sI jOHN AT ANG KANYANG biP-BIRIP-BIP-BIP
Aaandar-aandar at aalog nang aalog-alog,
alog nang alog na animo'y tren kung ito'y sumubsob-subsob
'tong jip ni John na kauugod-ugod
uugod-ugod, hihinto-hinto
aandar nang aandar
at biglang susubsob-subsob
hihinto't hihinto na di pigil
ang pag-aalog-alog
sige lang nang sige
sa kamamaneho't busina
ng kanyang sasakyang ang katahimika'y wala
di makamtan-kamtan
nitong jip na noon pa'y ayaw nang palitan
dahil bawas pa raw sa kanyang puhunan
na paniniwala sa sarili:
di bale na ang magtipid kaysa mawalan
nitong kanyang bip-birip-bip-bip
na sa kaaandar-andar
at sa kakalog-kalog
maraming beses na rin 'tong nauntog-untog
kaya nga't sa di akalain ay natuluyan pareho
bumulusok nang pabulu-bulusok
sumagubsob
sumagubsob nang sumagubsob
bumulusok nang susubsob-subsob
at huminto't kumalog nang kumalog
tumilapon
n a g k a b i y a k - b i y a k
at huminto
ang paligid ay biglang binalot ng magulog pananahimik
mga butil ng dugo'y nangagsipagpilantik
at mga pira-pirasong lama'y nangagsipagtalsik
at madaling kumalat ang gasolina
nangagkasunog-sunog at nangagkaabo-abo
mga usyosero't usyosera'y nangagsipagdagsa
ambulansya't awtoridad ay kung di nahuli
ay nambaliwala o kumuros ng landas
na ni kaunting aba'y wala
nahuli: ang kumpirma: si John ay patay!
ngayon, mga ibong nagsisiawaita'y nabigla
napahinto't nakibahagi...
laman ng mga panaghoy:
awa, habag, lungkot, at takot...
Agahan,Tanghalian, at Hapunan
Isang kalahati sa kalahati
ng kalahating kutsaritang C12H22O11
Tila baga kawangis ng mga mangagnas-ngagnas
na sanlaksang metalikong kulay pilak
Isang kawalo sa kawalo ng kawalo
ng mangilan-ngilang butil ng sinunog na bigas
ang pinagdikdik-dikdik at pinagpulbos-pulbos
ng mga kalyadong palad...
Ang matamis at ang bigas na sunog ay dinaig pa
ang gamot sa pamumurga
pinaghalo-halo sa gapatak na luha,
na kahit mga bulate'y nasusuka.
Basag na basag
ang dati'y kulu-kulubot lamang na basong napulot
habang butas na butas naman
ang tasang inanod mula sa ilog.
Talaga nga nama't sa isang pasmadong rabaw pa
ng palad ito napagsaluhan
ngunit tumatapon, natatapon at naaagaw
sa palindol-lindol at pahigop-higop ng mga bitak ng palad.
Kaya, bahagdan na lamang
sa bahagdan ng bahagdan
ang nasisimot
ng mga nangangaghingalong mga bibig.
Sa pagkakatao'y inagaw ng aming pagkakataon
ang amoy ng langawing tinapay
ngunit ito'y nagumon ng mga himutok
sa biglang pagdaing ni tagpi.
Habang patulin nang patulin ang pagtakbo ng oras
ay napakabilis at napakataas naman ng aming pagkitil...
samantalang padagdag nang padagdag ang mga butas ng mga tiya't sinturon
halos dalwang ikot na ang pagkakabigkis nito
sa aming panipis
nang panipis
na
mga
baywang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento