Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2010
Pagsasalin Tungo sa Panahong Tapos na FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
ang Pagakabilanggo sa wikang Ingles
Ricafrente, Leo B.
Kamalayan sa Isyung Pampagsasalingwika:Pagsasamantala at pagkontrol
Tunghayan muna natin ang isang tulang pangkasaysayan ng ating di-matapos-tapos na usaping pangwika na siyang lunsaran ng aking pagtalakay.
MakaBrawn
Halos matagal-tagal na ring magkasama Na higit pa sa magkapatid
Sina Panlapi at salitang-ugat Nang naisipang magsarilinan Sabay
ang pag-usbong ng kani-kanyang pamilya.At doon nagsimula ang unang
simula…Nang may-anak na si Panlapi kay Kayumanggi Ang napiling itawag
sa supling ay “Maka” Naaliw rin ang morenang si Ibangkulay At sumunod
ang pagkarinig ng unang mga iyak ni Brawn. At doon na nagsimula…
Sa mga tuksuhan ng dalawang
magkatoto Pagtataas ng mga
anak ang laging laman ng usapan
Dun din nagsimula ang pagkaka-
ibigan nina Maka at BrawnAt dun
din nagsimula…Nang sumunod pang mga araw Namukhaan ang mga nagiging
bunga At hanggang pa sa mga sumunod na sesyon ng kanilang pag-eskwela
Tila halos pareho kinakawawaAng gawing magsama sa iisang asignatura
ay di magawa Ang gawing magkaklase’y mas lalo na Ang isa ay sa umaga at
ang isa naman ay sa gabi Walang pagkakataong magkuwentuhan man lang.
` Nagkaroon ng matinding halalan napilitan ang dalawang maglaban Si Maka
ang dapat maging pangulo, ang
sabi ni Escudero Hindi, si Brawn
ang siya nating ibuto, sabi naman
ni Arroyo At dun nagsimula ang
kinatatakutan. Lumala…Sa araw
nang banggitin ang kandidatong
nanalo Si Brawn, Brawn, Brawn
ang uupo sa trono. Mabuhay!, ang
sabi ni Dato.Namarka sa isipan ni
Maka ang panggigipit ni Brawn
Pagbubuhat ng sariling bangko ang
Napagtripan Ang kaibigan ay siya
nang itinatanggi’t tinalikuran Kasama
pa ang panunukso ng mga klasmeyt
nilang sina Gitling at Pang-ugnay!
Darating din ang araw ng pagababalik
Bigat sa dibdib ay tuluyang mananahimik
Magkakasundo ang dalawa sa muli:
Di dapat natin hayaan ang ganun,
sabi ng isa. Oo nga, ang sambit naman ng kabila.
Di na hahayaan na si klasmeyt na Gitling at kanyang mga katropa’y muling mapagitna
Simulang ibalik ang MakaBrawn at di Maka-Brown…
Malamang, mula sa iyong pagbabasa, hayagan mo nang naunawaan ang naging at siyang nagiging kalakaran ng ating wikang pambansa. Malamang din ay unti-unti mo nang nasasaksihan ang mga pagbabago sa sistema at masalimuot na kalakaran ng edukasyon sa ating lipunan – pagbabagong dala mismo ng makabagong pamumuhay at modernisasiyon sa lahat ng aspekto ng buhay.
Gayunpaman, kahit moderno na ang ating lipunan ay nakagapos pa rin ang ating wika sa di matapos-tapos na mga usaping patuloy na nagpapalugmok dito, lalong-lalo na pagdating sa usaping pampagsasalingwika. Ang wika, ika nga ng marami sa atin, ay nagpapakamoderno na, subalit karamihan sa atin sa kontemporaneong panahon ay kulong na kulong at gapos na gapos pa rin sa hilahil ng purism, tradisyon at kolonyalistang pamumuhay at pagkabatid sa kababaan ng pagtingin sa katutubong pagkakakilanlan; kung kaya’t, ang edukasyon at pagkatuto tungo sa pagbabago, lalo na sa pagsasalingwika, ay sadyang napakababa at sobrang babaw.
Hindi natin maitatanggi na ang mga kaalamang teknikal at makaagham ay naibabahagi sa maraming bansa sa daigdig dahil sa pagsisikap ng mga matiyagang tagapagsalin, ika nga. Kung kaya naman, ang kapakinabangan ng sanlibutan sa larangan ng pagsasaling-wika ay hindi matatawaran. Dahil dito, ang pagsasaling-wika ay isang larang at sining na na dapat pag-ukulan ng nararapat na pansin; kaya marapat lamang na alamin ang mga salik na nakapaloob dito.
Napakasimple lamang ng mga nais iparating ni Lumbera sa kanyang pagtalakay hinggil sa Pagsasalin Tungo sa Panahong Tapos na ang Pagakabilanggo sa wikang Ingles. Kung sa kabuuan, naiparating niya ang mga mahahalagang isyung napapaloob sa kaligiran ng kasalukuyang edukasyon ng bansa, lalong-lao na pagdating sa kapakinabangang pangkabataan. Binanggit din niya na ang konteksto ng pagkatuto ng mga kabataan natin sa ngayon ay sa edukasyong sumasailalim sa kulturang Amerikano dahil sa mga kaparaanang kolonyal.
Ayon pa nga sa kanya, kaya halos hindi magkandatuto ang mga mag-aaral natin sa ngayon sa kanilang pag-aaral ay sa dahilang ang mga babasahin o tekstong pilit na inuukilkil sa kanilang mga isipan ay lihis sa tunay nilang pangangailangan---ang pangangailangang saklaw sa realidad ng buhay. Sa ibang sabi, ang kanilang mga binabasang mga akdain ay hindi halos angkop sa kanilang katutubong kalinangan.
Isa pang kanyang binigyang linaw ay ang klase ng edukasyon ng bansa, na sadyang labas sa hangganan ng sarili nilang bayan. Ito ang tunguhing nagsasabing ang Ingles ay isang mabisang kasangkapan upang mabuo sa isipan ng nakararaming uri na ang nasabing wikang kolonyal ay ang wikang nagbubukas daw sa tunay at kalawakang balangkas ng daigdig. Ito marahil ang kaisipang dala ng mentalidad ng lahat. Sa ibang sabi, ang Ingles ang siyang wikang masasabing “wikang tagapagpalaya”.
Subalit, sa ibang banda, tutuo nga na ang wikang Amerikano ay magandang tulong upang lumawak ang pundasyon ng mga Filipino sa balangkas ng daigdig, kaya nga lamang, alalahanin natin na kinakailangan pa rin na magkaroon ng pagtuon ang lahat sa kahalagahan ng ibang umiiral na wika sa bansa at maging sa mga wika ng daigdig; ito ay dahilang mas lalong makatutulong ito upang mapaunlad pa lalo ang kalidad ng ating pagka-Filipino sa usaping praktika. Kinakailangan pa rin nating pakatandaan na ang wikang katutubo pa rin ang siyang pangunahing susi upang makilala ang isang naiibang istatus at kabatiran ukol sa ibang kultura, tradisyon at pagpaphalaga, maging mga katulad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento