Martes, Disyembre 28, 2010

HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG

Paghahanda: Reaksiyong Papel Ika-18 ng Desiyembre 2010
ni Ricafrente, Leo B.

FILIPINO 214
HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG
ni Pat V. Villafuerte

Paunang pagkilala sa akda:

Ang kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ni Pat V. Villafuerte ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa nakaraang ika-52 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Sanggunian: http://www.webmanila.com
Paunang pagkilala sa mga tauhan ng akda:

a. Hermano Huseng – kababata ng nagsasalaysay sa kuwento, bagamat walong taon ang
agwat sa gulang
- bunso sa apat na magkakapatid na pulos lalaki ng mag-asawang Tata Pulo at Nana Docia, nanatiling binata
- mula sa angkan ng mga anluwage
- Tanging, sa apat na magkakapatid na lalaki ang hindi sumasama sa ama kapag may batarisan o kapag nangingibang-bayan para mag-anluwage. Mas ginusto pa nitong magsulat ng mga tula. Mas kinahiligan pa nitong mag-alaga’t magpalaki ng mga itik at bibe.
- malalim ang pananaw sa buhay, maurirat sa mga isyung pulitikal
- laking Tungkong Bato, isang natutulog na baryo sa San Antonio
- ayon sa paniniwala, ang anak na tumangging humawak ng pait, katam, lagare at martilyo ay tinawag ng Hermano Huseng

b. tagapagsalaysay - kababata ni Hermano Huseng, saksi ng buong naging buhay ng nasabi
- bugtong na anak ng mag-asawang maggugulay
- laking Tungkong Bato, lugar sa kuwento – Cabanatuan, Nueva Ecija
- may lihim na pagtingin kay Hermano Huseng
- binansagang Ka Hermana ni Hermano Huseng
c. Tata Pulo - isang anluwage na siyang ama ni Hermano Huseng; isang maestro
karpintero ng kanyang panahon ---namana niya ito sa kanyang ama na
namana naman ng huli sa ama ng kanyang ama

- Bagamat itinuturing na pinakamahusay kumarkula ng mga kahoy at kawayan kahit hindi nakatuntong man lamang ng unang grado sa paaralang-bayan, siya ay walang inaaksayang gamit. Maging ang mga pinagtabasan at pinagkatamang kahoy ay kanyang nagagamit sa ibang paraan. Ang kayang katwiran, “Dapat panghinayangan ang alinmang bagay na natatapon. Ang lahat ng ‘yan ay may paggagamitan.” Pag-uwi mula sa pinaggawaan, sunung-sunong niya ang mga lumabis na pira-pirasong yero, kahoy at kawayan. Maayos na isasalansan sa silong ng bahay. Dudukutin sa bulsa ang naipon at nahinging mga pako na may iba’t ibang sukat at isisilid sa isang lumang lata, kasama ng naipon ding maliliit na lapis na bagong tasa.


d. Nana Docia- mabait, maalalahaning may-bahay ni Tata Pulo
- namayapa ( mag-iisang taon) matapos ang halos magdadalawang taon na ring pamamayapang asawang si Tata Pulo

e. Mga kapatid na lalaki ni Hermano Huseng

1. Kuya(panganay) ni Hermano Huseng –
- nakapangasawa ng isang Sebuwanang namasukang katulong sa tahanan ng isang mayor
- Sa munisipyo nagtatarabaho ang
2. Diko ni Hermano Huseng
- itinanan ang dalawang taon nitong nobya na taga-Aluwa; sa bayan na ng babae( May minanang kiskisan ng palay ang babae nang mamatay ang mga magulang nito at ito ang kanilang pinagkikitaan) nanirahan

3. Sangko ni Hermano Huseng
- nagpapakasal na rin sa kasintahan nitong nasa kabilang ibayo (Maestra sa isang publikong paaralan ang napangasawa nito.)
- ( Nagtayo ng maliit na tindahan ang mag-asawa at ito ang kanilang pinalalago. )
-
f. Impong Gande - nagpaanak sa magkababata

g. Tata Roman – nagtuli sa magkababata

h. Ka Santan – isang kasapi sa kilusang binuo o kinaaaniban ni Hermano Huseng

- Lihim na naging kasintahan ni Hermano Huseng na siyang nais niyang pakasalan at pakisamahan habambuhay. Ito ay dahil “Kasal ang tanging halinghing ko kay Ka Santan. Ito ang huling halinghing ko, masaya na ako para sa aking sarili.” – mga pahayag ni Hermano Huseng



Daloy ng Reaksyon:

Ang kabuuan ng kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ay halos umikot sa tatlong mahahalagang konteksto ng buhay ni Hermano Huseng, siyang kababakasan na sa mismong pamagat pa lamang ng kuwentong nabanggit.

Huling Hiling: Iskuwala
Carpenter’s square iskuwala
n: isang parisukat na bakal na ginagamit ng mga karpentero; na mas malaki kaysa sa isang parisukat na subukan
http://tl.w3dictionary.org

Mapapansin sa mga pangunahing pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura nito, ang kalamnan ng simula ay tumatalakay sa HULING HILING ng pangunahing tauhan matapos mamatay ang ama nito dahil sa katandaan. Ito ay ayon na rin sa mga nasasaad na pangyayari sa wakas nito:
“Kinabukasan, inihatid namin sa kanyang huling hantungan ang labi ni Tata Pulo. Mangilan-ngilan lamang ang nakipaglibing. Ni hindi sumipot ang mga taong natulungan ng matandang anluwage. Payak na libing ito para sa isang henyo ng paggawa. At sa paglisan ng apat na magkakapatid ay baon nila ang naiwang yaman ng amang anluwage: Martilyo ang pinili ng panganay, lagare ang inangkin ng pangalawa, katam ang kinuha ng pangatlo at iskuwala ang tanging hiling ng bunsong si Hermano Huseng sa kanyang ina.
“Bakit iskuwala?” ang tanong ko kay Hermano Huseng habang inihahatid ko siya sa sakayan.
“Hindi ako kailanman nakatulong kay Ama sa panahon ng kanyang pag-aanluwage. Sa mga gamit ni Ama, ang iskuwala ang hindi na gaanong ginagamit sa panahong ito hindi tulad ng martilyo, lagare at katam,” ang sagot ni Hermano Huseng. “Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para kay Ama.”

Sa kaunting pagsusuri sa nilalaman at estruktura ng simula ay sadyang pansin na pansin ang pagkapayak nito. Sadyang wala itong ikinaiba sa kumbensiyonal na pagbabalangkas sa panimula ng isang tradisyonal na maikling kuwento. Sa simula, lantarang naibigay na ang patiyak at papahiwatig na pagkilala sa buhay o/at paglalarawan sa mga tauhan, lalong-lalo na kay Hermano Huseng, ang pangunahing tauhan, at sa isang kababatang (ang tagapagsalaysay) may lihim na damdamin sa kanya.
Ngunit, upang hindi tayo malayo sa kahilingan ng pangunahing tauhan, ipinahiwatig sa pagwawakas ng panimula ng kuwento ang tunay na dahilan kung bakit ganun na lamang ang naging kahilingan at damdamin ni Hermano Huseng sa pagtanggap ng huling naiwang yaman ng kanyang yumaong ama. Ipinahiwatig dito ang kababaan ng pagtingin sa sarili ng pangunahing tauhan.
Kung mapapansin din, ang kuwento ng simula ay halos may kaugnayan sa kabuuang nilalaman ng kuwentong Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes, dahil sa kalapitan nito sa buhay ng pangunahing tauhan at sa buhay ng isang pamilyang Filipino.
Bilang karagdagan, ayon sa isang sayt sa internet, http://wiki.answers.com, ang ilang bahagi ng tulang nasusulat sa kuwento ay mula sa isinulat na tula ni Villafuerte, ang may-akda, na ang pamagat ay "Pagsuko: Isang Manipestasyon".



Huling Hinaing: Kalatas
Letter kalatas: n. letter. syn. sulat; liham; sanaysay.

Lamentation Hinaing: n. PANAGHOY

http://www.bansa.org
Kung susurii man din, mapapansin naman sa isa pang pangunahing konteksto ng mga pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura at kalamnan ng gitnang bahagi nito, ay tumatalakay sa Huling Hinaing: Kalatas ng pangunahing tauhan .
Kabababakasan sa bahaging ito ng kuwento ang ilang mahahalagang pangyayaring nagsasalaysay ng tunay na kinasapitan ng tirahan ng pamilya ni Hermano Huseng, sa tulong ng matanglawing pagkukuwento ng tagapagsalaysay.
Ang sumusunod ay ang ilang bahagi ng kalagitaang mga pangyayaring nasasaad sa pangalawang kahilingan ng pangunahing tauhan ng kuwento:
Paglabas ko ng bahay, sinundan ko ang mga yapak sa putikang lupa hanggang sa gilid ng aming bahay, katapat ng aking hinihigaan. Isang nakarolyong papel ang nakita kong nakaipit sa kapirasong butas ng dingding: Binasa ko ang nakalahad:


i. Sama-samang pagsigaw
Sa langit nakatunghay,
Sama-samang pagkilos
Sa lupa nakalaan.
ii. Dugo ang itinitik
Sa telang inuusig,
Silakbo yaong himig
Ng pusong humihibik.
iii. Bawat awit at tula
May tarak ng pagpuksa
Bawat ningas ay siga
Sa pugon ng pagluksa.
Kayat ngayon na ang panahon para hubdan ang nakamaskarang mukha ng lipunang pag-aari ng mapagbalat-kayong mga dayuhan! Ipagtanggol ang karapatan ng mga aping manggagawa! Isulong ang demokrasyang pipigil sa mapagsamantala’t mapanlait na naghaharing uri! Mabuhay ang tunay na kasarinlang makapipigil sa karukhaan ng sambayanang Pilipino! Isulong ang pambansang pakikibaka!

Sa likod ng kalatas ay nakasaad ang ganito: Nasa kalatas na ito ang aking hinaing. Pag-aralan mo ang isinasaad ng kalatas at ipaliwanag ang kahulugan sa ating mga kanayon. Nasa loob ng munting baul ang mga polyeto, kasama ang mga kalatas na katulad nito. Ipamudmod mo sa ating mga kanayon. Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para sa bayan.
Sa ganitong pagwawakas, isang kamalayan ang tunay na ipinaglalabang prinsipyo at paniniwala ng pangunahing tauhan. Dito napapaloob ang pagkasangkot ng isang kalatas na kinapapalooban ng mga hinaing sa buhay-lipunan ni Hermano Huseng.





Huling Halinghing: Kasal
neigh, whinny, moan, groan, bemoan
groan
maghinagpis v.
1 halinghing, buntong-hininga, bumulung-bulong, panaghoy, ungot, ingitan:
groaning sa paghihingalo.
2 magreklamo,
bumulung-bulong, angal, objek, sumumpa,
maghinagpis
n: isang pagbigkas, pagpapahayag sakit o pagsalungat [syn: (halinghing)]
v: magpahiwatig ng sakit, paghihirap, o sama ng loob
v. tumaghoy, o manangis makalungkot o mapaiyak o halinghing para sa isang nawala
Ang salitang ‘halinghing’ ay matutunghayan din na ginamit sa tulang isinulat ni Jose Corazon De Jesus - Biyolin

A homo sapien with a male genetalia. Disgracing the human race from time to time
http://plaridel.tumblr.com


http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/halinghing.html
http://tl.w3dictionary.org/index.php?q=halinghing

Sa bahaging ito ng kuwento napapaloob ang mga matitinding pangyayaring bumalikwas sa harang ng maskara, pagkukubli o kasinungalingan, o ika nga ay dekahong ideolohiya sa buhay, sa panig ng tagapagsalaysay at ilang tauhan sa kuwento. Laman din nito ang hindi matatawarang labanan sa panig ng katotohanan at kasinungalingan; maging sa katahimikan at pagbabagong pansarili sa likod ng karahasan, bali-baling pagkamit ng hustisiya sa lipunan at pagkagising mula sa hindi mulat na katotohanan.
Ang mabigat pa, ang bahaging ito ng kuwento ang nagbunsod kay Ka Hermana na magpaalam sa taong kanyang lihim na minamahal. Subalit ito ang sa wari ay magdudulot ng tunay at hindi matatawarang kalayaan.
Nagising ako sa katotohanang hindi nga pala maaaring mangyari ang lahat. Salamat sa iyo na nagpatibok ng aking puso. Salamat sa alaala. Maramng salamat sa isang napapanahong pagpapamulat. Paalam.
Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa walang lingon at salit-salitan kong paghakbang. Kayhaba na ng aking nalakbay. Habang daan, pumapalaot sa diwa ko ang huling saknong ng tulang sinulat ni Hermano Huseng na ipinabasa niya sa akin kamakalawa ng gabi:
Kaysarap sanang maging malaya kung ang laya’y
Di malalambungan ng pagsisisi o pag-aalipusta.
Bawat makata’y isang laya sa diwa at dugo.
Bawat diwa’y isang bala ng poot,
Bawat patak ng dugo’y isang punlo ng dangal.
Ngunit,
Hindi sa pamumundok,
Hindi sa paghawak ng armas
Nasusukat ang ang lakas at giting,
Hindi sa lawakang paglusob at pananakop
Nakakamit ang laurel at kamanyang,
Kundi sa loob ng ating sarili.
Laban sa gutom.
Laban sa hirap.
Laban sa ligalig.
Laban sa daigdig.
Sa daigdig ng napasukong daigdig.
Sa ibang banda, sa pagwawakas ng kuwento, hindi man hayagang sinabi, ang may-akda ay nagpa-iral ng kaniyang kalayaang buhayin ang pangunahing tauhang si Hermano Huseng. Gayunpaman, sa kaniyang kapangyarihan ng panulat, kinitil niya ang tauhang pinakamamahal ng pangunahing tauhang nabanggit---na siyang nagbigay pag-asa kay Ka Hermana na ipaglaban ang kaniyang matagal nang natatagong lihim na damdamin.

35 komento:

catherine ayon kay ...

maganda...maayos na nailahad ang mga impormasyon..maraming salamat:)

Unknown ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Unknown ayon kay ...

Angkop ba ang pamagat

Unknown ayon kay ...

Ogag kayung lahqt tangina nyo

Unknown ayon kay ...

Hayop ka

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Kailan isinulat ni patrocinio v. Villafuerte Ang akdang iyan?

Unknown ayon kay ...

Bakit huling hiling at halinghing ni her husenh ang piniling pamakat ng akda

Unknown ayon kay ...

Ano ang katatayuan ng panitikan sa panahon na naisulat ang patrocinio villafuerte ang akdang ito.

Unknown ayon kay ...

Baket ba nga ba?

Unknown ayon kay ...

Why naman kayo ganyan

Unknown ayon kay ...

LUH ASA KAYO?

Unknown ayon kay ...

Kiss nyo pwet ko

Unknown ayon kay ...

Kiss mo muna pwet ko

Unknown ayon kay ...

Ano ang halimbawa ng kahalintulad na taihan

Unknown ayon kay ...

Okay sige

Unknown ayon kay ...

Kailan isinulat ung kwento mga pre?

Unknown ayon kay ...

ano ang nais ipabatid ng kuwento sa mambabasa

Unknown ayon kay ...

disyembre 18,2010

Unknown ayon kay ...

noong disyembre 18,2010

Unknown ayon kay ...

kamalayan upang patalsikin ang mga dayuhan

Unknown ayon kay ...

kailan isinulat ang kwento

Unknown ayon kay ...

Hi

Unknown ayon kay ...

Ano po ba ang ipinaparating/ipinapabatid ng kwentong iyan??

Unknown ayon kay ...

Kailan it usinulat

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Baho mo

Unknown ayon kay ...

Kailan po ito isinulat

Unknown ayon kay ...

Ang panget mo

Unknown ayon kay ...

Kahalintulad na tauhan ni ka santan

Unknown ayon kay ...

Sino ang kahalintulad na tauhan ni Hermano Huseng?

Unknown ayon kay ...

At ng iba pa bwahaha

Unknown ayon kay ...

Inamo lods baho ng hininga mo

Unknown ayon kay ...

ibigay ang mga pag uugali ng mga pilipino na masasalim sa akdang ito?

Unknown ayon kay ...

ibigay ang mga pag uugali ng mga pilipino na masasalim sa akdang ito?

Unknown ayon kay ...

ibigay ang mga pag uugali ng mga pilipino na masasalim sa akdang ito?

Unknown ayon kay ...

pogi ko