Repleksiyong Papel Marso 27, 2010
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino Ricafrente, Leo B.
MGA BATAYANG TEORYA SA WIKA
ni fe O. Otanes
Teorya ng Pangahas na Pagpapaliwanag
Maraming mga tanong ang nagsisilabasan at mukhang magsisilabasan pa tulad na lamang ng mga sumusunod:
Ano ang wika?
Bakit may wika?
Ano ang teorya?
Ano-ano ang mga teorya sa wika?
Bakit kailangang magkaroon ng teorya ukol sa wika?
Ano ang kaugnayan ng mga teoryang ito sa pagpapabuti ng pagtuturo ng wika?
Paano ba natutuhan ng tao ang wika?
Anong klaseng wika ang dapat gamitin para matuto ang isang bata ng isang wika?
Ano ang magagawa ko para maituro ang isang wika…ang tamang wika?
????.......????
Ganito ang mga tanong na marahil ay napakaposibleng bigyang kasagutan. Subalit ang mga sagot na maibibigay ko ay yaong mga sagot na wari ko’y sadyang mga pangahas lamang. Ang mga ito, sa tuwina’y, pangahas dahil dulot lamang nga ito ng kung anong wika ang aking natutuhan sa buhay. Ang wikang nagmula at natutuhan sa paaralan at ang wika ng buhay sa tunay kong mga karanasan.
Narito ang aking mga pangahas… ang aking mga teorya…
“Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkakaunawaan ang lahat.” Ito ang wika para sa akin. Hindi ko na isinali pa ang mga pangahas ring mga pagpapaliwanag ni Gleason, isang edukador, sa dahilang alam ko namang mga pangahas din lamang ang mga ito. Ito ay sa dahilang iba ang wikang kaniyang natutuhan at iba rin ang wikang kaniyang ginagamit sa pagpapaliwang niya hingiil sa wika, na produkto ng kanyang kulturang kinabibilangan.
Ang tanong na kung bakit may wika ay nasagot na sa unang pagpapaliwanag ko hinggil sa kahulugan pa lamang ng salitang wika…Ngayon ay tunghayan naman natin ang mga pangahas ko ring sagot hinggil sa kung ano ang teorya, mga teorya sa wika, ang mga dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon ng mga teoryang pangwika at ang kaugnayan ng mga teoryang ito sa pagpapabuti ng pagtuturo ng wika…
Ayon sa deskripsiyon ng American Heritage Dictionary, ang teorya ay set of statement or principle devised to explain a group of facts or phenomena, especially one that has been repeatedly tested or is widely accepted and can be used to make predictions about natural phenomena. Ang ibig sabihin nito, ang pagpapakahulugan ng salitang teorya ay simpleng pagpapaliwanag o paniniwala lamang para kilalanin ang isang bagay o ‘di kaya ay isang kalagayan kung bakit ito nangyari, nangyayari o mangyayari pa. Sa ibang sabi, ang teorya ay isang pangahas na pagpaptunay sa isang bagay o kalagayan para kahit papaano ay mapaniwalaan…
Ayon sa blogsite ni Isagani Cruz, isang kilalang manunulat, kung si Lope K. Santos ang gumawa ng balarila ng Tagalog, si Fe T. Otanes naman ang gumawa ng gramatika ng Filipino. (isaganircruz.blogspot.com/2006).
Ngunit, para hindi tayo malayo o ‘di kaya ay maligaw sa layunin ng pangahas na papel na ito, huwag na nating palawakin pa ang pagtuon sa buhay ni Otanes. Isang layunin natin ay ang alamin kung bakit kinakailangan ng teoryang pangwika sa epektibong pagtuturo ng isang wika at ng kalikasan nito. Sa ganang akin, tulad ng kahalagahan ng wika sa tao, ang teorya ay mahalaga rin upang malaman natin ang paraan kung paano ang tamang pagtuturo ng isang wika. Ito ay nagsisilbing gabay sa sinuman, tulad ng mga guro sa wika, upang maturuan ang sinumang may kaugnayan sa paggamit ng wika. Ang teorya, gaya nga ng mga nasabi na, ay nagsisilbing pundasiyon upang kahit papaano’y makilala ang isang kalagayan at kung ano ang maitutulong ng kalagayang ito sa daloy ng buhay ng isang nilalang.
May mga pagpapaliwang kung ano ang wika, kung ano ang gamit nito, kung ano ang mga teoryang may kaunayan dito, kung bakit kinakailangan ng mga teoryang ito, at anumang mga katulad. Subalit, pinakalalayunin natin na alamin kung ano ang mga maaaring kasagutan sa mga tanong na:
Paano ba natutuhan ng tao ang wika?
Anong klaseng wika ang dapat gamitin para matuto ang isang bata ng isang wika?
Ano ang magagawa ko para maituro ang isang wika…ang tamang wika?
May mga pangahas din na mga teorya kung paano natutuhan ng isang tao ang isa o mahigit pang wika. Nariyan, halimbawa na lamang, ang teoryang istrukturalismo at teoryang transpormasiyonal, at mga katulad. Subalit, kahit na magkagayon, nais ko pa ring ibigay ang aking hinuha kung paano ang isang tao na tulad mo ay natututo ng isang wika, isang wikang hindi pa lubusang alam o malalaman pa lamang. Ngayon ay tunghayan ang isang tula sa ibaba para malaman natin kung paano ka natututo ng isang bagay gaya ng wika:
Pagkamoόt?
Pagkamoόt ko saimo
daing siring na kabaing kan takal
na nakataplak sa sakuyang halanuhan.
Pagkamoόt mo man sakuya
daing siring na kabaing an tagas kan tungay
na nakatapol sa sakuyang dungo.
Utob kaini paurugon
bulbog kan satong manga talinga dangugon
siring sa kabtan kan panahon
bako nan tuli ining dara man lang sato gatol.
Gamit ang tulang iyong nabasa, marahil ay umiral sa iyo ang teoryang istrukturalismo sa dahilang naapektuhan ka ng mga salitang si ‘di mo wari’y nagamit ng may-akda sa kalamnan ng kaniyang tula. Marahil nasabi mo sa sarili mo na sobrang bulgar ang mga salita at masyadong nakakaasiwang basahin dahil may pagkabastos. Marahil ay nasabi mo rin na sa lahat-lahat ba naman ng tula sa mundo ay yaong tula pang ito ang ginamit para ibigay-halimbawa.
Subalit, marahil ay nakalimutan mong pairalin ang teoryang transpormasiyonal a iyong sistema. Nakalimutan mo marahil na kinakailangang magkaroon ng ka ng matama pagpapairal at mapanuring pagbabasa ng kahit anumang panitikan.
Para sa akin, ang tula ay magandang ituro sa kahit na sino. Epektibong ituro ito sa dahilang isang paraan ito kung paano ang tamang pag-aaral ng isang wika. Ito ay mabisang halimbawa dahil sa dahilang ang taong nagbabasa nitong pangahas ay nananahan sa kasalukuyang kultura ng bansa—ng kulturang Filipinas at ng kulturang bikolnon…
Para sa akin ang pagkatuto ng isang wika ay adapat naiuugnay o nailalapit sa kultura kung saan nabibilang ang isang tao. Ito ang batayan ng pagkatuto ng isang wika. Subalit, sa panig ng isang mapanuring mambabasa o guro, nasa paraan at pamamaraan na lamang ng tao kung paano niya gagamitin ang tamang wika para malaman at maibahagi ang isang wikang produkto ng kaniyang pag-aaral at mayamang karanasan. Tandaan, kailangan ng transpormasiyon…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento