Paghahanda: Ika-13 2010
FILIPINO 211– Malikhaing Pagsulat
Ricafrente, Leo B.
Pokus ng Paglalahad:
Maikling Kuwentong TAGUAN at Pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO
Masskara Festival
ako ay isang maskara…
“…di pa ako handa…”
ito ang lagi kong sambit sa tuwing tinatanong nila ako…
di ko kailangan ng galit… tama nang naghihirap ako sa mga pagkakamali ko. kailangan ko
ng kaibigan…
uupo sa tabi ko… kung saan ako iiyak… sasandal… kukuha ng kalakasan at pag-asa…
matiyagang maghihintay kung kailan mabubuo muli ang
puso at tiwala ko…ilang beses na sinubukan ko
pero sa bawat pagkakataon bumabalik ako sa isang sulok - sa isang sulok na walang kaibigan
kundi ang maskara ko…
“di pa ako handa…
kaya dito muna ako hihimlay.”
http://salikodngmaskara.blog.friendster.com/tag/bakit-ka-nakamaskara/.
Kumusta ang iyong naging pagbabasa? Okey ba? Sana mataman o malimi mong nabasa ang una hangggang sa mga huling piling salita ng pahayag. At sana’y naunawaan mo ang mga ito?
Kumusta rin pala ‘yung background picture ng mga nasabing pahayag? Okey rin ba? Nawa’y nakita mo yaong mga bagay na ‘di nakikita o ayaw makita ng iba—na mismong sila ri’y ‘di makita-kita sa kanilang mga sarili ang mga yaon…Tumawa ka ba? Hehehe
Kung natamaan ka na sa mga naunang pahayag hayaan mo’t sinisigurado ko sa’yo na mas matatamaan ka pa lalo nitong sunod mong mga mababasa pa—kung gusto mo pang ipagpatuloy ang iyong ginagawang pagbabasa.---dahil simula pa lamang ‘yan.—ANG TAO SA LIKOD NG KANYANG MASKARA.
Tao
Minsan,
Usok.
Minsan,
Likido.
Minsan,
Bato.
Minsan,
Gelatin.
H A L OH A L O
Pagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay-bagay sa mundo na halos malawak at talagang sapul ang iyong buong kamalayan--ang kamalayang may kakintalang kinakailangang umukilkil sa buo mong pagkatao.
Ngayon, ito ang iyong pagsubok: tumingin ka sa isang salamin. Tandaan na ang pagiging mulat mo sa harapan nito ay napakahalaga. Kung ‘di mo kilala ang taong nasa harapan nito, masasabing may problema; ang problemang ito ay hindi ang salamin kundi ikaw.
Tayo, ika nga, bilang tao ay nilalang ng Diyos na sadyang Kanyang nilikha di lamang sa dahilang para tayo’y mabuhay kundi upang hanapin at harapin ang buhay na nasa atin. Isa na nga rito ay ang patuloy na pakikipagsapalaran natin upang ating makilala ang mga totoo’t sariling pagkatao ng bawat isa dito sa mundo.
Tulad na lamang ng sa maikling kuwentong TAGUAN at sa pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO, halos kababakasan ito ng puspos, totoo’t lubhang masasalimuot na kuwento ng buhay. ---Ika nga, ang buhay ay mahirap talagang ipaliwanag. Totoo nga naman, ‘di ba?
Sa pormalistikong pananaw, sa mga pamagat pa lamang ng nabanggit na mga anyo ng panitikan ay kakikitaan na ang mga ito ng pagkakatulad. Kapwa inilalahad ng dalawa ang naturalesa ng tao—ang hilig nitong magkubli ng kanyang sariling kabuuan. Mapanlihim. Sinungaling. Manloloko, o sa madaling salita ay Makasalanan. Mahirap man tanggapin ngunit dapat.
Gayunpaman, kung praktikalidad din lamang ang pag-uusapan, sadyang umiikot ang mga kuwento nito sa iisang paksa: ang realidad ng buhay ng tao—na saklaw ng Realismong pananaw. Ang mga ito ay sadyang makatotohanan, kaya kailanma’y hindi mapupuwedeng hindi tanggapin.
Tara, Kagurangnan Maria, pano ka nin gracia.
An Kagurangnan tang Dios yaon sa imo.
Pinaorog ka karahay sa mga babae gabos,
asin orog pa karahay an sa imong Aki si Jesus.
Santa Maria, Ina nin Diyos,
kaming makasalan ipamibi mo kami ngonyan
asin sa paghingagdan niamo. Amen.
Sa usapang pananampalataya, ANG TAO ay NAKATAGO pa rin SA LIKOD NG KANYANG MASKARA. Mahirap at nakahihiya man itong tanggapin subalit kailangan at dapat. Ang tao, sa kanyang ganang sarili, ay bilanggo sa impluho ng kanyang sariling kapabayaan. Ihalimbawa na natin ang panonood pa lamang ng nasabing pelikula, maliban na lamang ‘dun sa isa na nabasa. Isa na itong halimbawa ng kapabayaan. Isa na itong kasalanan. Isa na itong paraan para itago natin ang totoong pananampalataya sa Diyos. Nasasabi ko ito sa dahilang nagawa naming panoorin ang nasabing pelikulang ANG LIHIM NI ANTONIO nang biglang umiksena nang ‘di inaasahan--- ang pautal-na bugso ng mga panalanging nagmula sa napag-iwanang bukas na radyo sa faculty room.
Matapos ang nasabing eksena’y pumailanlang ang sunod-sunod na tawanan ng lahat sa amin. Ang sabi ko pa nga : Ang nangyaring ‘yan ay isang signos—paalala sa kasalanang nangyayari ng mga panahong ‘yun. Samakatwid, ika nga sa Ingles, we should act what we preach. Pero ang nasabing pangyayaring yaon ay nagsilbing hudyat upang matuto sa sarili ang lahat.
Sabi ni Ankol sa aki niya---Nonoy ko, ibakal mo daw ako nin
mga bulong na ini na nakasurat sa papel.
Pagkabakal kan aki----Pa, tudi na po su pigpabakal mo.
Ang sabi kan ama sa aki---Noy basahon mo daw ni saro-
saro.
Aki---Biogesic, Tempra, Medicol…
Ankol---Salamat noy. Pwedeng sarong baso pa nin tubig…
Ang edukasyon ay nagsisimula sa pamilya. Ang ama’t ina ay sa anak at ang anak sa magulang
Sa ibang banda, ang mga kuwento ng dalawang panitikan ay umiikot sa usaping pamPAMILYA. Kakikitaan ang mga ito ng mga sitwasiyong lantaran at patungkol sa mga kaganapang nagpapakilala sa isang pamilyang Filipino. Halos magulang ang problema ng mga tauhan. Halos trahedya rin ang naging wakas. Lantarang diskriminasyon sa lipunan ang umiiral; tulad na lamang ng diskrimansiyong ipinakikita sa kuwento ng Agta:
ANG AGTA
Sarong agta ang nagbaba sa Naga haling Isarog para lang mag-aplay nin
trabaho: P A G K A S O L D A D O S !
Ang sabi kan agta pagkaabot pa lang sa hatubangan ni Sarhento Pungol:
Agta: Sir, gud morning…maray na aga, abang guwapuhon mo man sir!!@!
Sir: Anong toyo mo man digdi?!
Agta: Ma lang sir. Uya ako para aplay sa pagkasoldados Sir!!
Sir: Dai ka puwede…tiripio ka na, burungi pa!!!
Agta; Tano po sir, ang gira ngunyan KARAGATAN NA?!
Ayaw kong sabihing kakaunti lamang ang mga pagkakaibang mapapansin sa dalawang anyo ng panitikang nabanggit—dahil ang totoo ay mahirap talagang matuldukan ang kaibahan ng dalawa sa iba’t ibang konteksto. Kung tutuusin, ‘di sapat na batayan ang mga teoryang pampanitikan upang mapunan ang mga kaisipan at konseptong napapaloob sa mga ito.----subalit, ika nga, upang mapunan ang mga kakulangan ng isang kabuuan kinakailangang may mangahas upang makilala o matukoy man lamang ang mga kaisipang ito---kung pag-uusapan ang pagkakaiba-iba.
Kung teknikal na usapan ng pelikula, ang pangunahing tauhan ay hindi minolestiya ng ama kundi ang tiyuhin nito. Sa maikling kuwentong Taguan, ang ama ang nagmolestiya sa anak, ngunit di sa pangunahing tauhan. Sa kuwento ring ito, ang tatay ay walang hanapbuhay ngunit sa pelikula, ang tatay ay mayroon.
Bilang panapos, iiwan ko saiyo ang mga piling saknong ng tula ni khaisarez sugui
Sa likod ng maskara
Nakatago ang isang lihim
Lihim ng tunay na pagkatao
Nagkukubli sa bakod ng buhay.
Ang pagtatago ng tunay na ikaw
Ay pagpapahirap sa sarili
Takot na malaman ng iba
Ang tunay na hangarin sa buhay.
Nalilito sa katotohanan
Hindi alam kung ano ang paniniwalaan
Taong mga nagsisinungaling o
Mga taong hindi alam kung totoong tao.
Ngunit ang pagiging ikaw ay mahalaga
Ang pagpapakatotoo ay importante
Hindi ka magiging buo kung ikaw,
Nagtatago lamang sa isang maskara.
Dapat matutunang ipakita ang ikaw,
Magiging kompleto ang buhay
Kung ikaw ay magpapakita ng katatagan
At pagharap sa realidad ng buhay.
Huwag lang basta magtago,
Sa mga luhang inilalabas ng mga mata
Ang pagpapakita ng kahinaan
Pagpapakita na wala kang silbi.
Tanggalin ang maskara sa iyong buhay,
Hanapin ang tunay na pagkatao
Alamin ang mithiin sa buhay
At ikaw ay makakamit ang tunay na kaligayahan
Biography: I'm Khaisarez. My real name is Brigittee Consuelo C. Sugui from The Philippines. 'Khaisarez', 'Ezka', 'Kaisar' is my code name. I often use Khaisarez as my codename because its the combination of the names of my own characters. But my friends often called me as Kaisar.
I live in the place where beautiful nature is found but in place where problems about the biggest economic crisis was found. I'm only 14 years old a third year high school in Ilocos Norte Colloge of Arts and Trades.
1 komento:
pwede papost iyong blogspot link ni khaisarez sugui...
Mag-post ng isang Komento