Miyerkules, Enero 30, 2008

isang tulang alay sa musmos na bata





Bata

Harap sa kanan at harap sa kaliwa,
harap sa katabing may ngiti sa mukha,
magsihawak kamay, umikot bahagya,
bumalik sa lugar kung saan nagmula.

di ba't ang saya nating mga bata,
di tulad ng buhay ng isang matanda,
sa daming gawain,kunot ang mukha
kutis ay kulubot, alog pa ang baba.

kaya mga bata, Oo...ikaw nga bata
panahon mo'y wag sayangin o iliha
pagkat panahon mo ito bilang pusa
ang gawain maghapo'y gumala-gala.

kaya wag mong hayaang ipakawala
ang lahat ng nais at dapat magawa
sumabay sa indak ng musikang tuwa
dahil ikaw ay minsan lang maging bata.

ngayon, harap sa kanan at harap sa kaliwa
harap sa katabing may ngiti sa mukha
sumayaw,umawit, maglaro't tumula
at gawing makulay ang kuwento mo bata.

Walang komento: