Martes, Disyembre 28, 2010

Pagsasalingwika sa Konteksto ng Agham at Teknolohiya

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-11 ng Disiyembre 2010
PAGSASALING TEKNIKAL BILANG TEKNOLOHIYA FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
Emmanuel G. Anglo, Ph.D.
Ricafrente, Leo B.

Pagsasalingwika sa Konteksto ng Agham at Teknolohiya


Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Filipinas, isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at kaganapan ng wikang pambansa.


---- Mula sa Bulawan 19: Journal of Philippine Arts and Culture; ANG PAGSASALIN BILANG GAMPANING PAMBANSA
ni Virgilio S. Almario

“Tuwing magkakaroon ng usap-usapan ukol sa kung maaari at dapat ipalit ang Filipino para sa Ingles, hindi nalilimutang banggitin ang larang ng siyensiya bilang isang mabigat na hadlang laban dito.”---isang napakababaw, walang kongkreto at isang huwad at kawalan ng tiyak na basehan na pala-palagay at sadyang maling argumentong pinaninindigan ng mga kawal ng pagsasalin, na tulad ni Emmanuel G. Anglo.
Hindi tinalakay ni Anglo ang mismong teorya sa pagsasaling teknikal; sa halip ay kanya lamang na sinubukang bigyang pansin at kaunting paglalahad ang mga kaisipang nagmula sa pananaliksik ni Mario Miclat, isang propesor ng Asian and Philippine Studies, Asian Center, ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ukol sa pilosopiya at praktika ng pagsasaling teknikal.
Ayon sa kanya, higit na mas kapaki-pakinabang kung tatalakayin niya ang proseso ng pagsasalin ng wika at ang relasiyon nito sa proseso mismo ng agham. Isa pa, ang pagtalakay na ito ay sadyang nagbibigay-linaw sa kung ano ang tunay na katangian at kalinangan ng pagsasalingwika sa agham; kung bakit hindi maglaho-laho ang mga pagdududa rito, na wari niya ay isang malaking balahid sa daan tungo sa pagpapalaganap ng pambansang wika.
Ayon pa rin sa kanya, pagdating sa sensibilidad sa kasaysayan ng relasiyon ng wika at agham, ang wika ng agham at ang lawak ng diskurso nito ay magkakalingkis. Ibig sabihin nito, aniya, kung ano ang paraan na ginagamit sa pag-unawa sa isang penomenon o kalagayan, itinatakda rin ng paraan kung ano ang maaaring pag-aralan at hindi. Isang paniniwala na sa kung may tiwala at paniniwalang sa pamamgitan ng wikang Filipino, bilang isang wikang ginagamit sa pag-iisip, maaaring ganap na maunawaan at maipaunawa ang isang konsepto sa agham o anupaman, ang pagbubuo ng isang artipisiyal na wika ay walang pagkalalagyan.
Ikalawa, sa konteksto ng kaibahan ng agham at mga larang teknikal, sa paraan ng pagbibigay-basbas sa anumang piniling paraan sa pagsasalin, ang panghihinayang sa pagsasaling teknikal ay walang anupamang batayan, sapagkat ayon pa rin sa kanya, ang pagsasalin ay laboratoriyo sa pagbubuo ng kasangkapan ng diskurso; ang kailangan lamang ay ang pagpapanatiling buhay ang proseso ng pagpapayaman at pagpapalaganap.
Dagdag niya pa, dahil ang pagasalin ay bukas sa pagpapayaman at malawakang pagpapalaganap, higit pa ring inaasahan sa teknikal na gamit maliban sa ibang layon ng pagsasalin at mga pamamaraan nito ay ang praktika ng/o sa bisa ng propesiyunal na estandardisasiyon, sa tulong ng opisiyal na kasunduan---isang batayan o sukatan ng kalakhang pagsasalin sa agham, mula sa larang ng dalubhasaan, pormal na proklamasiyon o sa panig ng batas at konstitusiyon, o pagsang-ayon ng isa o mahigit pang iginagalang na mga jornal sa sector pang-edukasiyon.
Subalit, ganumpaman, napakalaki pa rin ang ginagampanan sa larang na ito ng pagpapayaman at malawakang pagpapalaganap, gaya ng mga nasabi na, ng mga bagong pananalitang palagiang umuusbong sa bawat panahon at bawat larang, tulad ng nasabi na. Ito ay isang paraan ng inobasiyon sa wika ng bansa.
Ikatlo, maliban sa mga nabanggit, kinakailangan din ang pagkakaroon ng maprosesong kasunduan sa pagiging konsistent sa paraan ng pagsasalin, mga alituntuning sinusunod at dapat ipasunod; maging sa katumpakan ng paggamit.
Panghuli, pagdating sa mga duda-duda sa kakayahan ng wikang Filipino sa larang ng agham sa pamamagitan ng pagsasalingwika, marami pa rin ang gumigitaw na kabalintuaan sa pagtanggap sa layong ito. Sadyang umiiral pa rin ang epekto ng pesimismo sa pagsasaling teknikal, kahit sinasabing maraming batayan o pagpapatunay na may praktikal na bentahe ang wikang pambansa sa pagsasalin. Ito ngayon ay nananatiling malaking hamon sa ating lahat, lalo na iyong mga mapagmahal sa sarili o pambansang wika. Naririyan ang mga agam-agam sa mahirap na panghihikayat, dahil sa lumalala at humahabang galamay ng Ingles, lalo na sa tulong ng internet o teknolohiya.
Ganumpaman, bilang pangwakas, naniniwala pa rin ako sa kamalayang ipinamalas obinigyang linaw ni Anglo sa kanyang mga pagtalakay. Subok nga at sadyang mabuti at makatotohan ang kahalagahan ng pagsasalin sa larang ng ahgam, maging mga katulad.

Dr. Emmanuel Anglo has a Ph.D. in Meteorology from the University of the Philippines.He is currently an Associate Professor of the Department of Physics of the Ateneo de Manila University where he handles graduate courses in geophysical fluid dynamics and numerical weather prediction.He also teaches environmental modeling and statistics in Ateneo's Environmental Science Department.His research at the Manila Observatory covers urban air quality and regional climate change, focusing on its possible impact on the climatology of tropical cyclones affecting the Philippines.

Walang komento: