Martes, Disyembre 28, 2010

Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2010
Pagsasalin sa Kemistri ( Sa UP Diliman) FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
Florentino C. Sumera
florentino.sumera@up.edu.ph
florentino_sumera@yahoo.com
ni Ricafrente, Leo B.

Pagkilala kay Florentino C. Sumera, bilang paunang impormasiyon:






B.S. at Master of Chemistry ang mga natapos na kurso ni Prop. Sumera sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, taong 1974 hanggang 1980. Matapos nito ay natapos niya ang PhD sa Chemistry- medyor sa Synthetic Chemistry sa University of Rennes, France ng taong 1985. Isang kemiko at kasalukuyan siyang nagtuturo ng Kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, mapa-graduwado maging di-graduwadong antas man.
http://www.intel.com/cd/corporate/education/apac/eng/aaf07/spkrsbio_abst/facultybio/370977.htm
Paunang impormasiyon hinggil sa binibigyang-reaksyon

Ang Pagsasalin sa Kemistri ang naging unang paksang tinalakay ni Dr. Florentino C. Sumera (Surian ng Kemistri, UP Diliman) sa ikalawang sesiyon sa ginanap na Pambansang Seminar sa Pagsasaling Teknikal na itinaguyod naman ng Sanggunian sa Filipino, sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF), noong Hulyo 17-18, 2008.

Ginanap ang nasabing palihan sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Dinaluhan ito ng 117 institusyon (miyembre at di-miyembro) sa buong bansa at may kabuuan na 151 kalahok na binubuo ng mga editor mula sa mga kilalang palimbagan, mga kawani ng DepEd at mga guro ng Filipino.

Ang paunang impromasiyon na ito ay mula sa Sentro Filipino, ang opisiyal na website ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

http://sentrofilipino.upd.edu.ph

Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon

Ang kabuuang pagtalakay ni Prop. Sumera sa kaniyang paksa hinggil sa Pagsasalin ng Kemistri ay patungkol lamang sa kahalagahan ng pagsasalingwika sa konteksto ng Kemistri, bilang sangay ng agham; maging sa kahalagahan nito sa kalakaran ng pagtuturo ng nabanggit.
Nabanggit din niya na ang kasaysayan ng pagsasalin sa Departamento o Surian ng Kemistri sa UP-Diliman ay masasabing hindi katingkaran. Ito ay dahil sa mga kadahilang kaniyang ibinigay sa kanyang mga pagtalakay. Ilan na nga ang pagdating sa pagsulong ng paggamit; maging sa suporta ng mga nasa posisiyon, at mga katulad.
Isa pa, naibigay niya rin ang mga sirkunstansiya na sa kanya ay nag-udyok upang magsalin. Aniya, sa mulat mula pa ay paborito na niya ang kursong Filipino. Ito marahil, aniya, ang isa sa mga nag-udyok sa kanya na magsalin. Pangalawa, ang kanyang karanasan sa kalakaran ng pagtuturo ng agham, lalong-lalo na kung pagtutuunan ang pagtuturo ng Kemistri sa kanyang tinuturuang unibersidad. Idagdag mo pa ang kanyang mga naging karanasan noong siya ay nagsimulang mapadpad sa Francia upang mag-aral at makapagtapos ng PhD.

Sa kanyang pagtalakay pa rin, minabuti niyang ibinigay ang ilang mga mahahalagang estratehiya at pamamaraan ng pagsasalin. Sa pamamagitan nito, aniya, ay magkakaroon ang mga mag-aaral, kaniyang mga mag-aaral, na hindi katatamarang gamitin ang kayang ginawang librong may pamagat na Kemistri ng Carbon.
Isa pa, binigyang tuon niya ang mga dahilan kung bakit siya nagsalin at nagsasalin. Ang maigting na dahilan marahil sa pagsasalin ng libro sa Kemistri ay sa napakamahal ng mga reference book na imported sa ngayon.
Kung tutuusin, ang kabuuan ng kaniyang pagtalakay ay di lamang isang simpleng paghihimok na mabigyang panahon sa Unibersidad ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagsasalin sa konteksto ng edukasyion dito, kundi mukhang litaw na litaw ang pagpo-promote ng kaniyang aklat na pinamagatang Kemistri ng Karbon. Ito ay mapapansin dahil sa mga huling pagtalakay nito. Ito ay pansin na pansin sa kanyang pagbigay ng Tala ng Paghahambing sa Katangian ng Nalathala sa Inangkat na Libro (Gamit sa Chem 31 ng Surian ng Kemistri ng UP, Diliman).
Ngunit, hindi ako masiyadong binibigyang pansin ang hinuha kong ito, sa mga pag-aakalang ginawa lamang ni Sumera na pagnenegosyo o sales talk approach ang kaniyang pagtalakay.
Minabuti kong maniwala na ang layunin niya sa kanyang pagtalakay ay ang kalamanan ng kanyang mga binitawang salita sa ibinigay niyang kongklusiyon ng kaniyang tinalakay na paksa.

Research Publications




E-mail

Walang komento: