Sabado, Marso 26, 2011

eksam sa fil

. Sa mga binasang kontemporaneong nobela, pumili ng isa at gawan ng
banghay-aralin para sa ina-apat na antas ng mga mag-aral sa sekondarya.


BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4
PANUNURING PAMPANITIKAN
IKALAWANG MARKAHAN - IKATLONG LINGGO



I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa : Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan
Teoryang Klasisismo
Susuriing Genre : Nobela
Halimbawang Akda : Dekada ’70 (Kabanata IV)
Mga Kagamitan : Tape ng “Batas Militar” ng Inang
Laya
Tape ng diyalogo ng pangunahing
tauhan
Kasanayang Pampanitikan : Pagtukoy sa mga bahaging nagpapakita ng makatotohanang paglalarawan sa tao, lipunan
at kapaligiran.
Kasanayang Pampag-iisip : Mapanuring pagpapasya
Halagang Pangkatauhan : Paggalang sa magulang.




II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Naisasalaysay ang mga aktwal na karanasan sa akdang tinalakay.

B. Mga Layuning Pampagtalakay

B.1. Pagsusuring Panlinggwistika

Nasusuri ang pagkabuo ng salita batay sa ipinakahulugan nito.

B.2. Pagsusuring Panglinalaman

Natutukoy ang uri ng tauhang ibig palitawin ng may - akda bilang isang indibidwal.

B.3. Pagsusuring Pampanitikan

Napipili ang mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao, lipunan at kapaligiran.

C. Nailalahad ang pansariling panlasa hinggil sa kabuluhan ng akda.

D. Nakakasulat ng isang masining napaglalarawan ng isang ina.


III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Mungkahing Estratehiya :

1. Pakikinig ng awit – teyp ng “Batas Militar” ng Inang Laya.

Tanong :

• Ano ang ibig ipahatid ng awit?

2. Pangkatang Gawain : Pagpapakita ng sariling interpretasyon sa awiting narinig.


Pangkat 1 : Pagpapakita ng isang senaryo sa awit sa pamamagitan ng “Tableau”.

Pangkat 2 : Pagbuo ng iskit hango sa awit.

Pangkat 3 : Pagbuo ng “mural”.

Pangkat 4 : Paglilikha ng kaisipan mula sa awit.


3. Presentasiyon ng Gawain.

4. Pagkuha ng feedback mula sa mga mag-aaral.





B. Pagpapabasa ng Akda.

Mungkahing Gawain : Dugtungang Pagbabasa


DEKADA ’70
(Ikaapat na Kabanata)
ni Luwalhati Bautista


Ang kabataan ay mulat sa mga suliraning pampolitika at panlipunan sa bansa ngunit hanggang kailan ang kanilng pakikisangkot.

NAKALUBOG ako sa mga kaabalahang napasukan ko ng Disyembre ‘on kaugnay ng nakatakdang kasal nina Gani’t Evelyn, pag-alis ni Em, at Paskong hindi ko na maantala ang pagdating, Kasabay nito’y nagtatangka akong mag-make up kay Gani sa pamomoroblema niya kay Evelyn at mag-make up kay Evelyn na pamomoroblema niya kay Gani. Baya’n mo na nga muna ang ibang anak ko, wala naman akong aalahanin sa kanila. Liban sa nawiwiling umalis si Jason dala ang kanyang bike, wala akong problema sa trese anyos kong ito. Nagkakaro’n nga ng mga aksidente sa bisekleta pero hindi sa subdibisyon namin. Safe sa subdibisyon namin.

At si Bingo? Ayun, do’n na naman siya nagsasaranggola sa bubong nina Lola Asyang. ‘Yan naman ang masama sa isang ‘to, napakahirap pagsabihan! Kabilin-bilinan kong iwasan ang bubong ng may bubong!..

“Bingo!”

“Andiyan na, Mommy!”

Hinatak ni Bingo pababa ang tali ng saranggola niya. Sinundan ko ng tingin ang sinulid papunta sa kakabit na saranggola: hindi ‘yon makulay na triyangulong papel na idinikit sa kawayan at may buntot pa mandin kundi isang kuwadradong pahina ng tila ata diyaryo lang na itinupi sa magkabilang gilid. Kawawa naman ang anak ko, ta-tsati-tsati lang ang saranggola. Pagpunta ko sa supermart, o dapat siguro, obligahin ko si Jules na igawa siya ng guryon.

Dati namang matiyaga si Jules kay Bingo. Pero lately yata ay lagi siyang may lakad. Pag nasa bahay naman ay nakakulong sa kuwarto. Lagi niyang sinasabi pag sinusundan siya ni Bingo: teka, mamaya na. Marami ‘kong assignment.

Baka naman sumusobra na’ng mga aralin ni Jules, a! Kung ba’t naman kasi sinabi nang h’wag mag-full load…

Gumewang-gewang ang saranggola ni Bingo, nawalan ng panimbang, at bumulusok sa harap ko. Sumabit ‘yon sa bakod ni Lola Asyang. Tinakbo ko ‘yon, sinambilat para pawalan, di sinasadyang nasabayan ng hatak ni Bingo, at napilas ‘yon at naiwan sa kamay ko. Nabilad sa mata ko ang pangmukhang mga salita sa manipis na puting papel, isang inimprentang balita pala ng leaflet na may titulong “Ang Bayan”.

Ang bayan… hindi na ‘ko tanga ngayon. Alam kong official paper ‘yon ng Communist Party of the Philippines. Kinalabutan ako. Kanino ‘to? Sa’n ‘to nakuha ni Bingo?

Nakababa na si Bingo mula sa bubong ni Lola Asyang.

“Tapon mo na, Mom! hiyaw niya. “ Sira na yan” dala ang sinulid na pauwi na siya.

“Bingo!”

Huminto si Bingo. Takbo ko halos palapit.

“San mo nakuha ‘to? Kanino to?”

Nagtaka siya. “Bakit?”

“Basta! Sa’n mo nakuha ‘to?

“Sa ‘tin.”

“Sa’ng lugar sa ‘tin?”

“Sa kuwarto ni Kuya Jules!”

Pero kanina ko pa naman talaga alam, na walang panggagalingan ang babasahing ‘to kundi si Jules lang!

Nakaramdam ako ng paglalatang loob, ng matindi pero kauna-unawang pagkagalit ng isang ina.

NGAYO’Y kaharap ko na, eto lang sa ibabaw ng mesang sulatan ni Jules, ang mga karugtong ng papel na hawak ko, Page 2, sabi sa ulunan ng anim na pahinang papel na pinagkabit lang ng staple wire.


Binuklat ko ang mga kasamahan pa ng babasain na nasa mesa ni Jules . Liberation, isa pa ring newsletter. Photocopy ng ilang pahina ng Southeast Asia Chronicle. Kinopyang pahina ng Newsweek. Pawang may laman na titulo pa lang ay halata mo nang tumutuligsa sa batas militar, pumupuna sa ilang personahe ng gobyernong Pilipino, o tumatalakay sa pagkakatatag ng tinatawag nilang National Democratic Movement.

Ano ang ibig sabihin, may mga kopya nito sa pag-iingat ni Jules? “Come on, Amanda”; sabi ko sa sarili. Walang masama diyan, kung sa Newsweek ay t’yak na babasahing nagkalat lang sa downtown. Kung Southeast Asia Chronicle ay paniguradong nakapasok lang dito dahil may permiso ng gobyerno.

Pero, Ang Bayan? Hindi yata ako naniniwalang legal ‘to.

Malay mo, baka naman pinapayagan na rin ‘tong gobyerno para pasinungalingan ang bintang na wala na tayong press freedom.

H’wag kang tanga. Alam mong hindi basta magkaroon niyan si Jules!

Kinakabahan talaga ‘ko. Baka may iba na namang ginagawa si Jules.

Kakausapin ko siya.

Pero makikinig ba naman sa ‘kin yon?

Dapat, ‘yong ama niya’ng kumakausap sa kanya.

Pero hindi mahilig si Julian sa mga usapang pampulitika. Kung engineering pa sana ‘yon!

Kahit na. Basta kailangang kausapin niya si Jules!

Pero sabi ni Julian, “Loko talaga ‘yang anak mong ‘yan, e”

“Yan lang ba’ng sasabihin mo, loko ‘yong anak ko?”

Huminga nang malalim si Julian. “Nagbabasa lang naman ang anak mo, ano’ng masama ro’n? Estudyante ‘yong bata, gustong matuto. Pero so far, nananahimik na’ng mga estudyante, di ba? Wala nang mga rally-rally. Pagsasabihan ko’ng anak mo pag may dapat na ‘kong sabihin!”

“Julian …”

“Amanda, if you don’t mind … I’ve got work to do! Meaning, tapos na’ng usapan namin.

Pero di pa rin ako mapakali. At ipinasiya kong kahit ako, kakausapin ko si Jules.

Pero kailangan, alam ko’ng sasabihin ko sa kanya. Kailangan, matiyak ko muna na subersibo nga ang mga babasahing ‘to.

Kailangan, basahin ko muna ‘to.

“Hindi ang mga miyembro ng oil producing and exporting countries ang nagtatakda ng sobrang pagtaas ng presyo ng langis kundi ang mga oil companies na karamihay pag-aari ng Amerika.

Nangunot ang noo ko. Teka, ano ang subersibo rito?

“Kung ang isang bariles ng langis ay halagang sampung dolyar bago nag-1973, ang isang $1 ay napupunta sa bansang nagluluwas ng langis at samantalang ang $9 ay pinaghahatian ng mga langis at gobyerno ng kanya-kanyang bansa.

Hindi ko na pinag-iisipan kung ganon nga ba ‘yon.

Titulo: “Nalulugi Nga Ba ang mga Kompanya ng Langis?”

“Nangunguna ang Exxon sa mga industrial empires sa Estados Unidos.

“Ang Exon, Gulf Oil at Mobil ay lagi nang nasa top 10 earners ayon sa Fortune Magazine, simula no’ng 1955.

“Nangunguna ang mga kompanya ng langis sa top 500 companies sa Estados Unidos.

Listahan ng mga tubo ng mga kompanya ng langis na pag-aari ng America, umaabot sa isang bilyong dolyar isang taon?

Ang tala sa ibaba ay ilan lang sa listahan ng mga empresang may dayuhang kapital (mula sa iba pang newsletter);

San Miguel Corp – Major Investors: Soriano, USA

Pepsi-Cola – Pepsi Cola International, USA

Carnation, Phil – Carnation, USA

Kraft Foods, Inc. – Kraft, USA

Purefoods Corp – Hormel International, USA

Ilan lang ‘yon. May kasunod pa ‘yon.

Sila ang tinatawag na mga multinational companies sa Pilipinas.

“Nagpapasok sila rito ng maliit na kapital at nangungutang ng bilyun-bilyong piso sa mga banko sa Pilipinas para makapagtayo ng negosyo rito. Dito rin nila ibenenta ang kanilang produkto pero ang daan-daang milyong piso na tinutubo ng kanilang mga kompanya ay inuuwi nila pagkatapos sa kanilang mga bansa.
Nag-isip ako. Hindi yata tama ‘yon, ano?

Uutangin nila ang pera natin, pagtutubuan sa atin, sa ilalabas ng bansa natin. Maghihirap nga tayo pag ganito nang ganito.

O baka naman ito na ang sinasabi ng mga aktibista na paghahakot ng Amerika sa kabuhayang-bansa ng Pilipinas?

Walang subersibo dito. Bakit magiging subersibo ang katotohanan?

Anu’t anuman, ang ibang artikulo ay kinabasahan ko na ng salitang one-man rule, puppetry, at dictorship. Ng NPA at rebolusyon. Sa ilalim ng batas militar huhulihin ka na niyan.

GABI na’y naro’n pa rin ako sa sala at naghihintay sa pagdating ni Jules, sa lugar na bahagya nang maabot ng ilaw sa komedor na siya kong iniwang bukas. Hindi sa ano pa mang pandramatikong epekto kaya pinatay ko ang ilaw sa sala.

“Nasisilaw lang ako sa pagkakahiga.”

“Ba’t diyan ka nakahiga?” usisa sa ‘kin ni Julian nang madaanan niya ‘ko.

“Hinihintay ko si Jules.”

“Darating din ‘yon”

Nagkibit lang siya ng balikat at pumasok na sa kuwarto.

Narinig ko ang maingat na pagbukas ng pinto kasunod ng klik ng susian.

“Ikaw na ba ‘yan, Jules?

“Hintakot ang sagot. “Bingo, Mom.”

Napabalikwas ako. “Bingo, ano pang ginagawa mo sa labas?”

“Narito na po ako sa loob.”

“Akyat na, sulong! At may dala ka pa manding susi!”

Dali-daling umakyat na nga si Bingo.

Pumalo ang pendulum ng relo. Labing isang ulit. Alas-onse na. Sus, mam’ya lang ay curfew na. Baka naman itong si Jules e hindi na naman uuwi!

Ilang ulit na niyang ginagawa ‘yong hindi pag-uwi. Tatawag na lang siya sa telepono. Mom, aabutan na ko ng curfew. Dito na ‘ko matutulog kina Danny.” O Luis. Minsa’y Tasyo.


Hindi ko nga pala naitatanong kung sinu-sino ang mga ‘yon. Bigla’y naisip ko kasunod nito: Oo nga pala, ba’t ni Minsa’y wala siyang sinasabi na do’n naman siya matutulog kina Willy? ‘Yon ang dating best friend niya, a! Nagkadip’rensiyahan kaya sila ni Willy?

Klik ang susian. Bumukas naman ang pinto.

“Jules?”

Sagot: “Mom?”

Nakahinga ‘ko nang maluwag. “Ginagabi ka.”

Wala nang sagot. Ni hindi niya binuksan ang ilaw. Nagtaka ‘ko na hindi man lang siya nagbukas ng ilaw. Dumeretso siya sa silid. Nakapasok na siya sa silid bago man lamang ako nakapagtanong kung kumain na siya.

Nagtaka si Jules. Hindi man, hindi ko naman uumpisahan agad ang pagkausap sa kanya. Itatanong ko lang kung kumain na siya. Ipaghahain ko siya, uupo ako sa harap niya habang kumakain siya. Kakausapin ko muna siya tungkol sa ibang mga bagay.

Kinatok ko ang pinto niyang nakalapat na agad. Pinihit ko pabukas ang seradura.

“Jules?”
Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakayupyop ang mukha sa palad. Malungkot ang anyo ng nakalaylay na balikat niya. Nalulon sa tabi niya ang isang tabloid.

Napapagod siya, pasiya ko. Pasiya ko baka wala siya sa mood na makipag-usap. Saglit na nag-alaala ‘ko na baka wala ako sa timing.

Inabot ko ang tabloid. Binuksan. Hindi ito diyaryong Maynila, a Local paper ‘yon ng isang malayong komunidad.





Headline: NPA, NAPATAY SA ENGKUWENTRO

Binalingan ko si Jules. “Napapa’no ka? Masakit ba’ng ulo mo?”

Humikbi siya bilang sagot.

Binitiwan ko nang tuluyan ang tabloid. Hinarap ko na siyang tuluyan. “Jules?”

Nag-angat na siya ng mukha. Makirot at luhaan ang batang mukha ng aking si Jules!

“Bakit?” alalang-alala usisa ko.” Ang’ng nangyari sa ‘yo?”

Umiling siya at nagtangkang makailag. Kinagat niya ng mariin ang labi para pigilan ang isa pang hikbi. Pero hindi na nakapagsinungaling ang latay ng hapdi sa mata niya. Kumibot ang labi niya, Naginginig, at sa katal na boses, sinabi niya ang totoo.

“P-pinatay nila si Willy, Mom! Patay na si Willy!” sabay sabog ng iyak. Pahagulgol. Nakalulunos. Parang bata.

Niyakap ko si Jules. Hindi ko alam kung sinong ang tinutukoy niya, ang naiintindihan ko lang ay patay na si Willy … Si Willy na biglang naalala ko kanina lang… na kaibigan niya, matalik at minsa’y mas kapatid pa kung ituring kaysa kay Gani… pinatay!


1. Pipili ang guro ng mga mag-aaral na gagawa ng dugtungang pagbabasa.

2. Patatatuin sila sa harap ng klase upang dito basahin ang akda.

3. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng pamantayan sa wastong pakikinig.



B. Pagbubuod sa Akda.


Mungkahing Istratehiya : “Story Ladder”













PAGSUSURI SA AKDA
IKALAWANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Mungkahing Istratehiya : “Formations”
Pagpapabuo ng mga hugis batay sa itinakdang salita.
Pamamaraan :
1. Papangkatin ang klase.
2. Magbibigay ang guro ng mga salita sa bawat pangkat.
3. Iisip o bubuo ng hugis ang mga mag-aaral ayon sa ibig ipahiwatig ng salita.

4. Isisigaw ang salita kapag nabuo na ang hugis.

Pangkat 1 : Pakikibaka
Pangkat 2 : Kapangyarihan
Pangkat 3 : Kulungan



















B. Pagtalakay sa Aralin

1. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglinggwistika

Mungkahing Istratehiya : Denotasyon / Konotasyon

















Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman

Mungkahing Istratehiya : “Lubos na Pagkilala ng Tauhan”

1. Pangalan __________________________________.
2. Edad ______________________________________.
3. Pinag-aralan ________________________________.
4. Kalagayan sa buhay __________________________.
5. Hanapbuhay ________________________________.
6. Mga Paniniwala______________________________.




Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan

Mungkahing Estratehiya : “Webbing”

Pagpapakita ng mga katotohanag mga katangian ng mga sumusunod:

Tao Lipunan Kapaligiran
























B. Pagbabahaginan ng mga kaisipan / kaalaman.

C. Pagkuha ng karagdagang reaksyon mula sa mga mag-aaral.










D. Pagbubuo ng Sintesis

Mungkahing Istratehiya : “Concentric Circles”




Pantulong na
Kaisipan


Punong Kaisipan





IV. EBALWASIYON

PAGPAPAHALAGA SA AKDA

IKATLONG ARAW

Panimulang Gawain

Mungkahing Istratehiya : “Sculpture”

Pagpapabuo sa pamamagitan ng clay ng mensahe o tema ng akdang tinalakay.

Pagpapaliwanag kung bakit ito ang pinili nila.

Pagpapahalaga sa akdang tinalakay.

Pangkatang Gawain

Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot

Mungkahing Istratehiya : “Punto de Vista”




Pamamaraan :

1. Ang mga mag-aaral ang gaganap bilang mga panauhin at tagapagsalita.

2. Hayaan ang mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang sariling damdamin na para bang sila ang mga tauhan sa kwento. Sila ang magpaplano kung ano ang itatanong at isasagot.

Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing

Mungkahing Gawain : Paghahambing ng Dekada ’70 sa iba ang pelikulang sinulat ni Luwahati Bautista batay sa mga sumusunod:


Paksa
Tauhan
Mensahe









Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya

Mungkahing Gawain : Pagpapahanap ng mga bahaging may bisang pandamdamin kaugnay ng mga sumusunod:









Pag-uulat sa klase ng napag-usapan.
Pagkuha ng reaksyon sa mga nakinig.
Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback.
Pagbuo ng Sintesis ng napag-usapan.
Mungkahing Estratehiya : “Caravan”








V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

PAGLIKHA

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Mungkahing Gawain : Paggamit ng naka-tape na dayalogo ng pangunahing tauhan (Amanda).

B. Pagpaparinig ng naka-tape na mga piling dayalogo ng ina.
C. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral.

1. Anong uri ng ina ang pangunahing tauhan?
2. Ilarawan bilang isang asawa.
3. Nakikisangkot ba siya sa nangyayari sa lipunan?
D. Pagpapapili ng taglay nitong katangian na matatagpuan din sa sariling ina.


E. Pagpapaliwanag ng guro sa magiging gawain batay sa mga sumusunod na pamantayan:

1. Paglalarawan sa sariling ina sa isang masining na pamamaraan.

2. Pagbuo ng komposisyong may 3 talata.
3. Paggawa ng sariling pamagat.

F. Pagpapabasa ng ilang napasimulan.


G. Pagbibigay ng feedback ng guro

H. Pagpapatuloy ng pagsulat sa bahay.


PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Mungkahing Gawain : Pagpapakita ng mga sumusunod na larawan:

B. Pagbibigay - reaksyon sa mga larawang ipinakita.
C. Pag-uugnay sa isinagawang gawain.
D. Pagpapalitan ng gawain sa napiling kapareha.
E. Pagkuha ng feedback.

• “Ano ang naramdaman habang binabasa ang isinulat na komposisyon ng kaklase?

F. Pagpapabasa sa klase ng ilang kapareha.
G. Pagbibigay-reaksyon
• Angkop ba ito sa ibinigay na pamantayan?
H. Pagbibigay ng guro ng puna sa isinulat ng mga mag-aaral / huling input ng guro











2. Bilang isang guro, talakayin ang dapat taglayin ng isang guro ng Panitikan.


Napakaraming dapat talakayin at pagnilayan hinggil sa mga katangiang dapat taglayin ng isang guro ng Panitikan. Isa pa’y, totoo nga’t sadyang napakaimposible sa isang gurong tulad ko na magtaglay ng mga katangiang inaasahan sa isang tunay na guro ng panitikan kung ni wala man lamang akong hilig sa larang ng pagbabasa. Dahil kung tutuusin, ang simpleng pagakahilig dito ay masasabing isa ng katangiang napakapraktikal sa sinumang individuwal na nasa larang ng panuruan.

Kaya ngayon, sa tulong ng mga sumusunod na impormasiyong nakalap mula sa aking mga pagbabasa ng kung ano-anong dapat basahin sa mga aklatan at sa mundo ng internet, hinggil sa nasabing kapakinabangan, nawa’y makatulong upang ang isang gurong tulad mo rin ay magkaroon ng mga mapanghahawakang gabay sa buhay-guro.

Unang Pagtalakay:

Sa isang pagtalakay mula sa facebook page ni Virgilio S. Almario, kanyang binigyang linaw at diin ang isang katangiang kailangang taglayin ng isang guro upang maging eksperto o maalam ito sa pagbabasa at pagtuturo ng panitikan:

ISANG PANINGING KRITIKAL, ang ugali ng isip at pandamá na huwag masiyahan sa rabaw ng bagay-bagay at huwag basta sumunod sa batas at tuntunin; ang ugaling magnilay bago magsalita, at lalo na bago magpasiya; at kaugnay ng mga ito, ang ugaling magsaliksik at matiyagang magsuri sa kahit gaano kaliit na suliranin; at higit sa lahat, ang ugaling maging bukás sa kabaguhan at kahandaang tumanggap ng pagbabago’t pagwawasto.

ANG TUNGKULIN NG GURO BILANG KRITIKONG FILIPINO ni Virgilio S. Almario
Martes, Oktobre 19, 2010, 2:25n.g.

Ito, ayon pa rin ay Almario, ay agimat laban sa pagiging tamad at konserbatibong guro at talisman laban sa pagiging bulág na tagasunod ng burukrasya. Kung wala ang isang guro ng tinatawag na paninging kritikal, hindi siya kailanman magiging isang mahusay na guro, aniya.

Ipinaliwanag pa rin niya na, sapagkat ang totoo, inaasahan sa isang guro ng panitikan na maging kritiko—maging dalubhasa sa panunuring pampanitikan—upang maging epektibong guro ng panitikan, ang pagiging kritiko ay nagsisimula raw sa pagkakaroon ng paninging kritikal.

Sa kadahilanang ang paninging kritikal ay napakahalaga, inaasahan din na sa kadahilanan na pagpapahalaga sa Panitikang Filipino ang pinakaubod ng kontekstwal na pagtalakay na ito ni Almario, kanyang ipinanunukala ang anumang mabuting kasagutan sa mga tanong na ito:

Patriotismo and nasiyonalismo. 1) Paano natin malilinang ang pagmamahal sa ating bayan kung iskolar nga táyo pero mangmang sa kasaysayan at kulturang Filipino? 2) Paano natin maituturo ang paggálang sa ating sarili kung maliit ang tingin natin sa ating katutubong panitikan? 3) Kung lagi nating ipinagpaparangalan ang katangian ng panitikang banyaga—dahil iyon ang mas alam natin—at puro pintas táyo sa mga tula o kuwentong Filipino?

Kaugnay sa nasasaad na mga tanong, sinabi niya na, hanggang ngayon daw, biktima pa rin táyo ng alindog ng kulturang Amerikano. Kayâ tulad ng mga pensionado at gradweyt sa pagtuturo ng mga Thomasites noong panahon ng Amerikano ay tigib pa rin ang ating utak ng edukasyong kolonyal. Walang remedyo sa problemang ito kundi ang matibay, napakatibay, na pasiya ng guro na maging Filipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Kailangan ang gurong may paninging kritikal at Filipino. Hindi lamang siya mahilig magsaliksik at magsuri. Higit siyang mahilig magsaliksik ng panitikang Filipino at mahilig maghanap at magsuri ng katangiang Filipino sa kaniyang binabása at ipinababásang panitikan.

Dagdag niya pa, ayon sa kanyang pala-palagay sa kolonyalismo, na ang kasalukuyang mababàng pagtingin sa sarili nating panitikan ay nakaugat sa kamangmangan, sa totoong kawalan o kakulangan natin ng kaalaman sa ating sariling panitikan.

Gaya ng naging kongklusiyon ni Almario, ninais ko ring ulitin at hiramin muli yaon bilang panapos ko rin sa pagtalakay na ito:

Ngunit tulad ng sabi ko, hindi natin masasalungat ang mga puna laban sa ating panitikan sa isang bandá at hindi rin natin mabibigyan ng wastong pagpapahalaga ang ating panitikan sa kabilâng bandá, kung wala táyong sapat na kaalaman sa sarili nating panitikan.

Sapat at wastong kaalaman ang simula ng paninging kritikal. Sapat at wastong kaalaman sa ating panitikan ang simula ng paninging kritikal at Filipino.


Pangalawang Pagtalakay:

Ayon naman sa isa pa ring sayt sa internet, tinalakay ni Rolando A. Bernales, sa kanyang naisulat na lathalaing Ang Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon, kung tutuusin daw, maging ang maraming dalubhasa ay sang-ayon sa pala-palagay na sa mga guro dapat isisi ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng tunay na panitikan, lalo na kung panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro.

Sa isang panayam ay ganito ang sinabi ni Badayos (1998): … May malaking bagay na nagagawa ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo sa pagsasabing “magaling” sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino, Ano, Alin, Kailan, Saan tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.
Idinagdag pa ni Badayos ang mga sumusunod na obserbasiyon:
Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-aaral nito. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit nang sinasabi ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda ay tuluyan nang kinalilimutan. Kung kaya, hindi inirerekomend masyado na ang pagtuturong halos nakagawian na ang pagpapabasa ng isang akdang pampanitikan, na simpleng inaalam lamang ang mga aral na mapupulot dito matapos basahin.
Ayon pa rin sa daloy ng pagtalakay ni Bernales, karaniwan na rin daw yaong ang pilit na pag-ukilkil ng maraming guro sa kaligirang pangkasaysayan ng isang akda at sa talambuhay ng may-akda. Nakalilimutan yata ng marami na ang panitikan ay hindi kasaysayan. Ginugugol nila ang kanilang panahon sa pagtalakay ng pinagmulan ng isang naisulat na akda o ng mga detalye sa buhay ng isang manunulat. Ang mga ganitong guro ay hindi nagtuturo ng panitikan kundi ng kasaysayan. Ito ang dahilan kung bakit ipinayo ni Badayos (1998) na panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man.
Ganito rin naman ang sinabi ni Sloan (1975) hinggil sa bagay na ito:
Literature must cast off its Cinderella rags. For too long now, it has been a servant in the classroom to teach reading skills, inculcate more values, develop positive concepts, and/or provide insights into the history of the people and other lands. Of course, it is true that literature is useful in doing all of these things and more. But literature is first of all an art and should be taught as literature for its own sake and for its inherent values. Everything else associated with its study is of secondary consideration.

Ilang Panghuling Tagubilin
Ang mga sumusunod ay ilang tagubilin ni Bernales upang mapanaligan ang layuning mapabuti ang pagtuturo ng panitikan:
Ang tanong, Paano nga ba natin mapabubuti ang pagtuturo ng panitikan nang sa gayo’y kawilihan ng mga mag-aaral ang pag-aaral na ito? Anu-ano nga ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro ng panitikan?
Sa pagbabasa-basa ni Bernales ng mga artikulong kaugnay nito, natipon niya ang mga sumusunod na pangangailangan upang maging isang epektibong guro ng panitikan:

1. Pang-unawa, 2. Puso, 3. Pagkamalikhain, 4. Sensitibiti, 5. Kahandaan.
Ganito ang sinabi ni Natividad (Binanggit ni Padolina, 2001) kaugnay sa
unang pangangailangan: …Walang magaling at mahusay na pamaraan sa isang gurong hindi nakakaunawang lubos ng paraang ginagamit… Guro at guro pa rin ang dapat magpakadalubhasa sa pamamaraan upang makinabang ang mga mag-aaral.
Kaugnay ng ikalawang pangangailangan, ganito ang sinabi ni Simbulan
(1998): Hindi natin maituturo ang panitikan sa pamamagitan ng labi lamang, dapat tayong magkaroon ng isang pusong nakauunawa upang makayang pakahulugan ang mga damdamin ng may-akda, ang kanyang hinagpis at kaligayahan, isang pusong maaaring makatarok sa lalim ng kawalang pag-asa sa mga taludtod ng isang makata, masilip ang nakatambad na daigdig ng kagandahan at kapangitan nang buong kaluwalhatian at pagkilala, maunawaan ang kahulugan ng isang hungkag na tagumpay, ang pamumulaklak ng isang pag-ibig at ang mabilis na paglipas nito. Kailangan natin ang puso upang malaman at mapahalagahan ang lahat ng ito. Dapat tayong makinig sa pintig ng karunungan ng puso.
Ganito naman ang sinabi ni Badayos (1998) kaugnay ng ikatlong
pangangailangan: … huwag pa rin nating kalilimutan ang pagiging malikhain. Isang pambihirang katangian ng guro ang pagiging malikhain. Ito’ isang katangiang dapat taglayin ng bawat guro upang ang pagtuturo at pagkatuto ay maging magaan, mabilis, makahulugan, mabisa at kasiya-siya.
Samantala, kaugnay ng ikaapat at ikalima ay ganito ang sinabi ni Garcia
(2003): … hindi totoong ganoon lamang kadali ang magturo ng panitikan. Kung kinikilala natin ang panitikan ay buhay, aba naman, huwag tayong manira ng buhay sa pamamagitan ng maling pagpapakilala nito sa ating mga tinuturuan. Maging sensitib at handa muna [tayo] bago [natin] salungatin ang agos ng buhay!

4. Ano-ano sa palagay mo ang mga problemang kinakaharap ng isang guro ng panitikan? Paano mo ito lulutasin?
Gaya o maaaring katulad ng mga nasasaad na tagubilin sa tanong #(blg.) 2, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga suliraning posibleng kinakaharap ng sinumang guro sa panitikang Filipino, at ang ilang mga posible ring napapanahong solusiyong nauukol dito:
a. Ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay monopolisado ng guro.
Ibig sabihin lamang nito na ang pagtuturo ng panitikan sa mataas na paaralan ay kailangan maging interaktib at kolaboratib. Hindi kinakailangang monopolisado ng guro ang pagtuturo at pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Kung gayon, sa layon nito, pinalalawak nito ang interaksiyong pangklase sa pagitan ng guro at mga mag-aaral, ngayo’y kailangang magkaroon din ng malawak at makabuluhang interaksiyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral, ang mga mag-aaral sa teksto at maging ang mag-aaral sa komunidad.
Wika nga ni Garcia (2003), nalipasan ka na ng panahon kung laging ikaw ang bida sa iyong klase. Ang prinsipyong ito, ayon pa rin kay Garcia, ay nakabatay sa mga sumusunod na paniniwala.
1. Hindi monopolisado ng guro ang karunungan at kaalaman.
2. Ang estudyante ay isang nilikhang nag-iisip at nagsasaliksik, kung kaya’t may nalalamang hindi natin alam.
3. May malaking bagay na nawawala kung aariin nating ganap ang mga kaalamang lagpas sa ating pinag-aralan o espesyalisasyon.
Kaya nga, ito ang payo ni Garcia (2003): Tulad ng isang tunay na artista, nararapat lamang na gumanap tayo ng iba’t ibang papel sa loob ng klasrum upang bigyang-hamon hindi lamang ang ating mga sarili kundi (upang) mabigyan din ng ibang perspektib ang ating mga estudyante.
Paano ito isasagawa sa klasrum? Matalinong pagpili ng estratehiya ang sagot dito. Ang kailangan lamang ay pagpili ng angkop na mga estratehiya sa isang partikular na akda at paggamit ng barayti ng mga ito upang ang klase sa panitikan ay hindi maging kabagut-bagot at labis na prediktabol sa mga mag-aaral.


b. Paglalapat ng teoryang pampanitikan sa bawat akdang tatalakayin
Isa pang kapansin-pansing katangian ng inilahad na proseso ay ang paglalapat ng tiyak na teoryang pampanitikan sa bawat akdang tatalakayin sa klase. Ano kung gayon ang implikasyon nito? Ibig sabihin lamang nito na kailangan maging ganap na pamilyar ang bawat guro sa panitikan sa bawat teoryang ilalapat sa klase. Batid kong isa ito sa mga sabdyek natin sa kolehiyo noong tayo’y nag-aaral pa lamang. Balik-aralan natin ito kung kinakailangan. Marami nang mga aklat, babasahin at artikulong nailathala tungkol sa paksang ito.
Makatutulong sa atin kung babasahin natin ang mga iyon nang sa gayo’y magkaroon ng direksiyon ang pagsusuri sa bawat paksa, hindi iyong parang padamput-dampot lamang tayo ng mga tanong sa hangin.
Makatutulong sa atin kung babasahin natin ang mga iyon nang sa gayo’y magkaroon ng direksyon ang pagsusuri sa bawat paksa, hindi iyong parang padamput-dampot lamang tayo ng mga tanong sa hangin.
c. Ang guro ay hindi mulat sa paglinang sa higher order thinking skills ng mga mag-aaral. Wala, kulang sa kaalaman o marahil ay walang pakialam sa kapakinabangan ng BLOOM’S TAXONOMY.
Pokus sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan. Sa kurikulum sa batayang edukasyon,sa mga sinabi pa rin ni Bernales, binigyang-diin ang paglinang sa higher-order thinking skills (HOTS). Kaugnay nito, makatutulong marahil kung ating babalikan ang taksonomi ni Benjamin Bloom (1984) sa pagkakategorya ng lebel ng abstraksiyon ng mga tanong na karaniwang ginagamit sa anumang educational setting o kung tawagin natin ay kaligirang pampagkatuto. Ang taksonomi ni Bloom ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na estruktura kung paano makakategorya ang mga tanong pantalakayan at pampagsusulit. Ang aking paniwala kasi ay ito: Kung madedetermina ng guro ang mga tanong na nakapaloob sa bawat partikular na lebel kaugnay ng isang leksyong pampanitikan, hindi na magiging mahirap para sa kanya ang pagpili ng angkop na estratehiyang kanyang gagamitin.
Sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, mahalaga ang taksonomi ni Bloom at maging ang sining ng pagtatanong ng guro. Kaugnay nito, pansinin natin ang paglalarawan ng Manwal na Operalisasyon ng BEC sa tatlong antas na pagsusuri:
… [Ang] pagsusuring panlinggwistika…ay ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng sukat/tugma, pag-uulit ng mga salitang pantig, letra, onomatopeya. Sa bahaging ito, masusuri ang akda batay sa mga ibig sabihin ng salita (pamimili ng salita, pahiwatig ng kapangyarihan ng salita, pag-aagawan ng kahulugan ng salita, etimolodyi ng salita). Sa bahagi ring ito maaaring suriin ang akda batay sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba, ikli, pag-uulit, pagbabagu-bago).
Sa pagtalakay naman ng akda sa aspektong pagsusuring pangnilalaman, susuriin ang akda batay sa mga nais sabihin nito, sa mga tiyak na tradisyunal na elemento, pagtukoy sa bisa ng akda sa lipunan (kamalayang panlipunan).
Sa pagsusuring pampanitikan, ang akda ay susuriin batay sa mga tiyak na teorya, pamantayan sa pamumuna, katawagang pamapanitikan at ugnayan at pagkakaayos ng mga tiyak na elemento ng akda.







4. Ano ang pagkakaiba ng mga sumusunod na anyo ng pantikan?
a. tula b. Maikling Kuwento c. Nobela d. Dula
Panimulang pagtalakay:
Ang mga sumusunod na impormasiyon hinggil sa mga uri ng panitikan ay mula sa Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya, at WikiFilipino, Para sa Filipino, na kinalap naman mula sa mga sangguniang tulad ng mga sumusnunod:
Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa, at Jeriny R. Geronimo. Panitikan ng Pilipinas.
The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles,
Grolier Incorporated, 1977

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga kathang-isip (Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.
Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya,talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.

Anyo ng Panitikan
Ayon sa Anyo. Ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.

Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito:
 Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: angepiko, ang awit at kurido, at ang balad.
 May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.
 May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama.
 May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3]

Patuluyan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.


Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan, ng alamat, mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.

Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.
Kaya, kung susumahin, ang panitikan ay nahahati lamang sa dalawang pangunahing anyo. Ito ay maaaring patuluyan o patula. Nagkataon lamang na, dahil sa pagdaan ng mga panahon, simulang nagsipagsulputan na ang ilan pang masasabing makabagong anyo ng panitikan tulad ng dula na panteatro o pampelikula, ngunit masasabing ang mga naging saligan nito ay unang dalawang anyong nabanggit.
Pangalawang Pagtalakay
Tula
Ang tula ay anyo ng panitikang lunsaran sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao; binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Nobela

Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Ang nobela, idagdag pa, ay isang masining na sangay ng panitikan na naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
Gaya ng nabanggit, ito’y tinatawag na kathambuhay sa dahilang katha o likha ito ng manunulat at buhay sapagkat ang mga kasaysayang inilalahad ay mga pangyayaring mamamasdan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa mundo. Sa nobela matutunghayan ang iba’t ibang takbo ng buhay ng tao, halimbawa, kung papaano nabaliw ang isang ina dahil sa pagkawala ng kanyang anak, kung papaano, sinuong ang hirap ng buhay sa lunsod ng isang probinsyano para hanapin ang kanyang pinakamamahal, at iba pa.
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Pero ang mga bahagi, sangkap o elemento ng nobela at maikling kuwento ay magkatulad. Parehong may balangkas ang maikling kuwento at nobela. Dalawa ang maaaring maging balangkas. Ito ay ang linear o kumbensyonal at circular o paikot-ikot.
Ang maikling kuwento at nobela ay may linear o kumbensyonal na balangkas kung ito ay may kaayusang Simula-Gitna-Wakas. Ito ang karaniwang nakagawian ng mga Filipinong manunulat. Sa balangkas na ito, kapag nabasa mo na ang simula, ang wakas ay kadalasa’y madali nang mahulaan.
Circular naman o paikut-ikot ang balangkas ng isang kuwento o nobela kung
napag-iiba-iba ang kaayusan ng mga bahagi nito. Halimbawa, Gitna-Simula-Wakas o
kaya’y Wakas-Simula-Gitna, o iba pang ayos. Sa kaayusang ito, kung hindi gaano
bihasa ang mambabasa, malilito siya sapagkat hindi niya malaman kung saan ang
umpisa at dulo ng pangyayari.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
2. Pagsaalang-alang ang kailangan na kaasalan.
3. Dapat ay kawili-wili at pumupukaw ito ng damdamin.
4. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay, sa mga aspekto ng lipunan tulad
ng gobyerno at relihiyon.
5. Malikhain ito’t dapat maging maguniguning inilalahad.
6. Tumutukoy sa iisang ibig mangyari ang balangkas ng mga pangyayari.


Masining ang nobela kung mahusay ang pagkakahanay ng mga pangyayari, buo ang pagkakalarawan sa mga pagkatao ng mga tauhan na karaniwang umaantig sa damdamin at kumikintal sa isipan ng mga mambabasa. Magagaling ang mga nobelang nabibilang sa uring ito sapagkat hindi lamang ang paksa ang binibigyang-tangi, gayundin ang kawalang-hanggan nito.

Malayunin ang nobela kung ang pinakamimithing layunin o simulain ng nobelista
ang pinahahalagahan o pinangingibabaw sa kuwento o sa tauhan. Ang mga layuning ito
ay higit sa buhay na kinalalagyan o sa bansang kinamumulatan.


Maikling Kuwento
Pangkalahatan, ito ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Ang maikling kuwento ay maituturing na isang makabagong sangay ng panitikan na sadyang kinakathang masining upang madaling pumasok sa isip at damdamin ng magbabasa ang isang pangyayari sa buhay na inilalarawan sa kuwento.

Mga bahagi at sangkap o elemento ng maikling kuwento
Ang maikling kuwento ay may simula, gitna at katapusan. Sa simula matatagpuan ang tatlong mahahalagang sangkap o elemento: ang tauhan na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan, halimbawa, ang bida at kontrabida; ang tagpuan na pangyayarihan ng aksyon o insidente na naghahayag ng panahon, halimbawa, kung tag-init, tag-ulan, oras at lugar, at ang sulyap sa suliranin, na magpapahiwatig sa magiging problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan o ng tanging tauhan. Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na kasiglahan, na nagpapakita sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na kasiglahan, na nagpapakita sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

May mga ibang kuwento na hindi na winawakasan at wala ang dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang magbabasang humatol o magpasya sa dapat na kahinatnan nito. Mapaghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa. Parang kabilang na rin sila sa mga saksi sa kuwento.

Dula
Ayon sa WikiFilipino, Para sa Filipino, isang sayt sa internet, ang nagsabing, ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at angkasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

5. Bigyan ng reaksiyon ang pelikulang “Bulaklak ng Maynila”. Naaangkop ba ang naturang pelikula na ipanood sa mga mag-aaral sa sekondarya? Supurtahan ang iyong sagot.
Tatlong taon na akong nagtuturo ng asignaturang Filipino (Wika at Panitikan). At sa tatlong taon na ito, napatunayan kong talagang magkaugnay/nagtutulungan ang dalawang disiplina, ang Filipino at ang Araling Panlipunan, sa kalinangan o paghubog ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa mga usaping panlipunan.

Kaya naman, tuon sa pagtuturo ng Filipino sa konteksto ng Araling Panlipunan, kahit na nagsisilbing pamukaw-paningin at tigmak sa mensahe sang-ayon sa mga masasalimuot na pangyayari sa ating kasalukuyang lipunan ang pelikulang Bulaklak ng Maynila, hindi pa rin maikakaila ang pagkakaroon nito ng mga eksenang hindi aakma sa kamalayan ng mga mag-aaral sa sekondarya.
Sabihin man nating ito ay isa nang lunsaran upang bigyang daan ang mga kaisipan patungkol sa isyu ng Sex Education, makatwiran pa ring panaligan ang katotohanang hindi ito angkop sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ngunit, kahit na napakaganda ng ganitong layuning paglayo ng mga panuuring hindi angkop sa edad ng mga mag-aaral sa hayskul, hindi pa rin sakop at hawak ng kaguruan ang kalayaan ng mga mag-aral upang tuklasin ang anumang bagay na nasa kanilang mapanuksong kapaligiran. Isa pa’y kahit ganito ang katotohanan, minumungkahi pa rin sa kahit na sinuman, maging sa mga mag-aaral mismo, o sa mga magulang nila lalo na, na maging mulat sa tamang pagpapahalaga ta paggabay sa lahat ng bagay na nasasaksihan sa tanang buhay ng kanilang mga anak. Ito, ayon kay Nigel Lane, manunulat ng isang artikulo sa net, sinabi niya na:

Parents ought to be the first source of sex education for their children. Don't think that because children can learn about human sexuality in school, your responsibility to teach them about sex has been removed. Especially now that there is confusion as to how to teach human sexuality in school, the parents must be ready to assume the role to educate their children in everything they need to know to understand their sexuality.
Who's better to teach about morality and the ramification of sex and sexuality to your children than you their parents? Often times, the school only teaches about the anatomy of human sexuality and the issue of morality and the taboos related to sex are often placed on the sidelines. This is where you should come in - teach your children their moral obligation when it comes to sex.
Article Source: http://EzineArticles.com/976184

Walang komento: