Repleksiyong Papel Marso 27, 2010
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino Ricafrente, Leo B.
Ilang Suliranin tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipino
ni Bonifacio p. Sibayan
Saro, duwa, tulo,
Maestorya muna ako
Apat, lima, anom,
An ribok mo haleon
Ta tudi na si Leomon
An digemon na parasirmon
Kitang mga Bikolano
Kitang mga Filipino
#1 na paramangno
Sa buhay-buhay
Kan ibang tawo
Lalo na saimo
Na nagbabasa
kainiho
Sabi nga ng mga sabi-sabi ng nakararami, maging sa paniniwala pa nga ng lahat sa atin na ang pagkuha sa pulso ng kabataan sa anumang usaping politikal na nangagyari o nangagkaroon tayo noon at sa kung anong politikal na usapin mayroon tayo sa ngayon ay sadyang napakahalaga. Ngunit, sa lahat ng panahon na ito, ang politikang nais kong bigyang linaw sa kuwentuhang ito ay yaong patungkol hindi kailanman sa usaping panghalalan at mas lalong hindi dapat doon sa mga politikong mangmang sa mga usapan o usaping tulad nito. Pasensiya ka na pala sa pamulso ko sa mga politiko ha…Sadya kasing umiral na naman ang pulso at puso ng kabataan sa akin…
Iyan an sako.
An sakong
rimong-rimong
sa tirigsikan minapuon
Mangyari, kinailanang mangibabaw sa kuwentuhang ito yaong mga taong kung tawagin ng marami sa ngayon ay ang SIMULA ng PAGBABAGO—ang mga kabataan.
Kinailangang magmula sa boses nila ang simula nitong kuwentuhan. Ito ay hindi lamang basta kinailangan kundi ito ay kinailangan kasi dapat…
Nagtagarabas-rabas ako
sa mga sites sa net
Sa pagkua lang
Kan boses kan kahobenan
Sa pagkaaram na
an kinaban ninda
an boses ninda
digdi makukua
Sa ikaiikli ng pagkahaba-habang kuwentuhang ito, ang sumusunod ay ang boses nila—ng mga kabataan, hinggil sa usaping intelektuwalisasiyon ng wikang pambansa…
Pasensiya na, sa sunod mo
pang boklat
ang mga boses ninda
simong makukua…
BUGOY'S WORLD
HTTP://JAGGOZUN2002.MULTIPLY.COM/JOURNAL/ITEM/1/INTELEKTWALISASYON_NG_WIKANG_FILIPINO
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
Jun 10, '06 10:03 AM
for everyone
Si Dating Pangulong Manuel L. Quezon ang tao sa likod ng pagpili ng ating sariling wika. Matapos ang mahigpit na pagpili, ang Wikang Tagalog ang nanguna at napili bilang pangunahing wika. Matapos ang ilang taon, ang Wikang pambansa ay pinangalanan na Filipino- isang wika na may hiram na salita mula sa Wikang Ingles at Kastila. Dahil sa matinding pagpupursigi ni Pangulong Quezon na magkaroon ng pangunahing wika ang bansa kung saan magkakaintindihan ang lahat, unti- unting umuusbong ang ating wika.
Ang wika ay nagsisilbing isang napakahalagang simbolo ng isang bansa. Ipinapakita nito ang pagkakaisa o pagkakabukold- buklod ng mga tao. Dahil dito, madaling magkaintindihan ang mga tao at ang hindi pagkakaunawaan ay naiiwasan. Ang mga bansang maunlad tulad ng Hapon at Espanya ay may isang wika na ginagamit ng siento porsyento ng kanilang mga mamamayan. Ang wika niya ay ginagamit sa lahat ng larangan - medisina, abogasiya, teknolohiya at diplomasya. Ang mga bansang ito ay inuna muna ang pagpapaunlad o pagpapayaman ng kanilang sariling wika bago sila umampon ng mga dayuhang salita tulad ng Ingles at Pranses. Ipinakita ng mga Hapones at Kastila kung gaano nila kamahal ang kanilang bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik nila sa sarili nilang wika. Ang intelektwalisado nilang wika ay isa sa mga susi ng kaunlaran ng kani-kanilang mga bansa.
Sa ngayon, ang bansang Pilipinas ay ginagamit ang wikang pambansa, ang Filipino bilang lingua franca. Ang wikang ito ay kadalasang ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pakikipagtalastasan. Ngunit, ang wikang ito ay hindi pa gaanong nagagamit lalo na sa larangan ng medisina, agham at teknolohiya. Taliwas sa mga nakagawian ng mga Hapon at Kastila na nagagamit nila sa lahat ng bagay ang kanilang wika, ang mga Pilipino ay parang nakasanayan na ang paggamit ng wikang Ingles sa pagsulat ng mga pormal na dokumento. Halimbawa dito ang pasulat ng resumé kapag gustong ipakita ang mga natapos sa pinapasukang trabaho.
Bilang estudyante ng Political Science sa Pamantasan ng De La Salle, hangad ko sana na maintelektwalisa natin ang wika sa larangan ng Political Science. Sa paraang ito, lalong magiging malawak ang kaalaman ng mga ordinaryong Pilipino sa mundo ng pulitika. Maiiwasan din ang mga di pagkakaintindihan pagdating sa mga isyung pulitikal. Mas magiging kritikal ang pag-iisip at mas magiging makabuluhan ang kanilang partisipasyon sa iba’t ibang pulitikal na aktibidades tulad ng pagbibigay ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa ating bansa. Isang magandang halimbawa dito ang isyu tungkol sa layunin ng pamahalaan na baguhin ang ating Konstitusyon. Sa palagay ko, kapag nagkaroon na ng debate ukol dito at ang wikang ginamit ay Filipino, mas maraming ordinaryong tao ang makakaunawa kung kailangan na ba talaga o hindi dapat ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas. Kung Wikang Filipino ang gagamitin, wala ng dahilan upang malinlang ang mga tao ukol sa mga aspeto ng nasabing usapin. Kung lubos ang pagkakaintindi ng mga isyu ng bawat mamamayan, mas makakapagbigay ang bawat tao ng tamang mga opinyon o mga makabuluhang suhestiyon.
Dapat huwag nating ituon ang sisi sa pamahalaan kung saan sinasabi na kulang ang mga program nito upang mapabilis ang pagiintelektwalisa ng ating wika. Huwag nating agad ikumpara ang ating wika sa ibang wika tulad ng Ingles, Pranses, Mandarin at iba pang intelektwalisadong wika. Ilagay natin sa ating isipan na ang mga wikang ito ay ginagamit na daan-daang taon na ang nakaraan kumpara sa ating wika na ilang dekada pa lamang ginagamit. Sana’y lagi tayong maging mapanuri at maging maingat sa pagbibigay ng ating opinyon tungkol sa maselang usapin na ito.
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
http://kiziatot.blogspot.com/2006/06/intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.html
Tanong: Kung bakit hindi kailangang iintelektwalisa ang Filipino sa bansa.
Sagot:
Ano nga ba ang ibig sabihin ng “intellectualized language”? Ayon kay Bonifacio P. Sibayan ang intellectualized language is a “language that can be used for giving and obtaining a complete education in any field of knowledge from kindergarten to the university and beyond”. Ngayon ang tanong ay kung kailangan bang gawin intelektwalisado ang Filipino?
Sa palagay ko hindi na kailangan iintelektwalisa ang Filipino sa bansa kasi mas magiging pahirap lang ito para sa mga Pilipino, lalo na sakin. (haha!) Kitang-kita naman sa panahon ngayon, hirap na hirap na ang mga tao (especially mga estudyante) sa Filipino at Ingles dahil sabay nila ito pinagaaralan. Hindi kami maka-focus sa isang lenggwahe kaya ang nangyayari naghahalo-halo lang ang mga salita sa mga utak namin.
Kahit makasarili ang dating ng opinyon ko, maging realistic naman tayo! Sa tingin niyo ba kayang maging intellectualized language ang Filipino sa loob lamang ng maikling panahon? Maaari itong mangyari ngunit kinakailangan ng mahabang panahon upang ito ay maisagawa. Kailangan ng mga taong may sapat na kaalaman sa wika upang ito’y maisakatuparan.
Mahirap makapagsulat ng mga salitang teknikal sa dahil karamihan nito’y walang katumbas sa Filipino. Mas mahihirapan ang mga taong gamitin ang Filipino dahil maraming pasikot-sikot pa ang kailangang gawin. Tulad na lamang ng mga programming languages sa Computer Science, wala naman itong katumbas sa Filipino. Ang mga salitang siyentipiko, matematika, at iba pang larangan ay mahirap bigyan ng katumbas sa Filipino.
Isa pang dahilan kung bakit mahirap gawing intelektwalisado ang wikang Filipino ay dahil tayo’y naimpluwensiyahan na ng banyagang kultura. At dahil Ingles ang universal language, tayo’y mas naaakit na pag-aralan ang wikang ito kaysa sa ating wika. Ang pag-unlad ay nakasalalay sa wika. Kaya nasa isip na ng mga tao na mas kailangan natin ang Ingles upang tayo’y makasabay sa pag-unlad ng ibang bansa. Kasi sa pahahon ngayon, ang mga taong fluent sa Ingles ang mga hinahanap ng mga kumpanya. Parang nagiging requirement na ang pagiging fluent sa Ingles pagdating sa pagrerecruit ng employees.
Karaniwang mas madali nating naipapahayag ang ating damdamin gamit ang Ingles kaysa sa Filipino. Ngunit kadalasan ding walang makakatalo sa karikitan at lalim ng mga salitang Filipino. Ganon yung sitwasyon ko ngayon. Medyo nahihirapan rin ako kasi minsan kailangan ko pang itranslate sa Ingles o sa Filipino para lang maintindihan ko ang isang bagay. Nakakapagod rin gawin yon noh! Kaya madalas na I’m at a loss for words kasi minsan wala yung term sa Ingles o sa Filipino.
Ngunit pagdating sa sining at literatura, mayaman na ang wikang Filipino. Ayon kay Bonifacio P. Sibayan, pagdating sa literature, ang wikang Filipino ay intelektwalisado. Sa palagay ko kaya ganun dahil subjective kasi ang perspective pagdating sa sining. At di ba nga kapag sa Filipino, napaka-poetic ng dating ng mga artists kaya benta o masarap gamitin ang wikang Filipino.
Baka naman mukhang hindi na ko Pilipino niyan dahil hindi ako sang-ayon gawing intelektwalisado ang wikang Filipino. Ito ay posible ngunit malabo dahil kailangan nating maging realistic sa mga nangyayari sa makabagong panahon. Maaari natin itong gawin ngunit mas maganda kung bigyang pansin na lang ang iba pang isyu ng bayan.
Monday, June 12, 2006
Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Pilipino
http://ayokosaberde.xanga.com/496072980/ang-intelektwalisasyon-ng-wikang-pilipino/
Pano ba, sa tingin mo, nabuo ang wikang Ingles na napaka-intelektwalisado, ika nga nila? Binuo kaya nila ito para maintindihan sila ng ibang tao dayo sa ibang dako ng daigdig? Binuo kaya nila ito para sa pakikipagugnayan nila sa mga dayuhan? Sa aking opinyon, binuo ang wikang Ingles, at ang mga libo-libong wika sa mundo, dahil nais ng mga tao (sa kani-kanilang mga sariling lugar) na magkaintindihan sa kanilang mga kasama at hindi para sa ikaaalam ng mga dayuhan. Kaya ang aking tayo sa gawaing ito ay hindi pagkakaintelektwalisado ng wikang Pilipino.
Sa aking opinyon, ang wikang Pilipino ay isang napakagandang rosas na may tinik na nakakasakit, at ang pula ng dugo ng mga natutusok ay dumadaloy patungo sa kanyang ulo. Sa madaling salita, ang wikang Pilipino, sa kanyang sarili, ay repleksyon ng kasaysayan ng Inang Bayan. Ito ay isang kultural na salamin ng ating pagiging Pilipino na dinarama ang buhay ng mga bayaning ninuno. Upang mabigyang ebidensya ang aking mga sinusulat, ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa. Ang salitang pamilya ay umuugat sa salitang ”familia”, galing sa wikang Kastila, kung di kaya’y galing din ito sa salitang ”family”, galing sa wikang Ingles. Sa ating kasaysayan, makikita natin na ang Pilipinas ay sinakop ng parehong Español at mga Amerikano kaya bakit nating nais na baguhin pa ito?
Kasama pa sa aking katayuan ay ang pagiging henyo ng mga Pilipino sa pagbago ng wika. Kung ating titignan, maraming mga salitang Pilipino ang ibinago upang sumunod sa mga panahon. Gawin nating halimbawa ang salitang ”tol”. Nanggaling ito sa salitang utol, na galing sa salitang putol, na galing sa salitang kaputol. (alam ko mayroon pa yang isang pinanggalingan. Hindi ko lang maalala kung ano basta ang ibig-sabihin ay ”kaputol ng umbilical cord”) At ngayon, ang salitang tol ay ginagamit para mapakita ang pagkakaibigan at kapatiran sa pagitan ng mga tao. Oo, ito’y impormal, ngunit natutupad naman ng salita ang kanyang layunin. Kumbaga, ang wikang Pilipino ay nag-eebolb ng tuloy-tuloy mula sa simula ng kasaysayan natin.
Upang tuluyan kong mapatunayan ang aking katayuan, magbibigay ako ng halimbawa na nagpapakita ng dalawang dahilan na akin nang nabanggit. Ating tignan ang salitang “amputsa”. Ito ay nanggaling sa salitang “ampucha”, na nanggaling sa grupo ng mga salitang “anak ng puta”, na kapag isinalin sa wikang Ingles ay “son of a bitch.” Ang mga Amerikano, ang nagdala ng wikang Ingles sa Pilipinas (isang yugto ng kasaysayan) at maaring narinig natin itong mura na ito (son of a bitch) at isinalin sa tagalong. Hindi lang yaan! Hinayaan pa nating mga Pilipino na mag-ebolb itong mura na ito para hindi siya masyadong mahirap sabihin. Episyente, ika nga. Makasaysayan at tuluyang nagbabago ang wikang Pilipino pati na sa isang bagay tulad ng mura.
Sa ika-iikli ng aking sinulat, ang pagbabago ng wikang Pilipino upang ito’y maging intelektwal ay hindi dapat isinasadya. Hayaan na nating mahubog ang ating wika sa kanyang sariling bilis. Ito’y dahil ang ating wika ay isang salamin ng ating pagiging Pilipino at ang sadyang pagbabago nito ay isang paraan ng paghampas sa ating kultura (eksahirado, oo, pero mali parin para sa akin
Sa tulong na mga artikulong iyong nabasa, mapapansin na naipakita ng kani-kaniyang nilalaman (ng mga nasabing artikulo) ang boses ng mga kabataan ng kasalukuyang Filipinas.
Sa artikulong ito, bumalong ang mga suliraning naging epekto ng mga suliraning binanggit ni Bonifacio P. Sibayan sa kanyang artikulo: Ilang Suliranin tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipino.
Subalit hindi rin maikakaila, kung ang kontekstuwal na aspekto din lamang ng mga nasabing artikulo ang pagbabasehan, na pumapaimbabaw pa rin sa mga kabataan sa ngayon ang patuloy na pakikipaglaban nila sa pambansang wika. Dumadaloy pa rin sa kanila ang dugong Filipino. Dahil sa mga artikulong ito naipararating nila ang kanilang mga sentimiyento at mga hinuhang sa akala nila’y makatutulong sa pagpapahalagang pangwika…
Ngayon, hindi na kailangang banggitin pa ang mga suliraning bumalot sa kalamnan ng bawat tekstong iyong nabasa. Hindi ko na rin pahahabain pa ang pagtalakay sa mga suliraning nailahad ni Sibayan sa kanyang artikulo. Ito ay sa dahilang ang mahalaga ay ang paghanap ng ibayong solusiyon sa problema, hindi ng ibayong problema sa solusiyon.
Ngayon na umabot ka na sa bahaging ito, sana sa tulong ng mga suliraning nailantad, kapulutan mo nawa ng aral ang ilang mga solusiyong sa aking hinuha ay makatutulong sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa . Uulitin ko, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa aking mga nahihinuhang solusiyon, kaya huwag mong kalilimutang magdagdag pa, hindi ng problema kundi ng solusiyon…
1. Mahalin ang wikang Filipino sa abot ng iyong makakaya.
2. Gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng oras, larang at lahat ng pagkakataon
3. Maging mulat sa lahat ng usaping pangwika.
4. Maging simula ng magandang pagbabago
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Tinatao ko na saimo an honra
Na tapuson an
sa estorya ko
Sana makatao ka nin marahay na ending
Sa urulay-ulay tang ini
Sa inusip ko saimo…
2 komento:
kailanangan na natin simulan na gawing intelektwalisado ang ating wikang filipino dahil ang wika natin ay repleksyon ng ating bansa at ang ating kultura..kung patuloy tayung tatangkilik sa ibang lengwahe para na nating kinalimutan ang ating pagka pilipino...sa pamamagitan ng wika natin tayo ay mag kakaisa at patuloy na uunlad ang ating bansa...VIVA FILIPINO..
kailanangan na natin simulan na gawing intelektwalisado ang ating wikang filipino dahil ang wika natin ay repleksyon ng ating bansa at ang ating kultura..kung patuloy tayung tatangkilik sa ibang lengwahe para na nating kinalimutan ang ating pagka pilipino...sa pamamagitan ng wika natin tayo ay mag kakaisa at patuloy na uunlad ang ating bansa...VIVA FILIPINO..
Mag-post ng isang Komento