mahimok ang kanyang mga mag-aaral sa pagsusulat ng maikling kuwento ay ang paglahd ng guro ng Gawain na kung saan sasabihin niya na ang anumang gawain tulad ng pagsususlat ng kuwento ay kinakailngang may pinaghanguang INSPIRASYON. Maaaring ibahagi ng guro ang ganitong panimula:
Dahil araw naman ng mga puso ngayon, alam kong bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang inspirasyon sa buhay. Kaya ang gawain natin ngayon ay may kaugnayan duto.
Kumuha ng isang malinis na papel at ilista ditto ang lahat ng taong mahal mo. (gagawin ito sa loob ng limang minuto)
Sa lahat ng mga taong nailista mo ay pumili lamang ng limang taong mas mahal o mahalaga sa’yo, bilugan ang limang ito.(gagawin ito sa loob ng 2 minuto)
Sa limang ito ay pumili lamang ng isa na iyong pinakamamahal, matapos ay gawan siya ng isang maikling kuwento. Maaaring kasama ka sa ilan sa mga tauhan ng gagawin mong kuwento.
(Simula ng paggawa ng Maikling Kuwento)
Isa pa, makatutulong din sa mga mag-aaral ang hindi dekahong pagtuturo ng pagsulat. Kailangang iparamdam sa kanila ang mga bagay na mapupuwedeng paghanguan ng kanilang mga kuwentong puwedeng maisulat. Pwedeng dalhin sila sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan o iparananas sa kanila ang mga bagay na di pa nila kailanman nararanasan—tulad ng mga bagay na hihimok sa kanila para gumana ang kanilang mayamang imahinasyon. Halimbawang gawain na rito ay ang pagpunta sa mga lugar na puwedeng makatulong sa kanila na makakuha ng paksa sa kanilang kuwentong susulatin.
5. Paano ang pagsulat ng tula? Gumawa ng tula batay sa naganap na
pangyayari sa lugar ng mga ampatuan at Mangundadato.
Nais kung gamitin muli ang aking naging halimbawa sa kung paano maituturo ang malikhaing pagsulat ng tula--ang pagsulat ng tula mula sa pagkakatulala.
Paksa: Paano magsulat ng isang tula mula sa pagkakatulala?
Ehersisyo para sa Panulaan : Tula La
Pinapamagatan kong "Tula La" ang Ehersisyong ito. Naglalaro ang pamagat sa dalawang konsepto o diskurso: ang konsepto ng tula o pagtula at ang diskurso ng tulala o pagtulala.
Ang tula o ang sining ng pagtula, ay hindi lamang pagpili ng mga salita (na kadalasang dapat "maganda" ayon sa pinong estetika ng high art at formalist school of poetry). Ito ay pagpili ng tema -- pagsala ng isang karanasan upang iugnay sa mas malawak na konteksto. Ang karanasan o kahit na anong bagay na pinipili natin para gawing tula ay maituturing lamang na teksto. At mismong ang tula ay isang meta-teksto, dahil kailangang isaalang-alang na ito ay may malaking kontekstong pagpupuwestuhan.
Kapag nakapili na ng tema, ang proseso ng pag-aanak ng tula ang susundin. Dito pumapasok ang tinatawag kong "Sining ng Pagtulala." Kailangan nating tumulala. Pero bago ko ituloy ang naratibong ito, lilinawin ko muna ang ibig sabihin ko sa "pagtulala" o "tulala." Naranasan n'yo na bang tumulala? Yung naka-blank stare ka lamang. Yung kahit napakaraming ingay o napakalalim ng katahimikan, kahit na yung katabi n'yo na pala ay naghuhukay na ng sarili niyang libingan ay hindi n'yo napapansin. Kasi nga tulala ka. Ibig sabihin, nakatitig sa kawalan, kahit na sa totoong buhay ay wala namang "kawalan" dahil kahit ang "kawalan" ay isang manipestasyon ng "mayroon." Naranasan n'yo na ba yun? Malamang sa malamang.
Kapag nakatulala tayo, ibig sabihin noon mayroon tayong iniisip. Kadalasan, sa idioma, "malalim ang iniisip." Kaya kahit nasasaling ka na o kaya nadudukutan na pala ng pitaka o cellphone ay di mo napapansin. Kasi nga, wala roon ang atensyon mo. Samakatwid, ang pagtulala ay isang mabisang ehersisyo ng "atensyon." Isang mabisa't epektibong konsentrasyon ng isip. Samakatuwid, kailangan n'yong tumulala para makagawa ng tula.
Ganun ang gagawin n'yo. Magbibigay ako ng ilang salita: maaaring bagay, tao o lugar. Magbibigay rin ako ng ilang mga konsepto: maaaring karanasan, penomenong panlipunan, institusyon o kaligiran. Ang tungkulin n'yo: pagsanibin ang mga ito. Ang layunin n'yo: bumuo ng meta-texto: ang tula.
Heto ang mga salita. Pumili lamang ng ISA: Heto ang mga konsepto. Pumili lamang ng ISA:
1. sintas ng sapatos 1. Maguindanao Massacre
2. puwet ng baso 2. Buhay-Atenista
3. sidemirror 3. Kayabangan
4. maitim na singit 4. Galit
5. pilikmata 5. Kapayapaan
6. janitor 6. Kaguluhan
7. deodorant 7. Karahasan sa Kababaihan
8. balcony ng sinehan 8. Homophobia
9. numero "69" 9. Illegal Logging
10. letrang "Q" 10. National Minority (Indigenous People)
Gumawa ng tula sa pamamagitan ng pag-uugnay sa napili mong isang salita at isang konsepto. Ang tula ay dapat binubuo lamang ng WALONG LINYA. Ipapasa sa Lunes, Enero 24 (para sa Fil 2).
Halimbawang Tula
MEDIALUNA
MidyaAmpatuanMidyalunaMidya
MidyaAmpliyadaMidyalunaMagundadatoMidya
MidyaAmpliyadaFilipinasMINDANAOMidya
MidyaKontraTeroristaPulidoKinarateMidya
MidyaAmpatuanMidyalunaAmpliyadaMidya
MidyaPolitikaKomentaryoKomentaristaRatratistaMidya
MidyaArmalaytKristaiyanismoMuslimArmalaytMidya
MidyaMachinegunBombaRepublikaMidya
MidyaLugawFilipinoMasukistaLugawMidya
MidyaPolisiyaHustisiyaMidya
MidyaOperasyonWelgaMidya
MidyaEleksyonMidya
KwartaPolitikaAmpatuanmagundadatoPolitikaKwarta
MidyaPolisiyaHustisiyaMidya
GuwardyaPesimistaGuwardya
Mindanao
Medialuna -
Sanggunian:
Alejo, Carmelita T. et al. 2005. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C & E Publishing, Inc
http://angtitserngbayan.multiply.com/journal/item/12/Ang_Malikhaing_Pagsulat_At_Ang_Guro
http://images.google.com.ph/images?gbv=2&hl=en&q=optical+illusion&sa=N&start=80&ndsp=20
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento