PAGSUSULIT
I. Tukuyin kung anong salita ang inilalarawan sa bawat bilang upang maibigay ang kapares ng mga ito. Gawing batayan sa pagsagot ang mga salitang nasa loob ng panaklong.
_______ 1. tinta ( isang taong minamahal: pares minimal)
_______ 2. balat ( mga bagay na naiwang nakasambulat: pares minimal)
_______ 3. molato ( mestisong negro: malayang nagpapalitan)
_______ 4. kaba ( isang uri ng saging: pares minimal)
_______ 5. palay ( kasingkahulugan ng bahay: pares minimal)
II. Lagyan ng tsek (√ ) ang mga pares ng salita na maituturing na mga pares minimal.
_____ 6. manananggal : manananggol ______ 11. belo : bilo
_____ 7. Pipi :Pepe ______ 12. sobra : kobra
_____ 8. Pera : Pira ______ 13. diles : riles
_____ 9. butas : botas ______ 14. oso : uso
_____ 10. marumi : madumi ______ 15. mesa : misa
III. Pantigin ang bawat salita gamit ang simbolong pahilis ( / ). Isulat ang klaster o mga klaster at tukuyin kung sa anong posisyon o mga posisyon matatagpuan ito ang mga ito.
(16-30)
PAGPAPANTIG KLASTER POSISYON/MGA POSISYON
a. estandardisasyon ______________ _____________ ____________
b. silabikeysyon ______________ _____________ ____________
c. transpormasyonal ______________ _____________ ____________
d. transfigyureysyon ______________ _____________ ____________
e. klasipikasyon _______________ ______________ _____________
IV. Piliin ang titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng tanong.
31. Anong suprasegmental na ponema ang ipinakikita sa sumusunod na pahayag, “Pare, ang tatay ko?” a. tono b. haba c. diin d. antala
32. Alin sa sumusunod na mga tinuldikang salita ang nagtataglay ng kahulugang “batadebanyo”?
a. batá b. báta c. batâ d. batà
33. Anong suprasegmental na ponema ang ipinakikita ng mga salitang “kasama at kasama” na
nagkaiba ng kahulugan dahil dito?
a. tono b. haba c. diin d. antala
34. Ano ang diin ng salitang ginamit sa pangungusap na may salungguhit? “Bihira na ngayon ang
lalaking maginoo.”
a. mabilis b. malumay c. malumi d. maragsa
35. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga salitang mabilis, maliban lamang sa isa. Tukuyin ito.
a. maaaring magtapos sa patinig o katinig c. may impit sa huling pantig
b. binibigkas nang tuloy-tuloy d. nilalagyan ng tuldik na pahilis
36. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na tumutugon sa kalagayang tinutukoy ng
sumususnod:
1. Nagtatanong ka kay Luisa.
a. Nasaan / si Joy / Luisa? b. Nasaan si Joy / Luisa? c. Nasaan si Joy Luisa?
37. Ipinakikilala mo ang iyong nakababatang kapatid sa iyong guro at kaibigang si Bing.
a. Bing / kapatid ko / ma’am. b. Ma’am / Bing / ang kapatid ko. c. Ma’am Bing / ang kapatid ko.
38. Ayaw mong tanggapin na siya ang may kasalanan sa nangyari.
a. Hindi / siya ang nagnakaw ng singsing.
b. Hindi siya / ang nagnakaw ng singsing.
c Hindi siya ang nagnakaw / ng singsing.
39. Itinuro mo kay Marvi at Roman ang kapitbahay mong doktor.
a. Marvi Roman / iyon ang kapitbahay kong doktor.
b. Marvi / Roman iyon / ang kapitbahay kong doktor.
c. Marvi / Roman / iyon ang kapitbahay kong doktor.
40. Natanggap mo ang regalo ni Roy at sinabi mo ito sa iyong kaibigang si Rey.
a. Regalo / ni Roy Rey. b. Regalo ni Roy / Rey. c. Regalo ni Roy Rey /.
V. Suriin kung alin sa mga pangungusap ang timutukoy ng mga pahayag. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa patlang.
a. Rebulto ng bayani na bato? b. Rebulto ng bayani na ba / ’to
_______41. Nagtataka kung gawa sa bato ang rebulto ng bayani.
_______42. Nagtataka kung rebulto ng bayani na nga ba ang ipinakikita sa kanya.
a. Nanay / si Tandang Sora. b. Nanay si Tandang Sora.
_______ 43. Nagsasabing si Tandang Sora ay isang nanay
_______ 44. Itinuturo sa nanay si Tandang Sora o larawan ni Tandang Sora.
a. Ginang / Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.
b. Ginang / Gabriela Silang ang babaeng bayani ng Ilocos.
_______ 45. Sinasabing isang bayani ng Ilocos si Ginang Gabriela Silang.
_______ 46. Sinasabing sa isang ginang na bayani ng Ilocos si Gabriela Silang.
a. Hindi Malaya ang ating bansa.
b. Hindi / Malaya ang ating bansa.
_______ 47. Isinasaad na hindi Malaya an gating bansa.
_______ 48. Isinasaad na salungat sa sinasabi ay Malaya an gating bansa.
a. Ngayon / nasimulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
b. Ngayon na / simulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
_______ 49. Ipinag-uutos na ngayon di’y sisimulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
_______ 50. Isinasaad na sa araw na ito sisimulan ang magandang pagbabago para sa bayan.
Martes, Disyembre 28, 2010
tula
HULING SAKAY
Sa unang pagpara akoy pinasakay
binaybay ang kahabaan ng Ateneo Avenue
magmula haybol ratsada na sa iskol
at sayang-saya sa bawat discussion
dala-dala pa nga plinanong lesson.
Sa aking sunod na pagpara
ay di nagdalawang isip pa
at ako'y pinasakay pa rin
at ako'y sumakay rin naman muli
at noon simulang natuod ang dyip
dahil sa haba't buhol ng trafik
sa kahabaan ng Cathedral Street
malapit sa bukana ng Cathedral gate
ay kitang-kita ang isang puting kotse
na haharang-harang pa! Yun pala'y
nakabantay sa magkabiyak na papalabas -
ang isa'y kinilala:
Si Cindy, aking former klasmeyt.
At sa aking sunod na namang pagpara
ay tulad rin ng dati, dali-dali akong sumakay
at naupo doon sa may back-seat
at gaya pa rin ng dati ay trafik na naman;
mga mata'y isang puting kotse
ang napagtripan; may mga dekorayong rosas
na matitingkad ang maganda nitong harapan.
At sa mga sumunod pang pagsakay
ay tulad pa rin ng dati
kusang natutuod ang dyip
may isa, dalawa, tatlo o mahigit pa
ang siyang pumara't bumaba
at hanaggang sa may sumunod na naman
at hanggagng sa naubos na
at hanggang sa ako na lang ang natira
nalamang sila palang mga bumaba'y hayun...
nalabas-pasok sa may Katedral
at hanggang sa di ko na nagawa
ang pumara't makababa
at yun ang aking naging huling sakay
makailang ulit mang pagpara't pakiusap sa drayver
subalit ayaw na nya.

Of Love and the Other Demons
Of Love and the Other Demons
Naiibang Bersiyon
Mga pangunahing tauhan:
Sirva Maria de Todos los Angeles
Don Ignacio cayetano Delaura at
Doña Bernardina Cabrera
Pantulong na mga tauhan;
Sr. Obispo Domingo
Padre cayetano Delaura
Dr. Abernucio
Trinidad
Unang Tagpo
Mansiyon ng Pamilya Angeles
Malakas na ang bawat bugso ng hangin. Di tulad ng mga nagdaang araw na halos animo’y ang mga malalagong dahon at sanga ng mga puno ng kahoy sa paligid lamang ng buong kabahayan ng pamilya Angeles, isang kilalang pamilya at nabibilang sa antas alta sociedad ang katayuan sa bayan ng Sta. Clara, ay masayang umaalinsabay sa bawat dampay ng hangin. Idagdag pa ang saliw ng tila musikang hampas ng tubig sa dalampasigan na ilang hakbang lamang ang layo mula sa malaking bahay ng pamilya Angeles .
Nagkataong tahimik namang namamahinga si Don Ygnacio, ang mismong mag-ari ng buong kabahayan, na siyang may pinakatatanging unica yja na si Maria. Si maria ay nasa gulang na ng kanyang pagdadalaga. Naririyan din ang esposa nitong nagngangalang Doña Bernardina, may ugaling di maipali-paliwanag na lasambit na karamihan.
Isang araw…
Don Ygnacio: (tatawagin ang katulong)
Trinidad…Trinidad…Trinidad…!!!
Trinidad: (naggugupit ng kanyang matutulis na mga kuko)
Por un momento señor Ygnacio!...sandali lamang po señor
Don Ygnacio: de prisa!!! (madali!)
Trinidad; Si señor…
Don Ygnacio: Poñemas! Ba’t ang tagal-tagal mo!?
Alam mo namaaaang pinakaaayaw ko ang ako’y laging pinaghihintay. Entiende!?
Trinidad: Lo siento señor (parang magpapakumbaba)
Don Ygnacio: Sa susunod ha, baguhin mo ang ganyang klaseng custombre!
Entiende…naririnig mo ba ako?
Trinidad: Mawalang galang na nga po señor…ba’t niyo po pala ako tinawag?
Don Ygnacio: tawagin mo nga ang señora’t señorita mo.
Trinidad: Si señor…(tatawagin ang mag-ina)(makikita ang señorita sa may balkunahe at ang señora
nama’y sa may sala,, na tila sarap na sarap sa paghigop ng palima na niyang kapeng
pinatimpla sa muchacha)
Trinidad; Señora Bernardina…señorita Maria, pinatatawag po kayo ni Señor Ygnacio. Dali
raw po kasi tila ho ‘ata may importanteng nais sabihin….
Doña Bernardina: (Biglang magugulat at maririnig ang panawag ng katulong; sa dulot ng
pagkabigla nito ay muntikan nang mabilaukan at mapapaubo ng kaunti)
Sabihin mong sandali lamang at tatapusin ko muna itong aking hinihigop na kape.
Señorita Maria: (nasa may kuwarto nito at biglang mauulinigan din ang panawag ng
katulong at dali-dali itong papanhik at tutungo sa kuwarto ng ama)
Bakit papa? Ano po ‘yun? May problema po ba/ ano pong masakit sa inyo?
Don Ygnacio: (haharap sa may pintuan at ngingiti sa kapapaok pa lamang na anak)
Oh, Maria, halika nga rito…At bakit ‘ala pa ang mama mo? Ba’t di mo pa s’ya
kasama?
Señorita Maria: ano po ‘yun papa? May sasabihin daw po kayong mahalaga?
Don Ygnacio: Sandali lamang muna anak. Hintay-hintayin muna natin ang iyong mama.
Trinidad: (biglang papasok at sasabat sa usapanng mag-ama) (magbibigay-galang)
Ipagpatawad nyo po, señor-señorita kung nadistorbo ko ang inyong pag-uusap.
Ang sabi po pala ni señora’y mga sandali lamang daw po’y siya’y paparito na…
( magpapaalam at lalabas sandali) Lalabas muna po ako…kung may gusto po
kayong iutos pa sa akin ay tawagin nyo lamang po ako. Sige po, mawalang galang
na…) Isasara ang pinto pagkalabas)
Isang sandali pa’y pumanhik na ang señora sa kuwarto ng esposo. Sa pagkapasok nito ay biglang…
Don Ygnacio: Bernardina, Oh’t bakit ngayon ka lang. Kanina pa kita pinatawag sa
muchacha… Ano ba’t ang tagal-tagal mo?
Doña Bernardina: (bahagyang kukunot ang nuo dahil sa narinig mula sa asawa)
Ano ba, parang isang minuto lang kitang pinaghintay ay ganyan na ang mga
patama mo. Para tinapos ko lang ang aking pagkakape… Ano ka ba Ygnacio, sana intindihin mo naman…
Don Ygnacio: Bueno, tama na ‘yan. Baka kung saan na mapunta ang usapan na ‘to---
mahirap na. Ngayon, kaya ko pala kayo pinatawag ay dahillll gusto kong malaman
nyo naaaa…nayong alam nyo namang nalugi na ang ating plantasiyon ng kape,
kaya minabuti kong ihabilin muna at ipagkatiwala ang pangangalaga sa’yo Maria sa
muchacha nating si Trinidad…
Doña Bernardina: (magugulat at magtataka)
Eh, at bakit naman. Naririto naman ako bilang ina niya. Bakit mo pa naisipang
ipagkatiwala si Maria sa pobreng muchacha nating ‘yun? At dun pa sa lugar ni Trinidada
sa Afrika?...Mukha ‘atang ‘ala kang tiwala sa akin (magdadrama) Totoo ba?!...
Señorita Maria: (biglang magugulat din sa sinabi ng ama) (magdadahilan)
Siya nga po papa, ba’t gagawin mo pa ‘yan eh mabuti naman ang katayuan natin dito.
Mabuti rin naman ako? Hindi nyo po ba ako mahal? Hindi nyo po ba kami mahal ni mama?
Don Ygnacio: (magbubuntunghininga)
Alam mo anak….’wag mong isipin ang ganyan. Alam mo namang mahal na mahal kita, kayo
ng mama mo…kaya ko nga ito ginagawa. Ayaw ko lamang maranasan mo ang hirap ng
ganitong klaseng kalagayan…aasikasuhin ko muna ang problema sa plantasiyon. At saka…
Doña Bernardina: (sasabat sa asawa), …at saka ano/ at sak siguro ayaw mo lang ako ang mag-
alaga sa kanya…ata kaya…
Don Ygnacio: (sasabat din sa asawa)…kaya ko ito ginagawa sa dahilang mahal ko ang anak natin.
At saka alam mo namang wala akong hinangad kundi kapakanan ni Maria…At saka alam
ko namang ‘ala akong maaasahan sa ‘yo, hindi ba? Oh ano’t ba’t ‘di ka makatingi’t
makasagot sa akin nang diretso. Oh ano? Tama ba ako?. ‘Ala ka namang ibang ginawa
rito kundi ang magmukmok sa isang tabi at umiyak ‘dun sa peste kabit na si Hudas
Iscariote…. (magkukurus at kakabahan nang kaunti) por dios por santo, ‘kaawaan nyo
nawa ang kanyang kaluluwa…
Doña Bernardina: Ah-ehhh…
Don Ygnacio: Mismo!
Doña Bernardina: ah-ehhh…sandali lang…
Don Ygnacio: Tama na ‘yan. Tapos na ang usapan na ‘to! Penal na ang aking
desisiyon…tapos!
Di nila wari na sila palang tatlo’y kanina pa pinakikinggan ng muchacha nilang si Trinidad na nasa may labasan lamang.
Trinidad: (mahahawi ang isang krusipiho na nasa ibabaw ng isang lamesita) (kakabahan dahil sa
nagawa)
Doña Bernardina: (magtitiim-bagang, mapapasigaw nang bahagya at dali-daling tutunguhin ang
labas para tingnan kung ano ang nangyari) Sino ‘yan? Trinidad…!Ikaw ba yan?,
Trinidad… (kakabigin ang pinto at pagkabukas ng pintuan ay biglang makikita ang
muchachang si Trinidad na nanginginig kunin ang nahulog na krusipiho)
Trinidad: Señora-ahhh…Bernardina, ipagpatawad n’yo po. Di ko po sinasadya. Perdon
soñora…perdon….
Doña Bernardina: (manlilisik ang mga mata sa nakita, na animo;y sa diyablo)
Estupida! Ano ba’tong ginawa mo? Hala, kunin mo ang aking pitaka at tumungo sa dun
sa may simbahan, dun kay Señor Obispo at humingi ng tawad, magpadasal at magbigay
ng indulhesiya…
Trinidad: Ngayon din po señora….
Di nagtagal ay napilitan ding makumbinsi ni Don Ygnacio ang anak, pati na ang asawa nito, na dahil sa lubos na kahihiya’y matagal-tagal ding dinibdib ang nasambit ng kanyang esposo.
Ikalawang Tagpo
Sa Bahay ni Trinidad, sa Afrika
Si Maria ay napilitan nang manirahan sa bahay ng muchacha nilang si Trinidad. Ngunit, sa buong panahon ng kanyang pamamalagi rito ay unti-unti niyang nalaman na iba palang Trinidad ang kanyang nakakasama, di gaya ng Trinidada na nakilala niya nuong nasa Sta. Clara pa ito.
Trinidad: Ikaw Maria, makinig ka ha! Ngayong nasa poder kita ay dapat matutunan mong
makaibagay sa kung ano ang nakikitamo dito sa lugar namin. Huwag kang maarte at aasta-
astang señorita diyan…Iba ang ngayon sa dati. At mas lalaong iba rito kaysa dun sa
manssiyon nyo….
Maria: (di na nagawa pa nitong magsalita)
Nang mga panahong yun ay dun niya una at tuluyang naranasan ang makihalubilo sa ibang tao na kanyang nakakasalamuha, na pawang kapwa katutubo rin ni Trinidad. Dun niya natutuhan ang magsalita ng ‘di hihigit-kumulang sa dalawampo na klaseng diyalektong Afrikano. Duon din niya nagawang kumain ng mga putaheng pobre at sa tanang buhay niya ay dun niya lang natikman, tulad na lamang ng nilagang testiculos ng kambing.
Dahil dito’y nalaman ng pamilya Angeles ang nagiging kalagayan ng anak na si Maria. Kaya nagawang pabalikin si Maria sa bayan nila – sa Sta. Clara…
Ikatlong Tagpo
Sa Simbahan ng Sta. Clara
Araw na naman ng linggo…
“Laging tatandaan mga anak ng Diyos na ang sinumang tao na hina ang pagbibigay ng…indulhensiya sa simbahan ay lalamunin ng nagliliyab na apaoy sa malawak na impiyerno, na tahan ang isinumpang ang hel na si Satanas!!!”
Laging tatandaan din na walang sinuman na labas ng simbahang katolika ang maililigtas pagdating ng araw ng paghuhukom…!
Ang mga piling sambitang ito na lamang ang naabutan ni Dr. Abernucio sa ginawang misa ni Sr. Obispo Domingo ng araw na yun, kaya minabuti na lamang niyang di na pumanhik pa ng simbahan. Bago pa man siya makalabas ay nanakaw ng kanyang pansin ang tila ‘di mahulugang karayom na pinakaloob ng simbahan.
Nang halos patapos na ang koro sa pag-awit ng huling awiting pangmisa ay isa-isa hanggang sa pulu-pulutong na ng mga nagsipagsimba ang nagsisipag-unahan papaunta sa may bukana ng simbahan
Sa dahilang ayaw nang mapabilang pa sa mga nagkikilkila’t pawis-pawisang mga nagsipagsimba ay minarapat na lang niyang unahan ang mga ito palabas ng nasabing gusali.
Nang papalabas na siya ay nahatak ng kanyang pansin ang isang hubog sa putik na kerubin na kung saan ay may hawak-hawak na maliit na lalagyan ng agua bendita…malapit lamang sa may pintuan. Subalit, sa di malamang gagawi’y ‘di na niya nagawa tunguhin pa ito at para mag-antada bago lumabas.
Sa kanyang paglabas, bago pa lamang siya makalayo ay nabaling ang kanyang pansin sa ilang mga huling nagsisipaglabasan ng simbahan, na kasa-kasama ang Sr. Obispo. Nalaman niya na nag kausap-usap ng obispo ay ang kilalang pamilya Angeles.
Señor Obispo: Kumusta na pala itong anak niyong si maria, Señor Ygnacio…Señora
Bernardina?
Señor Ygnacio: Ah-ehh…mabuti naman po señor… ba’t nyo po pala naitanong…?
Señor Obispo: Ah-ehh…wala naman, señor….naitanong ko lang…kinumusta ko lang…Bakit, may
masama bang kumustahin siya?... (kaunting galit ta pagtataka)
Señor Ygnacio: Wala naman po, ipagpatawad nyo…
Señora Bernardina: Ah-ehh…padre, pagpasensiyahan nyo na lamang po si Ygnacio…
Ngunit, habang napapasarap ang pag-uusap ng tatlo ay nagkataon namang napahiwalay si Maria, ilang hakbang lamang mula sa mga nag-uusap na magulang nito at obispo. Subali’t nang mapatapat siya sa isang kanto ay dun siya simulang tahulan nang tahulan at kagatin ng isang asong gala. Kaya, dahil sa mabilis na pangyayari ay biglang sumigaw na lamang siya na halos mabingi ang lahat sa narinig.
Señorita Maria: (sisigaw) Papa…Mama… Aray ko po….Ayuda!...
Mag-esposo: (agad matataranta sa sigaw ng anak)
Señor Ygnacio: Dios mio padre, anak ko ata padre ang sumigaw na ‘yun….!)
Mag-esposo: (hahagilapin ang pinagmulan ng matinding sigaw)
Señor Ygnacio: hija, nasan ka?... anak, sagutin mo ako….!
Mag-esposo: (matatagpuan ang anak na nakahandusay sa isang kanto at duguan ang kaliwang
binti…
Mabilis ang naging pangyayari. Agad na dinala si Maria sa malapit na klinika – sa isang kilalang mediko sa bayan na si Dr. Abernucio. Dahil naruroon din sa tagpong yun ang nasabing doktor ay nagawa nang tumulong ang doktor…
Señor Ygnacio: O doktor, narito ka pala…salamat…. Patulong naman pong dalhin natin ang anak kong si Maria sa inyong klinika at nang mabigyan natin siya ng paunang lunas!...dali po doktor….
Dr. Abernucio: Ohhhh-Señor-señoraaa…sige po…halina kayo’t …De prisa Calesa señor!!!!!!
Ikaapat na Tagpo
Sa Klinika ni Mediko Abernucio
Dr. Abernucio: (kukunin ang maliit na lalagyan ng mga medecina at mga equipo
clinico…gagamutin na ang nakagat ng asong si Maria at pagakatapos….)
pasalamat na lang po tayo sa mga santo at kahit papaano’y nalunasan natin agad ang
naging sugat ng unica hija nyo…
Don Ygnacio: eh, paano po siya doktor? Bubuti na po ba ang kanyang kalagayan matapos nito?
Baka po kung ano ang mangyari sa kanya?
Dr. Abernucio: Señor, mas mabuti pong pagpahingahin muna natin siya at maghintay hanggang
sa siya ay magkamalay. At kapag nangyari yun ay pag-aralan natin kung gaganda ang
kanyang kalagayan sa susunod na mga araw at sa mga susunod pa nating mga
obserbasiyon….
Doña Bernardina: Eh doktor, paano naman po pala ang magiging bayad namin sa inyo?
Magkano po ba? Puwede na po ba ito?
Dr. Abernucio: Ah-ehh…señora, salamat na lang po…Huwag nyo na pong isipin ang bayad. Ang
mahalaga po’y nalunasan natin pansamantala ang naging kagat ng aso sa anak nyo….
Don Ygnacio: Espera nga po doktor…., ano po’t kanina nyo pa sinasabing pansamantala…. Ang
ano?
Doña Bernardina: (sasabat sa esposo)
Ah-ehhh, pagpasensiyahan mo na lamang po itong asawa kong si Ygnacio, doktor…Ano
ka ba Ygnacio, nakakahiya…
Don Ygnacio: anong nakakahiyang pinagsasabi mo? Parang may nililinaw lamang ako sa kanya….
Dr. Abernucio: bigalang sasabat sa usapan) Ah-ehh…, iyon po ba señora? Ala po yun….
Doña Bernardina: Doktor, wag po kayong mag-alala’t idaraan ko na lamang itong ginawa ng
esposo sa indulhensya para sa simbahan….hayaan nyo’t ihihingi ko siya ng tawad sa
panginoon…
Ikalimang Tagpo
Sa Bahay muli ng Pamilya Angeles
Makalipas ang ilang araw ay nagtaka na lamang ang mag-esposong Ygnacio at Bernardina sa tila ibang ikinikilos ng kanilang anak. Parating labas-pasok at lakad-takbo ito kung humalibilo sa bahay… parang nawawala sa katinuan at laging napakalayo ng kanyang iniisip—di alam kung ano ang una at mga susunod pang gagawin.
Nung una ay madalang lamang ngunit habang tuatagal ay mas lalo pa atang lumalala hanggang sa napansin ng mag-asawa ang panlilisik ng mata ng anak isang araw. Dahilan ng pagkabahala ay napilitan at nagawang isugod muli ang anak nilang si maria sa klinika ni Dr. Abernucio.
Don Ygnacio: Halika na Bernardina, dalhin natin si Maria sa klinika ni doktor…
Ikaamin na Tagpo
Muli sa Bahay ni Dr. Abernucio
Doña Bernardina: (kakatok nang makailang beses sa pinto…)
Doktor….!!! Doktor….! Doktor…Pagbuksan nyo po kami… kailangan po namin ang inyong
tulong… Doktor…!
Dr. Abernucio: Oh-bakit po señora? Ano naman po bang nangyari?!!!!
Don Ygnacio: Doktor…tulungan nyo po ang aking anak. Parang awa nyo na po doktor. Bigla na
lamang nanlisik ang kanyang mga mata at mukha ‘atang epekto ito ng sugat na kanyang
natamo mula sa kagat ng aso kamakailan…!Ano na po ang gagawin natin doktor…? Bakit
po lumalala pa siya…? Humihilagpos po siya sa bawat paghawak namin sa kanya… parang
asta ng isang nababaliw….
Dr. Abernucio: (kukunin ang mga gamit sa panggagamot)
Hali kayo’t itali natin siya….Namumula po ang kanyang mga mata señor…! Mukaha pong
alam ko na kung ano ang kanyang sakit….
Doña Bernardina: (sasabat sa usapan)
Tila ho ata parang sinasapiaan ang anak ko ng isang masamang espiritu,
doktor…napapansin nyo ba?.....
Don Ygnacio: Tingnan nyo po’t lubahang nanlilisik ang kanyang mga mata at ngayo’y
nangingisay pa… Mukaha ho talag atang bumabalong sa kanya ang isang diyablo! Por
diyos por santo…!
Doña Bernardina: (magkukurus, mag-uusal ng mga panalangin, tatawagin lahat ng mga santo at
mariing hawak-hawak ang kanyang escapular)
Dr. Abernucio: Kung gayon po sana’y hindi rito nyo siya dinal.. eh di dapat ay sa simbahan para
mabendisyunan o di kaya’y sa isang ekhorsista….! Mukhang ‘alang epekto ang aking
medicina sa ganyang kalagayan….
Sa labis na katarantahan ng lahat… hindi nagdalawang-isip ang mag-esposo na dalhin na si maria sa simbahan para humingi ng saklolo sa kanilang mahal na Obispo….
Ikapitong Tagpo
Muli sa Simbahan ng Sta. Clara
Pagkarating ng mag-esposo sa may simbahan ay unang bumukas sa kanila ng pintuan ay ang eyudante’t kunfedante ng Sr. Obispo na si Padre Cayetano…
Padre Cayetano: Dios mio…ba’t ganyan ang mga itsura nyo…mukhang nahulugan ng langit…!
Ba’t ganyan na lamang ang hingal nyo? Anong problema?....
Don Ygnacio: Padre Cayetano ipagpaumanhin nyo po ang aming pagparito ngayong dis-oras
ng gabi….gusto lamang po naming humingi ng saklolo sa inyo…
Padre Cayetano: Ano po ba namang tulong ang ibig niyong liwanagin? At ba’t ganyan na
lamang po ang pustora ng anak niyong si Maria? Mukaha ho atang nawawala sa kanyang sariling katinuan….?!
Don Ygnacio: Padre, ang totoo nga po’y asiya nga ang aming pinuproblema…! Mukha ho kasi
siyang sinasapian ng dyablo…tama po ba ako padre…?
Padre Cayetano: Ganun po ba…?! Dispenseme primero señor…Ipagbibigay-alam ko muna po ito
sa ating Obispo señor…
Tatawagin ang Obispo na kani-kanina pa sarap na sarap na kumakain ng cena niyang bigay kani-kanina lamang ng isang mayamang ginoo matapos ng simba…bilang indulhensiya…
Sr. Obispo: Sr. padre, hindi ba’t patakaran dito sa loob ng kumbento lalo na maging sa loob
nitong simbahan na bawal ang pagdistorbo sa sinumang kumakain…lalo na ngayon….
Padre Cayetano: Pero señor Obispo, naririto po ang pamilaya Angeles at gustong humingi ng
tulong saatin, bilang simbahan…!
Señor Obispo: Ano? At ano naman ang kailangan nila?! Dapat nga’y itong simbahan o tayong
mga tagasimbahan pa ang kanilang tulungan sa ganitong mga panahon…
Padre Cayetano: Señor, mukha ‘ata kasing sinasapian ang kanilang anak na si Maria ng –
diumano’y diyablo….?!
Sr. Obispo: eh-ba’t di mo agad sinabi…si maria pala ang nangangailangan ng tulong ko….?!..
O s’ya-siya…sabihin mo na lang na sandali lamang at tatapusin ko lamang itong aking
kinakain…
Padre Cayetano: Sige po señor…
Matapos ang hapunan ng Obispo ay agad nitong hinanap ang pamilya Angeles sa may salas na nasa unang palapag lamang ng kumbento….
Sr. Obispo: O Don Ygnacio…Doña Bernardina…narito pala kayo….! Ano po b ang atin?
Ba’t, ano po ang nangyari…?!
Doña Bernardina: (kukunin dali-dali ang kamay ni Sr. Obispo Domingo at hahadkan nang
nakakawa ang mukha…)
Don Ygnacio: (‘di nagawang magbigay-galang sa obispo dahil sa mahigpit na paghawak nito sa
nagpupumiglas na si Maria)
Doña Bernardina: Sr. Obispi…Sana po’y matulungan nyo kami dito sa aming anak na si
Maria…hindi po namin alam kung ano na ang gagawin namin sa kanya…! Ang tindi po ng kanyang dinaramdam sa ngayon…. Ang paliwanag nga po ng doktor ay mukhang dulot lamang ito ng kagat ng aso…Pero ayw po namin itong paniwalaan…ang kanyang mga paliwanag…!
Sr. Obispo: Kagat ng aso?!! Manaiwala ako… por dios por santo, nalilisik pala ang kanyang mga
mata…Mukahang ang baling ng kanyang tingin ay ako…. Nungka akong maniwala sa
anumang paliwanag ng medicina…tingnan na lamang ang kanyang mga mata…siguradong
demonyo talaga ang lumulupig sa katawan ng anak nyo…!!!
Dña Bernardina: (mag-aantanda) Diyos ko…! Sinasabi ko na nga ba….Señor, tulungan nyo po
kami…!
Sr. Obispo: Ang kahinaan ng pananampalataya ay senyales ng kahirapan sa buhay-katoliko…!
Kaya siguro nangyayari ito sa anak nyo dahil sa mahina ang pananampalataya ng pamilya
nyo sa simbahan…sa mga alagad nito….! Kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa….
Doña Bernardina: …dahil po sa ano…?!
Sr. Obispo: alam nyo namang may kasabihan ang simbahan na mas amaraming indulhensya, mas
mabuti…
Padre Cayetano: (nakikinag lamang sa usapan ng obispo at ng señora… mukahang
nagdadalawang isip sa mga sinasabi ng obispo…)
Ang suhescion ng obispo na mamalagi muna sa kumbento si Maria, para dun gawin ang pag-e-eksorsismo sa sumaping diyablo sa katawan ng dalagita, ang siyang naging paksa ng tatlo…At ang siyang ginawang tagapagpalayas sa diyablo ay si Padre Cayetano…
Sa maraming araw ng pamamalagi ng dalagita sa kumbento ay hindi naiwasang magkaroon ng higit pa sa kaibigang-pag-ibig sa panig ng dalaga at ng pari…Ngunit, di nagtagal, ay nalaman ng obispo ang pag-ibig na namamagitan sa dalaga at sa paring si Cayetano…
Ang ginawang aksiyon ng obispo ay paghiwalayin ang dalawa…Pinalabas ng obispo na…
Sr. Obispo: padre Cayetano…! Humling ako sa kardinal na ikaw na lamang ang gawin kong
takdang magpapatuloy ng kawang gawa ng simbahan sa hospicio ng mga ketongin dun sa
lugar sa katimugang Afrika…Sana…mapagbigayn mo itong kahilingan ng simbahan….?!
Padre Cayetano: Subalit señor…paano na po si Maria, ang kanyang kalagayan po… ay pa’no
na…?! Siguro po’y mas marapat at makabubuti kong nandirito ako kasama nya upang
gabayan siya sa bawat araw ng paggaling nya…
Sr. Obispo: Ngunit cayetano (paglit na sabat ng obispo)!... nagbitiw na ako ng Oo sa
kardinal…alam mo yan…!! Huwag kang mag-alala padre sa kalagayan ni Maria… Ako na
ang bahala sa kanya…Ako na lamang ang tatapos sa iyong mga naiwanan…At mamaya’y
magsimula ka nang magimpake ka na kasi sa sunod na araw na ang iyong biyahe…
Subalit ang ginawang pagpayag ni Cayetano sa kagustuhan ng obispo ay mistulang naging demonyo pa pala ang pinatunguhan…Ang pinagkakatiwalaan nya palang obispo ay siyang demonyo sa naiwang lihim na kasintahan…Ang pinakalalayunin pala ng obispo ay ang….
Sr. Obispo: (tinuloy ang layuning panggagahasa sa kawawang si mMaria…Ginapos ang dalaga
sa higaaan nito at dun simulang halayin ang walang muwang na dalagita…)
Maria: (magsusumigaw…magpupumiglas…magwawala na parang nababaliw….)
Sa labis na kademonyohang naranasan ng dalgita mula sa obispo ay ‘di nakayanan ng murang katawan nito ang matinding pangyayari…matapos nito ay mabilis na kumalat ang balita sa buong bayan ng Sta. Clara. At mabilis ding lumipad ang balitang ito sa lugar ni Cayetano…sa di inaasahan ay nagawa ni Cayetanong magwala nang magwala sa sobrang galit at hinanakit sa Obispo…`
Padre Cayetano: (magwawala) bakit?!.... Bakit po Diyos ko? Ba’t nyo po ito pinahintulutang
mangyari kay maria… Ba’t siya pa….!?
Matapos malaman ni Cayetano ang nasabing kapalaluan ay galit itong tinungo ang daan pabalik sa bayan ng Sta. Clara. Pagkabalik pa lamang niya’y nanlilisik na ang mga mata nitong tinungo ang simbahan upang harapin ang demonyong Obispo…
Nang makarating kumbento ay nagkatong naroroon ang kanyang hinahanap…Hindi na siya nagdalawang-isp pang kitilin na ang buhay ng demonyo…
Padre Cayetano: (magugulat sa nangyari…sa nagawa..habang tumapon ang kanyang tingin sa
mga santong nasa loob ng kumbento…)
‘Di nagtagal, dahil sa napakaraming naglalarong mga problema sa isipan ng nasabing pari ay nagawa niyang kitilin na rin ang kanyang buhay…at dumanak ang masamang dugo..
Bago pa lamang namatay ang obispo ay nagawa nitong mangumpisal ilang minuto bago natagpuang patay ang demonyong si Obispo Domingo…
Wakas…

Masskara Festival
Paghahanda: Ika-13 2010
FILIPINO 211– Malikhaing Pagsulat
Ricafrente, Leo B.
Pokus ng Paglalahad:
Maikling Kuwentong TAGUAN at Pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO
Masskara Festival
ako ay isang maskara…
“…di pa ako handa…”
ito ang lagi kong sambit sa tuwing tinatanong nila ako…
di ko kailangan ng galit… tama nang naghihirap ako sa mga pagkakamali ko. kailangan ko
ng kaibigan…
uupo sa tabi ko… kung saan ako iiyak… sasandal… kukuha ng kalakasan at pag-asa…
matiyagang maghihintay kung kailan mabubuo muli ang
puso at tiwala ko…ilang beses na sinubukan ko
pero sa bawat pagkakataon bumabalik ako sa isang sulok - sa isang sulok na walang kaibigan
kundi ang maskara ko…
“di pa ako handa…
kaya dito muna ako hihimlay.”
http://salikodngmaskara.blog.friendster.com/tag/bakit-ka-nakamaskara/.
Kumusta ang iyong naging pagbabasa? Okey ba? Sana mataman o malimi mong nabasa ang una hangggang sa mga huling piling salita ng pahayag. At sana’y naunawaan mo ang mga ito?
Kumusta rin pala ‘yung background picture ng mga nasabing pahayag? Okey rin ba? Nawa’y nakita mo yaong mga bagay na ‘di nakikita o ayaw makita ng iba—na mismong sila ri’y ‘di makita-kita sa kanilang mga sarili ang mga yaon…Tumawa ka ba? Hehehe
Kung natamaan ka na sa mga naunang pahayag hayaan mo’t sinisigurado ko sa’yo na mas matatamaan ka pa lalo nitong sunod mong mga mababasa pa—kung gusto mo pang ipagpatuloy ang iyong ginagawang pagbabasa.---dahil simula pa lamang ‘yan.—ANG TAO SA LIKOD NG KANYANG MASKARA.
Tao
Minsan,
Usok.
Minsan,
Likido.
Minsan,
Bato.
Minsan,
Gelatin.
H A L OH A L O
Pagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay-bagay sa mundo na halos malawak at talagang sapul ang iyong buong kamalayan--ang kamalayang may kakintalang kinakailangang umukilkil sa buo mong pagkatao.
Ngayon, ito ang iyong pagsubok: tumingin ka sa isang salamin. Tandaan na ang pagiging mulat mo sa harapan nito ay napakahalaga. Kung ‘di mo kilala ang taong nasa harapan nito, masasabing may problema; ang problemang ito ay hindi ang salamin kundi ikaw.
Tayo, ika nga, bilang tao ay nilalang ng Diyos na sadyang Kanyang nilikha di lamang sa dahilang para tayo’y mabuhay kundi upang hanapin at harapin ang buhay na nasa atin. Isa na nga rito ay ang patuloy na pakikipagsapalaran natin upang ating makilala ang mga totoo’t sariling pagkatao ng bawat isa dito sa mundo.
Tulad na lamang ng sa maikling kuwentong TAGUAN at sa pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO, halos kababakasan ito ng puspos, totoo’t lubhang masasalimuot na kuwento ng buhay. ---Ika nga, ang buhay ay mahirap talagang ipaliwanag. Totoo nga naman, ‘di ba?
Sa pormalistikong pananaw, sa mga pamagat pa lamang ng nabanggit na mga anyo ng panitikan ay kakikitaan na ang mga ito ng pagkakatulad. Kapwa inilalahad ng dalawa ang naturalesa ng tao—ang hilig nitong magkubli ng kanyang sariling kabuuan. Mapanlihim. Sinungaling. Manloloko, o sa madaling salita ay Makasalanan. Mahirap man tanggapin ngunit dapat.
Gayunpaman, kung praktikalidad din lamang ang pag-uusapan, sadyang umiikot ang mga kuwento nito sa iisang paksa: ang realidad ng buhay ng tao—na saklaw ng Realismong pananaw. Ang mga ito ay sadyang makatotohanan, kaya kailanma’y hindi mapupuwedeng hindi tanggapin.
Tara, Kagurangnan Maria, pano ka nin gracia.
An Kagurangnan tang Dios yaon sa imo.
Pinaorog ka karahay sa mga babae gabos,
asin orog pa karahay an sa imong Aki si Jesus.
Santa Maria, Ina nin Diyos,
kaming makasalan ipamibi mo kami ngonyan
asin sa paghingagdan niamo. Amen.
Sa usapang pananampalataya, ANG TAO ay NAKATAGO pa rin SA LIKOD NG KANYANG MASKARA. Mahirap at nakahihiya man itong tanggapin subalit kailangan at dapat. Ang tao, sa kanyang ganang sarili, ay bilanggo sa impluho ng kanyang sariling kapabayaan. Ihalimbawa na natin ang panonood pa lamang ng nasabing pelikula, maliban na lamang ‘dun sa isa na nabasa. Isa na itong halimbawa ng kapabayaan. Isa na itong kasalanan. Isa na itong paraan para itago natin ang totoong pananampalataya sa Diyos. Nasasabi ko ito sa dahilang nagawa naming panoorin ang nasabing pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO nang biglang umiksena nang ‘di inaasahan--- ang pautal-na bugso ng mga panalanging nagmula sa napag-iwanang bukas na radyo sa faculty room.
Matapos ang nasabing eksena’y pumailanlang ang sunod-sunod na tawanan ng lahat sa amin. Ang sabi ko pa nga : Ang nangyaring ‘yan ay isang signos—paalala sa kasalanang nangyayari ng mga panahong ‘yun. Samakatwid, ika nga sa Ingles, we should act what we preach. Pero ang nasabing pangyayaring yaon ay nagsilbing hudyat upang matuto sa sarili ang lahat.
Sabi ni Ankol sa aki niya---Nonoy ko, ibakal mo daw ako nin
mga bulong na ini na nakasurat sa papel.
Pagkabakal kan aki----Pa, tudi na po su pigpabakal mo.
Ang sabi kan ama sa aki---Noy basahon mo daw ni saro-
saro.
Aki---Biogesic, Tempra, Medicol…
Ankol---Salamat noy. Pwedeng sarong baso pa nin tubig…
Ang edukasyon ay nagsisimula sa pamilya. Ang ama’t ina ay sa anak at ang anak sa magulang
Sa ibang banda, ang mga kuwento ng dalawang panitikan ay umiikot sa usaping pamPAMILYA. Kakikitaan ang mga ito ng mga sitwasiyong lantaran at patungkol sa mga kaganapang nagpapakilala sa isang pamilyang Filipino. Halos magulang ang problema ng mga tauhan. Halos trahedya rin ang naging wakas. Lantarang diskriminasyon sa lipunan ang umiiral; tulad na lamang ng diskrimansiyong ipinakikita sa kuwento ng Agta:
ANG AGTA
Sarong agta ang nagbaba sa Naga haling Isarog para lang mag-aplay nin
trabaho: P A G K A S O L D A D O S !
Ang sabi kan agta pagkaabot pa lang sa hatubangan ni Sarhento Pungol:
Agta: Sir, gud morning…maray na aga, abang guwapuhon mo man sir!!@!
Sir: Anong toyo mo man digdi?!
Agta: Ma lang sir. Uya ako para aplay sa pagkasoldados Sir!!
Sir: Dai ka puwede…tiripio ka na, burungi pa!!!
Agta; Tano po sir, ang gira ngunyan KARAGATAN NA?!
Ayaw kong sabihing kakaunti lamang ang mga pagkakaibang mapapansin sa dalawang anyo ng panitikang nabanggit—dahil ang totoo ay mahirap talagang matuldukan ang kaibahan ng dalawa sa iba’t ibang konteksto. Kung tutuusin, ‘di sapat na batayan ang mga teoryang pampanitikan upang mapunan ang mga kaisipan at konseptong napapaloob sa mga ito.----subalit, ika nga, upang mapunan ang mga kakulangan ng isang kabuuan kinakailangang may mangahas upang makilala o matukoy man lamang ang mga kaisipang ito---kung pag-uusapan ang pagkakaiba-iba.
Kung teknikal na usapan ng pelikula, ang pangunahing tauhan ay hindi minolestiya ng ama kundi ang tiyuhin nito. Sa maikling kuwentong Taguan, ang ama ang nagmolestiya sa anak, ngunit di sa pangunahing tauhan. Sa kuwento ring ito, ang tatay ay walang hanapbuhay ngunit sa pelikula, ang tatay ay mayroon.
Bilang panapos, iiwan ko saiyo ang mga piling saknong ng tula ni khaisarez sugui
Sa likod ng maskara
Nakatago ang isang lihim
Lihim ng tunay na pagkatao
Nagkukubli sa bakod ng buhay.
Ang pagtatago ng tunay na ikaw
Ay pagpapahirap sa sarili
Takot na malaman ng iba
Ang tunay na hangarin sa buhay.
Nalilito sa katotohanan
Hindi alam kung ano ang paniniwalaan
Taong mga nagsisinungaling o
Mga taong hindi alam kung totoong tao.
Ngunit ang pagiging ikaw ay mahalaga
Ang pagpapakatotoo ay importante
Hindi ka magiging buo kung ikaw,
Nagtatago lamang sa isang maskara.
Dapat matutunang ipakita ang ikaw,
Magiging kompleto ang buhay
Kung ikaw ay magpapakita ng katatagan
At pagharap sa realidad ng buhay.
Huwag lang basta magtago,
Sa mga luhang inilalabas ng mga mata
Ang pagpapakita ng kahinaan
Pagpapakita na wala kang silbi.
Tanggalin ang maskara sa iyong buhay,
Hanapin ang tunay na pagkatao
Alamin ang mithiin sa buhay
At ikaw ay makakamit ang tunay na kaligayahan
Biography: I'm Khaisarez. My real name is Brigittee Consuelo C. Sugui from The Philippines. 'Khaisarez', 'Ezka', 'Kaisar' is my code name. I often use Khaisarez as my codename because its the combination of the names of my own characters. But my friends often called me as Kaisar.
I live in the place where beautiful nature is found but in place where problems about the biggest economic crisis was found. I'm only 14 years old a third year high school in Ilocos Norte Colloge of Arts and Trades.

Mala-masusing Banghay-aralin Sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan Para sa Pangatlong Taon sa Hayskul
Mala-masusing Banghay-aralin
Sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan
Para sa Pangatlong Taon sa Hayskul
I. Mga Inaasahang Bunga
Sa loob ng itinakdang panahon, sa tulong ilang mga mahahalagang konseptong pampanitikan, ang kabuuang porsiyento ng mga mag-aaral ay inaasahang ganap na malinang ang kakayahan at kasanayan nila sa:
a. panunuring pampanitikan gamit ang mga tulang iniangkop sa rehiyunal na pagdulog, bilang isang halimbawang lunsaran sa pag-unawa ng mga
mahahalagang kaisipang nais ipabatid ng pangunahing akda,
b. pag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang kaisipan ngg mga nasabing tula ukol sa naitakdang pangunahing akda sa araw hinggil sa kalapitan nito sa tunay na buhay,
c. pakikilahok nang aktibo, malayunin at may kasigasigan sa talakayan at mga pagpapayamang gawaing makatutulong sa pag-unawa ng kanilang mga karanasan, saklaw ng kaalaman at pagkaunawa sa realidad ng buhay; at
d. napapanatili ang kagandahang-asal sa kabuuan ng sesiyon.
II. Paksang Nilalaman
DAYUHAN (Maikling Kuwento)
Ni Buenaventura S. Medina, Jr.
Pagpapahalaga sa Sarili, Pag-ibig at
Kapatawaran sa Pagbubuklod ng Pamilya
Mga Kagamitan sa Pagkatuto:
Panulat, malinis na sulatang papel, mga sipi ng tulang lunsaran sa
akda (URIG, Pagkamo’ot, Mayo, at Ang Sulat ni Nanay at Tatay),
CDs, CD at Player at ilang piling larawan
III. Mga Gawain sa Pagkatuto (FAPE Style)
A. Introduksiyon
1. Pagdarasal bilang pambungad na gawain sa sesiyon
2. Paglalahad ng mga pangunahing layunin sa kabuuan ng
sesiyon
B. Interaksiyon
1. Paisa-isang pagsasakatuparan ng mga pangunahing layuning
itinakda sa sesiyon.
a. Pahapyaw na pagtalakay sa mga konseptong pampanitikan
hinggil sa kalikasan ng Panulaan, tula, maikling kuwento at
panunuring pampanitikan
b. Maunawang pagbasa sa ilang halimbawa ng Tulang Bikolnon; pahapyaw na pagtalakay sa mga ito sa tulong ng mga paksang-diwang nangingibabaw sa bawat isa:
b.1. Tulang MAYO ni Krsitian Cordero
b.2. Tulang PAGKAMOOT at URIG ni Makatanista
c. Pag-uugnay-ugnay ng mga kaisipang pampanitikan ng mga natalakay na tula ukol sa pangunahing akdang tatalakayin “DAYUHAN” . – sa tulong ng mga halimbawang awitin sa Filipino at Ingles
d. Pagbasa at pagtalakay sa akdang DAYUHAN ni Buenaventura S. Medina, Jr.
e. Kani-kaniyang pagsulat ng repleksiyong papel hinggil sa mensahe ng maikling kuwentong natalakay, sa tulong ng isang tulang Filipino na sinulat ng isang kilalang pari na si Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director ng St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan"
C. Integrasiyon (Araling Panlipunan)
1. Pagtuon sa mga pangunahing idea at mensahe ng maikling kuwentong
natalakay, sa tulong ng mga tulang iniangkop sa mga talakayan
“Pagpapahalaga sa Sarili, Pag-ibig at Kapatawaran sa Pagbubuklod
ng Pamilya”
IV. Takdang-Gawain
1. Pumili lamang sa mga sumusunod na gawain:
a. Gumawa ng maikling tula sa tulong ng ipinakitang larawan – OPTICAL
ILLUSSION. Ipapasa ito sa sunod na sesiyon.
b. Gumawa ng maikling tula hinggil sa isang tao na iyong
pinakamamahal, maliban sa pamilya. Ipapasa rin tio sa sunod na sesiyon.
Nagpakitang-turo:
LEO B. RICAFRENTE
Mag-aaral sa Panitikan

Kamalayan sa Isyung Pampagsasalingwika:Pagsasamantala at pagkontrol
Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2010
Pagsasalin Tungo sa Panahong Tapos na FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
ang Pagakabilanggo sa wikang Ingles
Ricafrente, Leo B.
Kamalayan sa Isyung Pampagsasalingwika:Pagsasamantala at pagkontrol
Tunghayan muna natin ang isang tulang pangkasaysayan ng ating di-matapos-tapos na usaping pangwika na siyang lunsaran ng aking pagtalakay.
MakaBrawn
Halos matagal-tagal na ring magkasama Na higit pa sa magkapatid
Sina Panlapi at salitang-ugat Nang naisipang magsarilinan Sabay
ang pag-usbong ng kani-kanyang pamilya.At doon nagsimula ang unang
simula…Nang may-anak na si Panlapi kay Kayumanggi Ang napiling itawag
sa supling ay “Maka” Naaliw rin ang morenang si Ibangkulay At sumunod
ang pagkarinig ng unang mga iyak ni Brawn. At doon na nagsimula…
Sa mga tuksuhan ng dalawang
magkatoto Pagtataas ng mga
anak ang laging laman ng usapan
Dun din nagsimula ang pagkaka-
ibigan nina Maka at BrawnAt dun
din nagsimula…Nang sumunod pang mga araw Namukhaan ang mga nagiging
bunga At hanggang pa sa mga sumunod na sesyon ng kanilang pag-eskwela
Tila halos pareho kinakawawaAng gawing magsama sa iisang asignatura
ay di magawa Ang gawing magkaklase’y mas lalo na Ang isa ay sa umaga at
ang isa naman ay sa gabi Walang pagkakataong magkuwentuhan man lang.
` Nagkaroon ng matinding halalan napilitan ang dalawang maglaban Si Maka
ang dapat maging pangulo, ang
sabi ni Escudero Hindi, si Brawn
ang siya nating ibuto, sabi naman
ni Arroyo At dun nagsimula ang
kinatatakutan. Lumala…Sa araw
nang banggitin ang kandidatong
nanalo Si Brawn, Brawn, Brawn
ang uupo sa trono. Mabuhay!, ang
sabi ni Dato.Namarka sa isipan ni
Maka ang panggigipit ni Brawn
Pagbubuhat ng sariling bangko ang
Napagtripan Ang kaibigan ay siya
nang itinatanggi’t tinalikuran Kasama
pa ang panunukso ng mga klasmeyt
nilang sina Gitling at Pang-ugnay!
Darating din ang araw ng pagababalik
Bigat sa dibdib ay tuluyang mananahimik
Magkakasundo ang dalawa sa muli:
Di dapat natin hayaan ang ganun,
sabi ng isa. Oo nga, ang sambit naman ng kabila.
Di na hahayaan na si klasmeyt na Gitling at kanyang mga katropa’y muling mapagitna
Simulang ibalik ang MakaBrawn at di Maka-Brown…
Malamang, mula sa iyong pagbabasa, hayagan mo nang naunawaan ang naging at siyang nagiging kalakaran ng ating wikang pambansa. Malamang din ay unti-unti mo nang nasasaksihan ang mga pagbabago sa sistema at masalimuot na kalakaran ng edukasyon sa ating lipunan – pagbabagong dala mismo ng makabagong pamumuhay at modernisasiyon sa lahat ng aspekto ng buhay.
Gayunpaman, kahit moderno na ang ating lipunan ay nakagapos pa rin ang ating wika sa di matapos-tapos na mga usaping patuloy na nagpapalugmok dito, lalong-lalo na pagdating sa usaping pampagsasalingwika. Ang wika, ika nga ng marami sa atin, ay nagpapakamoderno na, subalit karamihan sa atin sa kontemporaneong panahon ay kulong na kulong at gapos na gapos pa rin sa hilahil ng purism, tradisyon at kolonyalistang pamumuhay at pagkabatid sa kababaan ng pagtingin sa katutubong pagkakakilanlan; kung kaya’t, ang edukasyon at pagkatuto tungo sa pagbabago, lalo na sa pagsasalingwika, ay sadyang napakababa at sobrang babaw.
Hindi natin maitatanggi na ang mga kaalamang teknikal at makaagham ay naibabahagi sa maraming bansa sa daigdig dahil sa pagsisikap ng mga matiyagang tagapagsalin, ika nga. Kung kaya naman, ang kapakinabangan ng sanlibutan sa larangan ng pagsasaling-wika ay hindi matatawaran. Dahil dito, ang pagsasaling-wika ay isang larang at sining na na dapat pag-ukulan ng nararapat na pansin; kaya marapat lamang na alamin ang mga salik na nakapaloob dito.
Napakasimple lamang ng mga nais iparating ni Lumbera sa kanyang pagtalakay hinggil sa Pagsasalin Tungo sa Panahong Tapos na ang Pagakabilanggo sa wikang Ingles. Kung sa kabuuan, naiparating niya ang mga mahahalagang isyung napapaloob sa kaligiran ng kasalukuyang edukasyon ng bansa, lalong-lao na pagdating sa kapakinabangang pangkabataan. Binanggit din niya na ang konteksto ng pagkatuto ng mga kabataan natin sa ngayon ay sa edukasyong sumasailalim sa kulturang Amerikano dahil sa mga kaparaanang kolonyal.
Ayon pa nga sa kanya, kaya halos hindi magkandatuto ang mga mag-aaral natin sa ngayon sa kanilang pag-aaral ay sa dahilang ang mga babasahin o tekstong pilit na inuukilkil sa kanilang mga isipan ay lihis sa tunay nilang pangangailangan---ang pangangailangang saklaw sa realidad ng buhay. Sa ibang sabi, ang kanilang mga binabasang mga akdain ay hindi halos angkop sa kanilang katutubong kalinangan.
Isa pang kanyang binigyang linaw ay ang klase ng edukasyon ng bansa, na sadyang labas sa hangganan ng sarili nilang bayan. Ito ang tunguhing nagsasabing ang Ingles ay isang mabisang kasangkapan upang mabuo sa isipan ng nakararaming uri na ang nasabing wikang kolonyal ay ang wikang nagbubukas daw sa tunay at kalawakang balangkas ng daigdig. Ito marahil ang kaisipang dala ng mentalidad ng lahat. Sa ibang sabi, ang Ingles ang siyang wikang masasabing “wikang tagapagpalaya”.
Subalit, sa ibang banda, tutuo nga na ang wikang Amerikano ay magandang tulong upang lumawak ang pundasyon ng mga Filipino sa balangkas ng daigdig, kaya nga lamang, alalahanin natin na kinakailangan pa rin na magkaroon ng pagtuon ang lahat sa kahalagahan ng ibang umiiral na wika sa bansa at maging sa mga wika ng daigdig; ito ay dahilang mas lalong makatutulong ito upang mapaunlad pa lalo ang kalidad ng ating pagka-Filipino sa usaping praktika. Kinakailangan pa rin nating pakatandaan na ang wikang katutubo pa rin ang siyang pangunahing susi upang makilala ang isang naiibang istatus at kabatiran ukol sa ibang kultura, tradisyon at pagpaphalaga, maging mga katulad.

Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon
Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2010
Pagsasalin sa Kemistri ( Sa UP Diliman) FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
Florentino C. Sumera
florentino.sumera@up.edu.ph
florentino_sumera@yahoo.com
ni Ricafrente, Leo B.
Pagkilala kay Florentino C. Sumera, bilang paunang impormasiyon:
B.S. at Master of Chemistry ang mga natapos na kurso ni Prop. Sumera sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, taong 1974 hanggang 1980. Matapos nito ay natapos niya ang PhD sa Chemistry- medyor sa Synthetic Chemistry sa University of Rennes, France ng taong 1985. Isang kemiko at kasalukuyan siyang nagtuturo ng Kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, mapa-graduwado maging di-graduwadong antas man.
http://www.intel.com/cd/corporate/education/apac/eng/aaf07/spkrsbio_abst/facultybio/370977.htm
Paunang impormasiyon hinggil sa binibigyang-reaksyon
Ang Pagsasalin sa Kemistri ang naging unang paksang tinalakay ni Dr. Florentino C. Sumera (Surian ng Kemistri, UP Diliman) sa ikalawang sesiyon sa ginanap na Pambansang Seminar sa Pagsasaling Teknikal na itinaguyod naman ng Sanggunian sa Filipino, sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF), noong Hulyo 17-18, 2008.
Ginanap ang nasabing palihan sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Dinaluhan ito ng 117 institusyon (miyembre at di-miyembro) sa buong bansa at may kabuuan na 151 kalahok na binubuo ng mga editor mula sa mga kilalang palimbagan, mga kawani ng DepEd at mga guro ng Filipino.
Ang paunang impromasiyon na ito ay mula sa Sentro Filipino, ang opisiyal na website ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
http://sentrofilipino.upd.edu.ph
Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon
Ang kabuuang pagtalakay ni Prop. Sumera sa kaniyang paksa hinggil sa Pagsasalin ng Kemistri ay patungkol lamang sa kahalagahan ng pagsasalingwika sa konteksto ng Kemistri, bilang sangay ng agham; maging sa kahalagahan nito sa kalakaran ng pagtuturo ng nabanggit.
Nabanggit din niya na ang kasaysayan ng pagsasalin sa Departamento o Surian ng Kemistri sa UP-Diliman ay masasabing hindi katingkaran. Ito ay dahil sa mga kadahilang kaniyang ibinigay sa kanyang mga pagtalakay. Ilan na nga ang pagdating sa pagsulong ng paggamit; maging sa suporta ng mga nasa posisiyon, at mga katulad.
Isa pa, naibigay niya rin ang mga sirkunstansiya na sa kanya ay nag-udyok upang magsalin. Aniya, sa mulat mula pa ay paborito na niya ang kursong Filipino. Ito marahil, aniya, ang isa sa mga nag-udyok sa kanya na magsalin. Pangalawa, ang kanyang karanasan sa kalakaran ng pagtuturo ng agham, lalong-lalo na kung pagtutuunan ang pagtuturo ng Kemistri sa kanyang tinuturuang unibersidad. Idagdag mo pa ang kanyang mga naging karanasan noong siya ay nagsimulang mapadpad sa Francia upang mag-aral at makapagtapos ng PhD.
Sa kanyang pagtalakay pa rin, minabuti niyang ibinigay ang ilang mga mahahalagang estratehiya at pamamaraan ng pagsasalin. Sa pamamagitan nito, aniya, ay magkakaroon ang mga mag-aaral, kaniyang mga mag-aaral, na hindi katatamarang gamitin ang kayang ginawang librong may pamagat na Kemistri ng Carbon.
Isa pa, binigyang tuon niya ang mga dahilan kung bakit siya nagsalin at nagsasalin. Ang maigting na dahilan marahil sa pagsasalin ng libro sa Kemistri ay sa napakamahal ng mga reference book na imported sa ngayon.
Kung tutuusin, ang kabuuan ng kaniyang pagtalakay ay di lamang isang simpleng paghihimok na mabigyang panahon sa Unibersidad ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagsasalin sa konteksto ng edukasyion dito, kundi mukhang litaw na litaw ang pagpo-promote ng kaniyang aklat na pinamagatang Kemistri ng Karbon. Ito ay mapapansin dahil sa mga huling pagtalakay nito. Ito ay pansin na pansin sa kanyang pagbigay ng Tala ng Paghahambing sa Katangian ng Nalathala sa Inangkat na Libro (Gamit sa Chem 31 ng Surian ng Kemistri ng UP, Diliman).
Ngunit, hindi ako masiyadong binibigyang pansin ang hinuha kong ito, sa mga pag-aakalang ginawa lamang ni Sumera na pagnenegosyo o sales talk approach ang kaniyang pagtalakay.
Minabuti kong maniwala na ang layunin niya sa kanyang pagtalakay ay ang kalamanan ng kanyang mga binitawang salita sa ibinigay niyang kongklusiyon ng kaniyang tinalakay na paksa.
Research Publications
E-mail

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)