Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-8 ng Enero 2011
Magtumbas ay di Biro!
Ilang Suliranin sa Pagtutumbas sa Pagsasalin FILIPINO 215–Sining ng Pagsasalingwika
Ni Melecio C. Fabros III
Ricafrente, Leo B.
Ang Talinhaga ng Pagsasalingwika
The Insect
From your hips down to your feet
I want to make a long journey.
I am smaller than an insect.
Over these hills I pass,
hills the colour of oats,
crossed with faint tracks
that only I know,
scorched centimetres,
pale perspectives.
Now here is a mountain.
I shall never leave this.
What a giant growth of moss!
And a crater, a rose
of moist fire!
Coming down your legs
I trace a spiral,
or sleep on the way,
and arrive at your knees,
round hardness
like the hard peaks
of a bright continent.
Sliding down to your feet
I reach the eight slits
of your pointed, slow,
peninsular toes,
and from them I fall down
to the white emptiness
of the sheet, seeking blindly
and hungrily the form
of your fiery crucible!
Mas pinili kong gawing lunsaran sa pagtalakay itong tulang The Insect na inakda ni NeftalĂ Ricardo Reyes Basoalto o mas kilala sa kaniyang panulat-pangalan na Pablo Neruda, isang kilala at batikang makata ng Latin America, sa kadahilanang may kabuluhang lapit ito sa emperikal at praktikal na interes o tuon hinggil sa ilang suliranin sa pagtutumbas sa pagsasalin, ayon na rin sa mga pagtalakay ni Melicio C. Fabros III mula sa pag-aaral at pananaliksik nito pagdating sa usaping pagsasalingwika.
Isa ng pangkaraniwang pag-aakala ng karamihan sa atin, kahit hindi lahat, na ang pagsasaling-wika ay isang payak na pagsasabi ng isang bagay sa ibang wika; ang tutuo ang ito ay maituturing na isang masalimuot at mahirap na gawaing pang-akademiko. Masalimuot ang gawaing ito sapagkat napakaraming bagay na sangkot sa pagsasalin; tulad na lamang ng kalikasan ng ortograpiya o lingguwistikal na konteksto, agwat at kalapitan sa panahon, estilo ng panulatan, tradisiyong kultural, kaugalian, kaayusang panlipunan at marami pang iba. Isa pa, mahirap ang pagsasalin sapagkat nakatali ito sa orihinal; dito ang nagsasalin ay hindi malayang magpasok ng kanyang sariling kaisipan. Sa ibang salita, ‘ika nga, ang salin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ng isinalin.
Ibig sabihin nito, dahil sa ang pagsasaling-wika ay maituturing nating isang sining at agham, nangangahulugan lamang na kinakailangan nito ng masusing pagsusuri kung paano tutumbasan ng tumatanggap na wika ang pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulaang wika o tinatawag na source language. Paano na lamang kaya kung ang tulang nabanggit ay gawing sangkot sa sa tumbasan ng pagsasalin.
Ayon nga kay Fabros, sa kanyang pagtalakay, sa pagsasalin, may dalawang wikang sangkot: ang simulaang lenggwahe (source language), ginamit sa teksto ng orihinal at tunguhang lenggwahe (target language) na ginagamit ng tagasalin. Ito ay isang pagtatangkang palitan ang isang mensahe ng isang wika nang gayon ding mensahe sa ibang wika.
Ang tanong, masasabi bang madali ang pagsasalin? Hindi. Ayon at malapit na rin sa mga naunang nabanggit, dapat lamang na alam ng tagasalin ang mga dapat iwasan sa pagsasalin. Ito ay ang pagkakaltas, paglilipat at pagbabago. Tandaan natin na may mga tuntunin na dapat sinusunod sa pagsasalin. Dapat tandaan na ang wika ay kabuhol ng kultura. Di mo maaaring isalin ang salita na nasa kontekstong panlipunan dahil ito ay walang katumbas sa tunguhang wika.
Kung ang pagtutuunan ng pagsasalin ay ang tekstong lunsaran; maging sa pagbabasa at pagsusuri nito, magkagayunman ay sinisimulan ang pagsasalin sa pagbasa nito sa dalawang kadahilanan: una, upang maunawaan kung saan ito nauukol; pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalin na iba kaysa pananaw- dalubwika o kritikong- pampanitikan.
Ang pag- unawa sa sa teksto na tulad nito ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan upang makuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa pagsasalin
Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita na nakapaloob sa teksto upang matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga talinhaga, kolokyalismo, at neolohismo. Dapat malaman ang layunin at paraan kung paano ito nasulat para matukoy ang karapat-dapat na paraan ng pagsasalin at para matukoy ang tiyak at paulit-ulit na mga suliranin na kakaharapin sa pagsasalin. Dahil dito, ang pananalig sa katapatan bilang simulain ng pagsasalin ay sadyang napakahalaga.
Kung kaya, ganumapaman, kahit na may kahirapan sa pagtutumbas ng mga titik sa isang awit kung ihahambing sa teksto ng isang sulating teknikal at sa suliranin ayon katapatan sa larangan ng bokabularyo at idyoma, ilan lamang sa mga suliraning nabanggit ni Fabros, ang pandaigdigang paniniwala na tradurrori, traditori ay hindi lubusang nangangahulugan ng kataksilan o angking problema ng pagsasalin. Ang patunay nito ay ayon na rin sa mga sinabi ni Almario sa kanyang naisulat na sanaysay - Muling-Tula Bilang Hamon sa Pagsasalin ng Tula:
Ngunit hindi naman katapatan lamang ang simulain ng pagsasalin. O kaya, maaari namang ipahayag ang katapatan sa mga paraang hindi nangangahulugan ng salita-sa-salitang pagtatapatan ng wikang orihinal at wikang pinagsasalinan. Kung ang paglilipat ng kahulugan ang halimbawa’y pangunahing layunin ng pagsasalin, may mga taktika ng pagpapaliwanag – sa mahaba o maikling pangungusap – upang mailahad nang walang bawas ang isang dalumat/damdamin mula sa isang akda. Magkagayon pa man, lalo’t akdang pampanitikan ang nasasangkot, maraming dapat sikaping isalin ang tagasalin bukod sa kahulugan. Ang totoo, ang wastong pagsasaalang-alang sa ibang mga sangkap at katangiang pampanitikan, bukod sa kahulugan, ang malimit maging pamantayan sa tagumpay ng salin. Malimit kasing makumunoy sa tinatawag na “literal” na salin ang labis na pagpapahalaga sa kahulugan ng orihinal at kaya nalilimot hubugin ang salin bilang isang tula, katha, o dula. Minsan nga’y waring naimungkahi ni Matthew Arnold na higit na mahalagang mailipat ng tagasalin ang katangian ng isang makata o mangangatha sa pamamagitan ng salin sa halip na ilipat lamang sa kaniyang wika ang wika ng isinasalin.
http://rioalma.com/2008/09/muling-tula-bilang-hamon-sa-pagsasalin-ng-tula/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento