Of Love and the Other Demons
Naiibang Bersiyon
Mga pangunahing tauhan:
Sirva Maria de Todos los Angeles
Don Ignacio cayetano Delaura at
Doña Bernardina Cabrera
Pantulong na mga tauhan;
Sr. Obispo Domingo
Padre cayetano Delaura
Dr. Abernucio
Trinidad
Unang Tagpo
Mansiyon ng Pamilya Angeles
Malakas na ang bawat bugso ng hangin. Di tulad ng mga nagdaang araw na halos animo’y ang mga malalagong dahon at sanga ng mga puno ng kahoy sa paligid lamang ng buong kabahayan ng pamilya Angeles, isang kilalang pamilya at nabibilang sa antas alta sociedad ang katayuan sa bayan ng Sta. Clara, ay masayang umaalinsabay sa bawat dampay ng hangin. Idagdag pa ang saliw ng tila musikang hampas ng tubig sa dalampasigan na ilang hakbang lamang ang layo mula sa malaking bahay ng pamilya Angeles .
Nagkataong tahimik namang namamahinga si Don Ygnacio, ang mismong mag-ari ng buong kabahayan, na siyang may pinakatatanging unica yja na si Maria. Si maria ay nasa gulang na ng kanyang pagdadalaga. Naririyan din ang esposa nitong nagngangalang Doña Bernardina, may ugaling di maipali-paliwanag na lasambit na karamihan.
Isang araw…
Don Ygnacio: (tatawagin ang katulong)
Trinidad…Trinidad…Trinidad…!!!
Trinidad: (naggugupit ng kanyang matutulis na mga kuko)
Por un momento señor Ygnacio!...sandali lamang po señor
Don Ygnacio: de prisa!!! (madali!)
Trinidad; Si señor…
Don Ygnacio: Poñemas! Ba’t ang tagal-tagal mo!?
Alam mo namaaaang pinakaaayaw ko ang ako’y laging pinaghihintay. Entiende!?
Trinidad: Lo siento señor (parang magpapakumbaba)
Don Ygnacio: Sa susunod ha, baguhin mo ang ganyang klaseng custombre!
Entiende…naririnig mo ba ako?
Trinidad: Mawalang galang na nga po señor…ba’t niyo po pala ako tinawag?
Don Ygnacio: tawagin mo nga ang señora’t señorita mo.
Trinidad: Si señor…(tatawagin ang mag-ina)(makikita ang señorita sa may balkunahe at ang señora
nama’y sa may sala,, na tila sarap na sarap sa paghigop ng palima na niyang kapeng
pinatimpla sa muchacha)
Trinidad; Señora Bernardina…señorita Maria, pinatatawag po kayo ni Señor Ygnacio. Dali
raw po kasi tila ho ‘ata may importanteng nais sabihin….
Doña Bernardina: (Biglang magugulat at maririnig ang panawag ng katulong; sa dulot ng
pagkabigla nito ay muntikan nang mabilaukan at mapapaubo ng kaunti)
Sabihin mong sandali lamang at tatapusin ko muna itong aking hinihigop na kape.
Señorita Maria: (nasa may kuwarto nito at biglang mauulinigan din ang panawag ng
katulong at dali-dali itong papanhik at tutungo sa kuwarto ng ama)
Bakit papa? Ano po ‘yun? May problema po ba/ ano pong masakit sa inyo?
Don Ygnacio: (haharap sa may pintuan at ngingiti sa kapapaok pa lamang na anak)
Oh, Maria, halika nga rito…At bakit ‘ala pa ang mama mo? Ba’t di mo pa s’ya
kasama?
Señorita Maria: ano po ‘yun papa? May sasabihin daw po kayong mahalaga?
Don Ygnacio: Sandali lamang muna anak. Hintay-hintayin muna natin ang iyong mama.
Trinidad: (biglang papasok at sasabat sa usapanng mag-ama) (magbibigay-galang)
Ipagpatawad nyo po, señor-señorita kung nadistorbo ko ang inyong pag-uusap.
Ang sabi po pala ni señora’y mga sandali lamang daw po’y siya’y paparito na…
( magpapaalam at lalabas sandali) Lalabas muna po ako…kung may gusto po
kayong iutos pa sa akin ay tawagin nyo lamang po ako. Sige po, mawalang galang
na…) Isasara ang pinto pagkalabas)
Isang sandali pa’y pumanhik na ang señora sa kuwarto ng esposo. Sa pagkapasok nito ay biglang…
Don Ygnacio: Bernardina, Oh’t bakit ngayon ka lang. Kanina pa kita pinatawag sa
muchacha… Ano ba’t ang tagal-tagal mo?
Doña Bernardina: (bahagyang kukunot ang nuo dahil sa narinig mula sa asawa)
Ano ba, parang isang minuto lang kitang pinaghintay ay ganyan na ang mga
patama mo. Para tinapos ko lang ang aking pagkakape… Ano ka ba Ygnacio, sana intindihin mo naman…
Don Ygnacio: Bueno, tama na ‘yan. Baka kung saan na mapunta ang usapan na ‘to---
mahirap na. Ngayon, kaya ko pala kayo pinatawag ay dahillll gusto kong malaman
nyo naaaa…nayong alam nyo namang nalugi na ang ating plantasiyon ng kape,
kaya minabuti kong ihabilin muna at ipagkatiwala ang pangangalaga sa’yo Maria sa
muchacha nating si Trinidad…
Doña Bernardina: (magugulat at magtataka)
Eh, at bakit naman. Naririto naman ako bilang ina niya. Bakit mo pa naisipang
ipagkatiwala si Maria sa pobreng muchacha nating ‘yun? At dun pa sa lugar ni Trinidada
sa Afrika?...Mukha ‘atang ‘ala kang tiwala sa akin (magdadrama) Totoo ba?!...
Señorita Maria: (biglang magugulat din sa sinabi ng ama) (magdadahilan)
Siya nga po papa, ba’t gagawin mo pa ‘yan eh mabuti naman ang katayuan natin dito.
Mabuti rin naman ako? Hindi nyo po ba ako mahal? Hindi nyo po ba kami mahal ni mama?
Don Ygnacio: (magbubuntunghininga)
Alam mo anak….’wag mong isipin ang ganyan. Alam mo namang mahal na mahal kita, kayo
ng mama mo…kaya ko nga ito ginagawa. Ayaw ko lamang maranasan mo ang hirap ng
ganitong klaseng kalagayan…aasikasuhin ko muna ang problema sa plantasiyon. At saka…
Doña Bernardina: (sasabat sa asawa), …at saka ano/ at sak siguro ayaw mo lang ako ang mag-
alaga sa kanya…ata kaya…
Don Ygnacio: (sasabat din sa asawa)…kaya ko ito ginagawa sa dahilang mahal ko ang anak natin.
At saka alam mo namang wala akong hinangad kundi kapakanan ni Maria…At saka alam
ko namang ‘ala akong maaasahan sa ‘yo, hindi ba? Oh ano’t ba’t ‘di ka makatingi’t
makasagot sa akin nang diretso. Oh ano? Tama ba ako?. ‘Ala ka namang ibang ginawa
rito kundi ang magmukmok sa isang tabi at umiyak ‘dun sa peste kabit na si Hudas
Iscariote…. (magkukurus at kakabahan nang kaunti) por dios por santo, ‘kaawaan nyo
nawa ang kanyang kaluluwa…
Doña Bernardina: Ah-ehhh…
Don Ygnacio: Mismo!
Doña Bernardina: ah-ehhh…sandali lang…
Don Ygnacio: Tama na ‘yan. Tapos na ang usapan na ‘to! Penal na ang aking
desisiyon…tapos!
Di nila wari na sila palang tatlo’y kanina pa pinakikinggan ng muchacha nilang si Trinidad na nasa may labasan lamang.
Trinidad: (mahahawi ang isang krusipiho na nasa ibabaw ng isang lamesita) (kakabahan dahil sa
nagawa)
Doña Bernardina: (magtitiim-bagang, mapapasigaw nang bahagya at dali-daling tutunguhin ang
labas para tingnan kung ano ang nangyari) Sino ‘yan? Trinidad…!Ikaw ba yan?,
Trinidad… (kakabigin ang pinto at pagkabukas ng pintuan ay biglang makikita ang
muchachang si Trinidad na nanginginig kunin ang nahulog na krusipiho)
Trinidad: Señora-ahhh…Bernardina, ipagpatawad n’yo po. Di ko po sinasadya. Perdon
soñora…perdon….
Doña Bernardina: (manlilisik ang mga mata sa nakita, na animo;y sa diyablo)
Estupida! Ano ba’tong ginawa mo? Hala, kunin mo ang aking pitaka at tumungo sa dun
sa may simbahan, dun kay Señor Obispo at humingi ng tawad, magpadasal at magbigay
ng indulhesiya…
Trinidad: Ngayon din po señora….
Di nagtagal ay napilitan ding makumbinsi ni Don Ygnacio ang anak, pati na ang asawa nito, na dahil sa lubos na kahihiya’y matagal-tagal ding dinibdib ang nasambit ng kanyang esposo.
Ikalawang Tagpo
Sa Bahay ni Trinidad, sa Afrika
Si Maria ay napilitan nang manirahan sa bahay ng muchacha nilang si Trinidad. Ngunit, sa buong panahon ng kanyang pamamalagi rito ay unti-unti niyang nalaman na iba palang Trinidad ang kanyang nakakasama, di gaya ng Trinidada na nakilala niya nuong nasa Sta. Clara pa ito.
Trinidad: Ikaw Maria, makinig ka ha! Ngayong nasa poder kita ay dapat matutunan mong
makaibagay sa kung ano ang nakikitamo dito sa lugar namin. Huwag kang maarte at aasta-
astang señorita diyan…Iba ang ngayon sa dati. At mas lalaong iba rito kaysa dun sa
manssiyon nyo….
Maria: (di na nagawa pa nitong magsalita)
Nang mga panahong yun ay dun niya una at tuluyang naranasan ang makihalubilo sa ibang tao na kanyang nakakasalamuha, na pawang kapwa katutubo rin ni Trinidad. Dun niya natutuhan ang magsalita ng ‘di hihigit-kumulang sa dalawampo na klaseng diyalektong Afrikano. Duon din niya nagawang kumain ng mga putaheng pobre at sa tanang buhay niya ay dun niya lang natikman, tulad na lamang ng nilagang testiculos ng kambing.
Dahil dito’y nalaman ng pamilya Angeles ang nagiging kalagayan ng anak na si Maria. Kaya nagawang pabalikin si Maria sa bayan nila – sa Sta. Clara…
Ikatlong Tagpo
Sa Simbahan ng Sta. Clara
Araw na naman ng linggo…
“Laging tatandaan mga anak ng Diyos na ang sinumang tao na hina ang pagbibigay ng…indulhensiya sa simbahan ay lalamunin ng nagliliyab na apaoy sa malawak na impiyerno, na tahan ang isinumpang ang hel na si Satanas!!!”
Laging tatandaan din na walang sinuman na labas ng simbahang katolika ang maililigtas pagdating ng araw ng paghuhukom…!
Ang mga piling sambitang ito na lamang ang naabutan ni Dr. Abernucio sa ginawang misa ni Sr. Obispo Domingo ng araw na yun, kaya minabuti na lamang niyang di na pumanhik pa ng simbahan. Bago pa man siya makalabas ay nanakaw ng kanyang pansin ang tila ‘di mahulugang karayom na pinakaloob ng simbahan.
Nang halos patapos na ang koro sa pag-awit ng huling awiting pangmisa ay isa-isa hanggang sa pulu-pulutong na ng mga nagsipagsimba ang nagsisipag-unahan papaunta sa may bukana ng simbahan
Sa dahilang ayaw nang mapabilang pa sa mga nagkikilkila’t pawis-pawisang mga nagsipagsimba ay minarapat na lang niyang unahan ang mga ito palabas ng nasabing gusali.
Nang papalabas na siya ay nahatak ng kanyang pansin ang isang hubog sa putik na kerubin na kung saan ay may hawak-hawak na maliit na lalagyan ng agua bendita…malapit lamang sa may pintuan. Subalit, sa di malamang gagawi’y ‘di na niya nagawa tunguhin pa ito at para mag-antada bago lumabas.
Sa kanyang paglabas, bago pa lamang siya makalayo ay nabaling ang kanyang pansin sa ilang mga huling nagsisipaglabasan ng simbahan, na kasa-kasama ang Sr. Obispo. Nalaman niya na nag kausap-usap ng obispo ay ang kilalang pamilya Angeles.
Señor Obispo: Kumusta na pala itong anak niyong si maria, Señor Ygnacio…Señora
Bernardina?
Señor Ygnacio: Ah-ehh…mabuti naman po señor… ba’t nyo po pala naitanong…?
Señor Obispo: Ah-ehh…wala naman, señor….naitanong ko lang…kinumusta ko lang…Bakit, may
masama bang kumustahin siya?... (kaunting galit ta pagtataka)
Señor Ygnacio: Wala naman po, ipagpatawad nyo…
Señora Bernardina: Ah-ehh…padre, pagpasensiyahan nyo na lamang po si Ygnacio…
Ngunit, habang napapasarap ang pag-uusap ng tatlo ay nagkataon namang napahiwalay si Maria, ilang hakbang lamang mula sa mga nag-uusap na magulang nito at obispo. Subali’t nang mapatapat siya sa isang kanto ay dun siya simulang tahulan nang tahulan at kagatin ng isang asong gala. Kaya, dahil sa mabilis na pangyayari ay biglang sumigaw na lamang siya na halos mabingi ang lahat sa narinig.
Señorita Maria: (sisigaw) Papa…Mama… Aray ko po….Ayuda!...
Mag-esposo: (agad matataranta sa sigaw ng anak)
Señor Ygnacio: Dios mio padre, anak ko ata padre ang sumigaw na ‘yun….!)
Mag-esposo: (hahagilapin ang pinagmulan ng matinding sigaw)
Señor Ygnacio: hija, nasan ka?... anak, sagutin mo ako….!
Mag-esposo: (matatagpuan ang anak na nakahandusay sa isang kanto at duguan ang kaliwang
binti…
Mabilis ang naging pangyayari. Agad na dinala si Maria sa malapit na klinika – sa isang kilalang mediko sa bayan na si Dr. Abernucio. Dahil naruroon din sa tagpong yun ang nasabing doktor ay nagawa nang tumulong ang doktor…
Señor Ygnacio: O doktor, narito ka pala…salamat…. Patulong naman pong dalhin natin ang anak kong si Maria sa inyong klinika at nang mabigyan natin siya ng paunang lunas!...dali po doktor….
Dr. Abernucio: Ohhhh-Señor-señoraaa…sige po…halina kayo’t …De prisa Calesa señor!!!!!!
Ikaapat na Tagpo
Sa Klinika ni Mediko Abernucio
Dr. Abernucio: (kukunin ang maliit na lalagyan ng mga medecina at mga equipo
clinico…gagamutin na ang nakagat ng asong si Maria at pagakatapos….)
pasalamat na lang po tayo sa mga santo at kahit papaano’y nalunasan natin agad ang
naging sugat ng unica hija nyo…
Don Ygnacio: eh, paano po siya doktor? Bubuti na po ba ang kanyang kalagayan matapos nito?
Baka po kung ano ang mangyari sa kanya?
Dr. Abernucio: Señor, mas mabuti pong pagpahingahin muna natin siya at maghintay hanggang
sa siya ay magkamalay. At kapag nangyari yun ay pag-aralan natin kung gaganda ang
kanyang kalagayan sa susunod na mga araw at sa mga susunod pa nating mga
obserbasiyon….
Doña Bernardina: Eh doktor, paano naman po pala ang magiging bayad namin sa inyo?
Magkano po ba? Puwede na po ba ito?
Dr. Abernucio: Ah-ehh…señora, salamat na lang po…Huwag nyo na pong isipin ang bayad. Ang
mahalaga po’y nalunasan natin pansamantala ang naging kagat ng aso sa anak nyo….
Don Ygnacio: Espera nga po doktor…., ano po’t kanina nyo pa sinasabing pansamantala…. Ang
ano?
Doña Bernardina: (sasabat sa esposo)
Ah-ehhh, pagpasensiyahan mo na lamang po itong asawa kong si Ygnacio, doktor…Ano
ka ba Ygnacio, nakakahiya…
Don Ygnacio: anong nakakahiyang pinagsasabi mo? Parang may nililinaw lamang ako sa kanya….
Dr. Abernucio: bigalang sasabat sa usapan) Ah-ehh…, iyon po ba señora? Ala po yun….
Doña Bernardina: Doktor, wag po kayong mag-alala’t idaraan ko na lamang itong ginawa ng
esposo sa indulhensya para sa simbahan….hayaan nyo’t ihihingi ko siya ng tawad sa
panginoon…
Ikalimang Tagpo
Sa Bahay muli ng Pamilya Angeles
Makalipas ang ilang araw ay nagtaka na lamang ang mag-esposong Ygnacio at Bernardina sa tila ibang ikinikilos ng kanilang anak. Parating labas-pasok at lakad-takbo ito kung humalibilo sa bahay… parang nawawala sa katinuan at laging napakalayo ng kanyang iniisip—di alam kung ano ang una at mga susunod pang gagawin.
Nung una ay madalang lamang ngunit habang tuatagal ay mas lalo pa atang lumalala hanggang sa napansin ng mag-asawa ang panlilisik ng mata ng anak isang araw. Dahilan ng pagkabahala ay napilitan at nagawang isugod muli ang anak nilang si maria sa klinika ni Dr. Abernucio.
Don Ygnacio: Halika na Bernardina, dalhin natin si Maria sa klinika ni doktor…
Ikaamin na Tagpo
Muli sa Bahay ni Dr. Abernucio
Doña Bernardina: (kakatok nang makailang beses sa pinto…)
Doktor….!!! Doktor….! Doktor…Pagbuksan nyo po kami… kailangan po namin ang inyong
tulong… Doktor…!
Dr. Abernucio: Oh-bakit po señora? Ano naman po bang nangyari?!!!!
Don Ygnacio: Doktor…tulungan nyo po ang aking anak. Parang awa nyo na po doktor. Bigla na
lamang nanlisik ang kanyang mga mata at mukha ‘atang epekto ito ng sugat na kanyang
natamo mula sa kagat ng aso kamakailan…!Ano na po ang gagawin natin doktor…? Bakit
po lumalala pa siya…? Humihilagpos po siya sa bawat paghawak namin sa kanya… parang
asta ng isang nababaliw….
Dr. Abernucio: (kukunin ang mga gamit sa panggagamot)
Hali kayo’t itali natin siya….Namumula po ang kanyang mga mata señor…! Mukaha pong
alam ko na kung ano ang kanyang sakit….
Doña Bernardina: (sasabat sa usapan)
Tila ho ata parang sinasapiaan ang anak ko ng isang masamang espiritu,
doktor…napapansin nyo ba?.....
Don Ygnacio: Tingnan nyo po’t lubahang nanlilisik ang kanyang mga mata at ngayo’y
nangingisay pa… Mukaha ho talag atang bumabalong sa kanya ang isang diyablo! Por
diyos por santo…!
Doña Bernardina: (magkukurus, mag-uusal ng mga panalangin, tatawagin lahat ng mga santo at
mariing hawak-hawak ang kanyang escapular)
Dr. Abernucio: Kung gayon po sana’y hindi rito nyo siya dinal.. eh di dapat ay sa simbahan para
mabendisyunan o di kaya’y sa isang ekhorsista….! Mukhang ‘alang epekto ang aking
medicina sa ganyang kalagayan….
Sa labis na katarantahan ng lahat… hindi nagdalawang-isip ang mag-esposo na dalhin na si maria sa simbahan para humingi ng saklolo sa kanilang mahal na Obispo….
Ikapitong Tagpo
Muli sa Simbahan ng Sta. Clara
Pagkarating ng mag-esposo sa may simbahan ay unang bumukas sa kanila ng pintuan ay ang eyudante’t kunfedante ng Sr. Obispo na si Padre Cayetano…
Padre Cayetano: Dios mio…ba’t ganyan ang mga itsura nyo…mukhang nahulugan ng langit…!
Ba’t ganyan na lamang ang hingal nyo? Anong problema?....
Don Ygnacio: Padre Cayetano ipagpaumanhin nyo po ang aming pagparito ngayong dis-oras
ng gabi….gusto lamang po naming humingi ng saklolo sa inyo…
Padre Cayetano: Ano po ba namang tulong ang ibig niyong liwanagin? At ba’t ganyan na
lamang po ang pustora ng anak niyong si Maria? Mukaha ho atang nawawala sa kanyang sariling katinuan….?!
Don Ygnacio: Padre, ang totoo nga po’y asiya nga ang aming pinuproblema…! Mukha ho kasi
siyang sinasapian ng dyablo…tama po ba ako padre…?
Padre Cayetano: Ganun po ba…?! Dispenseme primero señor…Ipagbibigay-alam ko muna po ito
sa ating Obispo señor…
Tatawagin ang Obispo na kani-kanina pa sarap na sarap na kumakain ng cena niyang bigay kani-kanina lamang ng isang mayamang ginoo matapos ng simba…bilang indulhensiya…
Sr. Obispo: Sr. padre, hindi ba’t patakaran dito sa loob ng kumbento lalo na maging sa loob
nitong simbahan na bawal ang pagdistorbo sa sinumang kumakain…lalo na ngayon….
Padre Cayetano: Pero señor Obispo, naririto po ang pamilaya Angeles at gustong humingi ng
tulong saatin, bilang simbahan…!
Señor Obispo: Ano? At ano naman ang kailangan nila?! Dapat nga’y itong simbahan o tayong
mga tagasimbahan pa ang kanilang tulungan sa ganitong mga panahon…
Padre Cayetano: Señor, mukha ‘ata kasing sinasapian ang kanilang anak na si Maria ng –
diumano’y diyablo….?!
Sr. Obispo: eh-ba’t di mo agad sinabi…si maria pala ang nangangailangan ng tulong ko….?!..
O s’ya-siya…sabihin mo na lang na sandali lamang at tatapusin ko lamang itong aking
kinakain…
Padre Cayetano: Sige po señor…
Matapos ang hapunan ng Obispo ay agad nitong hinanap ang pamilya Angeles sa may salas na nasa unang palapag lamang ng kumbento….
Sr. Obispo: O Don Ygnacio…Doña Bernardina…narito pala kayo….! Ano po b ang atin?
Ba’t, ano po ang nangyari…?!
Doña Bernardina: (kukunin dali-dali ang kamay ni Sr. Obispo Domingo at hahadkan nang
nakakawa ang mukha…)
Don Ygnacio: (‘di nagawang magbigay-galang sa obispo dahil sa mahigpit na paghawak nito sa
nagpupumiglas na si Maria)
Doña Bernardina: Sr. Obispi…Sana po’y matulungan nyo kami dito sa aming anak na si
Maria…hindi po namin alam kung ano na ang gagawin namin sa kanya…! Ang tindi po ng kanyang dinaramdam sa ngayon…. Ang paliwanag nga po ng doktor ay mukhang dulot lamang ito ng kagat ng aso…Pero ayw po namin itong paniwalaan…ang kanyang mga paliwanag…!
Sr. Obispo: Kagat ng aso?!! Manaiwala ako… por dios por santo, nalilisik pala ang kanyang mga
mata…Mukahang ang baling ng kanyang tingin ay ako…. Nungka akong maniwala sa
anumang paliwanag ng medicina…tingnan na lamang ang kanyang mga mata…siguradong
demonyo talaga ang lumulupig sa katawan ng anak nyo…!!!
Dña Bernardina: (mag-aantanda) Diyos ko…! Sinasabi ko na nga ba….Señor, tulungan nyo po
kami…!
Sr. Obispo: Ang kahinaan ng pananampalataya ay senyales ng kahirapan sa buhay-katoliko…!
Kaya siguro nangyayari ito sa anak nyo dahil sa mahina ang pananampalataya ng pamilya
nyo sa simbahan…sa mga alagad nito….! Kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa….
Doña Bernardina: …dahil po sa ano…?!
Sr. Obispo: alam nyo namang may kasabihan ang simbahan na mas amaraming indulhensya, mas
mabuti…
Padre Cayetano: (nakikinag lamang sa usapan ng obispo at ng señora… mukahang
nagdadalawang isip sa mga sinasabi ng obispo…)
Ang suhescion ng obispo na mamalagi muna sa kumbento si Maria, para dun gawin ang pag-e-eksorsismo sa sumaping diyablo sa katawan ng dalagita, ang siyang naging paksa ng tatlo…At ang siyang ginawang tagapagpalayas sa diyablo ay si Padre Cayetano…
Sa maraming araw ng pamamalagi ng dalagita sa kumbento ay hindi naiwasang magkaroon ng higit pa sa kaibigang-pag-ibig sa panig ng dalaga at ng pari…Ngunit, di nagtagal, ay nalaman ng obispo ang pag-ibig na namamagitan sa dalaga at sa paring si Cayetano…
Ang ginawang aksiyon ng obispo ay paghiwalayin ang dalawa…Pinalabas ng obispo na…
Sr. Obispo: padre Cayetano…! Humling ako sa kardinal na ikaw na lamang ang gawin kong
takdang magpapatuloy ng kawang gawa ng simbahan sa hospicio ng mga ketongin dun sa
lugar sa katimugang Afrika…Sana…mapagbigayn mo itong kahilingan ng simbahan….?!
Padre Cayetano: Subalit señor…paano na po si Maria, ang kanyang kalagayan po… ay pa’no
na…?! Siguro po’y mas marapat at makabubuti kong nandirito ako kasama nya upang
gabayan siya sa bawat araw ng paggaling nya…
Sr. Obispo: Ngunit cayetano (paglit na sabat ng obispo)!... nagbitiw na ako ng Oo sa
kardinal…alam mo yan…!! Huwag kang mag-alala padre sa kalagayan ni Maria… Ako na
ang bahala sa kanya…Ako na lamang ang tatapos sa iyong mga naiwanan…At mamaya’y
magsimula ka nang magimpake ka na kasi sa sunod na araw na ang iyong biyahe…
Subalit ang ginawang pagpayag ni Cayetano sa kagustuhan ng obispo ay mistulang naging demonyo pa pala ang pinatunguhan…Ang pinagkakatiwalaan nya palang obispo ay siyang demonyo sa naiwang lihim na kasintahan…Ang pinakalalayunin pala ng obispo ay ang….
Sr. Obispo: (tinuloy ang layuning panggagahasa sa kawawang si mMaria…Ginapos ang dalaga
sa higaaan nito at dun simulang halayin ang walang muwang na dalagita…)
Maria: (magsusumigaw…magpupumiglas…magwawala na parang nababaliw….)
Sa labis na kademonyohang naranasan ng dalgita mula sa obispo ay ‘di nakayanan ng murang katawan nito ang matinding pangyayari…matapos nito ay mabilis na kumalat ang balita sa buong bayan ng Sta. Clara. At mabilis ding lumipad ang balitang ito sa lugar ni Cayetano…sa di inaasahan ay nagawa ni Cayetanong magwala nang magwala sa sobrang galit at hinanakit sa Obispo…`
Padre Cayetano: (magwawala) bakit?!.... Bakit po Diyos ko? Ba’t nyo po ito pinahintulutang
mangyari kay maria… Ba’t siya pa….!?
Matapos malaman ni Cayetano ang nasabing kapalaluan ay galit itong tinungo ang daan pabalik sa bayan ng Sta. Clara. Pagkabalik pa lamang niya’y nanlilisik na ang mga mata nitong tinungo ang simbahan upang harapin ang demonyong Obispo…
Nang makarating kumbento ay nagkatong naroroon ang kanyang hinahanap…Hindi na siya nagdalawang-isp pang kitilin na ang buhay ng demonyo…
Padre Cayetano: (magugulat sa nangyari…sa nagawa..habang tumapon ang kanyang tingin sa
mga santong nasa loob ng kumbento…)
‘Di nagtagal, dahil sa napakaraming naglalarong mga problema sa isipan ng nasabing pari ay nagawa niyang kitilin na rin ang kanyang buhay…at dumanak ang masamang dugo..
Bago pa lamang namatay ang obispo ay nagawa nitong mangumpisal ilang minuto bago natagpuang patay ang demonyong si Obispo Domingo…
Wakas…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento