Huwebes, Enero 31, 2008

tagalog poem

HULING SAKAY

Sa unang pagpara akoy pinasakay
binaybay ang kahabaan ng Ateneo Avenue
magmula haybol ratsada na sa iskol
at sayang-saya sa bawat discussion
dala-dala pa nga plinanong lesson.

Sa aking sunod na pagpara
ay di nagdalawang isip pa
at ako'y pinasakay pa rin
at ako'y sumakay rin naman muli
at noon simulang natuod ang dyip
dahil sa haba't buhol ng trafik
sa kahabaan ng Cathedral Street
malapit sa bukana ng Cathedral gate
ay kitang-kita ang isang puting kotse
na haharang-harang pa! Yun pala'y
nakabantay sa magkabiyak na papalabas -
ang isa'y kinilala:
Si Cindy, aking former klasmeyt.

At sa aking sunod na namang pagpara
ay tulad rin ng dati, dali-dali akong sumakay
at naupo doon sa may back-seat
at gaya pa rin ng dati ay trafik na naman;
mga mata'y isang puting kotse
ang napagtripan; may mga dekorayong rosas
na matitingkad ang maganda nitong harapan.

At sa mga sumunod pang pagsakay
ay tulad pa rin ng dati
kusang natutuod ang dyip
may isa, dalawa, tatlo o mahigit pa
ang siyang pumara't bumaba
at hanaggang sa may sumunod na naman
at hanggagng sa naubos na
at hanggang sa ako na lang ang natira
nalamang sila palang mga bumaba'y hayun...
nalabas-pasok sa may Katedral
at hanggang sa di ko na nagawa
ang pumara't makababa

at yun ang aking naging huling sakay
makailang ulit mang pagpara't pakiusap sa drayver
subalit ayaw na nya.

Walang komento: