Huwebes, Disyembre 17, 2009

Maikling Kuwento

Paghahanda: Maikling Kwento
FILIPINO 211– Malikhaing Pagsulat
Ika-27 ng Nobyembre, 2009
Ricafrente, Leo B.


DUGO SA DIARY PAGE


Tirik na tirik na ang araw nang mamalayan ko na namang kailangan ko na palang umuwi ng bahay upang tingnan at dalhan ng makakain ang aking lolang matagal-tagal na ring may-sakit.

Nang mga sandaling yaon ay di ko na alam kung ano na ang mas nararapat na aking unahin. Ang lola ko bang may-sakit, na marahil bagot na sa kahihintay sa akin para lamang sa maiuuwi kong isang supot na kanin at ilang piraso ng tuyo? O ang mga paninda kong kakanin na halos di pa nga nababawasan?

Hindi ko na alam ang aking gagawin ng mga sandaling yaon. Gustuhin ko mang manghatak ng ilang mga nagdaraang kustomer ay di ko man lang magawa, sa dahilang baka ako pa ang malagay sa alanganin.

Sa halip na makabenta siguro’y matampulan pa ako ng kung anu-anong panlilibak at paninisi ng mga nagdaraan. “Baka mapagkamalan pa tuloy ako nilang isang kriminal na miyembro ng isang kilabot na sindikato. Ang mapagkamalang isang kawatan at tuluyang manahimik at mawalan ng buhay sa malamig na rehas na bakal; na nasa may di lamang kalayuang estasyon ng pulis. Ayaw ko pa namang makalaboso. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang malugmok sa ganun. May iniingatan yata akong kurso sa kolehiyo!”

Halos manlimahid na ako sa sobrang init ng panahon yaon. Dagdag pa ang sobrang bahong usok na binubuga ng mga nagdaraang mga sasakyan na parang nagkakandahahabulan sa kung anong pagmamadali. Hindi na rin magkandaugaga ang ilan sa mga kasamahan kong tagatinda lamang ng mga kakanin sa may bangketa. Tulad din nila akong matagal nang siphayo sa karukhaan.

Di ko tuloy namalayan na hindi pa pala ako nabibili ng pagkain para sa pananghalian namin ng Lola Inggay.

Ngunit ilang sandali pa’y may kung anu-anong mga putok ng baril ang aking narinig. Halos umalingawngaw ang mga itong sabay sa ingay ng mga serina ng nagdaraang mga sasakyan. Galit na galit na nga ang ilang mga drayver sa biglaang trafik na naging resulta nga ng nasabing sunod-sunod na putok ng baril. Dagdag pa ng mga ososero’t osesera.

“Kawawa naman.” ang sabi pa ng ilan sa kanila.

Hanggang sa...

Bang! Bang! Bang!... sunod pang mga putok ang kumawala sa kalawakan...

“Tarantadong bata ka! Pinahirapan mo pa ako!

Paulit-ulit ko yung narinig...sabay nang sumunod pang mga putok...

Hanggang sa may bumulagta.

Hayun pala’t may isa na namang batang isnatser ang nakahandusay sa may kalsada. Kitang-kita ko kung gaano naging karumaldumal ang nangyari sa nasabing bata.

Noon ko nalaman na Romel pala ang pangalan ng kaawa-awang bata..

Nalaman ko rin na anak pala ito ng isa sa aking mga kapitbahay na naninirahan din sa iskwater.

Gabi na nang ako ay makauwi sa amin. Halos masakit na ang aking mga kasukasuan at buong kalamnan sa buong araw na pagtitinda. Salamat dahil kahit papaano’y may nauwi pa ring kaunting benta.

Laking pasasalamat ko rin dahil kahit di ko nagawang makauwi ng bahay ng katanghaling yaon ay may nagkusang-loob para hatiran ng makakain ang aking lola.

May nagbigay pala sa kanya ng isang tasa ng mainit na kape at piraso ng pandesal. Kaya lamang, hindi masama na ang pagkain palang yun ay bigay pa raw ng isa sa aming mga kalapit-bahay. Papaano ba naman kung ang layo ng lalakarin mo ay mula pa Quiapo hanggang Payatas. Di ka kaya nyan manlumo.

Hay, naku! pagod na pagod na ako. Ngunit teka lang. Tila nawala ang kapagurang yaun nang nakuha ng aking atensyon ang isang burol.

Wala akong nagawa kundi pansamantalang nakiusyoso... nagtanong-tanong kung sino ang nabuburol. Hindi nga ako nagkamali nang ang makita kong nasa loob ng kabaong ay ang batang binaril ng pulis kani-kanina lamang.

Walang kaabog-abog akong lumapit sa isang aleng nakatingin sa salamin ng kabaong na tila kayayari pa lamang na gawa sa simple’t mga pinagdamutang piraso ng pawid. halos nalumo ako. Pilit ko mang pigilin ang aking pag-iyak ay di ko nagawa. Tumulo ang aking mga luha. Sa pag-iyak na iyon ay karamay ko ang isang matandang katabi ni Aling Rosa, ang ina ng namatay.

Matagal-tagal din akong nakiluksa.

Ngunit hindi nagtagal...dumating ang araw ng libing. Marami sa aking mga kapitbahay ang di rin nakalimot upang dumalo at makiramay....

Sa pagsama ko sa isang oras na paglalakad papuntang sementeryo ay napansin ko sa di kalayuan ang isang matandang tumatawa sa gitna ng malakas na ulan. Tila ito’y di walang pakialam sa aming pagdaan...

Marami ang nagbulong-bulungan hinggil sa nasabing matanda...

Nariyan din ang isang lalaking sumasayaw ng pandanggo sa isang di kalakihang bahay-pahingahan.

Ang sabi ko nga sa sarili ko ng mga panahong yaon, “Wala man lang hiya at kaunting respeto ang lalaking ito...di man lang kami nakita...alam na ngang may patay na dumaraan ay sayang-saya pa rin sa kasasayaw!...walang bahid man lang ng pagkaawa...talagang manhid. Ang masama pa, sa halip na hinaan nang kaunti ang volyum ng kanyang radyo ay tila ata nang-uyam pa...nilakasan pa lalo ito na parang walang pakialam.

Sa pagdating sa huling hantungan, wala man lang ni isa ang may bahid ng kasiyahang mapupuna. Halos lumakas pa ata ang buhos ng ulan...



Ngunit, sa mga huling sandali nang ipapasok na ang kabaong sa nitso ay may biglang bumalikwas ng paghikbi sa likuran ng isang maliit na kapilya, malapit sa paglilibingan...

Dala niya ang isang bagay na di ko lubusang napuna...isang pahina ng diumano raw ay pahina ng isang diary...ang matindi pa’y may bahid ito ng kanyang dugo.

Agad iyak.

Agad tawa.

At sabay alis.

Ngunit bigla kong naitanong sa sarili ko ng mga sandaling yaon:

Bakit niya iniwan ang pahina ng diary na yun sa may ibabaw ng kabaong?

Ang Pakikialam ng Pilipino sa Filipino at Nito sa Atin

Paghahanda:Repleksyong Papel
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino
Ika-27 ng Nobyembre, 2009
Ricafrente, Leo B.


Ang Pakikialam ng Pilipino sa Filipino at Nito sa Atin

Hayaan ninyong pasimulan ko ang sulating ito gamit ang sumusunod na pahayag:


If you don’t want others mind you and your own business,
Please Mind Y(Our) Own Language!

Kung sakaling sikilin man ako ng nababanggit na pahayag sa itaas dahil mas ginamit ko pa ang Ingles sa halip na Filipino, pakatingnan at pakalimiin muna nawa ang aking ilang pangahas na pagpapaliwanag kung bakit gayon na lamang ang aking naging pambungad. Masyadong may kalabisan at pagbabalikwas, marahil. Pero hayaang ipagpatuloy mo pa rin ang iyong pagbabasa at huwag madala sa bugso ng iyong damdamin. Ang mga ito ay may dahilan.

Ito’y hindi sa nakikialam ako sa buhay ng may buhay. Ito’y ‘di rin tanda ng aking abnormalidad, sapagkat alam kong ako’y normal. Ito’y kundi impluwensya lamang sa akin ng aking mga karanasan sa larangan ng pagtuturo at ng mga sagot sa bawat tanong na kailanma’y di pa naging sapat sa akin upang lubusang mapaniwalaan at tuluyang matanggap. O di kaya’y pagdating sa kung anumang umiiral na ugnayang sosyal mayroon ako bunsod sa kasalukuyang kalakaran ng namamayaning uri; at ng sistema ng edukasyon mayroon tayo. Ang mga ito’y may dahilan.

Hindi ko kailanman layon ang magparinig. Lalong-lalong hindi ko rin layon ang manghimagsik laban sa kung sinuman man. Matino ang aking kamalayan. Sapagkat ang kamalayan ko sa mga usaping pangwika ay gising na gising. Mulat ako. At ang pagkamulat na ito’y di ninuman mapasusubalian.

Ngunit ang mga pagpapaliwanag kong inyo nang nabasa, at sana’y patuloy ninyo pa ring binabasa, ay di ang mga paliwanag na siyang aking gustong maiparating. Alam kong ako’y masyado nang masalita. Aam ro rn yan dahil ako’y may dahilan. Kaya ngayon, sana’y ang mga pagtatangkang pagpapaliwanag ko’y kahit papaaano’y makatulong, makabuo at sa inaasaha’y di na naman sana makapanghamak.

Una sa lahat, likas na siguro o di kaya nama’y nakatadhana na sa ating mga Pilipino ang pagiging pakialamero. Marahil, naaabalidbaran tayo kung may mga kapwa-pinoy na parating suntok sa atin parati ang pahayag nilang “If you don’t want others mind your own life, just mind your own business.” Sa katotohanan, alam ko ring di ko maitatatwa na ang ginagawa kong ito ay isang paraan ng pakikialam. Kaya lamang, ang pakikialam na ito ay siguradong di naman mapanghamak, tulad ng akin nang nasabi...Sana nga’y hindi, dahil alam kong maganda ang tunguhin ng ganitong pakikialam. Buong pasasalamat ko na siguro kung ang kagandahan ng ganitong pakikialam ay nagsisimula na ngayon pa lang. Lalo na kung pakikialaman an gating wikang Filipino at ang pagtuturo ng Filipino.












Dahilan ko rin sa mga mahilig makialam. “If you don’t want others mind your own life and your own business, allow me to mind you, because you are my business.Trabaho kong pakialaman ang mga taong nabubulagan sa kanilang mga trabaho...lalong-lalo na yaong mga taong may kinalaman sa kinabukasan ng ating wika. Gusto ko ring busalan ang kanilang mga bibig upang manahimik na sa kasasalita ng kung anu-anong Ingles. At tayo yun. Gusto kong pakialaman ang mga taong bulag sa pagsulong ng ating wikang pambansa. Gusto ko ring pakialaman ang sinuman na ayaw tumanggap ng pakikialam ng iba. Lalong-lalo na kapag sila ay pinakikialaman sa kung anong wika ang kanilang ginagamit. sa halip na payabungin ang wikang sarili ay wikang banyaga pa rin ang siyang mas pakagamitin at mas pinakatatangap. At dahil ditto, hinihingi ko ang akin depensa kay Gloria.

At baka makalimutan ko pala, may pakialam din pala ako sa tungkulin ng mga taong dapat gumagawa ng kanilang mga trabaho sa Komisyong ng Wikang Filipino. Sana’y ang kapakanan ng Filipino, bilang ating wikang pambansa, ang kanilang pinakikialaman at di ang pakikipagmatigasan-tagisan sa mga unibersidad sa kung ano ang mga pamantayan sa gramatika ang dapat pairalin... at kung sino ang dapat masunod.

Bilang panapos, at sana’y di dito na lamang magtapos ang aking pakikialam, tandaan na If you don’t want others mind you and your own business, please Mind Y(Our) Own Language! Bilang guro, bilang mamamayan ng bansang ito at bilang pakialamero, gusto kong magturo gamit di ang wikang banyaga kundi ang wikang atin na di na sana bahid ng kadena ng mga suliranin... dahil pinakaayaw ko ang makialam sa gramatikang sigalot, dahil ayaw ko na ng mga sigalot, kundi mas gusto ko na sa may pagkakaisang sangkot. Ito ang aking gusting pakialaman.

Isa pa, at sana’y may mga susunod pa...pakialam ko rin pala sa mga guro na ayaw mag-aral at tumanggap ng mga pagbabago sa ating wika. May pakialam ako sa inyo, dahil may pakialam din kayo sa akin at sa ating wika at sa kinabukasang naghihintay sa ating bansa. Ang tanong: Kung makialam?!. Kaya’t halina’t makialam. Maging pakialamero.

Understanding by Design

Ricafrente, Leo B.
Paghahanda: Ika-27 ng Nobyembre, 2009
FIL 212: Paraan at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Filipino

Understanding by Design
Ang pagbabago sa kurikulum ng Filipino sa batayang edukasyon ay dumadaan sa maususing pagsusuri, pag-aaral at pagdevelop. (Autor, 2005). Kaya ngayon, pagtuunan natin ng pansin ang isang panibagong development sa larangan ng edukasyon – Undersatnding by Design.
Ang mga edukador na sina Grant Wiggins at Jay McTigheis ay may mahalagang kontribusyon sa kalakaran at sistema ng edukasyon sa pangkalahatan. Sila ang siyang nagpasimula ng pagpapakilala sa sektor ng edukasyon ng tinatawag na Understanding by Design, o mas kilala sa tawag na UbD. Ito ay hinango mula sa kanilang binalangkas na aklat na pinamagatang Understanding by Design.
Ayon sa kanila, Understanding by Design is an increasingly popular tool for educational planning focused on "teaching for understanding”. The emphasis of this is on "backward design", the practice of looking at the outcomes in order to design curriculum units, performance assessments, and classroom instruction. In other words, it is a "framework that lead the students to deep understanding of the content of the subject matter taught.” Kung gayon, mahalaga ang hakbanging nilalayon nito upang maging makabuluhan ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbng hanguan ng mga guro para sa kanilang mga kasanayang pampagtuturo.
Bilang karagdagan, ayon pa rin sa kanila, UbD expands on "six facets of understanding", which include students being able to explain, interpret, apply, have perspective, empathize, and have self-knowledge about a given topic.
Sinabi rin ni Wiggins, The potential of UbD for curricular improvement has struck a chord in American education. Over 250,000 educators own the book. Over 30,000 Handbooks are in use. More than 150 University education classes use the book as a text.
Alalaong baga, ang ganitong pagpalaganap ng kabatiran sa nasabing pagpaplano ng kurikulum ay mas higit na napapanahon kung ikukumpara sa mga naunang nakasanayan na nating sistema. Ngunit, hindi rin kailanman mapasusubalian na hindi masyadong epektibo ang mga naunang sistema. Ibig sabihin, sa gayon, makatutulong pa nga ito upang mas lalong maging malawak ang kaalaman at kasanayan ng kaguruan sa kanilang napiling bokasyon.



Hayaan ninyong ihayag ko ang ilan pang mga pagpapaliwanag hinggil sa nasabing UbD:
Backward design
Understanding by Design relies on what Wiggins and McTighe call "backward design" (also known as "backwards planning"). Teachers, according to UbD proponents, traditionally start curriculum planning with activities and textbooks instead of identifying classroom learning goals and planning towards that goal. In backward design, the teacher starts with classroom outcomes and then plans the curriculum, choosing activities and materials that help determine student ability and foster student learning.
Teaching for understanding
"Teaching for understanding" is another central premise of Understanding by Design. It should be evident in course design, teacher and student attitudes, and the classroom learning environment. There should be coherent curriculum design and clear distinctions between big ideas and essential questions. Teachers should tell students about big ideas and essential questions, performance requirements, and evaluative criteria at the beginning of the unit or course. Students should be able to describe the goals (big ideas and essential questions) and performance requirements of the unit or course. The classroom learning environment should have high expectations and incentives for all students to come to understand the big ideas and answer the essential questions.
Learn More
Understanding by Design — a framework for designing curriculum, assessments, and instruction explores questions like:
1. What is teaching for understanding?
2. How can a teacher unpack content standards to identify the important big
ideas that he want students to understand?
3. How does a teacher know that students truly understand and can apply their
understanding in a meaningful way?
4. How can a teacher design courses and units to emphasize understanding
rather than coverage?
5. What instructional practices are both engaging and effective for developing
student understanding?

Talasanggunian:
Autor, Evelyn B. Ang Binagong Kurikulum sa Pagpapaunlad at Pagpapataas ng Pagkatuto at pagtuturo ng Filipino. Kadunong Journal. College of Education, Ateneo de Naga University. 2005
Wikipedia, the free encyclopedia: http://en.wikipedia.org/wiki/Understanding_by_Design.2009
http://www.ubdexchange.org/web_resources/UbD_Overview/learn_more.cfm. 2009

leo

Paghahanda: Repleksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2009
Modernisasyon ng Filipino: Pagbabago sa Gramatika FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino
Ricafrente, Leo B.

Kamalayan sa Modernisasyon ng Filipino ng Modernong Filipino

Tunghayan muna natin ang ang isang tula ng kasaysayan ng ating di-matapos-tapos na usaping pangwika na siyang lunsaran ng aking pagtalakay.

MakaBrawn

Halos matagal-tagal na ring magkasama
Na higit pa sa magkapatid
Sina Panlapi at salitang-ugat
Nang naisipang magsarilinan
Sabay ang pag-usbong ng kani-kanyang pamilya.
At doon nagsimula ang unang simula…
Nang may-anak na si Panlapi kay Kayumanggi
Ang napiling itawag sa supling ay “Maka”
Naaliw rin ang morenang si Ibangkulay
At sumunod ang pagkarinig ng unang mga iyak ni Brawn.
At doon na nagsimula…
Sa mga tuksuhan ng dalawang magkatoto
Pagtataas ng mga anak ang laging laman ng usapan
Dun din nagsimula ang pagkakaibigan nina Maka at Brawn
At dun din nagsimula…
Nang sumunod pang mga araw
Namukhaan ang mga nagiging bunga
At hanggang pa sa mga sumunod na sesyon ng kanilang pag-eskwela
Tila halos pareho kinakawawa
Ang gawing magsama sa iisang asignatura ay di magawa
Ang gawing magkaklase’y mas lalo na
Ang isa ay sa umaga at ang isa naman ay sa gabi
Walang pagkakataong magkuwentuhan man lang.
Nagkaroon ng matinding halalan napilitan ang dalawang maglaban
Si Maka ang dapat maging pangulo, ang sabi ni Escudero
Hindi, si Brawn ang siya nating ibuto, sabi naman ni Arroyo
At dun nagsimula ang kinatatakutan. Lumala…
Sa araw nang banggitin ang kandidatong nanalo
Si Brawn, Brawn, Brawn ang uupo sa trono. Mabuhay!, ang sabi ni Datu.
Namarka sa isipan ni Maka ang panggigipit ni Brawn
Pagbubuhat ng sariling bangko ang napagtripan
Ang kaibigan ay siya nang itinatanggi’t tinalikuran
Kasama pa ang panunukso ng mga klasmeyt nilang sina Gitling at Pang-ugnay!
Darating din ang araw ng pagababalik
Bigat sa dibdib ay tuluyang maiwawaksi
Magkakasundo ang dalawa sa muli:

Di dapat natin hayaan ang ganun, sabi ng isa.
Oo nga, ang sambit naman ng kabila.
Di na hahayaan na si klasmeyt na Gitling at kanyang mga katropa’y muling mapagitna
Simulang ibalik ang MakaBrawn at di Maka-Brown…

Malamang, mula sa iyong pagbabasa, na kahit papaano, ikaw ay may naunawaan na sa naging at nagiging kalakaran ng ating wikang Filipino. Malamang din ay unti-unti mo nang nasasaksihan ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating lipunan – pagbabagong dala mismo ng makabagong pamumuhay at modernisasyon sa lahat ng aspekto sa buhay.

Malamang din ay mahahalintulad mo ito sa mga karanasan ng mga kabataang Filipino sa kontemporaneong panahon. Kung pag-uusapan din man lamang ang karanasan nila o ng isang tinedyer sa unang araw ng pasukan, kadalasan ay mahahalatang bago ang suot niyang uniporme at sapatos, at itinapon niya na ang luma; kung hindi man naipasa na sa nakababatang kapatid, marahil.


Dahil isa ka rin na dumaan sa buhay-tinedyer, sa pagtuntong mo pa lamang sa mataas na paaralan, sa isang banda, may mga sinusuot kang bago, at may itinatapon kang mga luma. Tulad na lamang ng mga magagandang asal na naiukit na sa ating kultura at tradisyon, na sa kasamaang palad ay unti-unti nang nawawala. Wala na ang dating masuyong pagbati, matipid na ngiti at tahimik na tango na lamang ang siyang mapapansin.

Hindi ko rin maikakaila na ako’y nagumon sa bungad at impluwensiya ng bagong uso at bagong kalakaran. Kung uso ang may kulay ang buhok, karamihan sa mga kabataan ngayon ang nagkukulay rin ng buhok. Para sa kanila, kung ano ang uso ay siyang may dating at kung sinu ang siyang may laging bago, siya ang mas in. Kung tutuusin, kailangan lamang pagmasdan ang itsura ng tinedyer ngayon, para malaman kung ano ang bagong uso, ang bagong kalakaran.

Sa kabilang banda, mataas ang pagkagulat natin sa mga matatandang sunod rin-sa-uso ngunit hindi naman bagay. Isipin na lang ang isang lola mong naka-rubber shoes na pambasketbol – high cut pa; o ang isang lolong nag-i-internet at nagpapadala ng kung ano-anong bagay mula sa kanyang friendster, facebook o twitter accounts…hindi ka kaya niyan mabigla?

Bilang mga guro, sa mga bagay na ating natunghayan, kinakailangan lamang na harapin natin ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa ating paligid na dulot ng globalisasyon at modernisasyon. Higit kanino pa man, kapansin-pansin na ang mga kabataan, ang ating mga mag-aaral ang mabilis na nakaaasimila ng mga pagbabagong ito. Subalit hindi ito dapat na mangahulugan ng ating pagpapabaya sa kanilang pagpasok sa daigdig na ito nang wala ang ating patnubay. Tayo na kabilang sa mahahalagang salik ng kanilang pag-unlad at bilang mga edukador ay hinihinging tumugon sa pagbabagong ito. Sa pamamagitan ng ating pakikisangkot sa diwang ito ng globalisasyon, hindi tayo mapag-iiwanan ng makabagong kaisipang hatid ng mabilis na globalisasyong ito- lalo na sa mga pagbababago sa kalakarang pangwika.

Ang pagbabago ng sistema sa edukasyon, lalo na sa kinakailangang kalakaran ng pagtuturo’t pagkatuto gamit ang makabagong wikang Filipino ng makabagong Filipino, ay isang maituturing na epektibong tunguhin na siyang umaagapay sa pagbabagong hatid ng nagbabagong panahon at pangangailangan; siya nagiginng konkretong manipestasyon ng ating pagpapahalaga sa nagaganap na kalakaran ng buhay.

Isa pa, hindi masama na mahalin din natin ang ating pangatlong wika, ang wikang Ingles. Dahil ito rin mismo ang nagsisilbing patunay na wala tayong kinakatigan sa kung anong wika ang ating dapat alalayan sa rurok ng makabagong lipunang Filipino –kaalinsabay ng pagkakaroon ng mga makabagong kabataan. Ang wikang Ingles ay tulad din ng wikang Filipino- sabihin man na mga wikang isinilang sa magkaibang lipunan ngunit, ang katotohanan, sa iisang pamilya lamang ang mga ito nag-ugat at pareho angkanilang pinakalayunin sa buhay – ang makatulong sa mga taong tulad natin, o sa kahit ano pa man sa kahit anumang paraan.

Ang mainam na hakbangin na dapat tandaan at pasimulan ay ang maging simula ng pagbabago. Sabihin man na ang pagbabagong ito ay sa paraan at sa pananaw natin sa pagtuturo ng Filipino, o sa lokal man o global na perspektibo, mahalagang isaisip na ang wika ang siyang hihimok upang maging awtentiko ang anumang simulain sa buhay ng isang tao at sa kanyang hinaharap. Kaya bilang mga gurong may kamalayan sa kinabukasan, sikapin nating maging tanglaw ng mga pagbabgong ito at laging isasapuso ang pagiging Liwanag sa Dilim ng ating lipunang Filipinas:

Ituring ang iyong sariling Tagahawi ng ulapSa kalangitang kulimlim Kampanang yayanigSa bawat nilalang Magigising ang lupangKulang sa dilig
Ikaw ang magsasabing
“Kaya mo to!” Tulad ng isang tanglaw Sa gitna ng bagyo Isigaw mo sa hanginTumindig at magsilbing Liwanag,
Liwanag sa Dilim!
Harapin mong magitingAng bagong awitin Ikaw ang Liwanag sa DilimAt sa paghamon mo Sa agos ng ating kasaysayanUukit ka ng bagong daan
Ikaw ang aawit ng”Kaya mo to!”Sang panalanginSa gitna ng gulo
Rivermaya

Banyuhay sa Pagtuturo

Paghahanda: Reaksiyong Papel
Pagtuturo ng Wikang Filipino
Ni Lydia B. Liwanag
FIL 212: Paraan at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Filipino
Ricafrente, Leo B.

Banyuhay sa Pagtuturo



Think global, act local…

Ang pahayag na ito ay nagsisilbing gabay sa akin bilang guro sa wika, lalung-lalo na bilang mamamayan nitong bansa upang pagbutihin ko pa lalo ang akin nang nasimulang adhikain sa buhay – ang makapaglingkod sa aking mga kababayan sa pamamagitan ng aking katutubong wika at wikang Filipino, sa aspektong pampagtuturo.

Ngunit, bakit sa biglang malas, ang anumang hangaring tutulong sana sa paglutas ng ating suliraning pangwika ay patuloy na napipigilan ng mismong hangarin natin ng pagsulong at pag-unlad…ng ating makamundong pananaw sa pagbabago. Ang masama pa, ang ganitong iral ng ating paniniwalang pangwika ay nagpapalubha at nagsasadlak mandin sa atin sa tinatawag na lingguwistik paralysis.

Anupa’t bakit hindi tayo nababahala sa ganitong uri ng namamayaning kapalaran. Sabihin man na mahusay ang kalidad ng edukasyon sa bansa, hindi pa rin mapasusubalian ang ganitong pagpapalagay kung ang mismong ating sistema ang siyang may problema. Subalit kapag nagumon na tayo sa ganitong kamalayan, balewala na ang anumang bagay na nasimulan. Mananatili pa ring mababa ang kalidad ng pagkatuto ng ating mga kabataan. Magiging mabababaw pa rin ang kanilang pagpapahalaga sa klase ng lipunan at kultura mayroon tayo. Ang masama pa’y babagsak ang ating bansa, kung magkagayon.


Ang Filipinong Wika ay sumapit na;
Ngunit ang Filipinong tao ay hindi pa…

Ang isa pang pahayag na ito ay nagsisilbing palaisipan sa atin kung nasa-saan na nga ba talaga ang ating wika, kung ang globalisasiyon na ang pag-uusapan? Saklaw na nga ba talaga nito ang tinatawag nating modernisayon, estandardisasyon, at intelektwalisasyon ng wika sa ating pagtuturo; maging sa pangkalahatan ng kalakaran ng buhay nating mga Pilipino?

Marahil, ang katanungan na ito ay ilan lamang sa mga bagay na laging umuukilkil sa ating sariling sistema. Ganumpaman, ang anumang kasagutan ay hindi madadaan lamang sa panay salita. Ito ay tunay at tiyakan lamang na mapupunuan mismo ng ating puspusan at makabansang pagkilos at paggawa; walang ibang gagawa nito kundi mismong tayong mga Pilipino, hindi ba? Wala ng iba. Pakaunawain na ang makabulugang pagbabago ay magsisimula sa atin, dahil tayo mismo ang siyang pagbabago.


At Sa panig ko, bilang guro, ang mainam na hakbangin na dapat pasimulan at gawin ay ang maging simula ng pagbabago. Sabihin man na ang pagbabagong ito ay sa paraan at sa pananaw ko sa pagtuturo ng Filipino, o sa lokal man o global na perspektibo, mahalagang isaisip na ang wika ang siyang hihimok upang maging awtentiko ang anumang simulain sa buhay ng isang tao at sa kanyang hinaharap.

Ang simulaing ito ay ang siyang mismong ating kamalayan.

Ang Masining na Pagsulat ng Maikling Kuwento

Buhay… sa isang sulyap… pinangyayari sa isang iglap… iyan ang buod sa pagsulat ng isang maikling kuwento.

Tauhan…? isang pangunahin lang…

Pangyayari…? Isang madulang sitwasyon ng karanasan niya sa buhay…

Epekto sa mambabasa…? Hindi basta malilimutan dahil sasalubsob ito sa kanyang isip at damdamin na sa tuwing masasalat ay nakababalisa.

Ang tatlong kababanggit na bagay ang pinakaimportanteng kailangan para makasulat ng isang masining na maikling kuwento.

Maikli… dahil kailangang maging matipid ang manunulat sa kanyang pananalita para maging mabilis ang pagsasalaysay.

Maikli… dahil kailangang mabasa sa isang upo lang para di-makaaksaya ng panahon sa mga taong abala sa kani-kanyang pang-araw-araw na gawain.

Masining…dahil mapamaraan ito kung gawin. Ginagamitan ng iba’t ibang teknik panliterarya para maging kawili-wili sa sandali nang pagbabasa.

Tandaan lagi sa masining na pagsulat ang dalawang bagay na napakahalaga: ang sensitibong pagbabasa at ang maingat na pagsusulat.

Ang mga Mahahalagang Elemento sa
Pagsulat ng Isang Maikling Kuwento

Kailan nga ba at saan nakasalalay ang ganda ng isang kuwento?

Sa kasagutan ng tanong na ito pumapasaok ang mahahalagang kasangkapan sa paglikha ng isang kuwento na dapat na maingat na isaalang-alang para ganap na mapahalagahan ang pangkalahatang kagandahan nitong taglay. Ang mga elementong ito ay ang mga sumusunod: tagpuan, tauhan, aksyon, tema at himig.

Pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa kuwento, kung saang espasyo nangyari at kung kailang tiyempo naganap ang aksyon.

Ang tagpuan ay maaaring mailarawan sa dalawang kaparaanan: patiyak at papahiwatig. Patiyak kung tukuyang sinasabi ng tagapagkuwento ang pangalan at lugar; papahiwatig naman kung sa mga detalye lamang nahihinuha ang pook.

Mahalaga ang tagpuan, hindi lamang dahil maaari itong ituring na parang tauhan sa salaysay, kundi dahil sa tatlo (3) pang tungkuling nagagawa nito. Una, kagyat nagpapakilala ng tauhan dahil sa mga gawing kaiba, kakatwa o tangi sa pook, tuloy, nakapagbibigay ng tiyak na katibayan. Pangalawa, nagbibigay rin ito ng kapaligirang tumutulong sa klase ng emosyong gustong palutangin sa kuwento at pukawin sa mambabasa. Pangatlo, isinasanib nito ang sariling kahulugan sa kahulugan ng kuwento para makamit ang kaisahan sa kabuuang kahulugan.

Isa sa maaaring pagsimulan ng isang kuwento ay ang tauhan. Ang tauhan ang nag-iisip at kumikilos sa kuwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari. Ang takbo ng mga pangyayari ay nasusundan ng tagapagkuwento sa pamamagitan ng tauhan.


Sa isang kuwento, ang bilang ng tauhan ay umaayon sa kaanyuan ng pagkukuwento. Kung maikling kuwento, na isang insidente o pangyayari lamang ang tinatalakay, mainam na ang magkaroon ng tatlong tauhan. Datapwat, iisa lamang ang pangunahin at sa kanya nakapokus lahat ng atensyon sa pagpapaunlad ng salaysay. Samantala, ang dalawa ay mga katulong na tauhang kasamang sumusuporta dahil may kinalaman, kaya’y nababanggit lamang dahil may kaugnayan, sa gayon, maging ganap ang pagkilala sa katauhan at pagkatao ng pangunahing tauhan. Kung nobela naman, na isang madetalyeng pagtunghay sa mga kawing-kawing na kabanata ng buhay, natural lamang na maraming tauhang nasasangkot at maaaring dalawa o tatlo ang pangunahin.

Para mapahalagahang maganda ang isang kuwento, kailangan malikhang mabuti ang tauhan. Mapangyayari ito sa mga sumusunod na katangian:

1. ito’y kapani-paniwala,
2. ito’y madahilan kung kumilos,
3. ito’y konsistent o hindi basta-basta nagbabago sa kalikasan nito; at
4. ito’y may kakanyahang sarili.

Kapani-paniwala ang isang tauhan kung ito ay may katulad na nakikitang nabubuhay sa mundo. Wika nga’y totoo itong tao, nagtataglay ng positibo at negatibong katangian. May kapurihan at kapintasan. May kalakasan at kahinaan. May kabutihan at kasamaan. May katinuan at may kabaliwan. May kabanalan at may kasalanan. May kalabisan at kakulangan. Hindi siya isang kataka-taka na pinakaubod ng lahat na positibong katangian, kung bida, at negatibo, kung kontrabida.

May dahilan naman ang isang tauhan kumilos kung gumagawa siya ng pansariling paraan, nakikibaka, para maalpasan ang mga pagsubok sa buhay at mabago ang anumang di-mabuting kinasasadlakan. Sa ganitong paraan, hindi siya mahahatulang mahina o pabaya, dahil sa anumang kasasapitan, tagumpay man o kasawian parehas niyang nilalabanan.

Datapwat ang tauhan ay hindi basta-basta pinagbabago. Ang lahat ng bagay ay may proseso. Ang pagbabago ay dinaraan sa panahon at inaayon sa kalikasan ng personalidad ng tauhan. Kung sa simula pa ang tauhan ay bakla na, datapwat, hindi hinahangad na mabago pa, lahat ng mga masasakit at mahihirap na paraan ay susubukin, pero asahang hanggang sa wakas ang kalagayan ay magiging gayundin. Sikolohikal ito. Ang anumang naiisip ay napipigilan, subalit hindi mababago kailanman, maliban na lamang kung magmilagro, ngunit hindi na magiging kapani-paniwala pa ito.

Katangi-tangi, kaala-alala ang isang tauhan kung kaibang-kaiba. Ang kakaibang tauhan ay iyong buhay na buhay sa ganang sarili niyang kakanyahang taglay. Sa pananalita, sa kilos, sa ugali, sa lahat ng kalikasan nito mismo ay walang katulad, subalit karaniwang nakikita sa araw-araw na buhay. Hindi ito nakakahon o kung tawagin sa Ingles ay stereotype. Iyon tipo bang kapag madrasta, masungit at mapagmaltrato. Kung kerida ito ay palaging materyosa at mataray. Kung asawa, ito’y laging nagmamartir. Kung mahirap ito’y lagi na lamang problemado. At marami pang iba. Kailangang mabago ang ganitong konsepto dahil sa totoong buhay hindi lahat ng tao ay pare-pareho.

Mga Uri ng Tauhan:

1. Pangkalahatang Uri:
a. Pangunahin (main character) – ang siyang kumakabaka sa pangunahing suliranin
b. Mga Pantulong na Tauhan ( supporting characters) – maaaring tumulong o humadlang sa pangunahing tauhan sa paglantad o pagkabaka sa pangunahing suliranin

2. Iba pang Uri/katawagan:

a. antagonista –tawag sa katunggali o traydor
protagonista – bayani o bida sa kuwento

b. makatotohan – mga tauhang hango sa tunay na buhay
di-makatotohanan – mga tauahng likha lamang ng guni-guni (di-tao)

c. lapad – stereotype (taong pamilyar) o nagbabgo ang karakter/katangian
bilog – nagbabago ang karakter (iba sa simula, iba sa wakas)

Ang mga Pamamaraan sa Paglalarawan ng Tauhan

Maipakikita ng tagapagkuwento ang larawan ng isang tauhang buo sa pamamagitan ng dalawang kaparaanan: una, tahasan, at pangalawa, di-tahasan.

Tahasan ang paglalarawan kung mismong tagapagkuwento ang isa-isang naghahayag sa mga katangian ng tauhan. Ang pamamaraang ito ay di-gaanong mabisa sapagkat parang minamaliit o ninanakawan ang mambabasa at tagapakinig ng pansariling kakayahang tumuklas sa dapat o gusto niyang malaman. Ito ay nagiging mahalaga lamang kung ang tahasang pagbanggit sa katangian ay pinupunuan ng mga diskripsiyon ng mga insidenteng ito’y lumilitaw.

Samantala, di-tahasan ang paglalarawan kung ang mga katangian ng tauhan ay nakikita mismo sa sariling pananalita, pagkilos, pag-iisip at pisikal na itsura at kaayusan (sa tulong ng paggamit ng mga matatalinghagang salita, tayutay, simbolo at mga paghiwatig) – sa mga detalye ng mga pangyayri nahihinuha ang pook o ganapan ng kuwento. Gayundin naman sa sinasabi tungkol dito ng ibang tauhan at sa pagsasalungat ng mga katangian nito sa ibang tauhan. May mga sabi-sabing naririnig tungkol sa pamamaraang ito. Sa bibig nahuhuli ang isda. Sa pangalawa, Sabihin mo sa akin kung sinu-sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko sa iyo kung ako ka.

Ang Paksang-diwa o Tema ay siyang pangunahing kaisipan ng kuwento, ng pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipabatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong matuturingan. Ilahad ito nang ganito, “Kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina,” (Tambuli, 1990). Kumbaga, ang paksa ay ang siyang pinag-uusapan sa kuwento at ang tema naman ay ang siyang nagsasabi tungkol sa kung ano ang pinag-uusapan.

Bagamat ang isang manunulat ay hindi nahihirati sa iisa lamang na paksang-diwa, madaling makilala ng mambabasa ang kuwentong kanyang babasahin matapos niyang mabasa ang pamagat at ang may-akda nito. Katulad ni Genoveva E. Matute, ang kanyang ibang akda ay kasasalaminan ng kanyang mga karanasan sa buhay na pinatitingkad ang kulay ng mga tauhang kanyang pinili. Ang buhay ang pangunahing paksa ng mga akda ni Matute.

Ang paggamit ng Pahiwatig naman, sa ibang banda, ay nakatutulong upang maging matimpi ang isang kuwento. May mga kuwento na sinasabi nang lahat ang nais ipahayag ng may-akda. Sa makabagong uri ng kuwento ay ipinahihiwatig lamang ng may-akda ang mahahalagang pangyayari.

Sa paggamit ng pahiwatig ay dapat na maging malinaw ang mga pahayag ng may-akda. Kailangang maunawaan ng bumabasa ang pahiwatig mula sa kuwentong nabasa. Dahil sa sangkap na ito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guni-guni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa kuwento. Hindi nagiging kabagut-bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga sumusunod na pangyayaring inaakala niyang napakahalaga. Pansinin ang pagkakalarawan ni Deogracias A. Rosario sa kanyang kuwentong “Walang panginoon” sa pagkamatay ni Don Teong:


Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang suweter sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad ang may kapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.


Masining ang ginagawang paglalarawan ng may-akda sa naging kapalaran ni Don Teong. Kung sa unang pangungusap ay inilalarawan ang anyo ni Don Teong bunga ng pagkakasuwag sa kanya ng kalabaw, sa ikalawang pangungusap naman ay ipinamalas ng may-akda ang kilos na naganap sa kuwento, bukod pa sa ginamit itong instrumento ng may-akda upang ipakilala ang iba pang mga tauhan sa kuwento. Hindi sinabi ng may-akda na namatay si Don Teong ngunit ipinahiwatig niya ito sa pamamagitan ng masining na paglalarawan.


Tunghayan ang ilang halimbawang sitwasyon na maaaring magbigay sa iyo
ng ilang pahiwatig.

1. May nagkalat na balat ng saging sa dadaanan ni Eddie. Ano ang maaaring mangyari kay Eddie?
2. Malalakas at sunod-sunod na kulog kasabay ng matatalim na kidlat ang namamayani sa oras na iyon. Ano ang maaaring maganap pagkatapos ng pangyayring ito?
3. Napakaraming tao ang nag-aabang ng sasakyan. Lahat halos ng mga pumapanhik sa MRT wala pang tatlong minuto ay bumababa na sila papunta sa mga sasakyan ng bus at jip.

Simbolo ang tawag din sa salita o mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Halimbawa, ang puti ay kumakatawan sa kalinisan, pula naman ang kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

Sa isang kuwento ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng tinatawag din na Katimpian. Sa mga pangyayari o eksena ng kuwento, ang matinding pag-iyak ay hindi tanda ng matindi ring kalungkutan, di gaya ng tahimik, pigil at ‘di maihayag na pighati.

Maliban sa katinmpian, ang Pananalita o mismong diyalogo ng mga tauhan ay isa pa ring maituturing na sangkap ng mahusay na maikling kuwento. Ito ang siyang usapan o salitaan sa kuwento, na siyang tinuturing na diwa at buhay ng mga tauhan at pangyayari.

Nariyan din ang tinatawag na Himig. Ito ang siyang damdamin ng mga usapan o ng mismong kuwento.

Higit sa lahat, hindi dapat kaligtaan ang tinatawag nating Banghay. Tinatawag din itong Aksyon o mismong balanagkas ng maikling kuwento. Ito ang nagsisilbing kilos ng mga pangyayari, o kung sa ibang salita, serye o maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayri.

Bakit sinasabing ang mga pangyayari sa kuwento ay sunod-sunod? Ito ay sa dahilan na ang kuwento o ang mga pangyayari sa kuwento ay dapat masistema o may sistemang sinusunod, may estrukturang pinagbabatayan na siyang nagsisilbing kalansay o pundasyon ng kuwento – may simula, gitna at wakas na pangyayari. Sa isang kuwento pa rin, sinasabing may banghay sa loob ng isang banghay –may kuwento sa loob ng isa pang kuwento.

Tunggalian din ang tawag sa labanan sa kabuuan ng kuwento. Ito ay maaaring makita sa mga dayalog, galaw ng mga pangyayari at paglalabanan ng mga damdamin. Dito rin nakikita ang suliranin o pangunahing suliranin ng pangunahing tauhan. Kung wala nito, walang kuwentong mabubuo. Maaaring katunggali ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili, kapwa tauhan, at kalikasan (lugar, panahon, lipunan at paniniwala).

Laging tatandaan na sa pagsusulat ng maikling kuwento hindi dapat naisasantabi ang mga sang- kap na ito. Tulad ng isang pagkain, hindi magiging masarap ang isang uri ng putahe kung wala itong mga sangkap. Ang mga sangkap na ito ay kinakailangang magtulong-tulong upang mabuo ang isang malikahain at masining na maikling kuwento.

Hindi rin dapat kalilimutan na sa isang kuwento, kung gagawa, lilikha o susulat ka ng kuwentong masasabing mabuti, tulad ng iba pang anyo ng sulatin, bawat kaisipang dapat ipasok o ipaloob sa pagsusulat ay kailangang ihango sa tunay na buhay o kalakaran ng iyong mga karanasan na binibigyang palabok ng iyong mayamang guni-guni at mga panliteraryang teknik.







Paghahanda: Ulat sa Maikling Kwento
FILIPINO 211– Malikhaing Pagsulat
Ika-12 ng Disyembre 2009
Ricafrente, Leo B.

KRITIKA AT PAGPAPAHALAGA

Ayon kay Isagani Cruz, Ano ngayon, ayon naman sa akin, ang kailangan pang gawin?...

Agenda sa Riserts sa Wika
Unang-una na ang monolinggwal na diksyunaryo ng wikang Filipino…
Wala pa tayong glossaring Tagalog-Filipino, para naman matuto ang mga Tagalog ng ibang wika…
Ano ba ang kailangan nating gawin bago tayo makabuo ng diksyunaryo…?
Kailangan ng empirical na riserts.
Kaya, relax lang.

Sinasabi nga, madaling magsalita; mahirap bumuo ng salita. Madaling gumamit ng wika, mahirap pag-aralan ang wika…(Isagani Cruz)

Lubos ang aking paniniwala sa mga naging pahayag na ito ni Isagani Cruz…madali nga siyang magsalita ngunit mahirap naman siyang bumuo ng tama o angkop na salita…madaling gumamit ng wika, ngunit may problema naman siya sa tamang paggamit ng wika…kaya tuloy mahirap talagang pag-aralan ang wika…

Kung ating pakauunawain, ang isang bagay na maganda na mayroon si Cruz ay ang kanyang hangaring mabuksan ang ating isipan at damdamin sa ikabubuti’t ikauunlad ng ating pagkaunawa sa marapat na gawaing pangwika – ang layuning magamit ito, mapahalagahan at hanggang sa mapaunlad pa lalo…( At patunay nito ang kanyang mga pangahas na pagtalakay hinggil sa Agenda sa Riserts sa Wika). Kaya naman lubos ang aking pagkahanga sa kanya…

Ganumpaman, ang tanong: “Bakit ang isang problema natin ngayon na lagi nating tinatalakay ang ispeling, gayong hindi pa natin alam kung ano ba talaga ang mga salita sa wikang Filipino ang dapat ispelingin?” (Isagani Cruz)

Sinasabi nga, madaling magsalita; mahirap bumuo ng salita. Madaling gumamit ng wika, mahirap pag-aralan ang wika…(Isagani Cruz)

Ganumpaman, tingnan na lamang ang mga mali-maling ispeling ng ilang salita na ginamit ni Cruz mula sa kanyang pagtalakay hinggil sa Agenda sa Riserts sa Wika…

Ang maaaring maging tanong ay Paano kung gayon na lamang ang laging mangyayari?...May mangahas pa kayang maniwala sa isang taong may magandang hangarin para sa wika kung sa mismong paggamit pa lamang ng salita ay may mga mali na?

Ano ngayon, ayon naman sa AKIN, ang kailangan pang gawin?

Agenda sa Riserts sa Wika?
Unang-una na ang monolinggwal na diksyunaryo ng wikang Filipino…?
Wala pa tayong glossaring Tagalog-Filipino, para naman matuto ang mga Tagalog ng ibang wika…?
Ano ba ang kailangan nating gawin bago tayo makabuo ng diksyunaryo…?
Kailangan ng empirical na riserts?
Kaya, relax lang?

Ang maaaring maging sagot ay Kung gayon na lamang ang laging nangyayari?...hindi ko alam kung may mangahas pa kayang maniwala sa isang taong may magandang hangarin para sa wika kung sa mismong paggamit pa lamang ng salita ay may mga mali na…




Ano na ngayon, ayon naman sa AKIN, ang kailangan na gawin?

Bilang guro, naniniwala ako na madaling magsalita; mahirap bumuo ng salita. Madaling gumamit ng wika, mahirap pag-aralan ang wika…

Hindi kailangan ang pagpuna sa kung anumang mali ang nagawa ni Cruz, pagdating sa tamang paggamit ng salita. Hindi natin dapat kailangang pagtuunan ang mali-maling gamit o baybay ng mga salita sa kanyang mga pagkakasulat, kundi ang mismong konteksto ng kanyang sinulat ang mas higit na kailangang bigyan ng atensiyon (ang mismong nilalaman at ang implikasyon nito sa ating mga Pilipino)

Naniniwala rin ako na hindi pwedeng parelaks-relaks lamang tayong mga Pilipino hinggil sa usaping ito. Kinakailangan ang puspusang paggawa sa paglutas nito. Kung hindi ngayon, kailan pa?

Kapag problema na sa ispeling ang problema, kailangang kumuha ng mga dalubhasang nag-aral ng sistema ng ispeling sa ibang bansa…Mula sa karanasan ng ibang bansa at ibang nakikibakang grupo ng tao ay makakukuha ng gabay sa ating sariling problema sa ispeling. (Cruz, Isagani)

Sa mga naging pahayag na ito ni Cruz, ang mainam na paraan upang malagay sa karurukan ng kabuluhan ang anumang pagsusumikap na gawing estandardisado, modernisado at intelektwalisado ang wikang Filipino ay ang agaran at tulung-tulong na pagpapasimula ng ibayo, maproseso’t awtentikong pananaliksik nating mga Pilipino para sa Filipino, bilang mga nakararami. Kung pwedeng humingi ng tulong mula sa iba, bakit ‘di maaari?

Isa pa, sa kapasidad ko bilang guro, ang mapupuwede ko pa lamang na magawa sa ngayon ay ang pag-aasikaso sa pagpaparami ng bilang ng mga estudyanteng magmamahal sa ating wika. Sa simulain pa lamang na ito ay masasabi nang may pag-asang matuloy ang anumang pagtatangkang may malaking kinalaman sa kinabukasang inaasam natin sa Filipino.

Ang Penomenolohiya ng Pagsakay at Pagbaba ng Jip

Ang Penomenolohiya ng Pagsakay at Pagbaba ng Jip

Likas na sa tao ang pagsakay at pagbaba ng jip – lalo na nating ng mga Pinoy. Ito rin ay maituturing ng isang kagilagilalas na karanasan ng karaniwang tao na tulad ko. Ito ay sadyang makamasa.

Mas pinili kong simulan ang aking pagtalakay sa kung aking tawagin ay Ang Penomenolohiya ng Pagsakay at Pagbaba ng Jip. Sana makatulong. Nawa’y gumana ang mga pandama ng sinumang makababasa nito.

Ang tao ay sumasakay sa jip, umuupo at sumasandal sa sandalan upang makarating lamang sa destinasyon sa kaunting pagod at panahon. Sa buhay ng Pinoy, lalo na pagdating sa pag-upo at pagsakay sa jip, marami tayong nagiging karanasan habang hinihintay ang pagsapit ng sasakyan sa ating mga paroroonan. Sa isang anak ng masa na taong tulad ko, nakasanayan ko na ang pagrerelaks nang naka-shades habang nakikinig sa mga rap music o kahit anong hit songs mayroong nakaimbak sa memorya ng aking cellphone, o ‘di rin naman kaya’y sa mga kantahing lagging iniere mula sa mga estasyon ng radyo (radyo na nasa sasakyan)...kung mayroon man. Kahit nga ang pagkakaroon ng mga kapasahero na kung mag-usap ay para bang walang ibang kasamang iba...tsismisan ng kung ano-anong walang kapararakang mga kwento-kwento. Isang karanasan din ang makakita ng isang gentleman. na tulad ko, ‘yung tipong pauunahin at alalayan ang isang tsikabeyb pagsakay ng jip at mauuna syang bumaba ng jip para alalayan ito.. Talagang sobrang cheesy... sweet!

Naririyan at maaalintana rin ang napakaraming tao na nagtatakbuhan, nagkakandasingitan o nagsisiksikan at nagmumurahan, kung minsan pa nga, basta’t makasakay lamang. Totoo’t sadyang napakahirap sumakay, hindi ba? Ang mga bagay na ito ay ‘di na nararapat pang patunayan upang masabi lamang na nangyayari nga ang mga ito.

Naranasan ko na rin, sa minsang muli kong pagsakay, ang katayuang ako’y nagmistulang nakatayong asong gutom na parang dumadausdos pa sa kakarampot na aking inuupuan. Nariyan din ang sitwasyon kung saan biglang mapadaan pa sa isa o higit pang mga malulubak na parte ng daanan ang aking sinasakayang jip, nang muntikan na akong mahulog. Kung talaga nga namang minamalas! Madalas akong madulas sa aking kinauupuan ngunit pikit-mata ko na lamang na sinasakmal ang hawakang bakal habang nanginginig at nangangatog na ang aking paa’t mga tuhod. Namimitig na ang aking braso. Ayoko na, nasambit ko minsan sa sarili. Pagdating na pagdating ng AdNU Ave., bababa na ako! Hindi ko na talaga kaya...

Nabubuwisit din ako sa mga drayver kung bakit humahagibis o parang lumilipad ang kanilang mga sasakyan kung magmaneho. Nakikipagkarera. Kung madalas ay nakikipag-unahan sa pagdampot ng mga inaasahang pasahero.

Ngayon, heto ako’t nakasakay na naman ng jip. Tulad ng dati, sardinas na naman ang loob nito. Halos magkandaugaga na ang lahat...nagkakandahalo-halo na rin ang iba’t ibang amoy...May halong halimuyak at yaong amoy na di ko waring maipaliwanag at masikmura.

Isa pa, ayaw na ayaw ko rin sa isang drayver ang pagkakaroon ng alanganin na kapasidad ng pagmamaneho – napakabagal kung iisod ang jip, animo’y may patay na kailangan ng maluhang pagdala nito sa huling hantungan. Ayoko na, nasasambit ko minsan sa sarili. Pagdating na pagdating ng AdNU Ave., bababa na ako! Hindi ko na talaga kaya...



Ang Penomenolohiya ng mga Pagbabago sa Wika

Tulad ng sa jip, hindi na rin bago sa akin ang mapasakay sa anumang usaping pangwika. Minsan nga, parati kong iniuugnay ang kalagayan ng ating wika sa kasalukuyang kalalagyan ko ngayon – pagod na!

Ang kalagayang ito ay puwedeng maihalintulad sa popular na pahayag na “UTOS ng HARI, HINDI pwedeng MABALI!” Ito ay para bang kalikasan na ng buhay nating mga Pinoy...(nating mga tagapagsulong ng wika) sa simula’t sapul pa lamang – na hindi mapupuwedeng husgahan ang isang bagay na ipinatutupad ng isang lehitimong sangay pangwika ng gobyerno; na kung tutuusin sa bandang huli ay babaguhin o babawiin lang naman ang ninais na batas sa ating wika. Napakarami ng mga kautusang pangkagawaran ang nagsipaglabasan. Ang mga kautusang pangkagawaran na ito’y para sa umano’y pagbabago at ikasusulong ng ating pambansang wika – mapagamit o mapatuntunin man sa gramatika. Ang mga kautusang ito ay ating tinanggap, sinunod at sinakayan upang lubusan lamang na maipatupad. Subalit narito na naman ang isa pang kautusang dapat daw ay puspusang masunod.

Kung pagbabatayan rin lamang ang bilang ng kautusang pangkagawaran ng DepEd hinggil sa GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO, mapapansin natin na pang-104 na ang nasabing kautusang ito, sa loob pa lamang ng taong 2009. Kung kaya maraming tanong ang nagsulputan: May susunod pa kaya dito?, Ilan pa kaya?, at Hanggang kalian kaya? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga tanong na mahirap nating bigyan ng daglian at tumpak na kasagutan. Siguro kung susumahin lahat-lahat ang kabuuang kautusang pangkagawaran na naipalabas na nga DepEd simula’t sapul pa noong ito’y DECS pa lamang, marahil halos nilibo na.

Sa mga karanasan ko bilang guro, kung iuugnay ang lahat-lahat ng aking mga karanasan sa pagsakay ng jip, hindi ko rin kailanman mapupuwedeng sabihing hindi mainam ang kasalukuyang nagiging bunga ng nasabing kautusang pangkagawaran hinggil sa katuparan ng mga tunguhin at reporma sa wika. Sa totoo nga, lubos ko itong ipinasasalamat dahil ito ay nakabubuti. Ngunit ang tanong: Hanggang kailan? Magiging pangmatagalan ba o huling-huli na kaya ito? O baka naman, ang pagsulong at pagpapalawak ng kabatiran ukol dito ay maging ningas kugon rin sa bandang huli...sa ngayon tanggap na tanggap natin; baka bukas ay balewala na...at parang wala lang! Parte pa kaya ito ng lubak-lubak na sistema ng pagbabago? Sana, ang ganitong pagbabago ay isa ng maituturing na makabuluhan at may katumapakan.

Sa wakas, sana ang kahilingan sa daglian at malawakang pagpapalaganap nitong memorandum nawa’y masakayan na ng masang Pilipino.

Sana, ‘di tulad ng mga drayver ng jip na nakasalamuha ko na dati at yaong mga jip nila na masasakyan ko pa ‘ata, nawa’y maging maayos na na magampanan nating lahat (‘di lamang ng mga pinuno ng Komisyon sa Wikang Filipino) ang mga tungkuling huhubog sa magandang tunguhin ng ating wika.

Sana, ‘di tulad ng aking mga nagiging karanasan sa pagsakay ng jip, nawa’y maging ligtas ang ating pagbiyahe sa patuloy na pagsulong ng ating wika.

Sana, ligtas tayo sa ating pagpara at pagbaba. Ligtas, sa dahilang hindi tayo mabubuwisit sa ating mga naging karanasan. Sa halip ay maging kasiya-siya... ‘yung tipong may isang taong pauunahin at alalayan ang isang kapuwa pasahero sa pagsakay ng jip at mauuna syang bumaba ng jip para alalayan ito.. Yaong talagang sobrang cheesy... sweet!

Sana, ‘di tulad ng sa jip, nawa’y ang kalakaran ng ating pagpasada sa pagsulong sa wika ay maging maganda. – pasadang walang halong sobrang hagibis o ‘di kaya’y sobra namang bagal. Dapat tama lamang.

Sana, hindi ko na kailanman malagay sa aking kabuuan ang lubos na paghihinayang.

Sana, di ko na masabing Ayoko na! Pagdating na pagdating ng AdNU Ave., bababa na ako! Hindi ko na talaga kaya...!

Sana!