Huwebes, Enero 7, 2010

Ang Pagbabago sa Lengguwahe

Paghahanda: Repleksiyong Papel Ika- 09 ng Enero 2010
Estruktura at Gramatika ng Filipino: Ilang Obserbasyon
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino
Ricafrente, Leo B.


Ang Pagbabago sa Lengguwahe
ay Lengguwahe sa Pagbabago

Ang makahulugan at makabuluhang pagbabago sa kalikasan ng wika ay may makataong kalinangan sa kung anong dapat na klase ng lipunan mayroon tayo sa kontemporaneong panahon. At kung anumang wika ang mayroon tayo sa ngayon – na Filipino , alam natin na ito ay resulta ng maimpluwensiyang evolusyon sa wika, na patuloy pa ring naiimpluwensiyahan mismo ng pabago-bagong kalakaran sa lipunan.

Sinasabi nga na Ang Filipinong Wika ay sumapit na, ngunit ang Fi-lipinong tao ay hindi pa…

Kung ating pakauunawain ang nasabing pahayag, ito ay totoong nagsisilbing palaisipan sa ating mga Filipino kung nasasaan na nga ba talaga ang ating wika; kung ang globalisasiyon na ang pag-uusapan. Saklaw na nga ba talaga nito ang tinatawag nating modernisayon, estandardisasyon, at intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa larang ng pagtuturo at maisistemang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; maging sa pangkalahatan ng kalakaran ng buhay nating mga Pilipino? Marahil ang maaaring maging sagot ng karamihan sa atin ay “Ewan ko…”, “baka”, “Pakialam ko!”, “Wala akong kinalaman diyan; halika’t itanong natin.”

Magkagayon man, ang ganitong mga sagot ay marahil din sa dahilan nga na Ang Filipinong Wika ay sumapit na, ngunit karamihan sa ating mga Filipino ay hindi pa… Hindi pa sa dahilang wala tayong pagkaalam…dahil wala tayong oras na makisangkot sa pag-alam nito. Mapupuwede ring maging dahilan ang mga sagot natin na kawalan ng kasiguruhan (dahil hindi sinisigurado). Idagdag mo pa ang dahilan na ang karamihan sa atin ay wala ni halos pakialam (tanong lamang ng tanong at walang pakialam sa kung anuman ang naibibigay na sagot).

Alalaong baga, kung sa ibang sabi, maraming taon na ang naigugol ng mga piling Filipino upang mapagtagumpayan lamang ang makahulugang pagbabago sa ating wikang pambansa.Isa pa, maraming taon pa rin ang mukhang dapat nating igugol upang mapagtagumpayan ang matagal nang nasimulan at di pa rin matapos-tapos na mga gusot sa ating lipunan. Kaya, walang saysay ang metamorposis ng wika kung karamihan sa ating mga Filipino ay hindi pa rin sumasapit sa dapat nitong kalagyan – ang makialam sa dapat at ang makisangkot sa kung ano ang dapat.

Sa gayon, ang anumang pagbabago sa isang lengguwahe tulad ng Filipino ay isang mabisang lengguwahe sa anumang naising pagbabago sa tao at lipunan. Mangyari pa, ang ganitong napapanahong tunguhin ay hindi na mauwi pa sa kung anumang panibago na namang mga hamon. At dahil sa ito’y napapanahon di sin sana’y hindi ito mapaglipasan ng panahon… (nangangailangan ng konkretong pagtugon).

Walang komento: