Sabado, Marso 19, 2011

kasaysayn pagsasaling-wika; suliranin sa pagsasalin

Paghahanda: Ika-5 ng Marso 2011 RICAFRENTE, LEO B.
Filipino 215
Pagtalakay: Kasaysayan at mga Suliranin sa Pagsasalin ng mga Tekstong Klasiko

KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA DAIGDIG
Ayon kay Savory:
Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ay si Andronicus, isang Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer.
May isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot ng Baghdad sa pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang kilalang mga pantas.
Dakong ikalabindalawang siglo sinasabing nagsimula ang pagsasalin ng Bibliya. Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin Luther (1483-1646). Sa katotohanan ay dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Alemanya.
Sa panahon ng unang Elizabeth nagsimula ang pagsasaling-wika sa Inglatera samantalang ang pinakatuktok naman ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang Elizabeth. Ang pambansang diwang nangingibabaw ng panahong iyon ay pakikipagsapalaran at pananampalataya.

Mga Salin ng Bibliya:
1. Aramaic – wika ng kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan
2. Griyeyo – salin ni Origen noong ikatlong siglo na nakilala sa Septuagint
3. Latin – salin ni Jerome noong ikaapat na siglo

John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing
– apat na siglo
Mga Mahahalagang Personalidad, Lugar, Konsepto at Panahon
sang-ayon sa Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Daigdig:

Adronicus(Europe) – ang kinilalang unang tagasaling-wika na isang aliping Griyego
-Isinalin niya ng patula sa Latin ang Odyssey ni Homer

Naevius at Ennius – gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego

Cicero – nakilala bilang isang mahusay na tagasaling-wika at manunulat

Baghdad – isang paaralan ng pagsasaling-wika na nagging bukal ng kumalat na
karunungan sa Arabia

-Isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot sa Baghdad
-Isinalin nila ang sa wikang Arabic ang mga sinulat nina Aristotle, Plato,
Galen, Hippocrates, etc.

Toledo – pinalitan nito ang Baghdad bilang sentro ng karunungan sa larangan ng
pagsasaling-wika

-Isinalin nila sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabic

Adelard – nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid

Retines – nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141

1200 AD – nakaabot sa Toleda ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang
nasusulat sa wikang Griyego

Liber Gestorum Barlaam et Josephat – orihinal na teksto ay nakasulat sa
Griyego
Barlaam et Josephat – nakilalang bilang santo ang dalawa dahil sa mga salin nito
-Dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging
maka-Diyos, kahit ang mga ito ay likhang-isip lamang

Biblia (Wycliffe, Tysdale at Coverdale)
– pinakahigit na pagsasaling-wika Martin Luther: isinalin sa Aleman ang Biblia

Jacques Amyot – “Prinsipe ng Pagsasaling-Wika”
-Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch

Sir Thomas North – isinalin sa Ingles ang Lives of Famous Greek and Romans

John Bourchier – isinalin ang Chronicles ni Froissart

George Chapman – isinalin ang mga sinulat ni Homer

John Florio – lumabas ang mga salin saEssays ni Montaigne, isang babasahing
itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North

Thomas Shelton – isinalin ang Don Quixote

Hobbles – isinalin angThucydides atHomer

John Dryden – isinalin angJevenal atVirgil

Alexander Pope – isinalin angIliad atOdyssey ni Homer

William Cowper – isinalin ang Odyssey ni Homer

A.W. von Schlegel – isinalin sa Aleman ang gawa ni Shakespeare

Alexander Tytler – naglathala ng libro na Essay on the Principles of Translation

1.Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa
2.Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal
3.Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahing tulad
ng orihinal
IKALABINSIYAM NA SIGLO
Thomas Carlyle – ang nagsalin ng Wilheim Meister ni Goithex noong 1824
Omar Khayyam – isang Persyano na nangingibabaw dahil sa kaniyang salin ng
“Rubayait” noong 1850

Fitzgerald –sinikap niyang mapanatili ang likas na kagandahang estetiko ng
Rubayait

Matthew Arnold– On Translating Homer

F.W. Newman - isa sa mga nagsalin ng Homer
-ang isang salin ay kailangang maging amtapat sa orihinal, na ailangangamdama ng bumabasa na ang kaniyang binabasa ay isang salin at hindiorihinal

IKADALAWAMPUNG SIGLO

Richie at Moore (1919) – nagpalathala ng isang artikulo na nagsasabing ang
tunay na panitikan ng France ay hindi lubusang maaabot sa pamamagitan lamang ng mga salin

Leo Tolstoy – isinulat ang War and Peace
-Mula sa Russia, gumawa ng mga pagsasalin sa panahong ito na dinakila at
hinangaan ng mga mababasa

Chekov, Strinberg at Ibsen – nagsalin ng mga dula at nakagawa rin ng kani-
kanilang pagkilala sa larangan ng pagsasaling-wika


BIBLIA
Aramaic ng Ebreo – ang kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan na nagging
malaganap noong mga unang siglo, A.D.

Dalawang dahilan ng pagsasalin ng Biblia:

1. dahil ang biblia ay tumatalakay sa tao – kaniyang pinagmulan, sa kaniyang
layunin at sa kaniyang destinasyon
2. dahil sa di-mapasusubliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito

Origen – nagsalin mula sa Aramaic patungo sa Griyego na nakilala sa tawag na
Septuagint
Jerome – Latin: Vulgate


Dakilang salin
1. Jerome sa Latin
2.Luther sa Aleman
3.Haring James sa Ingles: Authorized Version

John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Ingles ng Biblia
Dalawang edisyon:
1. 1382: Nicholas
2.1390: inedit ni John Purvey
William Tyndale – pagsasalin sa Ingles ng Biblia buhat sa wikang Griyego na salin
naman ni Erasmus
-Kakaiba dahil sa masalimuot na mga talababa

John Rogers – ipinagpatuloy ang hindi natapos na salin ni Tyndale

Richard Taverner – nirebisa ang salin ni John Rogers

Coverdale – nirebisa ang Biblia ni Matthew at nakilala itong Great Bible
-naging sikat dahil sa Salmo

Geneva Bible – isinagawa nina William Whittingham at John Knox
-para sa pagpapalaganp ng Protestantismo
- tinaguriang Breeches Bible

Douai Bible
1. New Testament
2. Old Testament
Haring James- nagdaos ng kumperensya
-Upang gumawa ng isang salin ng Biblia na higit na maayos kaysa mga
naunang sali

Ginamit na pinakasaligang salin ng lupon:
1. Bishops Bible
2. Mga Teksto sa Griyego at Ebreo

Authorized Version – naging malaganap at hindi na malalampasan

Obispo Winchester – nagmungkahi na rebisahin ang Authorized Version

The New English Bible – ang naging resulta ng pagrerebisa ng Authorized
Version

-Mula sa orihinal na Ebreo at Griyego
-Isinama ang Apocrypa

Tatlong dahilan kung bakit napakagkaisahang muling isalin ang biblia

1. Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiibia sa diwang
nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin

2. Nitong mga huling araw ay higit na maging masigla ang pag-aaral sa
larangan ng linggwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng
biblia
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na
halosmaunawaan ng kasalukuyang mambabasa, bukod sa kung minsan ay iba
naang inahahatid na diwa
AKDANG KLASIKA

Dalawang pangkat ng mga tagasaling-wika sa Ingles ng Panitikang Griyego
1. Hellenizers
2. Modernizers

Robert Bridges – sinabi na mas mahalaga ang estilo ng awtor kung ang isang
mamababasa ay bumabasa ng isang salin

Edward, Fitzgerald at Samuel Butler – sinabi na dapat maging natural ang
daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain
-Dapat maging idyomatiko ang salin

Homer- hindi pa nahihigitan ng ibang mga manunulat
F.W. Newman – naniniwala na hindi dapat makaligtaang isaisip ng mambabasa na
ang kaniyang binabasa ay isang salin

Arnold – ang sinasabing katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng
pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin

Haring Augusto – nagpatayo ng isang malaking aklatan
-dalawang prinsipal na departamento
1. wikang Latin
2. wikang Griyego
Aeneid – pagsasalin sa Ingles ng kung paano ito sinabi ni Virgil sa Latin

Machine Translation
Dahilan kung bakit hindi makabuo ng machine translator
para sa di-teknikal na Paksa:

1. hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano
mabisang maisasalina ng gma idyoma
2. pagkakaiba ng istraktura o pagsusunud-sunod ng mga salita ng mga wika
3. maraming kahulugan ang maaaring ikarga sa isang salita
4.napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing
ng tekstong isusubo rito
5. wala pang computerized bilingual dictionary

Problema sa paglikha ng machine translator

1. ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine
2.kulang pa sa nalalamang mga teorya ang mga linggwista tungkol sa
paglalarawan at paghahambing ng mga wika upang magamit sa pagbuo ng MTr
KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS
Unang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Kastila sa Pilipinas
Masasabing nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas noong Panahon ng Kastila kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo o dahil sa pangangailangang panrelihiyon ng mga akdang Tagalog at iba pang mga katutubong akdang makarelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikakadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana. Subalit gaya ng nasasaad sa kasaysayan, naging bantilawan o urong-sulong ang naging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sapagkat hindi naging konsistent ang Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indios na kanilang nasakop. Sa halip, lumaganap ang Kristyanismo sa masang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong wika.

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan: Pagdating ng Amerikano

Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang pambansa ng mga nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro na siyang pinakapopular na libangan ng mga tao sapagkat wala pa noong sinehan o televisyon. Mapapansin din ang dami ng mga salin sa iba’t ibang genre ng panitikan sapagkat sa Panahon ng Amerikano nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang maramihan ang mga iyon mula sa Kanluran.

Nang pumalit ang Amerika sa EspaƱa bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika. Kung ang pangunahing paraang ginamit noong panahon ng kastila ay krus o relihiyon at espada para masakop ang Pilipinas; edukasiyon naman ang kinasangkapan ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay napilitang pag-aralan ang pagsasalita at pagsulat sa Ingles.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan:
Paglinang at pagtupad sa patakarang Bilinguwal

Ito ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Kaugnay ng nasabing kautusan, mas marami ang kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan

Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di – Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na “pambansa.”
Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wikanin ng bansa.

PAANO LUMAGANAP ANG PAGSASALING-WIKA?
Ang mga sumusunod na impormasiyon ay hango sa aklat ni Alfonso Santiago na kanya namang halaw sa aklat ni Savory na (The Art of Translation, 1968).
“Sa pagdaraan ng maraming taon ay dumami nang dumami ang mga tagasalingwika. Natural lamang ang ganito sapagkat parami na rin nang parami ang mga manunulat at paunlad nang paunlad ang pag-uugnayan ng mga bansa.”
a. pagdami ng mga tagasaling-wika
b. pagdami ng mga manunulat
c. maunlad at malawak na ugnayan ng mga bansa
“Ang ikalabimpitong siglo ay maituturing na tulad din halos ng dalawang nakaraang siglo na ang kinawilihan ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura sa ibang bansa…”
a. kawilihan sa pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura
… Nang sumapit ang ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasaling-wika, ayon kay Savory. Ang lahat daw halos ay nagtatangkang magsalin….At wari raw na karamihan sa mga nagsasalin ay sahol sa inspirasyon sapagkat ang pangunahing layunin na lamang ay “dami” at hindi na “uri”.
“…Gayunpaman, sa kabuuan ay masasabing nakabuti ang gayon sapagkat kundi dahil sa lansakang pagsasaling-wika ay maraming manunulat ang hindi makikilala at dadakilain….”
“Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa layuning maihatid sa higit na nakararaming bahagi ng mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa panitikan
a. lansakang pagsasaling-wika
Suliranin sa Pagsasalin ng mga Tekstong Klasiko
Pagsasalin ng Bibliya
Sa kasaysayan ng pagsasaling-wika, ang Bibliya ay maituturing ng isa sa mga klasikong akdang sumabay sa kalakaran ng pagsasaling-wika sa daigdig. Klasikong akda ito kung ituring, sapagkat laman nito ang kasaysayan ng pinagmulan ng tao, ng daigdig, at ng mga bagay-bagay tungkol sa tao at daigdig mismo. Ito lamang ang akdang sinasabing “salita ng Diyos”. Sinasabing klasika rin ito sa dahilang ito ay likha na may kataas-taasang pagkilala at ‘ika nga ay walang kinikilalang panahon.
Ang pagsasalin ng mga bagay-bagay na napapaloob sa konteksto nito ay isa na marahil sa hindi maitatatwang kalinangang dumaan at maging sa kasalukuyan ay nasa hilahil pa rin ng pagdaan sa napakamasalimot na suliranin sa pagsasaling-wika, na siya namang ugat ng masalimuot na kalakaran ng buhay-relihiyon ng tao sa mundo.
Sa dinami-rami ng mga salin ng bibliya, sindami na rin ng mga nag-uumpugang paniniwala ang nagsilabasan noon pa man. Subalit kahit na ganito, ang lansakang pagsasaling-wika ng bibliya ay nagsisilbing gabay at mapananaligang tuklas ng tao upang hanapin ang rurok ng pag-unawa sa kanyang kalikasan bilang nilalang at ng Diyos na sinasabing gumawa sa kanya.



Suliranin # 1:
Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin
ng mga Akdang Klasika

Subok na ang lawak ng kapakinabangan ng lipunan sa pagsasaling-wika. Ganunpaman, napakarami pa rin ang nagsasalungatang paniniwala sa pagsasalin ng mga klasikang akda.

a. Ayon kay Virginia Woolf, isang kilalang modernista sa larang ng literatura, “Isang pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagbabasa ng mga salin ng panitikang Griyego. Ang alinmang salin ay tiyak na hindi makapapantay sa orihinal.”
Anupat maraming mga pala-palagay at paniniwala ang mga tagapagsalin na karamihan ay magkakasalungat, gaya na lamang ng mga paniniwala ng dalawang pangkat ng mga tagapagsaling-wka sa Ingles ng panitikang Griyego. Ang una ay ang pangkat ng mga makaluma o ang tinatwag na hellenizers; ang ikalawa ay ang mga makabago o Modernizers. Ang una ay matapat, ang huli ay Malaya. Ang layunin ng mga makaluma ay maging matapat diumano sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin. Sa pangkat ng mga makaluma, ang kahulugan ng katapatan ay ang paglilipat sa pinagsasalinang-wika ng mga kakanyahan ng wikang isinasalin sa paraan ng pagpapahayag, tulad ng balangkas ng mga pangungusap at mga idyoma. Sila ay naniniwala na ang salin ay dapat makilalang salin.
Samantala, ang mga makabago naman ay ang kasalungat ng layunin ng una. Nilalayon nilang makalikha ng mga salin sa kanilang wika, mga saling nahubdan na ng mga katangian at idyoma ng wikang isinalin at nabihisan na ng mga katangian at idyoma ng wikang pinagsasalinan.
Savory, Art of Translation. 1968






Suliranin # 2:
Mga Nagsasalungatang paraan sa Pagsasaling-wika

Ayon pa rin sa mga sianbi ni Savory, napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay nagsasalungatan. Walang isang prinsipyo o simulain sa pagsasalin ang tinatanggap nang walang pasubali, lalo na ng mismong natuturingang mga dalubhasa o may mahaba nang karanasan sa larang na ito. Ang nagsasalungatang paniniwala ng mga dalubhasa ay nilagom ni Savory nang ganito:
• A translation must give the words of the original.
A translation gives the ideas of the original.
• A translation should read like an original work.
A translation should read like a translation.
• A translation should reflect the style of the original.
A translation should possess the style of the translator.
• A translation should read as a contemporary of the original.
A translation should read as a contemporary of the translator.
• A translation may add to or omit from the original.
A translation may never add to or omit from the original.
• A translation of verse should be in verse.
A translation of verse should be in prose.

1 komento:

mark ayon kay ...

nakakatulong ang blog ng sobra!