Mala-masusing Banghay-aralin
Sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan
Para sa Pangatlong Taon sa Hayskul
I. Mga Inaasahang Bunga
Sa loob ng itinakdang panahon, sa tulong ilang mga mahahalagang konseptong pampanitikan, ang kabuuang porsiyento ng mga mag-aaral ay inaasahang ganap na malinang ang kakayahan at kasanayan nila sa:
a. panunuring pampanitikan gamit ang mga tulang iniangkop sa rehiyunal na pagdulog, bilang isang halimbawang lunsaran sa pag-unawa ng mga
mahahalagang kaisipang nais ipabatid ng pangunahing akda,
b. pag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang kaisipan ngg mga nasabing tula ukol sa naitakdang pangunahing akda sa araw hinggil sa kalapitan nito sa tunay na buhay,
c. pakikilahok nang aktibo, malayunin at may kasigasigan sa talakayan at mga pagpapayamang gawaing makatutulong sa pag-unawa ng kanilang mga karanasan, saklaw ng kaalaman at pagkaunawa sa realidad ng buhay; at
d. napapanatili ang kagandahang-asal sa kabuuan ng sesiyon.
II. Paksang Nilalaman
DAYUHAN (Maikling Kuwento)
Ni Buenaventura S. Medina, Jr.
Pagpapahalaga sa Sarili, Pag-ibig at
Kapatawaran sa Pagbubuklod ng Pamilya
Mga Kagamitan sa Pagkatuto:
Panulat, malinis na sulatang papel, mga sipi ng tulang lunsaran sa
akda (URIG, Pagkamo’ot, Mayo, at Ang Sulat ni Nanay at Tatay),
CDs, CD at Player at ilang piling larawan
III. Mga Gawain sa Pagkatuto (FAPE Style)
A. Introduksiyon
1. Pagdarasal bilang pambungad na gawain sa sesiyon
2. Paglalahad ng mga pangunahing layunin sa kabuuan ng
sesiyon
B. Interaksiyon
1. Paisa-isang pagsasakatuparan ng mga pangunahing layuning
itinakda sa sesiyon.
a. Pahapyaw na pagtalakay sa mga konseptong pampanitikan
hinggil sa kalikasan ng Panulaan, tula, maikling kuwento at
panunuring pampanitikan
b. Maunawang pagbasa sa ilang halimbawa ng Tulang Bikolnon; pahapyaw na pagtalakay sa mga ito sa tulong ng mga paksang-diwang nangingibabaw sa bawat isa:
b.1. Tulang MAYO ni Krsitian Cordero
b.2. Tulang PAGKAMOOT at URIG ni Makatanista
c. Pag-uugnay-ugnay ng mga kaisipang pampanitikan ng mga natalakay na tula ukol sa pangunahing akdang tatalakayin “DAYUHAN” . – sa tulong ng mga halimbawang awitin sa Filipino at Ingles
d. Pagbasa at pagtalakay sa akdang DAYUHAN ni Buenaventura S. Medina, Jr.
e. Kani-kaniyang pagsulat ng repleksiyong papel hinggil sa mensahe ng maikling kuwentong natalakay, sa tulong ng isang tulang Filipino na sinulat ng isang kilalang pari na si Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director ng St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan"
C. Integrasiyon (Araling Panlipunan)
1. Pagtuon sa mga pangunahing idea at mensahe ng maikling kuwentong
natalakay, sa tulong ng mga tulang iniangkop sa mga talakayan
“Pagpapahalaga sa Sarili, Pag-ibig at Kapatawaran sa Pagbubuklod
ng Pamilya”
IV. Takdang-Gawain
1. Pumili lamang sa mga sumusunod na gawain:
a. Gumawa ng maikling tula sa tulong ng ipinakitang larawan – OPTICAL
ILLUSSION. Ipapasa ito sa sunod na sesiyon.
b. Gumawa ng maikling tula hinggil sa isang tao na iyong
pinakamamahal, maliban sa pamilya. Ipapasa rin tio sa sunod na sesiyon.
Nagpakitang-turo:
LEO B. RICAFRENTE
Mag-aaral sa Panitikan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento