Martes, Disyembre 28, 2010

Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-9 ng Enero 2010
Pagsasalin sa Kemistri ( Sa UP Diliman) FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
Florentino C. Sumera
florentino.sumera@up.edu.ph
florentino_sumera@yahoo.com
ni Ricafrente, Leo B.

Pagkilala kay Florentino C. Sumera, bilang paunang impormasiyon:






B.S. at Master of Chemistry ang mga natapos na kurso ni Prop. Sumera sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, taong 1974 hanggang 1980. Matapos nito ay natapos niya ang PhD sa Chemistry- medyor sa Synthetic Chemistry sa University of Rennes, France ng taong 1985. Isang kemiko at kasalukuyan siyang nagtuturo ng Kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, mapa-graduwado maging di-graduwadong antas man.
http://www.intel.com/cd/corporate/education/apac/eng/aaf07/spkrsbio_abst/facultybio/370977.htm
Paunang impormasiyon hinggil sa binibigyang-reaksyon

Ang Pagsasalin sa Kemistri ang naging unang paksang tinalakay ni Dr. Florentino C. Sumera (Surian ng Kemistri, UP Diliman) sa ikalawang sesiyon sa ginanap na Pambansang Seminar sa Pagsasaling Teknikal na itinaguyod naman ng Sanggunian sa Filipino, sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF), noong Hulyo 17-18, 2008.

Ginanap ang nasabing palihan sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Dinaluhan ito ng 117 institusyon (miyembre at di-miyembro) sa buong bansa at may kabuuan na 151 kalahok na binubuo ng mga editor mula sa mga kilalang palimbagan, mga kawani ng DepEd at mga guro ng Filipino.

Ang paunang impromasiyon na ito ay mula sa Sentro Filipino, ang opisiyal na website ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

http://sentrofilipino.upd.edu.ph

Pagsasalingwika sa Kemistri sa Kontemporaneong Panahon

Ang kabuuang pagtalakay ni Prop. Sumera sa kaniyang paksa hinggil sa Pagsasalin ng Kemistri ay patungkol lamang sa kahalagahan ng pagsasalingwika sa konteksto ng Kemistri, bilang sangay ng agham; maging sa kahalagahan nito sa kalakaran ng pagtuturo ng nabanggit.
Nabanggit din niya na ang kasaysayan ng pagsasalin sa Departamento o Surian ng Kemistri sa UP-Diliman ay masasabing hindi katingkaran. Ito ay dahil sa mga kadahilang kaniyang ibinigay sa kanyang mga pagtalakay. Ilan na nga ang pagdating sa pagsulong ng paggamit; maging sa suporta ng mga nasa posisiyon, at mga katulad.
Isa pa, naibigay niya rin ang mga sirkunstansiya na sa kanya ay nag-udyok upang magsalin. Aniya, sa mulat mula pa ay paborito na niya ang kursong Filipino. Ito marahil, aniya, ang isa sa mga nag-udyok sa kanya na magsalin. Pangalawa, ang kanyang karanasan sa kalakaran ng pagtuturo ng agham, lalong-lalo na kung pagtutuunan ang pagtuturo ng Kemistri sa kanyang tinuturuang unibersidad. Idagdag mo pa ang kanyang mga naging karanasan noong siya ay nagsimulang mapadpad sa Francia upang mag-aral at makapagtapos ng PhD.

Sa kanyang pagtalakay pa rin, minabuti niyang ibinigay ang ilang mga mahahalagang estratehiya at pamamaraan ng pagsasalin. Sa pamamagitan nito, aniya, ay magkakaroon ang mga mag-aaral, kaniyang mga mag-aaral, na hindi katatamarang gamitin ang kayang ginawang librong may pamagat na Kemistri ng Carbon.
Isa pa, binigyang tuon niya ang mga dahilan kung bakit siya nagsalin at nagsasalin. Ang maigting na dahilan marahil sa pagsasalin ng libro sa Kemistri ay sa napakamahal ng mga reference book na imported sa ngayon.
Kung tutuusin, ang kabuuan ng kaniyang pagtalakay ay di lamang isang simpleng paghihimok na mabigyang panahon sa Unibersidad ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagsasalin sa konteksto ng edukasyion dito, kundi mukhang litaw na litaw ang pagpo-promote ng kaniyang aklat na pinamagatang Kemistri ng Karbon. Ito ay mapapansin dahil sa mga huling pagtalakay nito. Ito ay pansin na pansin sa kanyang pagbigay ng Tala ng Paghahambing sa Katangian ng Nalathala sa Inangkat na Libro (Gamit sa Chem 31 ng Surian ng Kemistri ng UP, Diliman).
Ngunit, hindi ako masiyadong binibigyang pansin ang hinuha kong ito, sa mga pag-aakalang ginawa lamang ni Sumera na pagnenegosyo o sales talk approach ang kaniyang pagtalakay.
Minabuti kong maniwala na ang layunin niya sa kanyang pagtalakay ay ang kalamanan ng kanyang mga binitawang salita sa ibinigay niyang kongklusiyon ng kaniyang tinalakay na paksa.

Research Publications




E-mail

Pagsasalingwika sa Konteksto ng Agham at Teknolohiya

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-11 ng Disiyembre 2010
PAGSASALING TEKNIKAL BILANG TEKNOLOHIYA FILIPINO 215 – Sining ng Pagsasalingwika
Emmanuel G. Anglo, Ph.D.
Ricafrente, Leo B.

Pagsasalingwika sa Konteksto ng Agham at Teknolohiya


Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Filipinas, isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at kaganapan ng wikang pambansa.


---- Mula sa Bulawan 19: Journal of Philippine Arts and Culture; ANG PAGSASALIN BILANG GAMPANING PAMBANSA
ni Virgilio S. Almario

“Tuwing magkakaroon ng usap-usapan ukol sa kung maaari at dapat ipalit ang Filipino para sa Ingles, hindi nalilimutang banggitin ang larang ng siyensiya bilang isang mabigat na hadlang laban dito.”---isang napakababaw, walang kongkreto at isang huwad at kawalan ng tiyak na basehan na pala-palagay at sadyang maling argumentong pinaninindigan ng mga kawal ng pagsasalin, na tulad ni Emmanuel G. Anglo.
Hindi tinalakay ni Anglo ang mismong teorya sa pagsasaling teknikal; sa halip ay kanya lamang na sinubukang bigyang pansin at kaunting paglalahad ang mga kaisipang nagmula sa pananaliksik ni Mario Miclat, isang propesor ng Asian and Philippine Studies, Asian Center, ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ukol sa pilosopiya at praktika ng pagsasaling teknikal.
Ayon sa kanya, higit na mas kapaki-pakinabang kung tatalakayin niya ang proseso ng pagsasalin ng wika at ang relasiyon nito sa proseso mismo ng agham. Isa pa, ang pagtalakay na ito ay sadyang nagbibigay-linaw sa kung ano ang tunay na katangian at kalinangan ng pagsasalingwika sa agham; kung bakit hindi maglaho-laho ang mga pagdududa rito, na wari niya ay isang malaking balahid sa daan tungo sa pagpapalaganap ng pambansang wika.
Ayon pa rin sa kanya, pagdating sa sensibilidad sa kasaysayan ng relasiyon ng wika at agham, ang wika ng agham at ang lawak ng diskurso nito ay magkakalingkis. Ibig sabihin nito, aniya, kung ano ang paraan na ginagamit sa pag-unawa sa isang penomenon o kalagayan, itinatakda rin ng paraan kung ano ang maaaring pag-aralan at hindi. Isang paniniwala na sa kung may tiwala at paniniwalang sa pamamgitan ng wikang Filipino, bilang isang wikang ginagamit sa pag-iisip, maaaring ganap na maunawaan at maipaunawa ang isang konsepto sa agham o anupaman, ang pagbubuo ng isang artipisiyal na wika ay walang pagkalalagyan.
Ikalawa, sa konteksto ng kaibahan ng agham at mga larang teknikal, sa paraan ng pagbibigay-basbas sa anumang piniling paraan sa pagsasalin, ang panghihinayang sa pagsasaling teknikal ay walang anupamang batayan, sapagkat ayon pa rin sa kanya, ang pagsasalin ay laboratoriyo sa pagbubuo ng kasangkapan ng diskurso; ang kailangan lamang ay ang pagpapanatiling buhay ang proseso ng pagpapayaman at pagpapalaganap.
Dagdag niya pa, dahil ang pagasalin ay bukas sa pagpapayaman at malawakang pagpapalaganap, higit pa ring inaasahan sa teknikal na gamit maliban sa ibang layon ng pagsasalin at mga pamamaraan nito ay ang praktika ng/o sa bisa ng propesiyunal na estandardisasiyon, sa tulong ng opisiyal na kasunduan---isang batayan o sukatan ng kalakhang pagsasalin sa agham, mula sa larang ng dalubhasaan, pormal na proklamasiyon o sa panig ng batas at konstitusiyon, o pagsang-ayon ng isa o mahigit pang iginagalang na mga jornal sa sector pang-edukasiyon.
Subalit, ganumpaman, napakalaki pa rin ang ginagampanan sa larang na ito ng pagpapayaman at malawakang pagpapalaganap, gaya ng mga nasabi na, ng mga bagong pananalitang palagiang umuusbong sa bawat panahon at bawat larang, tulad ng nasabi na. Ito ay isang paraan ng inobasiyon sa wika ng bansa.
Ikatlo, maliban sa mga nabanggit, kinakailangan din ang pagkakaroon ng maprosesong kasunduan sa pagiging konsistent sa paraan ng pagsasalin, mga alituntuning sinusunod at dapat ipasunod; maging sa katumpakan ng paggamit.
Panghuli, pagdating sa mga duda-duda sa kakayahan ng wikang Filipino sa larang ng agham sa pamamagitan ng pagsasalingwika, marami pa rin ang gumigitaw na kabalintuaan sa pagtanggap sa layong ito. Sadyang umiiral pa rin ang epekto ng pesimismo sa pagsasaling teknikal, kahit sinasabing maraming batayan o pagpapatunay na may praktikal na bentahe ang wikang pambansa sa pagsasalin. Ito ngayon ay nananatiling malaking hamon sa ating lahat, lalo na iyong mga mapagmahal sa sarili o pambansang wika. Naririyan ang mga agam-agam sa mahirap na panghihikayat, dahil sa lumalala at humahabang galamay ng Ingles, lalo na sa tulong ng internet o teknolohiya.
Ganumpaman, bilang pangwakas, naniniwala pa rin ako sa kamalayang ipinamalas obinigyang linaw ni Anglo sa kanyang mga pagtalakay. Subok nga at sadyang mabuti at makatotohan ang kahalagahan ng pagsasalin sa larang ng ahgam, maging mga katulad.

Dr. Emmanuel Anglo has a Ph.D. in Meteorology from the University of the Philippines.He is currently an Associate Professor of the Department of Physics of the Ateneo de Manila University where he handles graduate courses in geophysical fluid dynamics and numerical weather prediction.He also teaches environmental modeling and statistics in Ateneo's Environmental Science Department.His research at the Manila Observatory covers urban air quality and regional climate change, focusing on its possible impact on the climatology of tropical cyclones affecting the Philippines.

HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-18 ng Desiyembre 2010
ni Ricafrente, Leo B.

FILIPINO 214
HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG
ni Pat V. Villafuerte

Paunang pagkilala sa akda:

Ang kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ni Pat V. Villafuerte ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa nakaraang ika-52 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Sanggunian: http://www.webmanila.com
Paunang pagkilala sa mga tauhan ng akda:

a. Hermano Huseng – kababata ng nagsasalaysay sa kuwento, bagamat walong taon ang
agwat sa gulang
- bunso sa apat na magkakapatid na pulos lalaki ng mag-asawang Tata Pulo at Nana Docia, nanatiling binata
- mula sa angkan ng mga anluwage
- Tanging, sa apat na magkakapatid na lalaki ang hindi sumasama sa ama kapag may batarisan o kapag nangingibang-bayan para mag-anluwage. Mas ginusto pa nitong magsulat ng mga tula. Mas kinahiligan pa nitong mag-alaga’t magpalaki ng mga itik at bibe.
- malalim ang pananaw sa buhay, maurirat sa mga isyung pulitikal
- laking Tungkong Bato, isang natutulog na baryo sa San Antonio
- ayon sa paniniwala, ang anak na tumangging humawak ng pait, katam, lagare at martilyo ay tinawag ng Hermano Huseng

b. tagapagsalaysay - kababata ni Hermano Huseng, saksi ng buong naging buhay ng nasabi
- bugtong na anak ng mag-asawang maggugulay
- laking Tungkong Bato, lugar sa kuwento – Cabanatuan, Nueva Ecija
- may lihim na pagtingin kay Hermano Huseng
- binansagang Ka Hermana ni Hermano Huseng
c. Tata Pulo - isang anluwage na siyang ama ni Hermano Huseng; isang maestro
karpintero ng kanyang panahon ---namana niya ito sa kanyang ama na
namana naman ng huli sa ama ng kanyang ama

- Bagamat itinuturing na pinakamahusay kumarkula ng mga kahoy at kawayan kahit hindi nakatuntong man lamang ng unang grado sa paaralang-bayan, siya ay walang inaaksayang gamit. Maging ang mga pinagtabasan at pinagkatamang kahoy ay kanyang nagagamit sa ibang paraan. Ang kayang katwiran, “Dapat panghinayangan ang alinmang bagay na natatapon. Ang lahat ng ‘yan ay may paggagamitan.” Pag-uwi mula sa pinaggawaan, sunung-sunong niya ang mga lumabis na pira-pirasong yero, kahoy at kawayan. Maayos na isasalansan sa silong ng bahay. Dudukutin sa bulsa ang naipon at nahinging mga pako na may iba’t ibang sukat at isisilid sa isang lumang lata, kasama ng naipon ding maliliit na lapis na bagong tasa.


d. Nana Docia- mabait, maalalahaning may-bahay ni Tata Pulo
- namayapa ( mag-iisang taon) matapos ang halos magdadalawang taon na ring pamamayapang asawang si Tata Pulo

e. Mga kapatid na lalaki ni Hermano Huseng

1. Kuya(panganay) ni Hermano Huseng –
- nakapangasawa ng isang Sebuwanang namasukang katulong sa tahanan ng isang mayor
- Sa munisipyo nagtatarabaho ang
2. Diko ni Hermano Huseng
- itinanan ang dalawang taon nitong nobya na taga-Aluwa; sa bayan na ng babae( May minanang kiskisan ng palay ang babae nang mamatay ang mga magulang nito at ito ang kanilang pinagkikitaan) nanirahan

3. Sangko ni Hermano Huseng
- nagpapakasal na rin sa kasintahan nitong nasa kabilang ibayo (Maestra sa isang publikong paaralan ang napangasawa nito.)
- ( Nagtayo ng maliit na tindahan ang mag-asawa at ito ang kanilang pinalalago. )
-
f. Impong Gande - nagpaanak sa magkababata

g. Tata Roman – nagtuli sa magkababata

h. Ka Santan – isang kasapi sa kilusang binuo o kinaaaniban ni Hermano Huseng

- Lihim na naging kasintahan ni Hermano Huseng na siyang nais niyang pakasalan at pakisamahan habambuhay. Ito ay dahil “Kasal ang tanging halinghing ko kay Ka Santan. Ito ang huling halinghing ko, masaya na ako para sa aking sarili.” – mga pahayag ni Hermano Huseng



Daloy ng Reaksyon:

Ang kabuuan ng kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ay halos umikot sa tatlong mahahalagang konteksto ng buhay ni Hermano Huseng, siyang kababakasan na sa mismong pamagat pa lamang ng kuwentong nabanggit.

Huling Hiling: Iskuwala
Carpenter’s square iskuwala
n: isang parisukat na bakal na ginagamit ng mga karpentero; na mas malaki kaysa sa isang parisukat na subukan
http://tl.w3dictionary.org

Mapapansin sa mga pangunahing pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura nito, ang kalamnan ng simula ay tumatalakay sa HULING HILING ng pangunahing tauhan matapos mamatay ang ama nito dahil sa katandaan. Ito ay ayon na rin sa mga nasasaad na pangyayari sa wakas nito:
“Kinabukasan, inihatid namin sa kanyang huling hantungan ang labi ni Tata Pulo. Mangilan-ngilan lamang ang nakipaglibing. Ni hindi sumipot ang mga taong natulungan ng matandang anluwage. Payak na libing ito para sa isang henyo ng paggawa. At sa paglisan ng apat na magkakapatid ay baon nila ang naiwang yaman ng amang anluwage: Martilyo ang pinili ng panganay, lagare ang inangkin ng pangalawa, katam ang kinuha ng pangatlo at iskuwala ang tanging hiling ng bunsong si Hermano Huseng sa kanyang ina.
“Bakit iskuwala?” ang tanong ko kay Hermano Huseng habang inihahatid ko siya sa sakayan.
“Hindi ako kailanman nakatulong kay Ama sa panahon ng kanyang pag-aanluwage. Sa mga gamit ni Ama, ang iskuwala ang hindi na gaanong ginagamit sa panahong ito hindi tulad ng martilyo, lagare at katam,” ang sagot ni Hermano Huseng. “Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para kay Ama.”

Sa kaunting pagsusuri sa nilalaman at estruktura ng simula ay sadyang pansin na pansin ang pagkapayak nito. Sadyang wala itong ikinaiba sa kumbensiyonal na pagbabalangkas sa panimula ng isang tradisyonal na maikling kuwento. Sa simula, lantarang naibigay na ang patiyak at papahiwatig na pagkilala sa buhay o/at paglalarawan sa mga tauhan, lalong-lalo na kay Hermano Huseng, ang pangunahing tauhan, at sa isang kababatang (ang tagapagsalaysay) may lihim na damdamin sa kanya.
Ngunit, upang hindi tayo malayo sa kahilingan ng pangunahing tauhan, ipinahiwatig sa pagwawakas ng panimula ng kuwento ang tunay na dahilan kung bakit ganun na lamang ang naging kahilingan at damdamin ni Hermano Huseng sa pagtanggap ng huling naiwang yaman ng kanyang yumaong ama. Ipinahiwatig dito ang kababaan ng pagtingin sa sarili ng pangunahing tauhan.
Kung mapapansin din, ang kuwento ng simula ay halos may kaugnayan sa kabuuang nilalaman ng kuwentong Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes, dahil sa kalapitan nito sa buhay ng pangunahing tauhan at sa buhay ng isang pamilyang Filipino.
Bilang karagdagan, ayon sa isang sayt sa internet, http://wiki.answers.com, ang ilang bahagi ng tulang nasusulat sa kuwento ay mula sa isinulat na tula ni Villafuerte, ang may-akda, na ang pamagat ay "Pagsuko: Isang Manipestasyon".



Huling Hinaing: Kalatas
Letter kalatas: n. letter. syn. sulat; liham; sanaysay.

Lamentation Hinaing: n. PANAGHOY

http://www.bansa.org
Kung susurii man din, mapapansin naman sa isa pang pangunahing konteksto ng mga pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura at kalamnan ng gitnang bahagi nito, ay tumatalakay sa Huling Hinaing: Kalatas ng pangunahing tauhan .
Kabababakasan sa bahaging ito ng kuwento ang ilang mahahalagang pangyayaring nagsasalaysay ng tunay na kinasapitan ng tirahan ng pamilya ni Hermano Huseng, sa tulong ng matanglawing pagkukuwento ng tagapagsalaysay.
Ang sumusunod ay ang ilang bahagi ng kalagitaang mga pangyayaring nasasaad sa pangalawang kahilingan ng pangunahing tauhan ng kuwento:
Paglabas ko ng bahay, sinundan ko ang mga yapak sa putikang lupa hanggang sa gilid ng aming bahay, katapat ng aking hinihigaan. Isang nakarolyong papel ang nakita kong nakaipit sa kapirasong butas ng dingding: Binasa ko ang nakalahad:


i. Sama-samang pagsigaw
Sa langit nakatunghay,
Sama-samang pagkilos
Sa lupa nakalaan.
ii. Dugo ang itinitik
Sa telang inuusig,
Silakbo yaong himig
Ng pusong humihibik.
iii. Bawat awit at tula
May tarak ng pagpuksa
Bawat ningas ay siga
Sa pugon ng pagluksa.
Kayat ngayon na ang panahon para hubdan ang nakamaskarang mukha ng lipunang pag-aari ng mapagbalat-kayong mga dayuhan! Ipagtanggol ang karapatan ng mga aping manggagawa! Isulong ang demokrasyang pipigil sa mapagsamantala’t mapanlait na naghaharing uri! Mabuhay ang tunay na kasarinlang makapipigil sa karukhaan ng sambayanang Pilipino! Isulong ang pambansang pakikibaka!

Sa likod ng kalatas ay nakasaad ang ganito: Nasa kalatas na ito ang aking hinaing. Pag-aralan mo ang isinasaad ng kalatas at ipaliwanag ang kahulugan sa ating mga kanayon. Nasa loob ng munting baul ang mga polyeto, kasama ang mga kalatas na katulad nito. Ipamudmod mo sa ating mga kanayon. Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para sa bayan.
Sa ganitong pagwawakas, isang kamalayan ang tunay na ipinaglalabang prinsipyo at paniniwala ng pangunahing tauhan. Dito napapaloob ang pagkasangkot ng isang kalatas na kinapapalooban ng mga hinaing sa buhay-lipunan ni Hermano Huseng.





Huling Halinghing: Kasal
neigh, whinny, moan, groan, bemoan
groan
maghinagpis v.
1 halinghing, buntong-hininga, bumulung-bulong, panaghoy, ungot, ingitan:
groaning sa paghihingalo.
2 magreklamo,
bumulung-bulong, angal, objek, sumumpa,
maghinagpis
n: isang pagbigkas, pagpapahayag sakit o pagsalungat [syn: (halinghing)]
v: magpahiwatig ng sakit, paghihirap, o sama ng loob
v. tumaghoy, o manangis makalungkot o mapaiyak o halinghing para sa isang nawala
Ang salitang ‘halinghing’ ay matutunghayan din na ginamit sa tulang isinulat ni Jose Corazon De Jesus - Biyolin

A homo sapien with a male genetalia. Disgracing the human race from time to time
http://plaridel.tumblr.com


http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/halinghing.html
http://tl.w3dictionary.org/index.php?q=halinghing

Sa bahaging ito ng kuwento napapaloob ang mga matitinding pangyayaring bumalikwas sa harang ng maskara, pagkukubli o kasinungalingan, o ika nga ay dekahong ideolohiya sa buhay, sa panig ng tagapagsalaysay at ilang tauhan sa kuwento. Laman din nito ang hindi matatawarang labanan sa panig ng katotohanan at kasinungalingan; maging sa katahimikan at pagbabagong pansarili sa likod ng karahasan, bali-baling pagkamit ng hustisiya sa lipunan at pagkagising mula sa hindi mulat na katotohanan.
Ang mabigat pa, ang bahaging ito ng kuwento ang nagbunsod kay Ka Hermana na magpaalam sa taong kanyang lihim na minamahal. Subalit ito ang sa wari ay magdudulot ng tunay at hindi matatawarang kalayaan.
Nagising ako sa katotohanang hindi nga pala maaaring mangyari ang lahat. Salamat sa iyo na nagpatibok ng aking puso. Salamat sa alaala. Maramng salamat sa isang napapanahong pagpapamulat. Paalam.
Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa walang lingon at salit-salitan kong paghakbang. Kayhaba na ng aking nalakbay. Habang daan, pumapalaot sa diwa ko ang huling saknong ng tulang sinulat ni Hermano Huseng na ipinabasa niya sa akin kamakalawa ng gabi:
Kaysarap sanang maging malaya kung ang laya’y
Di malalambungan ng pagsisisi o pag-aalipusta.
Bawat makata’y isang laya sa diwa at dugo.
Bawat diwa’y isang bala ng poot,
Bawat patak ng dugo’y isang punlo ng dangal.
Ngunit,
Hindi sa pamumundok,
Hindi sa paghawak ng armas
Nasusukat ang ang lakas at giting,
Hindi sa lawakang paglusob at pananakop
Nakakamit ang laurel at kamanyang,
Kundi sa loob ng ating sarili.
Laban sa gutom.
Laban sa hirap.
Laban sa ligalig.
Laban sa daigdig.
Sa daigdig ng napasukong daigdig.
Sa ibang banda, sa pagwawakas ng kuwento, hindi man hayagang sinabi, ang may-akda ay nagpa-iral ng kaniyang kalayaang buhayin ang pangunahing tauhang si Hermano Huseng. Gayunpaman, sa kaniyang kapangyarihan ng panulat, kinitil niya ang tauhang pinakamamahal ng pangunahing tauhang nabanggit---na siyang nagbigay pag-asa kay Ka Hermana na ipaglaban ang kaniyang matagal nang natatagong lihim na damdamin.

Ang Talinhaga ng Pagsasalingwika

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-8 ng Enero 2011
Magtumbas ay di Biro!
Ilang Suliranin sa Pagtutumbas sa Pagsasalin FILIPINO 215–Sining ng Pagsasalingwika
Ni Melecio C. Fabros III
Ricafrente, Leo B.

Ang Talinhaga ng Pagsasalingwika

The Insect
From your hips down to your feet
I want to make a long journey.
I am smaller than an insect.

Over these hills I pass,
hills the colour of oats,
crossed with faint tracks
that only I know,
scorched centimetres,
pale perspectives.

Now here is a mountain.
I shall never leave this.
What a giant growth of moss!
And a crater, a rose
of moist fire!

Coming down your legs
I trace a spiral,
or sleep on the way,
and arrive at your knees,
round hardness
like the hard peaks
of a bright continent.

Sliding down to your feet
I reach the eight slits
of your pointed, slow,
peninsular toes,
and from them I fall down
to the white emptiness
of the sheet, seeking blindly
and hungrily the form
of your fiery crucible!

Mas pinili kong gawing lunsaran sa pagtalakay itong tulang The Insect na inakda ni Neftalí Ricardo Reyes Basoalto o mas kilala sa kaniyang panulat-pangalan na Pablo Neruda, isang kilala at batikang makata ng Latin America, sa kadahilanang may kabuluhang lapit ito sa emperikal at praktikal na interes o tuon hinggil sa ilang suliranin sa pagtutumbas sa pagsasalin, ayon na rin sa mga pagtalakay ni Melicio C. Fabros III mula sa pag-aaral at pananaliksik nito pagdating sa usaping pagsasalingwika.
Isa ng pangkaraniwang pag-aakala ng karamihan sa atin, kahit hindi lahat, na ang pagsasaling-wika ay isang payak na pagsasabi ng isang bagay sa ibang wika; ang tutuo ang ito ay maituturing na isang masalimuot at mahirap na gawaing pang-akademiko. Masalimuot ang gawaing ito sapagkat napakaraming bagay na sangkot sa pagsasalin; tulad na lamang ng kalikasan ng ortograpiya o lingguwistikal na konteksto, agwat at kalapitan sa panahon, estilo ng panulatan, tradisiyong kultural, kaugalian, kaayusang panlipunan at marami pang iba. Isa pa, mahirap ang pagsasalin sapagkat nakatali ito sa orihinal; dito ang nagsasalin ay hindi malayang magpasok ng kanyang sariling kaisipan. Sa ibang salita, ‘ika nga, ang salin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ng isinalin.

Ibig sabihin nito, dahil sa ang pagsasaling-wika ay maituturing nating isang sining at agham, nangangahulugan lamang na kinakailangan nito ng masusing pagsusuri kung paano tutumbasan ng tumatanggap na wika ang pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulaang wika o tinatawag na source language. Paano na lamang kaya kung ang tulang nabanggit ay gawing sangkot sa sa tumbasan ng pagsasalin.
Ayon nga kay Fabros, sa kanyang pagtalakay, sa pagsasalin, may dalawang wikang sangkot: ang simulaang lenggwahe (source language), ginamit sa teksto ng orihinal at tunguhang lenggwahe (target language) na ginagamit ng tagasalin. Ito ay isang pagtatangkang palitan ang isang mensahe ng isang wika nang gayon ding mensahe sa ibang wika.
Ang tanong, masasabi bang madali ang pagsasalin? Hindi. Ayon at malapit na rin sa mga naunang nabanggit, dapat lamang na alam ng tagasalin ang mga dapat iwasan sa pagsasalin. Ito ay ang pagkakaltas, paglilipat at pagbabago. Tandaan natin na may mga tuntunin na dapat sinusunod sa pagsasalin. Dapat tandaan na ang wika ay kabuhol ng kultura. Di mo maaaring isalin ang salita na nasa kontekstong panlipunan dahil ito ay walang katumbas sa tunguhang wika.
Kung ang pagtutuunan ng pagsasalin ay ang tekstong lunsaran; maging sa pagbabasa at pagsusuri nito, magkagayunman ay sinisimulan ang pagsasalin sa pagbasa nito sa dalawang kadahilanan: una, upang maunawaan kung saan ito nauukol; pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalin na iba kaysa pananaw- dalubwika o kritikong- pampanitikan.
Ang pag- unawa sa sa teksto na tulad nito ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan upang makuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa pagsasalin
Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita na nakapaloob sa teksto upang matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga talinhaga, kolokyalismo, at neolohismo. Dapat malaman ang layunin at paraan kung paano ito nasulat para matukoy ang karapat-dapat na paraan ng pagsasalin at para matukoy ang tiyak at paulit-ulit na mga suliranin na kakaharapin sa pagsasalin. Dahil dito, ang pananalig sa katapatan bilang simulain ng pagsasalin ay sadyang napakahalaga.
Kung kaya, ganumapaman, kahit na may kahirapan sa pagtutumbas ng mga titik sa isang awit kung ihahambing sa teksto ng isang sulating teknikal at sa suliranin ayon katapatan sa larangan ng bokabularyo at idyoma, ilan lamang sa mga suliraning nabanggit ni Fabros, ang pandaigdigang paniniwala na tradurrori, traditori ay hindi lubusang nangangahulugan ng kataksilan o angking problema ng pagsasalin. Ang patunay nito ay ayon na rin sa mga sinabi ni Almario sa kanyang naisulat na sanaysay - Muling-Tula Bilang Hamon sa Pagsasalin ng Tula:
Ngunit hindi naman katapatan lamang ang simulain ng pagsasalin. O kaya, maaari namang ipahayag ang katapatan sa mga paraang hindi nangangahulugan ng salita-sa-salitang pagtatapatan ng wikang orihinal at wikang pinagsasalinan. Kung ang paglilipat ng kahulugan ang halimbawa’y pangunahing layunin ng pagsasalin, may mga taktika ng pagpapaliwanag – sa mahaba o maikling pangungusap – upang mailahad nang walang bawas ang isang dalumat/damdamin mula sa isang akda. Magkagayon pa man, lalo’t akdang pampanitikan ang nasasangkot, maraming dapat sikaping isalin ang tagasalin bukod sa kahulugan. Ang totoo, ang wastong pagsasaalang-alang sa ibang mga sangkap at katangiang pampanitikan, bukod sa kahulugan, ang malimit maging pamantayan sa tagumpay ng salin. Malimit kasing makumunoy sa tinatawag na “literal” na salin ang labis na pagpapahalaga sa kahulugan ng orihinal at kaya nalilimot hubugin ang salin bilang isang tula, katha, o dula. Minsan nga’y waring naimungkahi ni Matthew Arnold na higit na mahalagang mailipat ng tagasalin ang katangian ng isang makata o mangangatha sa pamamagitan ng salin sa halip na ilipat lamang sa kaniyang wika ang wika ng isinasalin.
http://rioalma.com/2008/09/muling-tula-bilang-hamon-sa-pagsasalin-ng-tula/

Sa Aking mga Kabata

Repleksiyong Papel Marso 27, 2010
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino Ricafrente, Leo B.
TAWAGIN MANG TAGALOG O FILIPINO,
ANG PAMBANSANG WIKA’Y NARITO NA
ni Rogelio Sikat

Sa Aking mga Kabata










Nangangahulugan, sa tulong ng dayagram sa itaas, na ang Filipino ay isang wikang pinalawak, na ang Tagalog ang siyang naging pangunahing batayan, isang wikang yumayabong at umuunlad.

Kung naging bulaklak marahil ang tula ni Dr. Rizal na “Sa Aking mga Kabata,” tinitiyak kong luray na luray na ito ngayon sa madalas na paggamit. Marami siguro ang nag-iisip na ikatutuwa ng bayani ang paulit-ulit na pagsambit ng nagpuputik na linyang, “ang hindi magmahal sa kanyang salita ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Ngunit hindi rin ba totoo na kahit anong ganda o sarap ng isang bagay, kung palaging iyon nang iyon, ay nakakasawa rin? Nakakalungkot na sa kabuuan ng tula, lagi nang ang linyang iyon ang napag-uukulan ng pansin. Hayaan ninyong sa pagkakataong ito, ibang linya ng tula ang aking bibigyan ng diin, na sa aking palagay, sa likod ng isipan ng henyong si Rizal, darating ang panahon na ang wika natin ay tunay na patungo sa globalisasyon. Anong saknong o mga taludtod ito? Narito ang kanyang sinabi:
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang Siyang naggawad, nagbigay sa atin!
Ano ang ipinahihiwatig ng saknong na ito? Maliwanag pa sa sikat ng araw na para sa bayani, ika-19 na siglo pa lamang, ang Tagalog (hindi pa Filipino) ay katulad na o kapantay na ng tatlong higanteng wika: ang Latin na wikang opisyal ng Simbahang Katoliko, ang Kastila na siyang wikang opisyal ng pamahalaan noon at ang Ingles na siyang wikang unibersal sa ngayon. At kung pakakasuriin pa, ang ikaapat na wika, ang wikang anghel (mayroon ba nito?) ay tulad din daw ng Tagalog! Ano lamang ang batayan ng batang Rizal? Ang katotohanang Diyos ang nagbigay, at dahil ang Diyos ay makatarungan, walang mas nakahihigit sa alinmang wika. Kung gayon, tayo lamang mga tao ang naglagay ng diskriminasyon sa mga wikang kaloob ng Poong Maykapal!
Gusto ko ring idagadag at ipaunawa na HINDI TAGALOG ANG ATING PAMBANSANG WIKA, KUNDI FILIPINO! Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Hindi nangangahulugan na marunong ka ng Tagalog ay magaling ka na sa wikang Filipino. Dapat malaman ninuman na mas malawak at intelektwalisado ang wikang Filipino kaysa sa katutubong Tagalog. Kung may pagkakahawig man, ito ay dahil naging batayan ang Tagalog ng ating pambansang wika. Ngunit sa mga simpleng salitang sasabihin ko, makikita ninyo ang pagkakaiba. Halimbawa:

communication comunicacion komunikasyon pakikipagtalastasan
constitution constitucion konstitusyon saligang-batas
dialogue dialogo diyalogo talamitam
culture cultura kultura kalinangan
Upang higit ninyong maunawaan, ilagay natin sa pangungusap.
Pilipino:
“Ang guro ay pumasok sa silid-aralan para isulat sa pisara ang takdang-aralin.”
Filipino:
“Pumasok sa klasrum ang titser para isulat sa blakbord ang asaynment.”
Alam ba ninyo kung ano sa Tagalog ng pangungusap na binanggit ko? Ganito:
Tagalog:
“Ang tagapagturo ay pumasok sa silid-aralan upang isulat sa kahoy sa dingding ang takdang-aralin.”
Sa aking palagay, walang estudyante sa kasalukuyan ang nasa matinong pag-iisip ang magsasalita nang ganito, kahit pa sabihing nasa rehiyong Tagalog siya. Narito ang halimbawa:
“Inay, sandali po akong hihimlay sa ating silid-tulugan. Kung maaari po sana, sa takdang ika-6 ng gabi, ako’y inyong pukawin sa aking pagkakahimbing upang agad na makadulog sa ating hapag-kainan. Nang sa gayon, ay makapagpanibagong lakas para sa magdamagang pagsusunog ng kilay.”
Kung kumbinsido na kayo na hindi Tagalog ang Filipino, paano naman kung gayon magiging posible ang globalisasyon ng ating wika? Halimbawa na lamang, sa mga mahihilig sa internet, sino ang hindi nakakaalam ng mga website na yehey.com, globalpinoy.com at maging ang pinakamaganda.com? Patunay ang mga ito na nagagamit na sa internet ang wikang Pinoy!
Sa mga mga naging impormasiyon at pagpapaliwanag, malalagom na ayon nga kay Rogelio Sikat, TAWAGIN MANG TAGALOG O FILIPINO, ANG PAMBANSANG WIKA’Y NARITO NA!

Kaya, bilang mga kabata, sa tanong ni Sikat sa kanyang artikulo na Gagawa na naman?, ang sagot ay dapat alam na. Ang sagot ay hindi na gagawa naman ng panibagong wika. Ang siyang tunguhin na gawain na lamang ay ang paggawa ng mga espisikong hakbangin at malawakang pagkilos upang paunlarin pa lalo ang wikang Filipino, tulad na lamang ng ebolusiyon nito. Ang ganitong pagtuon ay isang mabisang pagtalima sa magandang kinabukasan ng ating wikang pambansa. Hindi kailangang maging makaluma. Nararapat lamang na pairalin ang perspektibong global. Tandaan na ang intelektuwalisado’t liberal na Filipino, bilang wika, ay kinakailangan ng mahusay na pagpapahalaga ng isang intelektuwalisadong tao.Ito ay walang iba kundi tayo mismong mga Filipino.

Ang gawaing pangwika ay isang matimbang na pagsukat ng isang pambansang karakter. Ito ay hamon ng tagumpay sa lahat. Ito ang susi sa anumang hangaring naisa na maabot at matupad.

Bilang aking pangwakas, sikapin nating limiin ang awit na ito:]

Villar asks…
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura
nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada
’yan ang tanong namin
tunay ka bang isa sa amin...



Noynoy answers…
‘Di pa kami naliligo sa dagat ng basura
at ang aming Pasko ay sa Hacienda Luisita
‘yan ang sagot namin
eh kasi rich angkan namin...

Gibô answers…
Sa bathtub lang at hindi sa dagat ng basura
Nag-Pasko ‘di sa kalye, kundi dun sa Amerika
at least umaamin
na super-blessed pamilya namin....

Brother Eddie answers…
Lalakarin ni Hesus ang dagat ng basura
sa Pasko papakanin mga tao sa kalsada
promise niya ‘yan sa akin
at sa flock ko rin na 5M...

Bayani answers for Gordon…
Bakit nga ba mayroong dagat ng basura
‘Pag Pasko tambak kasi mga ‘yan sa kalsada
lahat ‘yan dahil sa atin
tayo ang dapat na sisihin...

And finally, Jamby answers…
Si Manny Villar ay dapat lamang ibasura
Dinoble n’ya ang budget sa iisang kalsada
‘yan ang alam namin
bakit ba ayaw n’yang aminin...

Layunin ng awitin na hindi magpatawa, alam mo yan. Kung nalimi mong kantahin ang awitin, mapapansing umiikot ang kabuuang liriko sa awayang politikal.
Gayunpaman, kung mas lilimiin mo pa lalo at kung iuuganay ito sa usaping pangwika, ang mensahe ng awitin ay malawak. Nais nitong iparating sa atin ang tunay na kalagayan ng awayan sa magkabilang panig. Nairiyan ang siraan, kontrahan at paghamak sa buhay.
Sa pagsulong ng isang hangaring pangwika, ang awayan ay isang delubyo kung maituturing. Isa itong pahamak na paglinang sa pambansang wika. Kaya, sa gayon , ang kailangang magawa ay dapat gawin na.

Teorya ng Pangahas na Pagpapaliwanag

Repleksiyong Papel Marso 27, 2010
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino Ricafrente, Leo B.
MGA BATAYANG TEORYA SA WIKA
ni fe O. Otanes


Teorya ng Pangahas na Pagpapaliwanag


Maraming mga tanong ang nagsisilabasan at mukhang magsisilabasan pa tulad na lamang ng mga sumusunod:

Ano ang wika?
Bakit may wika?
Ano ang teorya?
Ano-ano ang mga teorya sa wika?
Bakit kailangang magkaroon ng teorya ukol sa wika?
Ano ang kaugnayan ng mga teoryang ito sa pagpapabuti ng pagtuturo ng wika?
Paano ba natutuhan ng tao ang wika?
Anong klaseng wika ang dapat gamitin para matuto ang isang bata ng isang wika?
Ano ang magagawa ko para maituro ang isang wika…ang tamang wika?
????.......????


Ganito ang mga tanong na marahil ay napakaposibleng bigyang kasagutan. Subalit ang mga sagot na maibibigay ko ay yaong mga sagot na wari ko’y sadyang mga pangahas lamang. Ang mga ito, sa tuwina’y, pangahas dahil dulot lamang nga ito ng kung anong wika ang aking natutuhan sa buhay. Ang wikang nagmula at natutuhan sa paaralan at ang wika ng buhay sa tunay kong mga karanasan.

Narito ang aking mga pangahas… ang aking mga teorya…

“Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkakaunawaan ang lahat.” Ito ang wika para sa akin. Hindi ko na isinali pa ang mga pangahas ring mga pagpapaliwanag ni Gleason, isang edukador, sa dahilang alam ko namang mga pangahas din lamang ang mga ito. Ito ay sa dahilang iba ang wikang kaniyang natutuhan at iba rin ang wikang kaniyang ginagamit sa pagpapaliwang niya hingiil sa wika, na produkto ng kanyang kulturang kinabibilangan.

Ang tanong na kung bakit may wika ay nasagot na sa unang pagpapaliwanag ko hinggil sa kahulugan pa lamang ng salitang wika…Ngayon ay tunghayan naman natin ang mga pangahas ko ring sagot hinggil sa kung ano ang teorya, mga teorya sa wika, ang mga dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon ng mga teoryang pangwika at ang kaugnayan ng mga teoryang ito sa pagpapabuti ng pagtuturo ng wika…

Ayon sa deskripsiyon ng American Heritage Dictionary, ang teorya ay set of statement or principle devised to explain a group of facts or phenomena, especially one that has been repeatedly tested or is widely accepted and can be used to make predictions about natural phenomena. Ang ibig sabihin nito, ang pagpapakahulugan ng salitang teorya ay simpleng pagpapaliwanag o paniniwala lamang para kilalanin ang isang bagay o ‘di kaya ay isang kalagayan kung bakit ito nangyari, nangyayari o mangyayari pa. Sa ibang sabi, ang teorya ay isang pangahas na pagpaptunay sa isang bagay o kalagayan para kahit papaano ay mapaniwalaan…

Ayon sa blogsite ni Isagani Cruz, isang kilalang manunulat, kung si Lope K. Santos ang gumawa ng balarila ng Tagalog, si Fe T. Otanes naman ang gumawa ng gramatika ng Filipino. (isaganircruz.blogspot.com/2006).
Ngunit, para hindi tayo malayo o ‘di kaya ay maligaw sa layunin ng pangahas na papel na ito, huwag na nating palawakin pa ang pagtuon sa buhay ni Otanes. Isang layunin natin ay ang alamin kung bakit kinakailangan ng teoryang pangwika sa epektibong pagtuturo ng isang wika at ng kalikasan nito. Sa ganang akin, tulad ng kahalagahan ng wika sa tao, ang teorya ay mahalaga rin upang malaman natin ang paraan kung paano ang tamang pagtuturo ng isang wika. Ito ay nagsisilbing gabay sa sinuman, tulad ng mga guro sa wika, upang maturuan ang sinumang may kaugnayan sa paggamit ng wika. Ang teorya, gaya nga ng mga nasabi na, ay nagsisilbing pundasiyon upang kahit papaano’y makilala ang isang kalagayan at kung ano ang maitutulong ng kalagayang ito sa daloy ng buhay ng isang nilalang.

May mga pagpapaliwang kung ano ang wika, kung ano ang gamit nito, kung ano ang mga teoryang may kaunayan dito, kung bakit kinakailangan ng mga teoryang ito, at anumang mga katulad. Subalit, pinakalalayunin natin na alamin kung ano ang mga maaaring kasagutan sa mga tanong na:
Paano ba natutuhan ng tao ang wika?
Anong klaseng wika ang dapat gamitin para matuto ang isang bata ng isang wika?
Ano ang magagawa ko para maituro ang isang wika…ang tamang wika?

May mga pangahas din na mga teorya kung paano natutuhan ng isang tao ang isa o mahigit pang wika. Nariyan, halimbawa na lamang, ang teoryang istrukturalismo at teoryang transpormasiyonal, at mga katulad. Subalit, kahit na magkagayon, nais ko pa ring ibigay ang aking hinuha kung paano ang isang tao na tulad mo ay natututo ng isang wika, isang wikang hindi pa lubusang alam o malalaman pa lamang. Ngayon ay tunghayan ang isang tula sa ibaba para malaman natin kung paano ka natututo ng isang bagay gaya ng wika:

Pagkamoόt?

Pagkamoόt ko saimo
daing siring na kabaing kan takal
na nakataplak sa sakuyang halanuhan.

Pagkamoόt mo man sakuya
daing siring na kabaing an tagas kan tungay
na nakatapol sa sakuyang dungo.

Utob kaini paurugon
bulbog kan satong manga talinga dangugon
siring sa kabtan kan panahon
bako nan tuli ining dara man lang sato gatol.

Gamit ang tulang iyong nabasa, marahil ay umiral sa iyo ang teoryang istrukturalismo sa dahilang naapektuhan ka ng mga salitang si ‘di mo wari’y nagamit ng may-akda sa kalamnan ng kaniyang tula. Marahil nasabi mo sa sarili mo na sobrang bulgar ang mga salita at masyadong nakakaasiwang basahin dahil may pagkabastos. Marahil ay nasabi mo rin na sa lahat-lahat ba naman ng tula sa mundo ay yaong tula pang ito ang ginamit para ibigay-halimbawa.

Subalit, marahil ay nakalimutan mong pairalin ang teoryang transpormasiyonal a iyong sistema. Nakalimutan mo marahil na kinakailangang magkaroon ng ka ng matama pagpapairal at mapanuring pagbabasa ng kahit anumang panitikan.

Para sa akin, ang tula ay magandang ituro sa kahit na sino. Epektibong ituro ito sa dahilang isang paraan ito kung paano ang tamang pag-aaral ng isang wika. Ito ay mabisang halimbawa dahil sa dahilang ang taong nagbabasa nitong pangahas ay nananahan sa kasalukuyang kultura ng bansa—ng kulturang Filipinas at ng kulturang bikolnon…

Para sa akin ang pagkatuto ng isang wika ay adapat naiuugnay o nailalapit sa kultura kung saan nabibilang ang isang tao. Ito ang batayan ng pagkatuto ng isang wika. Subalit, sa panig ng isang mapanuring mambabasa o guro, nasa paraan at pamamaraan na lamang ng tao kung paano niya gagamitin ang tamang wika para malaman at maibahagi ang isang wikang produkto ng kaniyang pag-aaral at mayamang karanasan. Tandaan, kailangan ng transpormasiyon…

Ilang Suliranin tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipino

Repleksiyong Papel Marso 27, 2010
FILIPINO 210 – Estruktura ng Filipino Ricafrente, Leo B.
Ilang Suliranin tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipino
ni Bonifacio p. Sibayan


Saro, duwa, tulo,
Maestorya muna ako
Apat, lima, anom,
An ribok mo haleon
Ta tudi na si Leomon
An digemon na parasirmon
Kitang mga Bikolano
Kitang mga Filipino
#1 na paramangno
Sa buhay-buhay
Kan ibang tawo
Lalo na saimo
Na nagbabasa
kainiho

Sabi nga ng mga sabi-sabi ng nakararami, maging sa paniniwala pa nga ng lahat sa atin na ang pagkuha sa pulso ng kabataan sa anumang usaping politikal na nangagyari o nangagkaroon tayo noon at sa kung anong politikal na usapin mayroon tayo sa ngayon ay sadyang napakahalaga. Ngunit, sa lahat ng panahon na ito, ang politikang nais kong bigyang linaw sa kuwentuhang ito ay yaong patungkol hindi kailanman sa usaping panghalalan at mas lalong hindi dapat doon sa mga politikong mangmang sa mga usapan o usaping tulad nito. Pasensiya ka na pala sa pamulso ko sa mga politiko ha…Sadya kasing umiral na naman ang pulso at puso ng kabataan sa akin…

Iyan an sako.
An sakong
rimong-rimong
sa tirigsikan minapuon

Mangyari, kinailanang mangibabaw sa kuwentuhang ito yaong mga taong kung tawagin ng marami sa ngayon ay ang SIMULA ng PAGBABAGO—ang mga kabataan.

Kinailangang magmula sa boses nila ang simula nitong kuwentuhan. Ito ay hindi lamang basta kinailangan kundi ito ay kinailangan kasi dapat…

Nagtagarabas-rabas ako
sa mga sites sa net
Sa pagkua lang
Kan boses kan kahobenan
Sa pagkaaram na
an kinaban ninda
an boses ninda
digdi makukua

Sa ikaiikli ng pagkahaba-habang kuwentuhang ito, ang sumusunod ay ang boses nila—ng mga kabataan, hinggil sa usaping intelektuwalisasiyon ng wikang pambansa…

Pasensiya na, sa sunod mo
pang boklat
ang mga boses ninda
simong makukua…
BUGOY'S WORLD
HTTP://JAGGOZUN2002.MULTIPLY.COM/JOURNAL/ITEM/1/INTELEKTWALISASYON_NG_WIKANG_FILIPINO

Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
Jun 10, '06 10:03 AM
for everyone

Si Dating Pangulong Manuel L. Quezon ang tao sa likod ng pagpili ng ating sariling wika. Matapos ang mahigpit na pagpili, ang Wikang Tagalog ang nanguna at napili bilang pangunahing wika. Matapos ang ilang taon, ang Wikang pambansa ay pinangalanan na Filipino- isang wika na may hiram na salita mula sa Wikang Ingles at Kastila. Dahil sa matinding pagpupursigi ni Pangulong Quezon na magkaroon ng pangunahing wika ang bansa kung saan magkakaintindihan ang lahat, unti- unting umuusbong ang ating wika.

Ang wika ay nagsisilbing isang napakahalagang simbolo ng isang bansa. Ipinapakita nito ang pagkakaisa o pagkakabukold- buklod ng mga tao. Dahil dito, madaling magkaintindihan ang mga tao at ang hindi pagkakaunawaan ay naiiwasan. Ang mga bansang maunlad tulad ng Hapon at Espanya ay may isang wika na ginagamit ng siento porsyento ng kanilang mga mamamayan. Ang wika niya ay ginagamit sa lahat ng larangan - medisina, abogasiya, teknolohiya at diplomasya. Ang mga bansang ito ay inuna muna ang pagpapaunlad o pagpapayaman ng kanilang sariling wika bago sila umampon ng mga dayuhang salita tulad ng Ingles at Pranses. Ipinakita ng mga Hapones at Kastila kung gaano nila kamahal ang kanilang bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik nila sa sarili nilang wika. Ang intelektwalisado nilang wika ay isa sa mga susi ng kaunlaran ng kani-kanilang mga bansa.

Sa ngayon, ang bansang Pilipinas ay ginagamit ang wikang pambansa, ang Filipino bilang lingua franca. Ang wikang ito ay kadalasang ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pakikipagtalastasan. Ngunit, ang wikang ito ay hindi pa gaanong nagagamit lalo na sa larangan ng medisina, agham at teknolohiya. Taliwas sa mga nakagawian ng mga Hapon at Kastila na nagagamit nila sa lahat ng bagay ang kanilang wika, ang mga Pilipino ay parang nakasanayan na ang paggamit ng wikang Ingles sa pagsulat ng mga pormal na dokumento. Halimbawa dito ang pasulat ng resumé kapag gustong ipakita ang mga natapos sa pinapasukang trabaho.

Bilang estudyante ng Political Science sa Pamantasan ng De La Salle, hangad ko sana na maintelektwalisa natin ang wika sa larangan ng Political Science. Sa paraang ito, lalong magiging malawak ang kaalaman ng mga ordinaryong Pilipino sa mundo ng pulitika. Maiiwasan din ang mga di pagkakaintindihan pagdating sa mga isyung pulitikal. Mas magiging kritikal ang pag-iisip at mas magiging makabuluhan ang kanilang partisipasyon sa iba’t ibang pulitikal na aktibidades tulad ng pagbibigay ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa ating bansa. Isang magandang halimbawa dito ang isyu tungkol sa layunin ng pamahalaan na baguhin ang ating Konstitusyon. Sa palagay ko, kapag nagkaroon na ng debate ukol dito at ang wikang ginamit ay Filipino, mas maraming ordinaryong tao ang makakaunawa kung kailangan na ba talaga o hindi dapat ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas. Kung Wikang Filipino ang gagamitin, wala ng dahilan upang malinlang ang mga tao ukol sa mga aspeto ng nasabing usapin. Kung lubos ang pagkakaintindi ng mga isyu ng bawat mamamayan, mas makakapagbigay ang bawat tao ng tamang mga opinyon o mga makabuluhang suhestiyon.

Dapat huwag nating ituon ang sisi sa pamahalaan kung saan sinasabi na kulang ang mga program nito upang mapabilis ang pagiintelektwalisa ng ating wika. Huwag nating agad ikumpara ang ating wika sa ibang wika tulad ng Ingles, Pranses, Mandarin at iba pang intelektwalisadong wika. Ilagay natin sa ating isipan na ang mga wikang ito ay ginagamit na daan-daang taon na ang nakaraan kumpara sa ating wika na ilang dekada pa lamang ginagamit. Sana’y lagi tayong maging mapanuri at maging maingat sa pagbibigay ng ating opinyon tungkol sa maselang usapin na ito.




Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
http://kiziatot.blogspot.com/2006/06/intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino.html

Tanong: Kung bakit hindi kailangang iintelektwalisa ang Filipino sa bansa.

Sagot:

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “intellectualized language”? Ayon kay Bonifacio P. Sibayan ang intellectualized language is a “language that can be used for giving and obtaining a complete education in any field of knowledge from kindergarten to the university and beyond”. Ngayon ang tanong ay kung kailangan bang gawin intelektwalisado ang Filipino?

Sa palagay ko hindi na kailangan iintelektwalisa ang Filipino sa bansa kasi mas magiging pahirap lang ito para sa mga Pilipino, lalo na sakin. (haha!) Kitang-kita naman sa panahon ngayon, hirap na hirap na ang mga tao (especially mga estudyante) sa Filipino at Ingles dahil sabay nila ito pinagaaralan. Hindi kami maka-focus sa isang lenggwahe kaya ang nangyayari naghahalo-halo lang ang mga salita sa mga utak namin.

Kahit makasarili ang dating ng opinyon ko, maging realistic naman tayo! Sa tingin niyo ba kayang maging intellectualized language ang Filipino sa loob lamang ng maikling panahon? Maaari itong mangyari ngunit kinakailangan ng mahabang panahon upang ito ay maisagawa. Kailangan ng mga taong may sapat na kaalaman sa wika upang ito’y maisakatuparan.

Mahirap makapagsulat ng mga salitang teknikal sa dahil karamihan nito’y walang katumbas sa Filipino. Mas mahihirapan ang mga taong gamitin ang Filipino dahil maraming pasikot-sikot pa ang kailangang gawin. Tulad na lamang ng mga programming languages sa Computer Science, wala naman itong katumbas sa Filipino. Ang mga salitang siyentipiko, matematika, at iba pang larangan ay mahirap bigyan ng katumbas sa Filipino.

Isa pang dahilan kung bakit mahirap gawing intelektwalisado ang wikang Filipino ay dahil tayo’y naimpluwensiyahan na ng banyagang kultura. At dahil Ingles ang universal language, tayo’y mas naaakit na pag-aralan ang wikang ito kaysa sa ating wika. Ang pag-unlad ay nakasalalay sa wika. Kaya nasa isip na ng mga tao na mas kailangan natin ang Ingles upang tayo’y makasabay sa pag-unlad ng ibang bansa. Kasi sa pahahon ngayon, ang mga taong fluent sa Ingles ang mga hinahanap ng mga kumpanya. Parang nagiging requirement na ang pagiging fluent sa Ingles pagdating sa pagrerecruit ng employees.

Karaniwang mas madali nating naipapahayag ang ating damdamin gamit ang Ingles kaysa sa Filipino. Ngunit kadalasan ding walang makakatalo sa karikitan at lalim ng mga salitang Filipino. Ganon yung sitwasyon ko ngayon. Medyo nahihirapan rin ako kasi minsan kailangan ko pang itranslate sa Ingles o sa Filipino para lang maintindihan ko ang isang bagay. Nakakapagod rin gawin yon noh! Kaya madalas na I’m at a loss for words kasi minsan wala yung term sa Ingles o sa Filipino.

Ngunit pagdating sa sining at literatura, mayaman na ang wikang Filipino. Ayon kay Bonifacio P. Sibayan, pagdating sa literature, ang wikang Filipino ay intelektwalisado. Sa palagay ko kaya ganun dahil subjective kasi ang perspective pagdating sa sining. At di ba nga kapag sa Filipino, napaka-poetic ng dating ng mga artists kaya benta o masarap gamitin ang wikang Filipino.

Baka naman mukhang hindi na ko Pilipino niyan dahil hindi ako sang-ayon gawing intelektwalisado ang wikang Filipino. Ito ay posible ngunit malabo dahil kailangan nating maging realistic sa mga nangyayari sa makabagong panahon. Maaari natin itong gawin ngunit mas maganda kung bigyang pansin na lang ang iba pang isyu ng bayan.




Monday, June 12, 2006
Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Pilipino
http://ayokosaberde.xanga.com/496072980/ang-intelektwalisasyon-ng-wikang-pilipino/


Pano ba, sa tingin mo, nabuo ang wikang Ingles na napaka-intelektwalisado, ika nga nila? Binuo kaya nila ito para maintindihan sila ng ibang tao dayo sa ibang dako ng daigdig? Binuo kaya nila ito para sa pakikipagugnayan nila sa mga dayuhan? Sa aking opinyon, binuo ang wikang Ingles, at ang mga libo-libong wika sa mundo, dahil nais ng mga tao (sa kani-kanilang mga sariling lugar) na magkaintindihan sa kanilang mga kasama at hindi para sa ikaaalam ng mga dayuhan. Kaya ang aking tayo sa gawaing ito ay hindi pagkakaintelektwalisado ng wikang Pilipino.

Sa aking opinyon, ang wikang Pilipino ay isang napakagandang rosas na may tinik na nakakasakit, at ang pula ng dugo ng mga natutusok ay dumadaloy patungo sa kanyang ulo. Sa madaling salita, ang wikang Pilipino, sa kanyang sarili, ay repleksyon ng kasaysayan ng Inang Bayan. Ito ay isang kultural na salamin ng ating pagiging Pilipino na dinarama ang buhay ng mga bayaning ninuno. Upang mabigyang ebidensya ang aking mga sinusulat, ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa. Ang salitang pamilya ay umuugat sa salitang ”familia”, galing sa wikang Kastila, kung di kaya’y galing din ito sa salitang ”family”, galing sa wikang Ingles. Sa ating kasaysayan, makikita natin na ang Pilipinas ay sinakop ng parehong Español at mga Amerikano kaya bakit nating nais na baguhin pa ito?

Kasama pa sa aking katayuan ay ang pagiging henyo ng mga Pilipino sa pagbago ng wika. Kung ating titignan, maraming mga salitang Pilipino ang ibinago upang sumunod sa mga panahon. Gawin nating halimbawa ang salitang ”tol”. Nanggaling ito sa salitang utol, na galing sa salitang putol, na galing sa salitang kaputol. (alam ko mayroon pa yang isang pinanggalingan. Hindi ko lang maalala kung ano basta ang ibig-sabihin ay ”kaputol ng umbilical cord”) At ngayon, ang salitang tol ay ginagamit para mapakita ang pagkakaibigan at kapatiran sa pagitan ng mga tao. Oo, ito’y impormal, ngunit natutupad naman ng salita ang kanyang layunin. Kumbaga, ang wikang Pilipino ay nag-eebolb ng tuloy-tuloy mula sa simula ng kasaysayan natin.

Upang tuluyan kong mapatunayan ang aking katayuan, magbibigay ako ng halimbawa na nagpapakita ng dalawang dahilan na akin nang nabanggit. Ating tignan ang salitang “amputsa”. Ito ay nanggaling sa salitang “ampucha”, na nanggaling sa grupo ng mga salitang “anak ng puta”, na kapag isinalin sa wikang Ingles ay “son of a bitch.” Ang mga Amerikano, ang nagdala ng wikang Ingles sa Pilipinas (isang yugto ng kasaysayan) at maaring narinig natin itong mura na ito (son of a bitch) at isinalin sa tagalong. Hindi lang yaan! Hinayaan pa nating mga Pilipino na mag-ebolb itong mura na ito para hindi siya masyadong mahirap sabihin. Episyente, ika nga. Makasaysayan at tuluyang nagbabago ang wikang Pilipino pati na sa isang bagay tulad ng mura.

Sa ika-iikli ng aking sinulat, ang pagbabago ng wikang Pilipino upang ito’y maging intelektwal ay hindi dapat isinasadya. Hayaan na nating mahubog ang ating wika sa kanyang sariling bilis. Ito’y dahil ang ating wika ay isang salamin ng ating pagiging Pilipino at ang sadyang pagbabago nito ay isang paraan ng paghampas sa ating kultura (eksahirado, oo, pero mali parin para sa akin






Sa tulong na mga artikulong iyong nabasa, mapapansin na naipakita ng kani-kaniyang nilalaman (ng mga nasabing artikulo) ang boses ng mga kabataan ng kasalukuyang Filipinas.
Sa artikulong ito, bumalong ang mga suliraning naging epekto ng mga suliraning binanggit ni Bonifacio P. Sibayan sa kanyang artikulo: Ilang Suliranin tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipino.
Subalit hindi rin maikakaila, kung ang kontekstuwal na aspekto din lamang ng mga nasabing artikulo ang pagbabasehan, na pumapaimbabaw pa rin sa mga kabataan sa ngayon ang patuloy na pakikipaglaban nila sa pambansang wika. Dumadaloy pa rin sa kanila ang dugong Filipino. Dahil sa mga artikulong ito naipararating nila ang kanilang mga sentimiyento at mga hinuhang sa akala nila’y makatutulong sa pagpapahalagang pangwika…
Ngayon, hindi na kailangang banggitin pa ang mga suliraning bumalot sa kalamnan ng bawat tekstong iyong nabasa. Hindi ko na rin pahahabain pa ang pagtalakay sa mga suliraning nailahad ni Sibayan sa kanyang artikulo. Ito ay sa dahilang ang mahalaga ay ang paghanap ng ibayong solusiyon sa problema, hindi ng ibayong problema sa solusiyon.
Ngayon na umabot ka na sa bahaging ito, sana sa tulong ng mga suliraning nailantad, kapulutan mo nawa ng aral ang ilang mga solusiyong sa aking hinuha ay makatutulong sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa . Uulitin ko, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa aking mga nahihinuhang solusiyon, kaya huwag mong kalilimutang magdagdag pa, hindi ng problema kundi ng solusiyon…
1. Mahalin ang wikang Filipino sa abot ng iyong makakaya.
2. Gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng oras, larang at lahat ng pagkakataon
3. Maging mulat sa lahat ng usaping pangwika.
4. Maging simula ng magandang pagbabago
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Tinatao ko na saimo an honra
Na tapuson an
sa estorya ko
Sana makatao ka nin marahay na ending
Sa urulay-ulay tang ini
Sa inusip ko saimo…